Akala ko hindi na babalik si Hendrix kaya inis na inis ako kanina. Nasa baba na daw siya sabi ni Auntie. Nagpalit muna ako ng damit bago ako bumaba. Wala ako sa mood habang tinuturuan niya ako. Hindi ako tumitingin sa kaniya at wala din ako sa sarili. "You've not listening."Bumuntong hininga ako. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kaya nayayamot na din ako. "Wala ako sa mood," sagot ko pagkaraan ng ilang sandali. "Kailangan mo pa ding mag-aral. Malapit na ang long quiz niyo. Hindi puwedeng bumagsak ka." But that didn't motivate me pa din. Nangalumbaba ako. Napakurap naman siya habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Talagang giniit niya na mag-aral ako. Limang math problem lang ang natapos namin sa buong two hours dahil wala talaga ako sa mood. "Sige, bukas na lang. Gagawin ko na din bukas iyong project mo." Nakatingin siya sa akin. Nanatili naman akong nakaupo habang hawak ang pisngi. "Aalis na po ako, Auntie," paalam niya. Lumapit naman si Aunti
Last day na magtuturo si Hendrix sa akin. May natutunan naman ako dahil maayos siyang magturo. Pero paano na ako kapag tapos na niya akong turuan? At ano ba ang pagkaka-busy-han niya? Ayaw ba niya ng pera? Alas-sais y media nang dumating siya. Naka-civilian siya and he looks cute. Cute? Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng matinong damit aside from his polo na school uniform niya. Pero syempre luma pa din ang shoes niya at bag. Siguro naman nakabili na siya ng bago niyang brief. Baka sinusuot pa din niya iyong may butas. Nagsimula na kami sa lesson. Binigyan niya ako ng madaming activity at natagalan ako sa pagsagot sa mga ito. "Kumain na muna tayo mamaya na ulit iyan," sabi ni Auntie kaya tumayo na ako. Inaya ko si Hendrix pero hindi ko na siya pinilit pa dahil hindi naman na kailangan iyon. Kakain siya dito dahil gabi na at baka abutin pa kami ng nine sa lesson namin. May long quiz kami sa apat na subject bukas, kaya kailangan kong mag-aral ng husto. "Ilang linggo kang magig
Kinuha ko iyong paper bag at dinala sa labas. "Oh, akala ko ba bibigyan mo na sila?""Ayaw kong bigyan iyong babaeng iyon.""Ikaw talaga. Mag-aral na lang kasi tayo. Hayaan mo sila. Baka mamaya makahalata pa si Kuya. Mas maganda na hindi niya alam na may gusto ka sa kaniya." "Paano naman niya ako mapapansin kapag hindi niya nalaman na gusto ko siya? E di, mas lalong wala akong pag-asa.""Hindi dapat tayo ang naghahabol sa lalake, Amelia. Nagka-boyfriend ka na ba sa Manila?"Umiling ako. "Hindi pa. Suitors lang." "Wala kang lalakeng nagustuhan na gaya ng pagkagusto mo kay Kuya?""Wala. Kasi wala naman sa isip ko ang bagay na iyon.""Iyon naman pala, e. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo. You're not even eighteen. Menor de edad ka pa, kaya mas malabong mapansin ka ni Kuya at maging kayo."Parang mas lalo tuloy akong nawalan ng gana na mag-aral. Binabasa ni Ranna ang mga notes ko. Nakahiga naman ako at nakatitig sa kalangitan. I'm wearing my shades."Hindi ka naman nakikinig, e. Gus
Nandito pa din ako sa ospital. At hindi pa gaanong maganda ang pakiramdam ko. Alas-otso na ng umaga at oras na ng pag-inom ko ng gamot. "How are you feeling?" Absent ako sa school at pati si Auntie ay absent din sa kaniyang work. "Better than yesterday, Auntie," sagot ko sa namamalat na boses. Tuyo ang pakiramdam ng aking lalamunan. Napatingin ako sa mesa na puno ng mga pagkain. "Dumaan nga pala si Hendrix kanina. Nagbigay ng saging. May sulat din si Ranna sa'yo."Sumigla ako ng kaunti, pero nang maalala ko ang nangyari kahapon, na-cringe ako. Nakakahiya kay Hendrix. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Binasa ko ang sulat ni Ranna. Get well soon lang naman ang nakalagay, pero natuwa ako dahil bukod kay Reigna pakiramdam ko totoong kaibigan ko din siya. Nagpadala si Mommy. Pero dahil busy daw siya hindi na ito tumuloy sa pag-uwi. Ayos lang din naman sa akin. As much as possible ayaw ko siyang nag-wo-worry sa akin. Though, I appreciate it. Mahalaga pa din pala ako sa kaniya. Kumain
Chapter 12Maaga kong hinintay si Hendrix. Tuturuan niya ako ngayon dahil nay exam ako bukas. Special exam since nagkasakit ako. Tumulong pa ako kay Auntie sa paghahanda ng snacks. Gumawa siya ng chocolate moist cake. Pansin ko na mahilig silang magkapatid ng ganito. Baka sa ganitong paraan, magustuhan niya ako. Dumating si Hendrix bandang alas-dies ng tanghali. Gumawa siya ng sampung Math problems at nang matapos ay ginawan naman niya ako ng mga questionaire ng mga possible na lumabas na tanong sa exam ko bukas. Nakapag-review ako kagabi, kaya confident ako na madami akong tamang sagot. Sa math lang talaga ako nahihirapan dahil na-c-confuse pa din talaga ako. Hindi ko pa tapos sagutin ang fifty items na questions nang dumating si Dina. Nasira agad ang araw ko. Nawalan tuloy ako ng ganang mag-aral. Pumasok siya dito sa loob kahit hindi naman siya welcome. Tiningnan niya ang ginagawa ko bago siya sumilip sa sinusulat ni Hendrix. Humawak pa siya sa balikat ng lalake making me irri
Confident ako na nasa dalawa o tatlo lang ang mistakes ko sa exam ko. Tatlong subject ang t-in-ake kong exam ngayong morning class. Naunang natapos ang klase ng special section kaya si Ranna ang naghintay sa akin ngayon. Kumaway siya sa akin. Parang ilang linggo pa lang naman ako dito pero ang dami ng nagbago. Hindi ko gusto ang lugar na 'to at hanggang ngayon ay ganoon pa din naman ang nararamdaman ko. Gaya ni Ranna, I didn't plan to be friends with her naman from the start, but here we are. At isa sa hindi ko gusto dati ay gusto ko na ngayon, si Hendrix. Bumili muna kami ng drinks bago kami nagpunta sa puwesto namin. "May dala akong dessert." Sinobrahan ko na dahil alam kong mag-uuwi siya sa Kuya at Mama niya. Nagningning naman agad ang mga mata niya. Isa ito sa gustong-gusto kong feeling kapag may dala o binibigay akong pagkain kay Ranna. The innocence in her eyes. "Selemet..." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. And then I remember what I have said yesterday. She chuckl
Umuwi pa din akong talunan. Mag-overnight si Dina sa bahay nina Hendrix. Dumating din kanina ang iba nilang mga kaklase. May tatapusin daw silang project. Malungkot akong nagpaalam kay Ranna. "Bantayan mo ang Kuya mo, huh?""Oo. Hindi pa iyan puwedeng mag-asawa kaya babantayan ko talaga."Mabigat ang katawan ko na umuwi. Hindi din naman maganda na doon ako matulog kaya umuwi na lang ako. At isa pa wala silang kutson. Nakahiga sila sa lapag, may sapin lang na mat. "Buti at umuwi ka na. Akala ko mag-aasawa ka na," biro ni Auntie pagdating ko. Mabigat akong naupo sabay nguso. "Tinatanong pala ng Mommy mo kung kailan ang JS prom niyo."Ngayon na nabanggit ni Auntie, naalala ko na may meeting nga pala sa Monday ng hapon. "Baka iyon ang agenda ng meeting on Monday afternoon, Auntie.""Okay. Mag-halfday na lang ako sa trabaho n'on. Excited na ang mommy mo para sa prom."Hindi ako excited kasi I'm sure uupo lang ako doon hanggang sa matapos ang program. At saan naman ang magiging venue k
Sinara ko ang mga bintana na kinakunot ng noo ni Hendrix. "I'll open the AC...""Hindi naman gaano mainit.""Naiinitan ako. Saka mas maganda kung bukas ang AC," giit ko. Baka kasi bumalik dito si Dina at sumilip sa pintuan o bintana. Lalakasan ko din ang speaker para hindi namin marinig ang boses niya kung sakaling tumawag siya mula sa labas. Moment namin 'to ni Hendrix. Masaya ang araw ko at hindi ako makakapayag na masira lang ito dahil sa kaniya. Si Daddy ang nagbabayad ng electric bill at nagbibigay ng pang-grocery kaya it's okay to turn on the AC anytime I want. Hindi naman nila ako tinipid kahit dinala nila ako dito sa probinsya. But I can't still forgive them for doing that to me. Dito kami sa three-seater sofa nakaupo na tatlo. Nasa gitna namin si Hendrix na nakatutok ang tingin sa tv sa aming harapan. Hindi ako gaanong mahilig sa movie, pero dahil interested siya sa movie na 'to, I need to pretend that I'm interested too. Mukhang gutom siya. Nakalahati kasi niya agad iyo