Share

CHAPTER 4

Nakakatamad pumasok sa school, kaso I have too, dahil kung hindi mapag-iiwanan ako. Hinatid ako ni Auntie sa school pero hindi na niya ako sinamahan pa na mag-enroll. Binilin niya ako sa kaniyang kaibigan na magiging classrooms adviser ko.

"Ang ganda mo, Amelia. Kamukha mo ang Mommy mo." Sa pagkakaalam ko, kaibigan din siya ni Mommy noon.

Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Nakita ko pa lang ang mga classrooms hindi na ako natutuwa.

Hinatid ako ni Mrs. Mendez sa loob ng aming classroom. Nagsisimula na ang klase kaya pinakilala ako ng teacher sa buong klase.

"Upuan mo na muna iyong bakante, hija," utos nito. May nakaupo daw sa bakanteng upuan sa gitna kaso absent siya ngayon.

I feel bored. Nakatitig ako sa harapan pero ang isip ko ay lumilipad sa Manila. Naalala ko ang school ko. Mga kaibigan ko at ang aking bff. Nagtataka na siguro siya ngayon kung bakit hindi ako pumasok at kung bakit hindi niya ako ma-contact.

Namalayan ko na lang na iba na pala ang teacher na nasa aming harapan and she's calling for my attention.

Tumayo ako upang magpakilala. I also answered some of her questions na I don't think kailangan pang tanungin. Nagsinungaling ako sa sagot ko sa tanong niya na bakit ako lumipat dito sa probinsya at sa public school pa.

Half daw lang ang klase ngayon dahil may meeting daw ang mga faculty. Kaso ang problema ko ngayon ay kung paano ako uuwi sa bahay ni Auntie.

And damn it! Hindi din niya ako binigyan ng susi.

Problemado ako habang palabas ako ng classroom. Maingay ang mga kaklase ko. Exited silang mamasyal, dahil nga half day.

Inaaya ako ng isa sa mga kaklase ko na lalake pero tumanggi ako. Ang init-init. At saka plano lang naman nilang magpunta sa bundok.

"Manguha tayo ng buko." Eh, hindi naman ako kumakain ng ganoon, unless gawing salad. Pero kaunti lang din ang kinakain ko na desserts. Ganoon pala ang bonding dito, sa halip na mag-mall, manood ng sine, mag-bar at mag-party, dito naman ay pupunta ng bundok just to get some fresh buko.

"Next time na lang," sabi ko dahil kinukulit pa din nila ako hanggang sa makalabas na kami.

"Amelia!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. She looks cute in her uniform. Kamuntik ko pa siyang hindi makilala dahil iba ang itsura niya kapag maayos ang kaniyang damit. Bago ang suot niyang uniform. Maputi ang kaniyang blouse at hindi kupas ang suot na skirt.

Hinintay ko siya na makalapit sa akin. "Pauwi ka na? Sabay na tayong umuwi," sabi niya.

"Sige. Hindi ko din alam kung paano umuwi." Alangan naman na maglakad ako pauwi. Ang init na din kaya.

Naglakad na kami hanggang sa may gate, nang mapahinto kami dahil sa grupo ng mga babaeng estudyante na nakaharang sa aming daraanan.

"Ang guwapo niya talaga!" Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila and I don't care either. Nakakainis dahil nakakasagabal na sila sa daan.

"Lapitan mo..." bulong ng mga babae.

"Nahihiya ako, e. Kunwari itulak niyo ako papunta sa kaniya."

Duh? Nakakainis naman ang mga malalanding 'to. At siguraduhin lang nila na guwapo iyang pinag-uusapan nila, dahil kung hindi ako ang magtutulak sa kanila sa kanal.

"Excuse me," anas ko habang pigil at nakakapagtimpi pa ako. Sumiksik ako at kasabay naman n'on ang pagtutulakan nila. Kaya sa halip na iyong babae ang matulak, ako ang bumangga sa matigas na likod ng lalake.

"Ouch!" reklamo ko. Kamuntik pa akong madapa, mabuti na lang at mabilis akong nahawakan ng lalake. Napatitig ako sa kaniyang kulay tsokolate na mga mata na nakatingin din ngayon sa akin.

He's wearing a white polo na mukhang ginamitan ng Tide na sabon. Sobrang linis niyang tingnan at amoy ko din ang fabcon na gamit sa kaniyang damit.

"Kuya, wala kayong klase?" tanong ni Haranna na nakaagaw sa pansin namin ng lalake na may hawak sa akin. Mabilis kaming lumayo sa isa't isa.

"Wala. Wala kayong klase?"

"Wala, Kuya. Tara, uwi na tayo."

"Amelia, tara na," aya sa akin ng babae.

Nagsimula na silang maglakad.

"Hindi ba tayo sasakay?" tanong ko nang makahabol ako sa kanila. Ang bilis kasi nilang maglakad. I'm wearing my four inches wedge pa man din.

"Hindi. Malapit lang naman," sagot ni Haranna.

Hindi naman malapit iyon, e. Binagalan nila ang paglalakad. Haranna also shared her umbrella with me.

Pero dahil sa four inches na sandals ko, nangalay ang kaniyang kamay. Kinuha ni Drix ang payong, dahil mas matangkad siya sa amin.

Napatingin ako sa kaniya. Tinaasan naman niya ako ng kilay at saglit lang akong tiningnan.

Nang makarating kami sa kurbada, nanakit na ang aking mga paa.

"I can't walk na. We need to ride na lang," sabi ko sa kanila.

"Walang jeep na pumapasok sa atin," sagot ng babae.

"Wala bang ibang puwedeng sakyan? Hindi ko na talaga kaya. And I'm wearing a wedge..."

"Girls don't wear wedge at your school."

"Puwede sa school na pinanggalingan ko," masungit na sagot ko kay Hendrix. Pero infairness ang sexy ng accent niya. Ang guwapo niyang magsalita ng english.

What the fuck did I just say?

Naalala ko na naman ang panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko siya. At sa panaginip ko, mahal ko daw siya. Pero imposible namang mangyari iyon dahil hindi siya pasok sa aking standard.

May huminto na sasakyan sa gilid namin. I don't even know what to call it. Pero it's a motorcycle na may shade.

"Kuya, can you hatid us?" Napatanga ang driver sa amin.

"Let's just walk."

Hindi ko pinansin si Hendrix. Hindi ko na talaga kaya.

"Let's go na." Hinila ko si Haranna papasok. Hindi kami kasyang tatlo sa loob kaya sa likod na lang ng driver sasakay si Hendrix. Wala din naman siyang nagawa kundi ang sumakay.

Masikip sa loob ng sasakyan pero ayos na din ito.

Pagbaba namin sa tapat ng house ni Auntie, hinanap ko ang aking wallet. May hundred's ako dito, e. Binigay ni Auntie kanina.

Naglabas din ng wallet si Hendrix pero naunahan ko siya.

"Ako na ang magbayad," sabi ko. Ako naman ang nagpumilit na sumakay kami kaya it's on me.

"Hindi na."

"No. I insists."

"Heto po, Manong." Inabot ko sa kaniya ang three hundred. Tag-one hundred kaming tatlo.

"Fifty lang, Amelia," sabi naman ni Haranna.

Binawi ko ang two hundred. "Keep the change, Kuya."

"Thank you, Amelia," pasalamat ni Haranna. Para iyon lang. Hindi na niya kailangang magpasalamat pa.

Ngumiti ako at nauna nang maglakad papuntang bahay, kahit na hindi ko naman mabubuksan ang house dahil wala akong key.

"May susi ka?" tanong ni Hendrix.

"Wala." Ngumuso ako. Tiningnan naman niya ang kaniyang relo. Alas-dose pa lang ng tanghali. Four pa uuwi si Auntie kaya ilang oras pa akong maghihintay.

"Samahan ko na muna siyang maghintay, Kuya," prisinta ni Haranna. Well, ayaw kong makipagkaibigan, pero tingin ko I really need some company today.

Tumango si Hendrix bago tumalikod at naglakad. Tumawid siya ng ilog at diretsong nilakad ang ricefield.

"Saan ang bahay niyo, Haranna?"

"Iyong kubo sa dulo ng palayan," turo niya. Malapit sila doon sa puno kung saan ako umupo noon.

"Ano'ng work ng mama mo?" Wala akong maisipang topic kaya nagtanong na lang ako about her family.

"Minsan labandera, tindera o kaya naman ay nakiki-ani ng mais at palay."

That's hard.

"Nasaan ang Papa niyo?"

Ngumiti siya. Akala ko patay na pero mukhang complicated lang.

"Nasa pamilya niya."

Oops!

Pinilit niyang ngumiti. May hiya at pagkailang sa mga ngiti niya.

"Don't worry, hindi ako tsismosa at hindi kita ija-judge." Hindi din naman perpekto ang buhay ko. Pero kahit hindi perfect, ang pinagkaibahan lang namin ay may pera ako. Hindi katulad nila na mukhang pinabayaan na sila ng kanilang padre de pamilya.

"Ayos lang. Alam naman na ng mga tao dito." Ngumiti siya.

"Kaya nagsusumikap kami ni Kuya na makapagtapos ng pag-aaral. Para mabigyan ng maginhawang buhay si Mama."

"Malapit ng magtapos ang Kuya mo, so I bet matutupad na iyon." Teka, ako pa ba 'to? Bakit parang ang bait ko?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
baka Papa nila mayaman tapos may unang pamilya heheh
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status