Share

CHAPTER 14

Umuwi pa din akong talunan. Mag-overnight si Dina sa bahay nina Hendrix. Dumating din kanina ang iba nilang mga kaklase. May tatapusin daw silang project.

Malungkot akong nagpaalam kay Ranna.

"Bantayan mo ang Kuya mo, huh?"

"Oo. Hindi pa iyan puwedeng mag-asawa kaya babantayan ko talaga."

Mabigat ang katawan ko na umuwi. Hindi din naman maganda na doon ako matulog kaya umuwi na lang ako. At isa pa wala silang kutson. Nakahiga sila sa lapag, may sapin lang na mat.

"Buti at umuwi ka na. Akala ko mag-aasawa ka na," biro ni Auntie pagdating ko. Mabigat akong naupo sabay nguso.

"Tinatanong pala ng Mommy mo kung kailan ang JS prom niyo."

Ngayon na nabanggit ni Auntie, naalala ko na may meeting nga pala sa Monday ng hapon.

"Baka iyon ang agenda ng meeting on Monday afternoon, Auntie."

"Okay. Mag-halfday na lang ako sa trabaho n'on. Excited na ang mommy mo para sa prom."

Hindi ako excited kasi I'm sure uupo lang ako doon hanggang sa matapos ang program. At saan naman ang magiging venue k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
ayyyy ang ganda talaga heheh
goodnovel comment avatar
Solly Canoza Paulo
misssss A,superrr lav ng storyyyy nakka bata...️...️...️...️............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status