Green. Puro green lang ang nakikita ko sa daan habang nasa biyahe kami papuntang probinsya. Mga bundok, tanim at mga baka at kalabaw na kumakain ng damo. Wala man lang akong makitang mga buildings, shopping malls or coffee shop. And what's this? Isang bar lang ang signal?
Humalukipkip ako kasabay ng paghaba ng nguso ko sa inis. Si Mommy naman na nasa aking tabi ay tahimik lang. Sobrang lalim ng kaniyang iniisip. Tinitigan ko siya ng ilang minuto. My beautiful mother. Napakaganda niya pero hindi siya masaya sa lalakeng pinili niyang mahalin. Naaawa ako at the same time naiinis din ako sa kaniya. At mas nagagalit pa ako ngayon sa kaniya at kay Daddy dahil sa desisyon nilang dalhin ako sa probinsya. "Mommy..." "Dito ka titira hangga't hindi ka nagtitino, Amelia," sabi niya. "I promise hindi—" "That's too late. Pinagsabihan na kita noon pa. Anak naman, mag-aral. Iyon lang ang kailangan mong gawin pero bakit nahahaluan ng iba ang pag-aaral mo. Pinagbibigyan ka naman namin sa mga luho mo pero itong lagi ka na lang nasasangkot sa gulo. Hindi na namin 'to mapapalampas. So, yeah. Staying with your auntie will make you learn a lesson." "Nakakainis!" himutok ko. Siya lang ang naghatid sa akin. Si Daddy ay nagpaiwan dahil hindi daw niya puwedeng iwanan ang kaniyang negosyo. But I doubt it. Syempre wala si Mommy sa bahay kaya malaya ulit siya sa mga bagay na gusto niyang gawin. Iyon siguro ang dahilan kung bakit malalim ang iniisip niya. "Magpakabait ka na, Amelia." I sighed. Mabait naman ako, ah. Gulo lang ang lumalapit sa akin. Mabait naman ako, pero mabilis mag-init ang ulo ko lalo kapag ganiyan na hinahamon ako. Wala akong inaatrasan na laban. Hindi ako isang loser at iyakin. Hindi ako nakatulog sa byahe dahil ang dami kong iniisip. Hindi yata ako makaka-survive sa lugar na 'to. And also I'm thinking about Mommy. Pumarada ang sasakyan namin sa harapan ng isang two storey na lumang bahay. Minama pa ito ni Auntie Berlin sa kaniyang lolo at Lola. Mukhang haunted house. Baka hindi man lang ako makatulog ng maayos sa bahay na 'to. Lumabas mula sa malaking pintuan ang isang maganda at matandang dalaga. Auntie Berlin choose to spend her entire life alone in this house and in this province. Gusto daw niya ng payapang buhay kaya kahit inaaya siya ni Mommy na tumira kasama namin, tinanggihan niya ito. Nahuli akong bumaba ng sasakyan. Nakasimangot at nakapamewang habang nakatingin sa buong paligid. Mga puno, mga palayan, mga manok na maingay, mga kambing na mapanghi at meh nang meh at bibe! Urgh! I don't really like it in here! "Amelia," tawag ni Mommy sa akin dahil hindi pa din ako lumalapit. Nakangiti naman si Auntie na naghihintay na lumapit ako para mayakap niya. Pinilit kong ngumiti bago humalik sa pisngi ni Auntie. "Ang bilis mong magdalaga. Belated happy birthday..." Mabuti pa si Auntie, naalala ang birthday ko. Suminghap si Mommy. Hindi ko alam kung bakit may mga magulang nakalimutan ang kapanganakan ng kanilang anak. I'm their only daughter. Hindi ba mahalaga ang existence ko sa mundo at sa buhay nila? "Tara na sa loob, para makapag-agahan na kayo," aya ni Auntie pero hindi ako gumalaw.. "Mamaya pa po ako kakain," sabi ko naman. Napatingin ako sa mga grupo ng mga bata na nasa malapit na river. There's a little river about twenty meters away from here. Naglakad ako papunta sa kanila. Nahirapan pa ako dahil sa suot kong wedge slippers. Nang makita ako ng mga bata napatitig sila ng matagal sa akin. "Ang ganda niya..." sabi ng batang lalake na tingin ko ay nasa siyam na taong gulang. Nagbulung-bulungan pa sila. Ngumiti lang naman ako sa kanila. "Ano'ng ginagawa niyo?" curious kong tanong. Nakayuko kasi sila at iniisa-isang i-check ang mga damo at bushes. "Ah, naghahanap kami ng gagamba, Ate." "Gagamba?" Oh, is that spider? Okay. Lumapit ako sa kanila. I know insects are so kadiri but I was curious what are they gonna do with it. "Pagkatapos, ano'ng gagawin niyo sa gagamba?" "Gagawing alaga. Tapos ilalaban sa ibang gagamba." So, mamamatay ang gagamba? Poor, gagamba. "Doon tayo sa palayan," aya ng isang bata. Tumawid sila sa bamboo na bridge papunta sa kabila. "Wait for me. Sasama ako sa inyo." Kahit hirap sa paglalakad, sumama ako sa kanila. Medyo foggy pa kaya basa ang mga damo. Medyo madulas and it feel a little gross. Mabagal naman ang lakad ng mga bata. Nililingon at hinihintay nila ako na makahabol sa kanila. Madami silang mga nakuha na gagamba along the way, pero sabi nila pampakain lang daw ang mga iyon. Hanggang sa makarating kami sa isang puno sa gitna ng ricefield. Naupo ako sa upuan na kawayan, because I'm already tired na. Naghanap naman ng spider ang mga bata sa malapit lang. Habang nagpapahinga at nakatanaw sa malayo while in deep thoughts, hindi ko namalayan ang pagdating ng tatlong kalalakihan. "Ano'ng ginagawa niyo?" Nagulat ako sa baritonong boses na nagsalita. Isang farmer. Nakasuot siya ng boots na pang-farm, old pants na hindi ko malaman kung ano'ng kulay dahil natadtad na ng bleach. He's wearing an old sweat shirts on top. May butas na ito sa kalumaan. And... Damn! May itsura siya, ha. Napataas ako ng kilay. Seryoso naman itong nakatitig sa akin. Roman nose, thin natural red lips, brown eyes, long lashes, makapal na eyebrows. He looks good. Iyon nga lang, he's poor. But, yeah. He looks good. Tingin ko hindi nalalayo sa edad ko ang edad niya. Napatingin na din ang dalawang lalake na kasama niya. "Ikaw ba iyong pamangkin ni Berlin?" tanong ng isa. Nakatingin sa akin ang mga ito, kaya malamang ako ang tinatanong niya kasi pamangkin naman talaga ako ni Auntie Berlin. "Yes po." Nakatitig lang sila. "Ano na nga ba ang pangalan mo, hija?" He's asking me nicely naman and I don't think may iba siyang intensiyon. And duh? I'm still a minor. "Amie po." "Oo nga. Amelia, di ba?" Amie nga, sabi, e. "Just Amie po." Tumawa iyong isang lalake. Pasimpleng siniko iyong lalake na may brown eyes. "Ito nga pala si Hendrix." Hendrix... Drix. Nice name. "Buti naman at nakapagbakasyon kayo. Maliit ka pa nang huli na magbakasyon kayo dito." "Opo," maiksing sagot ko, because I'm getting bored. "Oh, siya, hija. Mauna na kami." Nagkatitigan muna kami ni Hendrix ng ilang sandali bago sila tumalikod at naglakad. Akalain mo, may guwapo din naman pala dito. Pero hindi pa din ako natutuwa sa place na 'to, dahil walang mall, walang signal, walang coffee shop and walang kabuhay-buhay dito. Napansin ko na lumingon pa si Hendrix sa akin kaya napangisi ako at palatak. Sorry, pero hindi ako pumapatol sa poor at probinsyano.Natahimik sina Auntie at Mommy nang dumating ako ng bahay. As if hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. They're talking about Mommy's being a miserable wife. And I'm sure ina-advice naman siya ni Auntie na hiwalayan na niya si Daddy pero hindi naman ito makikinig sa kaniya.Napatingin sila sa damit ko na maputik. "Saan ka galing?" tanong ni Mommy.."Sa ricefield po." Natatandaan ko pa naman ang bawat pintuan sa bahay na 'to kaya nagtungo ako ng banyo upang makapaglinis ng katawan. Isang oras pa lang kami dito, pero bored na agad ako. Ano ba ang puwedeng gawing libangan dito? Ni walang signal. Walang cable si Tita, kaya malabo din ang palabas sa mga local channels na sagap ng kaniyang atenna na nasa tuktok ng mahabang kawayan sa labas.Dumiretso na ako sa taas, kung saan ako magku-kuwarto. May three bedrooms dito sa taas at isang mini sala. Iyong room ni Mommy dati ang gagamitin ko. Binuksan ko ang aking maleta. Walang katulong si Auntie. This only mean that I'm already on
Nakakatamad pumasok sa school, kaso I have too, dahil kung hindi mapag-iiwanan ako. Hinatid ako ni Auntie sa school pero hindi na niya ako sinamahan pa na mag-enroll. Binilin niya ako sa kaniyang kaibigan na magiging classrooms adviser ko. "Ang ganda mo, Amelia. Kamukha mo ang Mommy mo." Sa pagkakaalam ko, kaibigan din siya ni Mommy noon. Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Nakita ko pa lang ang mga classrooms hindi na ako natutuwa. Hinatid ako ni Mrs. Mendez sa loob ng aming classroom. Nagsisimula na ang klase kaya pinakilala ako ng teacher sa buong klase."Upuan mo na muna iyong bakante, hija," utos nito. May nakaupo daw sa bakanteng upuan sa gitna kaso absent siya ngayon. I feel bored. Nakatitig ako sa harapan pero ang isip ko ay lumilipad sa Manila. Naalala ko ang school ko. Mga kaibigan ko at ang aking bff. Nagtataka na siguro siya ngayon kung bakit hindi ako pumasok at kung bakit hindi niya ako ma-contact. Namalayan ko na lang na iba na pala ang teacher na nasa aming harapan
Mabuti na lang at naisip ako ni Auntie. Alas-tres y media ay dumating na siya. "Sorry, hija, nakalimutan kitang bigyan ng spare key." "It's okay, Auntie." Sinamahan naman ako ni Haranna kaya hindi ako gaanong na-bore. Kahit na ang drama ng pinagkuwentuhan namin. Hindi kasi ako madramang tao. Ma-drama ang pamilya namin, pero hindi ko iyon kinukwento pa. Hindi ko lang gustong i-share. "Aalis na ako, Amelia.""Saglit lang, Ranna. May dala akong pagkain dito. Mag-uwi ka sa inyo." Bumalik sa pagkakaupo si Ranna at hinintay muna si Auntie. "Thanks, Ranna." Pumasok na din ako sa loob. Pakiramdam ko nanlalagkit na ang pakiramdam ko kaya magbibihis na muna ako. Binuksan ko na din muna ang fan habang hinihintay ko na mapalamig ng aircon ang room ko. "Amelia, your Mommy is on the other line."I checked my celphone. Nakasabit ito sa may window. May signal kasi sa bandang 'to kaya dito ko nilagay, kagabi pero na-lobat na pala. Hindi ko din 'to nadala kanina sa school. Lumabas ako ng room up
Nagbaon na ako ng lunch the next day. May mga dala din akong sandwich, chocolates at cookies. Galing ito kay Mommy. Pinadala daw niya kahapon sa bus na dumating dito kaninang five am. "Mag-aral ng mabuti," paalala ni Auntie pagbaba ko ng kaniyang sasakyan. Maaga pa kaya nag-ayos na muna kami ng mga kaklase ko. Dinala ko iyong make ups na ipapahiram ko sa kanila. So far, wala pa naman akong nakitang magiging threat sa akin. Nakakapanibago nga na walang umaaway sa akin, na gaya sa Manila na kahit wala naman akong ginagawa sa kanila, galit na galit sa akin. Kahit paano hindi na ako gaanong malungkot, iyon nga lang one over twenty ang nakuha ko sa quiz namin. I feel like I'm bobo, eh, I'm not naman. Hindi lang talaga ako nakapag-review kagabi. At saka wala akong notes pa. Binigyan ako ng module ng aking teachers. Pag-aralan ko daw. They're giving me chance since late na akong nag-transfer ng school. Ganito talaga ang mangyayari. Naunang matapos ang morning class namin, kaya inaban
Nakasagot ako sa recitation. Perfect score din ako sa seatwork namin. Good mood tuloy ako hanggang sa mag-lunch break kami. Dahil doon nilibre ko ng icecream si Ranna. Tuwing din siya. "Kumusta ang pag-tutor ni Kuya sa'yo?""Ayos naman. Perfect ako sa seatwork namin sa Math.""Mabuti naman. Saka magaling si Kuya magturo, di ba?""Yeah," sagot ko habang naiisip ang nangyari kagabi. Hindi ko din alam kung bakit ako na-guilty na narinig ni Hendrix ang mga sinabi ko. Eh, ano naman kung narinig niya, di ba? Sino ba siya? Dahil iniisip ko siya kagabi, I mean iyong nangyari napanaginipan ko na naman siya. Tinititigan daw niya ako. And I was blushing. My God! Hindi ko matanggap! Bakit ba palagi na lang ganoon ang panaginip ko? After lunch break, nadatnan ko ang ilang mga sulat na nakapatong sa aking upuan. Tinutukso tuloy ako ng mga kaklase ko. "Ang haba ng hair. Sana all!" Hindi naman ako interesado sa mga 'to, lalo na kung hindi naman mga guwapo ang nagbigay ng mga 'to. "Sino ang n
Akala ko hindi na babalik si Hendrix kaya inis na inis ako kanina. Nasa baba na daw siya sabi ni Auntie. Nagpalit muna ako ng damit bago ako bumaba. Wala ako sa mood habang tinuturuan niya ako. Hindi ako tumitingin sa kaniya at wala din ako sa sarili. "You've not listening."Bumuntong hininga ako. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kaya nayayamot na din ako. "Wala ako sa mood," sagot ko pagkaraan ng ilang sandali. "Kailangan mo pa ding mag-aral. Malapit na ang long quiz niyo. Hindi puwedeng bumagsak ka." But that didn't motivate me pa din. Nangalumbaba ako. Napakurap naman siya habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Talagang giniit niya na mag-aral ako. Limang math problem lang ang natapos namin sa buong two hours dahil wala talaga ako sa mood. "Sige, bukas na lang. Gagawin ko na din bukas iyong project mo." Nakatingin siya sa akin. Nanatili naman akong nakaupo habang hawak ang pisngi. "Aalis na po ako, Auntie," paalam niya. Lumapit naman si Aunti
Last day na magtuturo si Hendrix sa akin. May natutunan naman ako dahil maayos siyang magturo. Pero paano na ako kapag tapos na niya akong turuan? At ano ba ang pagkaka-busy-han niya? Ayaw ba niya ng pera? Alas-sais y media nang dumating siya. Naka-civilian siya and he looks cute. Cute? Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng matinong damit aside from his polo na school uniform niya. Pero syempre luma pa din ang shoes niya at bag. Siguro naman nakabili na siya ng bago niyang brief. Baka sinusuot pa din niya iyong may butas. Nagsimula na kami sa lesson. Binigyan niya ako ng madaming activity at natagalan ako sa pagsagot sa mga ito. "Kumain na muna tayo mamaya na ulit iyan," sabi ni Auntie kaya tumayo na ako. Inaya ko si Hendrix pero hindi ko na siya pinilit pa dahil hindi naman na kailangan iyon. Kakain siya dito dahil gabi na at baka abutin pa kami ng nine sa lesson namin. May long quiz kami sa apat na subject bukas, kaya kailangan kong mag-aral ng husto. "Ilang linggo kang magig
Kinuha ko iyong paper bag at dinala sa labas. "Oh, akala ko ba bibigyan mo na sila?""Ayaw kong bigyan iyong babaeng iyon.""Ikaw talaga. Mag-aral na lang kasi tayo. Hayaan mo sila. Baka mamaya makahalata pa si Kuya. Mas maganda na hindi niya alam na may gusto ka sa kaniya." "Paano naman niya ako mapapansin kapag hindi niya nalaman na gusto ko siya? E di, mas lalong wala akong pag-asa.""Hindi dapat tayo ang naghahabol sa lalake, Amelia. Nagka-boyfriend ka na ba sa Manila?"Umiling ako. "Hindi pa. Suitors lang." "Wala kang lalakeng nagustuhan na gaya ng pagkagusto mo kay Kuya?""Wala. Kasi wala naman sa isip ko ang bagay na iyon.""Iyon naman pala, e. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo. You're not even eighteen. Menor de edad ka pa, kaya mas malabong mapansin ka ni Kuya at maging kayo."Parang mas lalo tuloy akong nawalan ng gana na mag-aral. Binabasa ni Ranna ang mga notes ko. Nakahiga naman ako at nakatitig sa kalangitan. I'm wearing my shades."Hindi ka naman nakikinig, e. Gus
~WEDDING~Maaga ang preparation namin para sa wedding. Madaling araw pa lang ay gising na kami para maayusan ng make up artist. Maaga din kasi ang start ng aming wedding, dahil gusto namin na by seven pm, tapos na ang reception. Gusto naming magpahinga ng maaga, dahil bukas ay aalis kami para sa aming honeymoon.Napangiti ako at nakagat ko ang aking labi. Naalala ko iyong pagbabanta ni Hendrix nang isang araw. Humanda daw ako. Hindi ko na napigilan ang kilig ko. I giggled and squeeze the little stuffed toy on my lap. "Excited ka na, madam?" Nginitian ko ang make up artist. Ngayong araw, magiging asawa ko na si Hendrix. Pinangarap ko ito nang maging kami, pero nang kailangan kong talikuran siya, gumuho ang pangarap na iyon. Akala ko hindi na mangyayari. Nang magkita kami ulit, akala ko kasal nila ni Scarlet ang masasaksihan ko. Oh my God! Kakayanin ko ba iyon kung sakali? "Huwag kang umiyak, Ms. Amelia..."Mahina akong natawa. "I'm sorry, I can't help it." Sumilip si Ranna sa ma
Hindi naman siya nawala sa isipan ko. Para sa akin, siya pa din ang best friend ko. Siya ang unang babaeng tumanggap sa ugali ko, sunod si Ranna. Mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Parang kailan lang, mga batang babae lang kami na walang alam sa buhay. Ang alam lang namin ay maglustay ng pera ng aming mga magulang, magbigay ng sakit sa ulo sa kanila, at higit sa lahat, maglaro ng ganda-gandahan. Pero maganda naman talaga kaming dalawa. "Alam mo ba na napakalaki ng na-contribute ko na views sa YouTube channel mo?" Natawa ako, kahit pa nakasimangot siya sa akin ngayon. "Ang dami ko na ding comment sa mga videos pero ni isa, wala kang reply.""Sorry...""Akala ko nasa abroad kayo ng Mommy mo. Akala ko maayos lang ang buhay mo all these years. Not until, nagsimulang maglabasan ang mga articles tungkol sa'yo. Napanood ko din iyong mga interview's mo. Bakit hindi ka lumapit sa akin? You know I would be willing to help you, kami nina Mommy.""Nahihiya ako. I'm sorry... At ayos lang nama
Sinigurado ni Hendrix na magiging perfect ang lahat sa aming wedding day. Pati ang prenup ay mabusisi din niyang plinano. He helped us plan for it. He kept asking if magugustuhan daw ba ito nina Mommy at Auntie kung sakaling nabubuhay pa sila. Sobrang emosyonal ko tuloy. Masayang-masaya pero napapaiyak ako kapag naiisip ko ang dalawang mahalagang babae sa aking buhay na hindi ko na kasama ngayon. Sobrang busy niya sa work ngayon dahil sa mga malalaking projects, pero kahit na ganoon sobrang hands on pa din niya dito. Isang beses lang daw ikasal kaya gusto niyang perfect ang lahat. "I've been dreaming about it since I met you..."Matamis akong napangiti. He never fail to make my heart happy. Kuntento akong bumuntong hininga. Ayos lang naman ang simpleng kasal, pero kung kaya naman namin ng bongga, why not bonggahan, di ba? Besides afford na din naman namin 'to. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, deserve namin ng wedding of the year or century. Mula sa venue, details, susuot
"Sure ka na ayos lang?" pang-ilang ulit ko ng tanong kay Hendrix ito. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang pinapanood akong magbihis. "Yeah. You should go and enjoy."Ngumuso ako. Nagdadalawang isip kung tutuloy ako sa bar ngayon. Iniisip ko kung mag-e-enjoy ba ako. I don't think I deserve to go out and party tapos maiiwan sa bahay ang fiance at anak ko. Ang kulit kasi ni Ranna, e. Sinabi ko ng ayaw ko pero mapilit talaga. Dinaan ako sa patampo-tampo niya. Sinuot ko ang dress na binigay ni Ranna. Backless tapos sexy. Habang sinusuot ko ang damit ay hindi ko inalis ang tingin ko kay Hendrix. I was watching his reaction. Ba't parang ayos lang sa kaniya na sobrang sexy nitong suot ko ngayon? Tapos sa bar pa ako pupunta. "So?" tanong ko at bahagya pang umikot. "What do you think?""Gorgeous..." Inikot ko ang aking mga mata. "Okay lang sa'yo itong suot ko?""Uh-huh. Bagay naman sa lugar na pupuntahan mo. And you look good. Hmmm..." Hinimas niya ang kaniyang leeg. "Parang gusto kita
~HENDRIX~PAANO ako iiwas kung kailangan ko siyang i-tutor. Nakakapanghinayang din naman ang binabayad nila sa akin kung ipapasa ko ito sa iba. NATUTUWA ako sa mga kakulitan niya. Iyong pag-ikot niya ng mga mata at pag-ismid kapag nakikita niyang magkasama kami ni Dina. Kung iba siguro maaasar ako, pero hindi ko din maintindihan kung bakit natutuwa pa ako sa ginagawa niyang iyon. Natutuwa ako sa pagiging generous niya kahit na minsan parang hindi na ako komportable. But I know she's genuine. She's being her true self. Iyong pagiging malapit niya sa kapatid ko. Iyong pagbibigay niya ng kung ano-ano dito. At ang pagpapahiram niya ng gown para maka-attend ito ng prom, lahat ng iyon ay na-appreciate ko. And I think I'm starting to fall for her. KUMUNOT ang noo ko nang makita ko ang picture frame sa sala namin. Nang matitigan ko ang mga pictures napailing na lang ako. Bakit hindi ko magawang maasar sa kakulitin ng babaeng iyon? Kinuha niya ang picture ko at pinalitan niya ito ng kani
~HENDRIX~"Sino iyon?" tanong ni Mang Nato habang nakatingin sa unahan. Papunta kami ngayon sa taniman ng mga saging, upang manguha ng mga puso ng saging. Sa kalagitnaan ng palayan, kapansin-pansin ang isang babae dahil sa kaniyang kaputian kahit may kalayuan ito. Nang makalapit kami ay nakilala ko ito. Amelia Muller. Pagkatapos ng madaming taon muling nagbakasyon ang pamangkin ni Tita Berlin dito sa probinsya. Kamukha niya ang kaniyang ina at kaniyang tiyahin. Maganda na siya noon pero mas lalo pa siyang gumanda ngayon. At kamuntik kong makalimutan na bata pa pala siya. She's still a minor. Dalaga na siya, but she's still young. Maganda nga, pero iyon nga lang masama ang kaniyang ugali. Lumaki sa Maynila at lumaki sa marangyang buhay kaya isa itong spoiled brat. At mas lalo pa akong nadismaya sa kaniya nang marinig ko ang usapan nila ng kaniyang Auntie Berlin. Narinig ko iyong mga sinabi niya patungkol sa akin. Pero hindi ko inakala na matapobre pala siya. Malayong-malayo siy
“The Muller heiress' has regained her throne on the Muller Empire.”“The Muller empire was back to the real heiress.” Laman ako ngayon ng mga iba't ibang mga articles.Pagkatapos ng paghihirap ng ilang taon, nabawi ko din ang lahat ng ari-arian na naiwan sa akin ng mga magulang ko. Ang mga pinsan ni Daddy ay nahaharap sa patong-patong na kaso. At halos maubos din ang ari-arian nila, mabayaran lang ang lahat ng utang nila sa akin. Masaya. Pero mas masaya sana kung buhay pa si Mommy. Pero alam ko naman na kung nasaan man siya ngayon, ay masaya siya. Matatahimik na siya, dahil hindi na ulit ako maghihirap pa. I sighed. Hinilot ko ang aking noo, dahil kanina pa pumipintig ang aking sentido. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi ko magawang maging masaya ng husto. Siguro dahil sa loob ng ilang taon, natutunan ko ng i-embrace ang pagiging mahirap ko. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Hendrix. Tipid akong ngumiti. Ngiti na may halong kaba. "Honestly, I don't know how to run the
"I love you," bulong ko nang maghiwalay ang aming mga labi at katawan. May kaunting hingal pa sa aking boses dahil sa aming ginawa. Pagod ako, pero hindi ko pa gustong magpahinga at alam kong ganoon din siya. "I love you more, babe," sagot naman niya. Mayroong ngiti sa kaniyang mga labi. Iyong ngiti na nakikita ko lang noon sa kaniya kapag natapos kaming mag-love making. I kinda miss this. I feel happy. "That was amazing," sabi ko. Nag-init ang aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin. Medyo nakaramdam ako ng hiya. He softly chuckled. "You're amazing as always," tugon niya habang masuyong nakatingin sa aking namumulang mukha. I bit my lower lips. "I'll just wash," paalam ko nang hawakan niya ang aking bewang. "Okay. Bilisan mo," sagot niya habang may kapilyuhang naglalaro sa kaniyang mga labi. "Susunod ako kapag natagalan ka doon." Humagikgik ako. Plinano kong tagalan, pero hindi naman siya sumunod. Lumabas tuloy ako ng banyo na may kaunting inis. Akala ko tulog na siya, pero
Hindi ko namamalayan na sobrang nagiging komportable na ulit ako kay Hendrix. Natutulog kaming magkatabi—kasama ang aming anak. Niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi, ulo at ilong. Palagi din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He'd buy me flowers, kahit sinasabi kong huwag na. Sabi ko ay nalalanta kasi ito, sayang lang ang pera. "Pinangarap ko ito," sagot naman niya. "Pangarap ko noon na mabigyan ka ng bulaklak at mga regalo. Kaya nga ayaw ko sanang manligaw muna. Dahil hindi ko afford manligaw at magka-girlfriend. I'm poor. Wala akong maipagmamalaki." Ang humble niya talaga. Iyong looks niya, mamasel na katawan, pagiging matalino at mabuting tao niya, hindi iyon mapapantayan ng mamahaling bulaklak o regalo. "Kaya nga ayaw ko noon manligaw. Kaso makulit ka." Napangiti ako. Ilang araw na din ang lumipas. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya iyong magic words kung tawagin niya, pero pinaparamdam ko naman sa kaniya lagi na mahalaga siya sa akin. Kapag hinahatid niy