"Hendrix," tawag ng babae. Lumapit ito sa amin. Akala ko maiilang siya, pero nagkamamali ako. Masyado nga palang makapal ang mukha niya. Feeling girl best friend at masyadong entitled. "Ano 'to?" tanong niya. The nerve of this woman. Pakiramdam niya siya ang original wife at ako naman ang kabit ng kaniyang asawa. Naggulat-gulatan naman ako. "Oh, Dina, you're here!"Pero sinimangutan lang niya ako. It's like she's saying that I'm not talking to you, so shut up bitch!Nagtatanong siyang tumingin kay Hendrix. She's waiting for her answer. "Hendrix and I are dating. May mutual understanding if that's what you call it here. He confessed to me. He said he likes me. I said I like him...pero sinabi niya na liligawan pa niya ako, kahit hindi naman na sana kailangan. Hindi pa kami, pero para sa akin, kami na."Ngumiti ako sa babae. Ngiting akala mo isang anghel. She looked hurt. Para bang maiiyak na din siya. This is what I imagined. Back off, girl! Hendrix is mine. "Totoo ba iyon?" naiiy
Nagdikit lang ang lips namin and that's it. Aangal pa sana ako pero narinig ko ang mga hakbang ni Ranna paakyat ng hagdanan. Bumalik ako sa upuan ko. Nangingiti. Si Hendrix naman ay namumula ang pisngi. Kinikilig din siya. It was a very nice experience. Hindi naman kami nag-kiss na gaya ng kiss sa mga movies, pero kinikilig talaga ako that I didn't slept well. Natapos ang vacation at nag-start na kami ng college. I know this is gonna be hard, but I'm confident that I can do it. Iba na naman ang kaklase ko at kailangan ko na namang makipagkaibigan. Pero hindi naman to the point na I'll build a life with them outside the school. Three times a week, magkakasabay kami ni Hendrix ng lunch time. Nagbabaon ako ng pagkain para sa aming dalawa. Madami din talaga magluto si auntie ng breakfast kaya it's a waste kung itatapon lang. Pagdating naman ng hapon, after class, maghihintayan kaming tatlo. Isang oras lang naman ang pinakamatagal na hihintayin namin. Hindi naman ako gaanong naiinip.
Dito sa probinsya nag-christmas si Mommy. Gusto lang daw niyang magpahinga. Pagod daw siya sa two months na work kaya hindi na daw muna kami mag-out of the country. Ayos lang din naman sa akin iyon, dahil gusto ko ding makasama si Hendrix ngayong Christmas break. Madaming bitbit na regalo si Mommy. Hiyang-hiya pa ang magkapatid nang tanggapin ito. Nagpasalamat din sila doon sa binigay ni Mommy na pera nila bago mag-start ang sem. Mom gave them six thousand each. Hindi ganoon kalaki pero sobrang pinagpapasalamat nila. Mommy admire them both. Kaya naman botong-boto siya kay Hendrix. Sinasabi niya lagi sa akin, na sana kami daw ang magkatuluyan ni Hendrix. And that's my wish too. Two days before Christmas, nagpakatay si Mommy ng isang malaking baka. Pinamahagi niya iyon sa mga kapitbahay at sa mga indigent family. Binibiro pa siya, dahil tatakbo daw ba siya sa politika. "Magulo diyan. Puwede namang tumulong na hindi na kailangang umupo sa puwesto."Nakuha niya ang loob ng mga tao.
Natapos ang birthday ko na hindi nagpapakita si Daddy. Tumawag siya, saying that he had deposited a large sum of money on my bank account. Nagpadala din daw siya ng package. Akala ata niya, enough na iyon. Akala ata niya mabuting ama na siya, basta nagbibigay siya ng pera at mga regalo. Pero hinayaan ko na lang. Ano pa nga ang i-e-expect ko sa kaniya. Masaya ako sa aking kaarawan. Nandito si Mommy. Nandito din ang boyfriend ko. Yes, official na kami ni Hendrix. Maaga akong nagising kinaumagahan sa sobrang excitement. Hindi na kami gaanong nakapag-usap ni Hendrix kagabi, kaya ngayon ko siya tatanungin. Gusto ko lang ulit tanungin kung kami na talaga. Kapag binawi pa niya talaga, masusuntok ko siya. "Ngayon dadating ang regalo ng daddy mo...""Okay, Mommy." Pero hindi ako gaanong interesado. Hindi na ako gaanong napapasaya ng Luis Vitton, Chanel, Gucci or Dior. Hindi ko din maintindihan kung bakit. O dahil nasa probinsya ako. Hindi naman alam ng mga tao iyan. Yes, they know that t
My boyfriend graduated as summa cum laude. Sobrang proud ako sa kaniya. "Congratulations, babe!" bati ko after ng program. "Thank you..." Sinuot niya sa akin ang kaniyang toga, bago ako inakbayan. Nagpa-picture kami ng madami, sinulit namin ang photographer na h-in-ire ni Auntie. Kumain lang kami sa isang restaurant after bago kami umuwi. Sobrang saya ng Mama niya habang nagkukuwentuhan sila ni Auntie. Proud niyang kinukuwento ang mga offers kay Hendrix. Mayroon siyang malaking offer sa Manila. Ang alam ko nasa fifty thousand pesos ang sahod. "Pero mas malaki pa din kung mangibang bansa siya, di ba?" sabi naman ni Auntie. Pasimple pa niya akong sinulyapan na para bang nang-aasar. Alam niyang mahihirapan ako kapag nagkalayo kami ng boyfriend ko. Okay lang sana kung pababalikin ako nina Mommy sa Manila, kaso malabong mangyari iyon. Bahala na. Mag-r-review pa naman si Hendrix bago mag-take ng board. Ilang months pa iyon. Pagkatapos kumain, umuwi na kami. Natulog ako at nag-impake
Bumalik na kami ng Pinas after one week. Hindi na muna ako nagpasundo kay Auntie. Wala din siyang alam na uuwi na ako. Nakapagpaalam na ako kay Mommy na mag-stay muna ako sa city. May nakita na akong condo unit kung saan ako mag-stay. Mommy was not happy about it. "Amelia!" nayayamot niyang sabi sa akin. Inirapan pa niya ako. "Mommy, mag-stay lang naman po ako doon.""Kapag ikaw!" banta niya. "Promise, wala kaming gagawin ni Hendrix.""Nag-r-review siya. Dini-distract mo siya.""Mag-r-review naman iyon sa araw...""Tapos sa gabi, sa'yo siya uuwi ganoon?"Ngumuso ako. "Bahala ka na nga! Sinasabi ko sa'yo!"Hindi na ako sumagot pa. Wala naman akong planong magbuntis ng maaga. Magtatapos ako ng studies ko. I'm gonna be successful too. Dapat maging worthy din ako kay Henrdrix. Gusto kong ipakita sa ibang tao na I'm not just some rich and pretty face. Dalawang maleta lang ang dala ko pauwi dahil ang ibang mga bagahe ko ay naiuwi na namin noon. Nag-taxi ako hanggang sa condominium kun
It's feel different. Hindi na namin kasama si Hendrix sa pagpasok sa umaga at pag-uwi ng bahay after class. Nakakalungkot and there were times that I don't feel like going to school. Tuwing umaga, tumatawag siya sa akin. Siya ang alarm clock ko. "Good morning, babe... Mag-almusal ka muna bago pumasok, okay?" During lunch time, tatanungin niya kung ano ang kinain ko. Sa gabi, magtatawagan kami hanggang sa parehas kaming antukin. Kaya kahit nakakatamad at nakakawalang gana, ginagawa ko siyang inspirasyon. I have a goal. Magiging successful ako someday not because of my parents money. Madalas na ang late na pag-uwi ni Auntie. Hindi na siya nagtitinda ng mga kakanin o mga nakabilao. Bihira na din kaming mag-usap dahil madami din akong ginagawa. Sa assignments pa lang, pagod na pagod na ang utak ko. Mas naging mahirap dahil wala dito si Hendrix. There are times that I would cry myself to sleep. I miss him so much. Pero hindi ko sinasabi na umiiyak ako. Ayaw kong mag-alala siya sa aki
"Ayos ka lang?" tanong ni Ranna. Katatapos lang ng klase namin pero ayaw ko pang umuwi. Pumasok kami sa isang maliit na milk tea shop para kumain. "Ilang araw ka ng mukhang matamlay at malalim ang iniisip..." I sighed. Hindi ko masabing okay lang ako. "Buntis ka ba?" Napanganga ako. What? Malungkot lang, buntis na agad. "Ginawa niyo na ba ni Kuya nang last na uwi niya?" Umiling ako. "Hindi, ah. Hindi pa namin ginawa... Di ba, kinuwento ko na sa'yo?" Tumawa siya. Pinilit niya akong magkuwento kaya kinuwento ko sa kaniya. Pero syempre hindi naman detalyado at nakakahiya. Kapatid pa man din niya iyon. Nag-beep ang aking phone kaya binuksan ko ang message. Galing ito kay Auntie. Ang sabi niya ay hindi siya makakauwi. Pangalawang beses na 'to. Last week ay hindi din siya umuwi ng Friday ng hapon, after work. Monday na siya ng five am dumating kaya sa bahay ko na pinatulog si Ranna. "Okay." Ito lang ang reply ko. Matanda na siya at hindi din naman niya sasagutin kung magtanong