"Ayos ka lang?" tanong ni Ranna. Katatapos lang ng klase namin pero ayaw ko pang umuwi. Pumasok kami sa isang maliit na milk tea shop para kumain. "Ilang araw ka ng mukhang matamlay at malalim ang iniisip..." I sighed. Hindi ko masabing okay lang ako. "Buntis ka ba?" Napanganga ako. What? Malungkot lang, buntis na agad. "Ginawa niyo na ba ni Kuya nang last na uwi niya?" Umiling ako. "Hindi, ah. Hindi pa namin ginawa... Di ba, kinuwento ko na sa'yo?" Tumawa siya. Pinilit niya akong magkuwento kaya kinuwento ko sa kaniya. Pero syempre hindi naman detalyado at nakakahiya. Kapatid pa man din niya iyon. Nag-beep ang aking phone kaya binuksan ko ang message. Galing ito kay Auntie. Ang sabi niya ay hindi siya makakauwi. Pangalawang beses na 'to. Last week ay hindi din siya umuwi ng Friday ng hapon, after work. Monday na siya ng five am dumating kaya sa bahay ko na pinatulog si Ranna. "Okay." Ito lang ang reply ko. Matanda na siya at hindi din naman niya sasagutin kung magtanong
Umuwi si Mommy noon para awayin si Auntie. Pero nagkabati din naman sila agad. Hindi sila puwedeng mag-away dahil sila na nga lang ang magkakampi. Malapit na ang board exam ni Hendrix kaya hindi na namin siya pinauwi muna para makapag-focus siya ng husto. Alam kong kahit na matalino siya, nakakaramdam siya ng pressure dahil palapit na ito. "Hey, babe..." Friday ngayon at katatapos lang ng morning classes ko.""I want to see you," paglalambing niya. Natawa naman ako. "Gusto mo akong magpunta diyan?""Yeah. Pagkatapos ng klase mo. Puwede ba?""Sure!" Hindi na ako nagpaalam kay Mommy. Mamaya na kapag nandoon na ako. Mabuti na lang at dala ko iyong wallet ko na mayroong mga cards at cash. Hindi na din ako uuwi para kumuha ng mga damit. Bibili na lang ako. Iyong dating unit ang ibu-book ko dahil mayroon silang automatic na washing machine. Hindi na din ako pumasok sa susunod na subjects ko. Nag-text na lang ako kay Ranna na pupuntahan ko ang kapatid niya. Nag-text na din ako kay Aunti
"A-Auntie!""A...melia, mag...pakabait.. ka... Mag...tapos ka ng p-ag...aaral. A-Ang M-Mommy mo... S-Si Hen...drix... G...Gusto ko... siya... s...ayo..."Parang dinudurog ang puso ko habang naririnig ang hirap na hirap na tinig ni Auntie. "Auntie, nasaan ka! Kasama mo ba siya? Gusto ko siyang kausapin!""M-Ma...hal ko k-kayo..." And then the line was cut. Nag-iiyakan na kami ni Mommy. Yakap namin ang isa't isa. Nanghihina kaming parehas kaya sa isa't isa kami kumuha ng lakas. "What is happening, Amelia?" "May sakit si Auntie, Mommy." Wala na akong lakas na magpunta sa room ni Auntie, kaya pinakita ko na lang ang mga bote ng gamot na p-n-icture-an ko noon."Oh my God!" Napatakip si Mommy ng kaniyang bibig bago siya napaiyak ng malakas. "Oh my God! Why?!"Hindi ko na alam kung ilang oras kaming umiyak. Gusto naming lumabas para hanapin si Auntie, pero hindi naman namin alam kung saan namin siya pupuntahan. Ito na yata ang pinakamahabang gabi sa buhay namin ni Mommy. Wala kaming tul
Bawat araw na lumilipas, doon ko naramdaman ang space na iniwan ni Auntie dahil sa pagkawala niya. Paalis na si Mommy ngayong araw. Ayaw ko sana siyang umalis pero ayaw ko naman siyang pigilan. Two years pa at magkakasama na din kami. "Mag-ingat ka dito," bilin niya sa akin. May nahanap na siyang labandera at tagalinis ko. Binilin din niya ako kina Hendrix at nangako naman ang mga ito na hindi ako pababayaan. Sobrang hirap pero kailangan kong lumaban. Tutuparin ko ang pangako ko kay Auntie. "What's your plan?" tanong ko kay Hendrix na araw-araw ko ng kasama. "Nag-apply ako ng trabaho.""Huh? Where?" May offer siya sa Manila. Saan siya nag-apply? "Sa katapat na university," nakangiti niyang sagot. "W-What? Why?"Kumakain kami ngayon ng dinner, kasama sina Tita at Ranna. Sinulyapan ko sila pero mabilis silang nag-iwas ng tingin. "Why not?" balewala namang sagot ni Hendrix. "Maganda naman ang salary, kaya...""Hendrix..." Ayaw kong magkalayo kami pero kung para naman sa ikabubuti
Kanina pa ako nakaupo dito sa labas ng convenience store. Dito ako lumaki sa Manila. Halos lahat ng city dito ay may mga properties kami na puwede kong uwian. But now... i feel like I'm all alone with no place to go to. Hindi pa din ako uuwi. May pera pa naman ako. Medyo malaki din ang napagsanlaan ko ng hikaw ko. Pinasagad ko na, dahil kailangang-kailangan ko ng pera. Wala ng laman ang mga cards ko, pati na din ang aking credit card. Suddenly I became poor. Ang mommy ko ay tinataguan din ako at tinataboy. Bakit ayaw niya akong makita?I decided to book an air bnb. Dito na muna aki ng ilang days. Five days and four nights ang b-in-ook ko. I want to think. Ayaw kong magpadalos-dalos. Naligo na muna ako dahil nanlalagkit na ang aking katawan. After taking a bath, doon pa lang ako nag-reply kay Hendrix. Tinawagan ko na lang siya dahil alam kong nami-miss na niya ako agad. "How are you?" tanong ko. "Fine. Miss na agad kita."Malungkot akong ngumiti. "Nandito ako sa isang condo nam
Binilang ko ang pera na pinagsanlahan ko ng isang set ng aking alahas. Kulang pa ito na pambayad sa utang nina Hendrix pero sa susunod na lang iyong iba. Sobrang taas na din ng interes ng utang nila dahil hindi pala sila consistent na nakakapaghulog noon. Bumili na muna ako ng manok, bago ako umuwi. Nasa work ngayon si Hendrix. Si Tita ay naglabada at si Ranna naman ay nasa bahay. Hindi ko ito sinama dahil natitiyak kong kokontrahin lang niya ako. Buo na ang desisyon ko. Habang iniisip ko ang aking gagawin, parang sinasaksak ang aking puso. Kung may ibang paraan lang sana kaso ito lang ang paraan. Kung mayaman pa sana kami, puwede akong sumama kay Hendrix at sa abroad na kang din mag-aral, para hindi na kami magkahiwalay. God! Why is this so hard? Bakit kailangan kong mahirapan ng husto? Si Hendrix na lang ang mayroon ako, pero hindi ko pa din puwedeng i-keep. Bakit mo ako inuulanan ng problema? Umiiyak ako habang inaayos ang mga maleta ko. Iyong iba ay pina-box ko na ng isang a
Pagtuntong ko ng Manila, tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi na ako ang dating prinsesa, tagapagmana, na nabibigay ang lahat ng materyal na bagay na gugustuhin. Sumakay ako ng taxi. Imbes na sa mansyon o sa condo ako nagpahatid, ang address ni Mommy ngayon ang binigay ko sa driver. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ako. Hindi ko alam kung alam na ba ni Hendrix na umalis ako. Ang sim card ko ay tinanggal ko na kasi sa aking phone. Mas lalo lang akong mahihirapan kung mag-ring ang phone ko at makita ang pangalan niya sa screen. Mas lalo lang akong masasaktan kung mababasa ko ang mga message niya. Tiyak na magmamakaawa iyon na bumalik ako. Masakit. Pero alam kong makakalimutan din niya ako. Iyon ang kailangan niyang gawin para maging successful siya. Para sa kaniya itong sakripisyo na ginawa ko. "Ma'am, nandito na po tayo. Hanggang dito na lang po kita mahahatid, Ma'am."Inabot ko ang bayad sa driver at bumaba na ako ng sasakyan. Napatingin ako sa kulay green na gate na nasa akin
Kung nakikita lang ako ng Mommy ko ngayon, she wouldn't be happy. Ang nag-iisa at mahal na mahal niyang anak ay naghihirap ng husto. Iyong sakripisyo na ginawa niya bago siya mamatay ay napunta lang sa wala. Pagkatapos ko siyang mapalibing, bumuhos na din ang problema sa akin. Halos hindi na ako makahinga. Halos hindi na ako makaahon. Wala akong kakayahang bawiin ang mga naiwan ng mga magulang ko na dapat ay para sa akin, dahil sa mga kamag-anak ni Daddy. Pinapalabas nila na wala na akong karapatan sa mga iyon, dahil ubos na daw ang kabuhayan ni Daddy. Nagbanta pa sila at alam kong kayang-kaya nila akong ipapatay. Hindi naman ako takot mamatay, e, kaso kailangan kong protektahan ang anak ko. Pinili ko na munang magtago, pero pinapangako ko na balang araw mababawi ko ang mga properties na dapat ay para sa akin. Nabenta ko lahat ng mga appliances ni Mommy. Lumipat ako sa squatter kasama ang dati kong yaya. Pinagpapasalamat ko na nandiyan siya para sa akin, dahil wala talaga akong k
~WEDDING~Maaga ang preparation namin para sa wedding. Madaling araw pa lang ay gising na kami para maayusan ng make up artist. Maaga din kasi ang start ng aming wedding, dahil gusto namin na by seven pm, tapos na ang reception. Gusto naming magpahinga ng maaga, dahil bukas ay aalis kami para sa aming honeymoon.Napangiti ako at nakagat ko ang aking labi. Naalala ko iyong pagbabanta ni Hendrix nang isang araw. Humanda daw ako. Hindi ko na napigilan ang kilig ko. I giggled and squeeze the little stuffed toy on my lap. "Excited ka na, madam?" Nginitian ko ang make up artist. Ngayong araw, magiging asawa ko na si Hendrix. Pinangarap ko ito nang maging kami, pero nang kailangan kong talikuran siya, gumuho ang pangarap na iyon. Akala ko hindi na mangyayari. Nang magkita kami ulit, akala ko kasal nila ni Scarlet ang masasaksihan ko. Oh my God! Kakayanin ko ba iyon kung sakali? "Huwag kang umiyak, Ms. Amelia..."Mahina akong natawa. "I'm sorry, I can't help it." Sumilip si Ranna sa ma
Hindi naman siya nawala sa isipan ko. Para sa akin, siya pa din ang best friend ko. Siya ang unang babaeng tumanggap sa ugali ko, sunod si Ranna. Mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Parang kailan lang, mga batang babae lang kami na walang alam sa buhay. Ang alam lang namin ay maglustay ng pera ng aming mga magulang, magbigay ng sakit sa ulo sa kanila, at higit sa lahat, maglaro ng ganda-gandahan. Pero maganda naman talaga kaming dalawa. "Alam mo ba na napakalaki ng na-contribute ko na views sa YouTube channel mo?" Natawa ako, kahit pa nakasimangot siya sa akin ngayon. "Ang dami ko na ding comment sa mga videos pero ni isa, wala kang reply.""Sorry...""Akala ko nasa abroad kayo ng Mommy mo. Akala ko maayos lang ang buhay mo all these years. Not until, nagsimulang maglabasan ang mga articles tungkol sa'yo. Napanood ko din iyong mga interview's mo. Bakit hindi ka lumapit sa akin? You know I would be willing to help you, kami nina Mommy.""Nahihiya ako. I'm sorry... At ayos lang nama
Sinigurado ni Hendrix na magiging perfect ang lahat sa aming wedding day. Pati ang prenup ay mabusisi din niyang plinano. He helped us plan for it. He kept asking if magugustuhan daw ba ito nina Mommy at Auntie kung sakaling nabubuhay pa sila. Sobrang emosyonal ko tuloy. Masayang-masaya pero napapaiyak ako kapag naiisip ko ang dalawang mahalagang babae sa aking buhay na hindi ko na kasama ngayon. Sobrang busy niya sa work ngayon dahil sa mga malalaking projects, pero kahit na ganoon sobrang hands on pa din niya dito. Isang beses lang daw ikasal kaya gusto niyang perfect ang lahat. "I've been dreaming about it since I met you..."Matamis akong napangiti. He never fail to make my heart happy. Kuntento akong bumuntong hininga. Ayos lang naman ang simpleng kasal, pero kung kaya naman namin ng bongga, why not bonggahan, di ba? Besides afford na din naman namin 'to. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, deserve namin ng wedding of the year or century. Mula sa venue, details, susuot
"Sure ka na ayos lang?" pang-ilang ulit ko ng tanong kay Hendrix ito. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang pinapanood akong magbihis. "Yeah. You should go and enjoy."Ngumuso ako. Nagdadalawang isip kung tutuloy ako sa bar ngayon. Iniisip ko kung mag-e-enjoy ba ako. I don't think I deserve to go out and party tapos maiiwan sa bahay ang fiance at anak ko. Ang kulit kasi ni Ranna, e. Sinabi ko ng ayaw ko pero mapilit talaga. Dinaan ako sa patampo-tampo niya. Sinuot ko ang dress na binigay ni Ranna. Backless tapos sexy. Habang sinusuot ko ang damit ay hindi ko inalis ang tingin ko kay Hendrix. I was watching his reaction. Ba't parang ayos lang sa kaniya na sobrang sexy nitong suot ko ngayon? Tapos sa bar pa ako pupunta. "So?" tanong ko at bahagya pang umikot. "What do you think?""Gorgeous..." Inikot ko ang aking mga mata. "Okay lang sa'yo itong suot ko?""Uh-huh. Bagay naman sa lugar na pupuntahan mo. And you look good. Hmmm..." Hinimas niya ang kaniyang leeg. "Parang gusto kita
~HENDRIX~PAANO ako iiwas kung kailangan ko siyang i-tutor. Nakakapanghinayang din naman ang binabayad nila sa akin kung ipapasa ko ito sa iba. NATUTUWA ako sa mga kakulitan niya. Iyong pag-ikot niya ng mga mata at pag-ismid kapag nakikita niyang magkasama kami ni Dina. Kung iba siguro maaasar ako, pero hindi ko din maintindihan kung bakit natutuwa pa ako sa ginagawa niyang iyon. Natutuwa ako sa pagiging generous niya kahit na minsan parang hindi na ako komportable. But I know she's genuine. She's being her true self. Iyong pagiging malapit niya sa kapatid ko. Iyong pagbibigay niya ng kung ano-ano dito. At ang pagpapahiram niya ng gown para maka-attend ito ng prom, lahat ng iyon ay na-appreciate ko. And I think I'm starting to fall for her. KUMUNOT ang noo ko nang makita ko ang picture frame sa sala namin. Nang matitigan ko ang mga pictures napailing na lang ako. Bakit hindi ko magawang maasar sa kakulitin ng babaeng iyon? Kinuha niya ang picture ko at pinalitan niya ito ng kani
~HENDRIX~"Sino iyon?" tanong ni Mang Nato habang nakatingin sa unahan. Papunta kami ngayon sa taniman ng mga saging, upang manguha ng mga puso ng saging. Sa kalagitnaan ng palayan, kapansin-pansin ang isang babae dahil sa kaniyang kaputian kahit may kalayuan ito. Nang makalapit kami ay nakilala ko ito. Amelia Muller. Pagkatapos ng madaming taon muling nagbakasyon ang pamangkin ni Tita Berlin dito sa probinsya. Kamukha niya ang kaniyang ina at kaniyang tiyahin. Maganda na siya noon pero mas lalo pa siyang gumanda ngayon. At kamuntik kong makalimutan na bata pa pala siya. She's still a minor. Dalaga na siya, but she's still young. Maganda nga, pero iyon nga lang masama ang kaniyang ugali. Lumaki sa Maynila at lumaki sa marangyang buhay kaya isa itong spoiled brat. At mas lalo pa akong nadismaya sa kaniya nang marinig ko ang usapan nila ng kaniyang Auntie Berlin. Narinig ko iyong mga sinabi niya patungkol sa akin. Pero hindi ko inakala na matapobre pala siya. Malayong-malayo siy
“The Muller heiress' has regained her throne on the Muller Empire.”“The Muller empire was back to the real heiress.” Laman ako ngayon ng mga iba't ibang mga articles.Pagkatapos ng paghihirap ng ilang taon, nabawi ko din ang lahat ng ari-arian na naiwan sa akin ng mga magulang ko. Ang mga pinsan ni Daddy ay nahaharap sa patong-patong na kaso. At halos maubos din ang ari-arian nila, mabayaran lang ang lahat ng utang nila sa akin. Masaya. Pero mas masaya sana kung buhay pa si Mommy. Pero alam ko naman na kung nasaan man siya ngayon, ay masaya siya. Matatahimik na siya, dahil hindi na ulit ako maghihirap pa. I sighed. Hinilot ko ang aking noo, dahil kanina pa pumipintig ang aking sentido. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi ko magawang maging masaya ng husto. Siguro dahil sa loob ng ilang taon, natutunan ko ng i-embrace ang pagiging mahirap ko. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Hendrix. Tipid akong ngumiti. Ngiti na may halong kaba. "Honestly, I don't know how to run the
"I love you," bulong ko nang maghiwalay ang aming mga labi at katawan. May kaunting hingal pa sa aking boses dahil sa aming ginawa. Pagod ako, pero hindi ko pa gustong magpahinga at alam kong ganoon din siya. "I love you more, babe," sagot naman niya. Mayroong ngiti sa kaniyang mga labi. Iyong ngiti na nakikita ko lang noon sa kaniya kapag natapos kaming mag-love making. I kinda miss this. I feel happy. "That was amazing," sabi ko. Nag-init ang aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin. Medyo nakaramdam ako ng hiya. He softly chuckled. "You're amazing as always," tugon niya habang masuyong nakatingin sa aking namumulang mukha. I bit my lower lips. "I'll just wash," paalam ko nang hawakan niya ang aking bewang. "Okay. Bilisan mo," sagot niya habang may kapilyuhang naglalaro sa kaniyang mga labi. "Susunod ako kapag natagalan ka doon." Humagikgik ako. Plinano kong tagalan, pero hindi naman siya sumunod. Lumabas tuloy ako ng banyo na may kaunting inis. Akala ko tulog na siya, pero
Hindi ko namamalayan na sobrang nagiging komportable na ulit ako kay Hendrix. Natutulog kaming magkatabi—kasama ang aming anak. Niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi, ulo at ilong. Palagi din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He'd buy me flowers, kahit sinasabi kong huwag na. Sabi ko ay nalalanta kasi ito, sayang lang ang pera. "Pinangarap ko ito," sagot naman niya. "Pangarap ko noon na mabigyan ka ng bulaklak at mga regalo. Kaya nga ayaw ko sanang manligaw muna. Dahil hindi ko afford manligaw at magka-girlfriend. I'm poor. Wala akong maipagmamalaki." Ang humble niya talaga. Iyong looks niya, mamasel na katawan, pagiging matalino at mabuting tao niya, hindi iyon mapapantayan ng mamahaling bulaklak o regalo. "Kaya nga ayaw ko noon manligaw. Kaso makulit ka." Napangiti ako. Ilang araw na din ang lumipas. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya iyong magic words kung tawagin niya, pero pinaparamdam ko naman sa kaniya lagi na mahalaga siya sa akin. Kapag hinahatid niy