Confident ako na nasa dalawa o tatlo lang ang mistakes ko sa exam ko. Tatlong subject ang t-in-ake kong exam ngayong morning class. Naunang natapos ang klase ng special section kaya si Ranna ang naghintay sa akin ngayon. Kumaway siya sa akin. Parang ilang linggo pa lang naman ako dito pero ang dami ng nagbago. Hindi ko gusto ang lugar na 'to at hanggang ngayon ay ganoon pa din naman ang nararamdaman ko. Gaya ni Ranna, I didn't plan to be friends with her naman from the start, but here we are. At isa sa hindi ko gusto dati ay gusto ko na ngayon, si Hendrix. Bumili muna kami ng drinks bago kami nagpunta sa puwesto namin. "May dala akong dessert." Sinobrahan ko na dahil alam kong mag-uuwi siya sa Kuya at Mama niya. Nagningning naman agad ang mga mata niya. Isa ito sa gustong-gusto kong feeling kapag may dala o binibigay akong pagkain kay Ranna. The innocence in her eyes. "Selemet..." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. And then I remember what I have said yesterday. She chuckl
Umuwi pa din akong talunan. Mag-overnight si Dina sa bahay nina Hendrix. Dumating din kanina ang iba nilang mga kaklase. May tatapusin daw silang project. Malungkot akong nagpaalam kay Ranna. "Bantayan mo ang Kuya mo, huh?""Oo. Hindi pa iyan puwedeng mag-asawa kaya babantayan ko talaga."Mabigat ang katawan ko na umuwi. Hindi din naman maganda na doon ako matulog kaya umuwi na lang ako. At isa pa wala silang kutson. Nakahiga sila sa lapag, may sapin lang na mat. "Buti at umuwi ka na. Akala ko mag-aasawa ka na," biro ni Auntie pagdating ko. Mabigat akong naupo sabay nguso. "Tinatanong pala ng Mommy mo kung kailan ang JS prom niyo."Ngayon na nabanggit ni Auntie, naalala ko na may meeting nga pala sa Monday ng hapon. "Baka iyon ang agenda ng meeting on Monday afternoon, Auntie.""Okay. Mag-halfday na lang ako sa trabaho n'on. Excited na ang mommy mo para sa prom."Hindi ako excited kasi I'm sure uupo lang ako doon hanggang sa matapos ang program. At saan naman ang magiging venue k
Sinara ko ang mga bintana na kinakunot ng noo ni Hendrix. "I'll open the AC...""Hindi naman gaano mainit.""Naiinitan ako. Saka mas maganda kung bukas ang AC," giit ko. Baka kasi bumalik dito si Dina at sumilip sa pintuan o bintana. Lalakasan ko din ang speaker para hindi namin marinig ang boses niya kung sakaling tumawag siya mula sa labas. Moment namin 'to ni Hendrix. Masaya ang araw ko at hindi ako makakapayag na masira lang ito dahil sa kaniya. Si Daddy ang nagbabayad ng electric bill at nagbibigay ng pang-grocery kaya it's okay to turn on the AC anytime I want. Hindi naman nila ako tinipid kahit dinala nila ako dito sa probinsya. But I can't still forgive them for doing that to me. Dito kami sa three-seater sofa nakaupo na tatlo. Nasa gitna namin si Hendrix na nakatutok ang tingin sa tv sa aming harapan. Hindi ako gaanong mahilig sa movie, pero dahil interested siya sa movie na 'to, I need to pretend that I'm interested too. Mukhang gutom siya. Nakalahati kasi niya agad iyo
Feeling ko sinasadya ni Dina ang lahat. Imposible namang araw-araw ay may group project, activity o group assignment sila dahil heto na naman siya, kasama ni Hendrix sa pagsundo sa amin. Nakasimangot tuloy ako na umuwi. Paano naman kami magkakaroon ng moment kung may asungot? Wala kaming schedule ng tutorial ngayon. Puro weekends na lang ang kaya ni Hendrix dahil madami siyang loads sa school. At sa gabi minsan kailangan pa niyang pakainin ang alaga niyang kalabaw. Nakasimangot akong bumaba ng tricycle, habang si Dina naman ay nakangiti. Ngiti na alam kong may pang-iinis dahil feeling niya nanalo na naman siya. "Bye, Amelia!" Nginitian ko si Ranna saka kinawayan. Di bale, babawi ako sa weekend. Pero nakakainis talaga si Dina. Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya? Kulang na lang ay doon siya tumira kina Hendrix, ah. "Bakit wala ka na naman sa mood?" tanong ni Auntie habang kumakain kami. "Wala lang..." Ayaw ko namang sabihin sa kaniya ang tungkol kay Dina, dahil aasarin lang
Hanggang sa matapos ang movie hindi man lang kami nakapagtitigan ni Hendrix. Nakasasama ng loob. Mas gusto ba niya ng maitim at mapeklat kaysa maputi? Kaso sobrang puti ko at makinis din. Tumayo ako at hinatid sila sa front door. Pagbukas ng pintuan ay nakaabang na din agad si Dina. Nakangiti ito kay Hendrix. Napasinghap si Ranna at napatingin sa akin. Nagkakaunawaan naman kaming nagtinginan. "Bye, Amelia," paalam niya. "Bye! See you tomorrow!"Naglakad na sina Dina at Hendrix. May sinasabi ang babae dito ngunit hindi ko maintindihan. Mukhang sinisiraan pa niya ako kay Hendrix. I was pouting while looking at them. Paano ba maging ideal girl ng isang kagaya niya? Sabi ni Ranna gusto daw ng Kuya niya ng mabait... Puwede naman akong maging mabait pero sa piling tao nga lang. Kaya ekis na ako doon. Matalino, siguro dito na lang ako mag-focus. Nagbasa ako ng notes ko para bukas. Gusto kong ipakita kay Hendrix na may natututunan ako sa pag-tu-tutor niya sa akin, kaso nakatulugan ko lan
It's a busy week for us na third year and fourth year, dahil sa prom. Inabot na kami ng gabi sa practice. Lunes pa lang pero sobrang pagod na. Ang init pa sa gymnasium kaya kanina pa ako pinagpapawisan. "Ang sakit ng paa ko," reklamo ko kay Ranna nang palabas na kami ng gate. "Okay lang iyan. Minsan lang naman 'to," sagot naman ni Ranna na para bang hindi tinablan ng pagod. She's super excited for the prom. Nakangiwi akong lumabas ng gate, pero nang makita ko ang lalakeng naghihintay sa amin, nabura ang pagod ko. Sinundo kami ni Hendrix. "Hi, Hendrix!" bati ko sa lalake. Mukhang umuwi muna siya sa bahay nila, saka bumalik upang sunduin kami. Nauna pa akong lumapit sa kaniya. But then I remembered that I was sweaty all day, so umatras ako na kinakunot ng noo niya. "Mag-tricycle na lang tayo. Ang sakit ng paa ko all day," inunahan ko na siya. Hindi ko na talaga kaya pang maglakad. Isang kilometers pa man din ang lalakarin namin.Naupo na muna kami at naghintay ng tricycle na dadaa
Sumilip si Ranna sa may pintuan ng aking room. Friday ngayon kaya half day lang ang klase niya. Sinenyasan ko siya na pumasok. "Hinanap kita kanina sa school, pero sabi ng classmates mo, absent ka daw."Tipid akong ngumiti. "Yeah, may lagnat ako. Siguro sa pagod 'to. Ang init kasi sa gymnasium.""Kumusta ka?" tanong niya na kinatahimik ko pero kalaunan ay ngumiti na din ako. "I'm fine." Kailangan kong ipakita na okay lang ako. "Mabuti naman kung ganoon," sagot niya ng may bahid ng pag-aalala sa kaniyang mukha. "Yes. Dito ka na lang kumain, ha. Mamaya ka na din umuwi kapag hindi na mainit." Hindi ako magbabago sa aking kaibigan. Wala naman siyang kasalanan. At wala ding kasalanan si Hendrix kung hindi niya talaga ako gusto. "S-Sige.""Huwag kang mailang." Ngumiti siya. "Medyo nahihiya lang ako dahil sa nangyari kagabi." I fake a laugh. "I'm fine." I need to be okay. Saka magiging tutor ko pa din ang Kuya niya, dahil maayos siyang magturo, and besides I need to get a good grades
Napasinghap ako nang makita ko si Hendrix sa labas. Siya ulit ang nagprisinta na sumundo sa akin? Napatingin ako sa phone ko. Walang reply si Auntie sa text ko kanina. Hindi ko dinadala ang phone ko sa school dahil wala naman akong ka-text bukod kay Mommy at Auntie. Saka gabi din naman kami nag-uusap ni Mommy kaya iniiwan ko sa room ko. Ang laki na ng pinagbago ko, di ba? Yeah. Hindi naman kasi picture worthy ang place.I hesitated to approach him. Nauna na lang akong maglakad at heto nga nakasunod na siya agad sa akin. Nakapasuksok ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng suot niyang jeans. Wala siyang dalang bag, ibig sabihin nakauwi na siya. At bakit na naman siya nagprisinta? "Let me carry your bag," sabi niya pagkatapos ng ilang minuto. "Huwag na..." But then lumapit pa siya sa akin. Halos magdikit na kami. "Ako na ang magbibitbit." Nakakairita pero dahil mapilit siya, binigay ko na lang sa kaniya. "Maghintay na lang tayo ng tricycle." Saan? Sa waiting shed? Huwag na