Home / Romance / ENTANGLED HEARTS / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of ENTANGLED HEARTS: Chapter 21 - Chapter 30

78 Chapters

CHAPTER 21

May laro ng basketball sina Hendrix pero hindi na ako sumama. Inaaya ako ni Ranna pero sinabi ko na next time na lang. Nagbigay na lang ako ng five thousand dahil baka kulangin ang pusta nila. Ibalik na lang niya kapag nanalo kapag hindi okay lang. Malungkot si Ranna pero hindi ako nagpadala doon. Ayaw ko talaga. Hindi ko din mapilit ang sarili ko na sumama. I've been ignoring him for how many days now. And I've been feeling better. Pero heto na naman at hindi ko na naman alam kung paano sagutin ang assignment ko. Madami ding ginagawang project si Ranna kaya hindi ako makahingi ng tulong sa kaniya. Ang only hope na lang ay si Auntie. "Auntie, paano ba 'to?" "Ano ba iyan? Parang hindi naman namin napag-aralan dati 'to," sagot ni Auntie kaya mas lalo akong namroblema. Sakto namang dumaan si Hendrix kaya tinawag siya ni Auntie. "Busy ka ba, hijo?"Hindi ako lumabas ng pintuan. Hinayaan ko lang si Auntie na kausapin ang lalake. "Hindi naman po, Tita. Bakit po?""Hindi alam ni Ame
last updateLast Updated : 2024-08-10
Read more

CHAPTER 22

Naging busy si Ranna para sa contest na sasalihan niya kaya hindi na kami sabay na mag-lunch. Sa canteen na din ako kumakain, pero nagbabaon pa din ako ng lunch. Drinks lang ang binibili ko. Sa hapon naman ay hindi pa din kami sabay na umuwi. Maging si Hendrix ay naging busy din sa school. May mga tinatapos yata silang projects. Not sure, pero alam ko super busy sila. I feel bored and I'm missing Manila but I know I can't go back yet, so I need to have some distraction. Si Hendrix ang naging distraction ko sa lahat but then I should not rely on him anymore. Nagsimula akong magsulat sa aking journal. O kapag bored na bored talaga I'd play my violin. Isang buong linggo ang lumipas na hindi ko nakasama ang magkapatid. Nami-miss ko sila pero kailangan kong tiisin. Naalala ko na naman ang sinabi ni Dina sa akin. Naiinis ako na hindi ako nakaganti at naiinis din ako dahil may katotohanan ang lahat ng sinabi niya. Pabagsak akong nahiga sa aking kama. Bababa na sana ako pero tinatamad p
last updateLast Updated : 2024-08-10
Read more

CHAPTER 23

"Pumayat ka, Mommy..." Dito na kami sa airport nagkita ni Mommy. Hindi na siya nagpunta pa sa bahay ni Auntie. Hinatid ako ni Auntie dito. Nag-leave muna siya ng isang araw para makapamasyal muna kami bago ang flight namin. Kumain muna kami sa restaurant. Nagkuwentuhan ang dalawa. Mabigat ang loob ko but I know I'll be okay soon. Lalo pa at hindi na ako babalik. Dalawang maleta lang ang dala ko para sa summer vacation. At iyong mga gamit ko sa bahay ni Auntie ay hahayaan ko na muna doon. They didn't know about what happened yet. Kapag patapos na ang bakasyon namin ni Mommy, uunti-untiin kong sasabihin sa kaniya hanggang sa makumbinsi ko siya. Alam ko naman na this time, papayag na siya at hindi na magmamatigas. "Bye, Auntie. Take care of yourself." Inaaya namin siya, pero ayaw niya. Mas gusto talaga niya sa province. Halos hindi kami nakatulog sa buong flight namin ni Mommy. Nagpakuwento siya sa akin. Madami siyang tanong at halos lahat ng detalye ng bawat araw ko sa probinsya ay
last updateLast Updated : 2024-08-10
Read more

CHAPTER 24

Today is Saturday. Walang pasok sa school. Kanina pa ako nakatulala. Walang sigla at walang ganang kumain. Umakyat kanina si Auntie upang i-check kung gising na ako dahil kakain na, pero nagpanggap akong tulog. Ayaw ko ng kausap. Ayaw ko ng kasama. I just want to be alone...doing nothing. I checked my phone and read mommy's messages. Ina-update niya ako dahil iyon ang hiling ko sa kaniya bago ako bumalik dito sa probinsya. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at katawan kay bumangon na muna ako. Alas-dies pasado na pala. Mataas na din ang sikat ng araw. Medyo mainit na. Hindi ko ramdam kanina dahil may aircon sa room ko. Tumanaw ako sa may bintana. I looked at the green surroundings. Ang palayan na sinisimulan ng taniman. May dumapo na manok sa may yero. Napairap ako. Tanghaling tapat na. Gising na ako pero plano pa yatang tumilaok. Bumubwelo palang siya, nahampas ko na siya ng libro. Bumagsak ang manok kasabay ng libro. At pagkatapos n'on ay nakarinig ako ng ingay mula sa baba.
last updateLast Updated : 2024-08-10
Read more

CHAPTER 25

BACK TO SCHOOL. Madaming tanong ang mga kaklase ko sa akin pero tipid na ngiti lang ang sagot ko. Dahil transferee na naman ako, at wala naman akong natutunan nitong nakalipas na dalawang buwan, kailangan ko na namang humabol. Iiwasan ko pa man din na sana si Hendrix. And also I was planning to hire another tutor but Auntie insisted that Hendrix was the best tutor in town. Alam ko din naman na gusto lang tulungan ni Auntie si Hendrix. Iyong sahod niya sa pagtuturo sa akin ay malaking bagay sa kaniya...sa kanila ng pamilya niya. Wala ako sa mood. Ang isip ko ay wala sa klase. Gusto kong lumuwas ng Manila. Gusto kong malaman kung nagpapakabait na ba ang aking ama o may bago na naman siyang babae. Hindi ako mapakali. Hindi ako matahimik. Wala akong peace of mind kahit nandito ako sa probinsya. "Magpa-tutor ka ba mamaya kay Kuya? Hanggang four lang ang klase niya," tanong ni Ranna pero hindi ako sumasagot. Nakatingin ako sa aking phone habang malalim ang iniisip. "Amelia, may problem
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

CHAPTER 26

Sira agad ang umaga ko. Dito natulog si Dina at hanggang ngayon nandito pa din siya sa bahay. Pati kay Auntie ay naiinis na din tuloy ako, dahil hinahayaan niya ang babae na mag-stay dito. Hindi ako sumalo sa kanila na mag-breakfast. Umakyat ako sa taas at bumalik sa paghiga. Kulang ako sa tulog. Kaso hindi ako makatulog. Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa babae na nakaupo sa kubo habang sarap na sarap sa paghigop ng kape. Tuwang-tuwa sa kape namin na imported. Nasa tabi niya si Hendrix na nakatanaw sa may palayan. Napatingin sa akin ang lalake pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Pumasok ako sa kuwarto ko upang kunin ang aking bathrobe. Maliligo na lang muna ako bago matulog. Hindi ako mapakali...ganoon din ang isip ko. Gulong-gulo na ako at yamot na yamot sa lahat ng mga bagay. I was planning to go to Manila next week. Nag-iisip pa ako ng idadahilan ko, o puwede namang huwag na lang ako magdahilan. Pagkatapos kong maligo, nasa kusina na sina Dina at Hendrix. Napairap ako
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

CHAPTER 27

"Nag-lunch ka ba kanina?" tanong niya nang lumayo ako sa kaniya. Pero hindi din gaano makalayo dahil hawak pa din niya ang kamay ko. Ayaw niya akong bitawan kahit ano'ng gawin kong hila. Ayaw niya akong paalisin. Bakit ba siya nakikialam sa buhay ko? At bakit ko siya hinahayaan na pakialaman ako? "Mag-lunch na muna tayo," aya niya. Hindi ako nagugutom. Kung nanginginig at nangangatog man ang katawan ko, iyon ay dahil sa matinding galit. Nanginginig ako dahil hindi ko maibuhos ang galit na nararamdaman ko. Hinila niya ako. "May kainan sa gilid ng SM," sabi niya. Bakit hindi sa loob ng SM? Pero hindi na lang ako nagsalita. Nagpatianod ako sa paghila niya. Napakurap ako nang makita ko ang kainan na tinutukoy niya. "Gusto ko sa jolibee," sabi ko. "Sakto lang ang pera ko," sabi niya. Sakto lang pala ang pera niya pero sumama pa siya dito. "Masarap ang fried chicken nila dito. Malinis din." Bumuntong hininga ako. Wala din naman akong choice. Alam ko naman na hindi din siya papayag ka
last updateLast Updated : 2024-08-12
Read more

CHAPTER 28

Umabrisyete ako sa kaniya. Tiningnan niya ang braso naming magkadikit bago tumaas ang tingin niya patungo sa aking mukha. Nagpa-cute naman ako sa kaniya sabay sandal ng ulo ko sa kaniyang balikat pero hinawakan niya ang ulo ko upang pigilan ako. "Para sasandal lang, e..." reklamo ko habang nakanguso. "Stop what you're doing," banta niya. Akala naman niya matatakot niya ako sa pagbanta-banta niya. Ngumuso ako sabay tingala sa kaniya kaya lang muli niya akong pinigilan. Tumawa ako. I was just kidding. Iiling-iling siyang nag-iwas ng tingin. Kinalas lang niya ang kamay ko na nakalingkis nang huminto ang tricycle. Pagbaba namin nagulat ako nang makita ko ang babae na nakatayo sa labas ng bahay ni Auntie. Kasama niya sina Auntie, Tita at Ranna. Ngumiti siya at kumaway. Nagmamadali naman akong lumapit sa kaniya upang yakapin siya. "Mommy! Nandito ka.""Nag-aalala kasi ako sa'yo, saka na-miss kita..." Naiiyak tuloy ako. "Nag-aalala din ako sa'yo, Mommy.""Mommy is fine, Anak. Saan ka
last updateLast Updated : 2024-08-12
Read more

CHAPTER 29

Nakanguso kong binigay kay Hendrix ang aking mga test papers. Pinipigilan ko ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Nagtaas siya ng kilay. Mukhang pinag-isipan pa muna kung tatanggapin niya o hindi. Baka kinakabahan na siya. Five mistakes, four, three and two mistakes. Mahina akong tumawa nang nasa huling dalawang test papers na siya. Perfect ko ang Science and English. I bit my lower lip while waiting for his reaction. Tumingin siya sa akin. Nang bumaba sa aking labi ang kaniyang mga mata, nag-iwas siya ng tingin. "So?" Nandito kami sa taas. Hinila ko siya dito para may privacy kami, since we're going to kiss. Nag-toothbrush na din ako kanina, while waiting for him. "Ipunin na muna natin," sagot niya na kinabagsak ng balikat ko. I shook my head. "That's not fair!" Siya naman ang umiling. "Umupo ka na. Pag-aralan natin itong Filipino test paper mo."Naiinis akong tumingin sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. He started writing. "Kailan? When are you going to kiss me?"
last updateLast Updated : 2024-08-12
Read more

CHAPTER 30

Sa ibang US kami mag-celebrate ng Christmas at new year ni Mommy. Araw-araw kaming nag-travel at shopping. Bago mag-new year, dumating si Daddy. May dala-dala siyang madaming regalo para sa amin ni Mommy. Mga luxury brands na dati ay tuwang-tuwa akong matanggap mula sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na ako natutuwa na tumanggap ng regalo sa kaniya. Ang simple lang naman ng gusto kong ibigay niya sa akin, sa amin ni Mommy. Iyon ay bumalik kami sa dati. Buo at masayang pamilya. He didn't spend new year with us. I was asking him to stay, pero kung ano-ano ang ginawa niyang dahilan para lang umalis. And he really thought that I believed him. Sino'ng tanga ang maniniwala sa kaniya? Imbes na masaya ako, nalungkot lang ako. How I wish he didn't came if he didn't intend to stay and celebrate new year with us. He didn't want to change. He didn't want to be a new and changed person. How I hate him. Sana hindi na lang siya ang naging daddy ko. "Huwag ka ng malungkot," pang-aa
last updateLast Updated : 2024-08-12
Read more
PREV
1234568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status