Share

CHAPTER 27

"Nag-lunch ka ba kanina?" tanong niya nang lumayo ako sa kaniya. Pero hindi din gaano makalayo dahil hawak pa din niya ang kamay ko. Ayaw niya akong bitawan kahit ano'ng gawin kong hila. Ayaw niya akong paalisin. Bakit ba siya nakikialam sa buhay ko? At bakit ko siya hinahayaan na pakialaman ako?

"Mag-lunch na muna tayo," aya niya. Hindi ako nagugutom. Kung nanginginig at nangangatog man ang katawan ko, iyon ay dahil sa matinding galit. Nanginginig ako dahil hindi ko maibuhos ang galit na nararamdaman ko.

Hinila niya ako. "May kainan sa gilid ng SM," sabi niya. Bakit hindi sa loob ng SM? Pero hindi na lang ako nagsalita. Nagpatianod ako sa paghila niya.

Napakurap ako nang makita ko ang kainan na tinutukoy niya.

"Gusto ko sa jolibee," sabi ko.

"Sakto lang ang pera ko," sabi niya. Sakto lang pala ang pera niya pero sumama pa siya dito.

"Masarap ang fried chicken nila dito. Malinis din."

Bumuntong hininga ako. Wala din naman akong choice. Alam ko naman na hindi din siya papayag ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
hala ka jan Amelia yang distraction na yan baka yan din ang magpapaluha sayo pagdating ng araw heheh pero nakakakilig din talaga sila kahit simpleng gestures plng ang nangyayari heheh ang ganda ang inosenti ni Hendrix hahah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status