Sira agad ang umaga ko. Dito natulog si Dina at hanggang ngayon nandito pa din siya sa bahay. Pati kay Auntie ay naiinis na din tuloy ako, dahil hinahayaan niya ang babae na mag-stay dito. Hindi ako sumalo sa kanila na mag-breakfast. Umakyat ako sa taas at bumalik sa paghiga. Kulang ako sa tulog. Kaso hindi ako makatulog. Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa babae na nakaupo sa kubo habang sarap na sarap sa paghigop ng kape. Tuwang-tuwa sa kape namin na imported. Nasa tabi niya si Hendrix na nakatanaw sa may palayan. Napatingin sa akin ang lalake pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Pumasok ako sa kuwarto ko upang kunin ang aking bathrobe. Maliligo na lang muna ako bago matulog. Hindi ako mapakali...ganoon din ang isip ko. Gulong-gulo na ako at yamot na yamot sa lahat ng mga bagay. I was planning to go to Manila next week. Nag-iisip pa ako ng idadahilan ko, o puwede namang huwag na lang ako magdahilan. Pagkatapos kong maligo, nasa kusina na sina Dina at Hendrix. Napairap ako
"Nag-lunch ka ba kanina?" tanong niya nang lumayo ako sa kaniya. Pero hindi din gaano makalayo dahil hawak pa din niya ang kamay ko. Ayaw niya akong bitawan kahit ano'ng gawin kong hila. Ayaw niya akong paalisin. Bakit ba siya nakikialam sa buhay ko? At bakit ko siya hinahayaan na pakialaman ako? "Mag-lunch na muna tayo," aya niya. Hindi ako nagugutom. Kung nanginginig at nangangatog man ang katawan ko, iyon ay dahil sa matinding galit. Nanginginig ako dahil hindi ko maibuhos ang galit na nararamdaman ko. Hinila niya ako. "May kainan sa gilid ng SM," sabi niya. Bakit hindi sa loob ng SM? Pero hindi na lang ako nagsalita. Nagpatianod ako sa paghila niya. Napakurap ako nang makita ko ang kainan na tinutukoy niya. "Gusto ko sa jolibee," sabi ko. "Sakto lang ang pera ko," sabi niya. Sakto lang pala ang pera niya pero sumama pa siya dito. "Masarap ang fried chicken nila dito. Malinis din." Bumuntong hininga ako. Wala din naman akong choice. Alam ko naman na hindi din siya papayag ka
Umabrisyete ako sa kaniya. Tiningnan niya ang braso naming magkadikit bago tumaas ang tingin niya patungo sa aking mukha. Nagpa-cute naman ako sa kaniya sabay sandal ng ulo ko sa kaniyang balikat pero hinawakan niya ang ulo ko upang pigilan ako. "Para sasandal lang, e..." reklamo ko habang nakanguso. "Stop what you're doing," banta niya. Akala naman niya matatakot niya ako sa pagbanta-banta niya. Ngumuso ako sabay tingala sa kaniya kaya lang muli niya akong pinigilan. Tumawa ako. I was just kidding. Iiling-iling siyang nag-iwas ng tingin. Kinalas lang niya ang kamay ko na nakalingkis nang huminto ang tricycle. Pagbaba namin nagulat ako nang makita ko ang babae na nakatayo sa labas ng bahay ni Auntie. Kasama niya sina Auntie, Tita at Ranna. Ngumiti siya at kumaway. Nagmamadali naman akong lumapit sa kaniya upang yakapin siya. "Mommy! Nandito ka.""Nag-aalala kasi ako sa'yo, saka na-miss kita..." Naiiyak tuloy ako. "Nag-aalala din ako sa'yo, Mommy.""Mommy is fine, Anak. Saan ka
Nakanguso kong binigay kay Hendrix ang aking mga test papers. Pinipigilan ko ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Nagtaas siya ng kilay. Mukhang pinag-isipan pa muna kung tatanggapin niya o hindi. Baka kinakabahan na siya. Five mistakes, four, three and two mistakes. Mahina akong tumawa nang nasa huling dalawang test papers na siya. Perfect ko ang Science and English. I bit my lower lip while waiting for his reaction. Tumingin siya sa akin. Nang bumaba sa aking labi ang kaniyang mga mata, nag-iwas siya ng tingin. "So?" Nandito kami sa taas. Hinila ko siya dito para may privacy kami, since we're going to kiss. Nag-toothbrush na din ako kanina, while waiting for him. "Ipunin na muna natin," sagot niya na kinabagsak ng balikat ko. I shook my head. "That's not fair!" Siya naman ang umiling. "Umupo ka na. Pag-aralan natin itong Filipino test paper mo."Naiinis akong tumingin sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. He started writing. "Kailan? When are you going to kiss me?"
Sa ibang US kami mag-celebrate ng Christmas at new year ni Mommy. Araw-araw kaming nag-travel at shopping. Bago mag-new year, dumating si Daddy. May dala-dala siyang madaming regalo para sa amin ni Mommy. Mga luxury brands na dati ay tuwang-tuwa akong matanggap mula sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na ako natutuwa na tumanggap ng regalo sa kaniya. Ang simple lang naman ng gusto kong ibigay niya sa akin, sa amin ni Mommy. Iyon ay bumalik kami sa dati. Buo at masayang pamilya. He didn't spend new year with us. I was asking him to stay, pero kung ano-ano ang ginawa niyang dahilan para lang umalis. And he really thought that I believed him. Sino'ng tanga ang maniniwala sa kaniya? Imbes na masaya ako, nalungkot lang ako. How I wish he didn't came if he didn't intend to stay and celebrate new year with us. He didn't want to change. He didn't want to be a new and changed person. How I hate him. Sana hindi na lang siya ang naging daddy ko. "Huwag ka ng malungkot," pang-aa
Valentines ngayon at ngayon ang araw ng punta namin ni Hendrix sa city. Pero syempre hindi lang kaming dalawa ang aalis. kasama namin si Ranna and that's totally okay sa akin. Huwag lang talaga si Dina dahil baka pag-umpugin ko sila ni Hendrix. Napagitnaan namin ni Ranna ang kaniyang kuya. At dahil maaga akong gumising kanina, nakaramdam ako ng antok. Sumandal ako kay Hendrix. Hindi pa ako nakuntento dahil niyakap ko ang kaniyang kamay. Hindi naman siya nagreklamo, pero pansin ko na halos hindi na siya humihinga. Hindi din naman ako nakatulog sa buong byahe dahil kung ano-ano ang mga bagay na pumapasok sa isip ko. Like ang bango-bango ni Hendrix. I wanted to kiss him and gosh! Bakit more than kiss na ang naiisip ko na gagawin namin? Gross! Ang bata ko pa. Kiss level pa lang ako. I'm too young for sex. Ang bango-bango ni Hendrix. Hindi naman expensive ang pabango niya pero sarap na sarap akong singhutin. Alas-dies nang dumating kami sa city. Bigayan ngayon ng allowance nilang mga
Graduation day.Hinalik-halikan ako ni Mommy nang matapos ang programa. Sila lang ni Auntie ang um-attend ng graduation ko. Wala si Daddy. He called last night, saying he's so proud of me. Pinakita daw sa kaniya ni Mommy ang mga test papers ko. Sa lahat ng perfect hanggang sa 3 mistakes may reward daw akong matatanggap mula sa kaniya. It's on the way na daw ngayon. Nag-ambagan ang mga parents namin para sa potluck after the program pero plano na naming umuwi. May handaan din kasi sa bahay. Celebration para sa amin ni Ranna. "Amelia!" Lumapit sa akin si Robi. He hugged me before giving me his gift. Lahat naman sila ay binigyan ko ng gift. Ilang linggo ko ding pinag-isipan ang ibibigay ko sa kanila. "Pupunta ka bukas?" tanong niya. May outing kami bukas. Lahat kami graduates. "Yeah, pupunta kami ni Ranna," sagot ko naman. He greeted my mom and then went back to his friends. Hindi pa kami nakauwi agad dahil madaming lumapit sa akin upang makipag-pa-picture. Gutom tuloy ang inabot k
Nag-rent na lang ako ng tricycle pauwi, para naman makaupo kami. Hindi namin sinama si Dina. Matanda na siya, kaya na niyang umuwi mag-isa. Alas-dies na nang makauwi kami. Nadatnan namin ang mga oldies na nanonood ng drama. Naglatag sila ng ilang mattress dito sa sala. Dito na lang daw kami matulog. Nasa magkabilang gilid ko sina Mommy at Auntie. Si Dina naman at Hendrix ay pinagitnaan ang kanilang mama. Sa gilid nakahiga si Hendrix. Napagod ako kaya inaantok na ako. Hindi lang ako makatulog agad dahil malakas ang volume ng pinapanood nila. "Uuwi na ako bukas," sabi ni Mommy kaya nagbukas ako ng mga mata. "Ayusin ko lang ang schedule ko. I'll text you, kapag magbabakasyon na tayo." "Okay, Mommy." Niyakap ko siya. Mabigat na kasi ang talukap ko. Tanghali ng umalis si Mommy. Umiiyak na naman ako. Dati wala akong pakialam kahit iwanan nila ako sa mansyon kasama ang mga katulong. Ngayon, iba na ang lahat dahil mas naging close na kami. Naiintindihan namin ang isa't isa. Kami ang ma