Pinagmamasdan ko si Hendrix na mahimbing ng natutulog sa sofa. Nagbabawi siya dahil ilang araw din siyang pagod at kulang sa tulog. "Baka matunaw si Kuya," biro naman ni Ranna. Nakahiga kami dito sa mattress na nilatag namin. "Na-miss ko lang siya.""Matulog ka na din. Bukas na iyan matutulog. Saka may lakad pa tayo bukas," paalala naman niya. Bumangon na muna ako para kumutan si Hendrix. Malakas at malamig ang bunga ng aircon, baka lamigin siya. Tumawa si Ranna. "Ikaw talaga... Basta kapag naging kayo, huwag ka munang magbubuntis, huh.""Ranna, wala sa isip ko ang bagay na iyon.""Buti naman. Bata ka pa. At magtatapos pa tayo ng pag-aaral."Tumango ako. Syempre hindi lang si Hendrix ang dapat maging successful. Dapat ako din. Nakatulog na ako ng maayos dahil panatag na ang loob ko. Paggising ko, wala na akong katabi. Wala na sina Auntie, Hendrix at Tita dahil nag-deliver daw sila. Si Ranna lang ang nandito, nagsasalang ng labahin sa washing machine. Pinanood ko siya sa kaniyan
Huling Na-update : 2024-08-14 Magbasa pa