Nasa bukid na ang gansa. Nakuha na din ni Hendrix ang kudkuran. Nakasimangot ako habang naglalakad kami pabalik ng bahay nila. Nauna na si Dina at nakasunod sa kaniya si Hendrix. Nahuhuli naman akong maglakad, wala na sa mood dahil sa pagdating ni Dina. Nilingon ako ni Hendrix. Tinaasan niya ako ng kilay pero masungit akong nag-iwas ng tingin. Inabot niya ang kamay ko kaya agad nagbago ang mood ko. Magkahawak kamay na kaming naglakad. Nilingon kami ni Dina. Natigilan siya at napanganga nang makita ang kamay namin ni Hendrix. Ngiting-ngiti naman ako. Hindi ko alam kung bakit niya pinuntahan ang lalake. Ang layo ng bahay nila, hindi na lang siya nanahimik doon. Makahulugang tumingin sa amin si Ranna. Kinindatan ko naman siya. Naghugas ako ng kamay at binti dahil sobrang dungis ko na talaga. Mabuti na lang at may dala akong extra na sando, kaya nagpalit ako. Umupo kami ni Ranna sa duyan habang kumakain ng dried berries, habang sina Dina at Hendrix naman ay nakaupo sa bangko, may pi
Hindi ko maitago ang kilig sa aking mukha. Nakatayo ako sa harapan ni Hendrix. Hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. He likes me. Naupo siya sa sofa sa gilid kaya tumabi din ako sa kaniya. Dumikit ako at wala akong pakialam kahit hindi siya komportable. Wala kaming imik. Naubusan na yata siya ng sasabihin. Hindi naman kailangan na madami siyang sabihin. Sapat na iyon sa akin. Hindi na mabigat ang loob ko. Sinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. "Amelia," marahang saway niya pero hindi ako lumayo sa kaniya. Umakyat si Auntie at nagulat ito nang makita niya kaming dalawa. Later on, napangiti siya. Nakasunod naman sa kaniya sina Tita at Ranna. Nahihiya si Hendrix kaya lumayo ako ng kaunti sa kaniya. "May sasabihin ba kayo?" Auntie asked. "Kami na po...""Liligawan ko po si Amelia."Kunot noo akong tumingin sa kaniya. "Huh? Ano ba talaga?" natatawa namang tanong ni Auntie. "Liligawan ko po si Amelia...kung papayag po kayo." "Akala ko tayo na?" tanong ko. "You said you l
Pinagmamasdan ko si Hendrix na mahimbing ng natutulog sa sofa. Nagbabawi siya dahil ilang araw din siyang pagod at kulang sa tulog. "Baka matunaw si Kuya," biro naman ni Ranna. Nakahiga kami dito sa mattress na nilatag namin. "Na-miss ko lang siya.""Matulog ka na din. Bukas na iyan matutulog. Saka may lakad pa tayo bukas," paalala naman niya. Bumangon na muna ako para kumutan si Hendrix. Malakas at malamig ang bunga ng aircon, baka lamigin siya. Tumawa si Ranna. "Ikaw talaga... Basta kapag naging kayo, huwag ka munang magbubuntis, huh.""Ranna, wala sa isip ko ang bagay na iyon.""Buti naman. Bata ka pa. At magtatapos pa tayo ng pag-aaral."Tumango ako. Syempre hindi lang si Hendrix ang dapat maging successful. Dapat ako din. Nakatulog na ako ng maayos dahil panatag na ang loob ko. Paggising ko, wala na akong katabi. Wala na sina Auntie, Hendrix at Tita dahil nag-deliver daw sila. Si Ranna lang ang nandito, nagsasalang ng labahin sa washing machine. Pinanood ko siya sa kaniyan
"Hendrix," tawag ng babae. Lumapit ito sa amin. Akala ko maiilang siya, pero nagkamamali ako. Masyado nga palang makapal ang mukha niya. Feeling girl best friend at masyadong entitled. "Ano 'to?" tanong niya. The nerve of this woman. Pakiramdam niya siya ang original wife at ako naman ang kabit ng kaniyang asawa. Naggulat-gulatan naman ako. "Oh, Dina, you're here!"Pero sinimangutan lang niya ako. It's like she's saying that I'm not talking to you, so shut up bitch!Nagtatanong siyang tumingin kay Hendrix. She's waiting for her answer. "Hendrix and I are dating. May mutual understanding if that's what you call it here. He confessed to me. He said he likes me. I said I like him...pero sinabi niya na liligawan pa niya ako, kahit hindi naman na sana kailangan. Hindi pa kami, pero para sa akin, kami na."Ngumiti ako sa babae. Ngiting akala mo isang anghel. She looked hurt. Para bang maiiyak na din siya. This is what I imagined. Back off, girl! Hendrix is mine. "Totoo ba iyon?" naiiy
Nagdikit lang ang lips namin and that's it. Aangal pa sana ako pero narinig ko ang mga hakbang ni Ranna paakyat ng hagdanan. Bumalik ako sa upuan ko. Nangingiti. Si Hendrix naman ay namumula ang pisngi. Kinikilig din siya. It was a very nice experience. Hindi naman kami nag-kiss na gaya ng kiss sa mga movies, pero kinikilig talaga ako that I didn't slept well. Natapos ang vacation at nag-start na kami ng college. I know this is gonna be hard, but I'm confident that I can do it. Iba na naman ang kaklase ko at kailangan ko na namang makipagkaibigan. Pero hindi naman to the point na I'll build a life with them outside the school. Three times a week, magkakasabay kami ni Hendrix ng lunch time. Nagbabaon ako ng pagkain para sa aming dalawa. Madami din talaga magluto si auntie ng breakfast kaya it's a waste kung itatapon lang. Pagdating naman ng hapon, after class, maghihintayan kaming tatlo. Isang oras lang naman ang pinakamatagal na hihintayin namin. Hindi naman ako gaanong naiinip.
Dito sa probinsya nag-christmas si Mommy. Gusto lang daw niyang magpahinga. Pagod daw siya sa two months na work kaya hindi na daw muna kami mag-out of the country. Ayos lang din naman sa akin iyon, dahil gusto ko ding makasama si Hendrix ngayong Christmas break. Madaming bitbit na regalo si Mommy. Hiyang-hiya pa ang magkapatid nang tanggapin ito. Nagpasalamat din sila doon sa binigay ni Mommy na pera nila bago mag-start ang sem. Mom gave them six thousand each. Hindi ganoon kalaki pero sobrang pinagpapasalamat nila. Mommy admire them both. Kaya naman botong-boto siya kay Hendrix. Sinasabi niya lagi sa akin, na sana kami daw ang magkatuluyan ni Hendrix. And that's my wish too. Two days before Christmas, nagpakatay si Mommy ng isang malaking baka. Pinamahagi niya iyon sa mga kapitbahay at sa mga indigent family. Binibiro pa siya, dahil tatakbo daw ba siya sa politika. "Magulo diyan. Puwede namang tumulong na hindi na kailangang umupo sa puwesto."Nakuha niya ang loob ng mga tao.
Natapos ang birthday ko na hindi nagpapakita si Daddy. Tumawag siya, saying that he had deposited a large sum of money on my bank account. Nagpadala din daw siya ng package. Akala ata niya, enough na iyon. Akala ata niya mabuting ama na siya, basta nagbibigay siya ng pera at mga regalo. Pero hinayaan ko na lang. Ano pa nga ang i-e-expect ko sa kaniya. Masaya ako sa aking kaarawan. Nandito si Mommy. Nandito din ang boyfriend ko. Yes, official na kami ni Hendrix. Maaga akong nagising kinaumagahan sa sobrang excitement. Hindi na kami gaanong nakapag-usap ni Hendrix kagabi, kaya ngayon ko siya tatanungin. Gusto ko lang ulit tanungin kung kami na talaga. Kapag binawi pa niya talaga, masusuntok ko siya. "Ngayon dadating ang regalo ng daddy mo...""Okay, Mommy." Pero hindi ako gaanong interesado. Hindi na ako gaanong napapasaya ng Luis Vitton, Chanel, Gucci or Dior. Hindi ko din maintindihan kung bakit. O dahil nasa probinsya ako. Hindi naman alam ng mga tao iyan. Yes, they know that t
My boyfriend graduated as summa cum laude. Sobrang proud ako sa kaniya. "Congratulations, babe!" bati ko after ng program. "Thank you..." Sinuot niya sa akin ang kaniyang toga, bago ako inakbayan. Nagpa-picture kami ng madami, sinulit namin ang photographer na h-in-ire ni Auntie. Kumain lang kami sa isang restaurant after bago kami umuwi. Sobrang saya ng Mama niya habang nagkukuwentuhan sila ni Auntie. Proud niyang kinukuwento ang mga offers kay Hendrix. Mayroon siyang malaking offer sa Manila. Ang alam ko nasa fifty thousand pesos ang sahod. "Pero mas malaki pa din kung mangibang bansa siya, di ba?" sabi naman ni Auntie. Pasimple pa niya akong sinulyapan na para bang nang-aasar. Alam niyang mahihirapan ako kapag nagkalayo kami ng boyfriend ko. Okay lang sana kung pababalikin ako nina Mommy sa Manila, kaso malabong mangyari iyon. Bahala na. Mag-r-review pa naman si Hendrix bago mag-take ng board. Ilang months pa iyon. Pagkatapos kumain, umuwi na kami. Natulog ako at nag-impake