Pagtuntong ko ng Manila, tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi na ako ang dating prinsesa, tagapagmana, na nabibigay ang lahat ng materyal na bagay na gugustuhin. Sumakay ako ng taxi. Imbes na sa mansyon o sa condo ako nagpahatid, ang address ni Mommy ngayon ang binigay ko sa driver. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ako. Hindi ko alam kung alam na ba ni Hendrix na umalis ako. Ang sim card ko ay tinanggal ko na kasi sa aking phone. Mas lalo lang akong mahihirapan kung mag-ring ang phone ko at makita ang pangalan niya sa screen. Mas lalo lang akong masasaktan kung mababasa ko ang mga message niya. Tiyak na magmamakaawa iyon na bumalik ako. Masakit. Pero alam kong makakalimutan din niya ako. Iyon ang kailangan niyang gawin para maging successful siya. Para sa kaniya itong sakripisyo na ginawa ko. "Ma'am, nandito na po tayo. Hanggang dito na lang po kita mahahatid, Ma'am."Inabot ko ang bayad sa driver at bumaba na ako ng sasakyan. Napatingin ako sa kulay green na gate na nasa akin
Kung nakikita lang ako ng Mommy ko ngayon, she wouldn't be happy. Ang nag-iisa at mahal na mahal niyang anak ay naghihirap ng husto. Iyong sakripisyo na ginawa niya bago siya mamatay ay napunta lang sa wala. Pagkatapos ko siyang mapalibing, bumuhos na din ang problema sa akin. Halos hindi na ako makahinga. Halos hindi na ako makaahon. Wala akong kakayahang bawiin ang mga naiwan ng mga magulang ko na dapat ay para sa akin, dahil sa mga kamag-anak ni Daddy. Pinapalabas nila na wala na akong karapatan sa mga iyon, dahil ubos na daw ang kabuhayan ni Daddy. Nagbanta pa sila at alam kong kayang-kaya nila akong ipapatay. Hindi naman ako takot mamatay, e, kaso kailangan kong protektahan ang anak ko. Pinili ko na munang magtago, pero pinapangako ko na balang araw mababawi ko ang mga properties na dapat ay para sa akin. Nabenta ko lahat ng mga appliances ni Mommy. Lumipat ako sa squatter kasama ang dati kong yaya. Pinagpapasalamat ko na nandiyan siya para sa akin, dahil wala talaga akong k
"Ang ganda ko!" Napangiti ako dahil sa feedback ng aking client. Katatapos ko lang siyang make-up-an at ayusan ng buhok. Isang taon na din akong rumaraket bilang isang make up artist. Nagsimula ako sa mga maliliit na pageant, mga prom at kung ano pang event. Kailangan kong kumayod ng husto dahil lumalaki na din ang pangangailangan naming mag-ina. Nang magkasakit si Nanay Ditas, nabaon kami sa utang. Mabuti na nga lang at may napag-iiwanan ako sa aking anak, dahil kailangan kong magtinda-tinda at maglakad ng mga papeles. Kaso pagkatapos ng dalawang buwan, namatay din si Nanay. Hindi niya kinaya. Alam ko naman na ginawa niya ang lahat. Lumaban siya para sa aming mag-ina pero hanggang doon na lang siya. Mas naging mahirap pa ang buhay namin. Kaliwa't kanan ang mga naniningil sa akin ng utang. Lagi akong nagkakasakit sa stress at pagod. Kaso kapag Nanay ka bawal kang magpahinga kahit may sakit pa. Umiiyak ako gabi-gabi. Sa ganoong paraan man lang ay mabawasan man lang ang bigat sa aki
Parang ayaw ko ng ituloy 'to. Gusto kong mag-walk out. Hinawakan ni Aki ang aking kamay dahil ilang segundo akong nawala sa sarili. Pakiramdam ko ay aatakehin ako sa puso sa lakas ng kalabog nito. Parang magigiba na ang aking ribcage. Nangangatog din ang aking katawan, sa pinagsama-samang kaba, gulat at iyong naipon na mga gutom ko. Binulungan ako ni Aki. "Relax," bulong niya. Huminga ako nang malalim but it didn't made me calm down. Iyong salitang kalma ay wala sa aking sistema ngayon. Hindi ko alam kung paano ako kakalma sa kinakaharap kong sitwasyon. Kahit nakaupo, nangangatog pa din ako. Pinigilan kong ngatngatin ang aking daliri sa sobrang tense. "Smile," bulong ni Aki sa akin. Pinilit kong ngumiti habang nakatingin sa kaniya at tiyak kong mukha akong constipated. Iyong plano kong kumain ng madami at magpakabusog ay hindi ko na magawa. Hindi ko na maramdaman iyong gutom ko. Nawalan ako ng gana kahit pa nakakatakam ang mga pagkain na in-order ni Aki. Pasimple akong tuming
Parang hindi ko na kayang ipagpatuloy itong ginagawa namin ni Aki. Kung hindi na siya mahal pa ni Scarlet, hindi na niya mapipilit pa ang sarili niya dito. Hindi makakatulong ang pagpapaselos niya dito, dahil lalo lang sasama ang tingin ng babae sa kaniya. Kahit hindi iyon ang purpose niya kung bakit niya ako nilapitan, iba pa din ang tingin ni Scarlet. Mas lalo na siyang bad shot dito. Nahihiya na din ako sa kaniya. Parang ang kapal-kapal na din ng mukha ko. Mabait si Scarlet at hindi na din ako magtataka kung bakit siya pinu-pursue ni Hendrix. Hindi matapobre ang babae at balita ko ay galing ito sa hirap. She's lovable. Tanggap ko na kahit magkatuluyan sila ni Hendrix. They both deserve to be happy. Parehas silang mabuting tao. Kaso sabi n'ong mga staff na malapit kay Scarlet, magkaibigan lang daw sila. Hindi kaya pinapaselos lang din ni Scarlet si Aki? Bahala na nga sila. Masyado na akong madaming iniisip. Kung ano man ang kalabasan ng lahat ng 'to, magiging masaya ako para sa
Nakayuko lang ako habang hindi binitawan ang kamay ni Drix. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Hendrix ngayon, pero sinisigurado kong hinding-hindi niya basta-basta makukuha ang anak ko sa akin, kahit wala akong laban kung sakali man na mag-file siya ng custody. Kahit pa nakalagay sa birth certificate ng anak ko na unknown ang kaniyang ama. Hindi pa gumigising si Drix pero alam kong malapit na itong magmulat ng mga mata. Kinakabahan ako sa maaring maging reaksyon niya kapag nakita niya ang kaniyang Daddy. Tumikhim si Hendrix pero takot akong tumingin sa kaniya. Wala akong lakas ng loob na tingnan ang mga mata niyang galit na nakatingin sa akin. "Nasaan iyong mga kailangang bayaran?""Bayad na..." sagot ko gamit ang mahinang boses. "Alam mo'ng kaya kong bayaran ang bills ng anak ko pero sa lalakeng iyon ka pa talaga lumapit..."I sighed. Wala pa akong maayos na tulog kaya pagod na pagod ang pakiramdam ko. Tapos ganito pa si Hendrix. "Hindi ko ma-contact si Aki," sabi ko. "Pero
Pumasok ako ng banyo dahil hindi ko na kayang magpanggap. Hindi ko na kayang magpanggap na naka-move on na ako at okay lang lahat. Hindi ko na kaya pang pigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Tahimik akong umiyak sa banyo. Masakit pa din pala. Kaya mo iyan, Amelia. Ilang taon na ang nakalipas at ilang pagsubok na din ang pinagdaanan mo. Ayos lang iyan. Ipakita mo sa kanila na ayos lang. Hindi ka puwedeng magpakita ng kahinaan kahit pa walang-wala ka na ngayon. Naghilamos ako. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang towel na dala ko dito sa loob ng banyo. Nang lumabas ako, sinigurado kong hindi na ulit ako maluluha pa. Hinanda ko na ang sarili ko sa makikita ko ngunit paglabas ko, wala na si Dina. Nakatayo naman si Hendrix sa tabi ng kama ni Drix. Pinagmamasdan niya ang anak at paminsan-minsan ay hinahaplos ang buhok at pisngi. "Ako na lang ang magbabantay," sabi niya. Naupo siya sa upuan sa gilid. Naupo naman ako sa mahabang upuan. Nagmuni-muni ng ilang sandali bago ako nahiga. H
Pinipigilan ko ang sarili ko na mapahagulgol. Ayaw kong ipakita sa aking anak na sobrang helpless ako. Gusto kong ibigay ang lahat sa kaniya pero wala akong kakayahan para ibigay ang lahat ng iyon. "Iyong isang kuwarto, doon na lang kayo magkuwarto," sabi ni Tita sa amin. Baka kay Drix lang dahil ayaw ni Hendrix na narito ako. Hindi naman niya ako responsibilidad na patirahin dito dahil lang may anak kami. Pumasok kami sa kuwarto na tinuro ni Tita. Mayroong komportableng higaan na kinatuwa naman ni Drix. Nang mapatingin siya sa akin, para bang nakonsensya siya. Tinago niya ang galak sa kaniyang mukha. Ngumiti ako. Pinakita ko na masaya ako para sa kaniya. Masaya ako na masaya siya. Hinayaan ko na muna sina Tita at Drix sa kuwarto. Naupo ako sa tabi ni Ranna. Agad naman niya akong niyakap. Kanina pa iyak nang iyak. "Ano'ng nangyari sa'yo? Akala ko maayos lang ang lahat pero bakit ganito? Tapos may anak pala kayo ni Kuya."Nagyuko ako. Hindi ko masabi sa kaniya ang lahat dahil ayaw
~WEDDING~Maaga ang preparation namin para sa wedding. Madaling araw pa lang ay gising na kami para maayusan ng make up artist. Maaga din kasi ang start ng aming wedding, dahil gusto namin na by seven pm, tapos na ang reception. Gusto naming magpahinga ng maaga, dahil bukas ay aalis kami para sa aming honeymoon.Napangiti ako at nakagat ko ang aking labi. Naalala ko iyong pagbabanta ni Hendrix nang isang araw. Humanda daw ako. Hindi ko na napigilan ang kilig ko. I giggled and squeeze the little stuffed toy on my lap. "Excited ka na, madam?" Nginitian ko ang make up artist. Ngayong araw, magiging asawa ko na si Hendrix. Pinangarap ko ito nang maging kami, pero nang kailangan kong talikuran siya, gumuho ang pangarap na iyon. Akala ko hindi na mangyayari. Nang magkita kami ulit, akala ko kasal nila ni Scarlet ang masasaksihan ko. Oh my God! Kakayanin ko ba iyon kung sakali? "Huwag kang umiyak, Ms. Amelia..."Mahina akong natawa. "I'm sorry, I can't help it." Sumilip si Ranna sa ma
Hindi naman siya nawala sa isipan ko. Para sa akin, siya pa din ang best friend ko. Siya ang unang babaeng tumanggap sa ugali ko, sunod si Ranna. Mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Parang kailan lang, mga batang babae lang kami na walang alam sa buhay. Ang alam lang namin ay maglustay ng pera ng aming mga magulang, magbigay ng sakit sa ulo sa kanila, at higit sa lahat, maglaro ng ganda-gandahan. Pero maganda naman talaga kaming dalawa. "Alam mo ba na napakalaki ng na-contribute ko na views sa YouTube channel mo?" Natawa ako, kahit pa nakasimangot siya sa akin ngayon. "Ang dami ko na ding comment sa mga videos pero ni isa, wala kang reply.""Sorry...""Akala ko nasa abroad kayo ng Mommy mo. Akala ko maayos lang ang buhay mo all these years. Not until, nagsimulang maglabasan ang mga articles tungkol sa'yo. Napanood ko din iyong mga interview's mo. Bakit hindi ka lumapit sa akin? You know I would be willing to help you, kami nina Mommy.""Nahihiya ako. I'm sorry... At ayos lang nama
Sinigurado ni Hendrix na magiging perfect ang lahat sa aming wedding day. Pati ang prenup ay mabusisi din niyang plinano. He helped us plan for it. He kept asking if magugustuhan daw ba ito nina Mommy at Auntie kung sakaling nabubuhay pa sila. Sobrang emosyonal ko tuloy. Masayang-masaya pero napapaiyak ako kapag naiisip ko ang dalawang mahalagang babae sa aking buhay na hindi ko na kasama ngayon. Sobrang busy niya sa work ngayon dahil sa mga malalaking projects, pero kahit na ganoon sobrang hands on pa din niya dito. Isang beses lang daw ikasal kaya gusto niyang perfect ang lahat. "I've been dreaming about it since I met you..."Matamis akong napangiti. He never fail to make my heart happy. Kuntento akong bumuntong hininga. Ayos lang naman ang simpleng kasal, pero kung kaya naman namin ng bongga, why not bonggahan, di ba? Besides afford na din naman namin 'to. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, deserve namin ng wedding of the year or century. Mula sa venue, details, susuot
"Sure ka na ayos lang?" pang-ilang ulit ko ng tanong kay Hendrix ito. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang pinapanood akong magbihis. "Yeah. You should go and enjoy."Ngumuso ako. Nagdadalawang isip kung tutuloy ako sa bar ngayon. Iniisip ko kung mag-e-enjoy ba ako. I don't think I deserve to go out and party tapos maiiwan sa bahay ang fiance at anak ko. Ang kulit kasi ni Ranna, e. Sinabi ko ng ayaw ko pero mapilit talaga. Dinaan ako sa patampo-tampo niya. Sinuot ko ang dress na binigay ni Ranna. Backless tapos sexy. Habang sinusuot ko ang damit ay hindi ko inalis ang tingin ko kay Hendrix. I was watching his reaction. Ba't parang ayos lang sa kaniya na sobrang sexy nitong suot ko ngayon? Tapos sa bar pa ako pupunta. "So?" tanong ko at bahagya pang umikot. "What do you think?""Gorgeous..." Inikot ko ang aking mga mata. "Okay lang sa'yo itong suot ko?""Uh-huh. Bagay naman sa lugar na pupuntahan mo. And you look good. Hmmm..." Hinimas niya ang kaniyang leeg. "Parang gusto kita
~HENDRIX~PAANO ako iiwas kung kailangan ko siyang i-tutor. Nakakapanghinayang din naman ang binabayad nila sa akin kung ipapasa ko ito sa iba. NATUTUWA ako sa mga kakulitan niya. Iyong pag-ikot niya ng mga mata at pag-ismid kapag nakikita niyang magkasama kami ni Dina. Kung iba siguro maaasar ako, pero hindi ko din maintindihan kung bakit natutuwa pa ako sa ginagawa niyang iyon. Natutuwa ako sa pagiging generous niya kahit na minsan parang hindi na ako komportable. But I know she's genuine. She's being her true self. Iyong pagiging malapit niya sa kapatid ko. Iyong pagbibigay niya ng kung ano-ano dito. At ang pagpapahiram niya ng gown para maka-attend ito ng prom, lahat ng iyon ay na-appreciate ko. And I think I'm starting to fall for her. KUMUNOT ang noo ko nang makita ko ang picture frame sa sala namin. Nang matitigan ko ang mga pictures napailing na lang ako. Bakit hindi ko magawang maasar sa kakulitin ng babaeng iyon? Kinuha niya ang picture ko at pinalitan niya ito ng kani
~HENDRIX~"Sino iyon?" tanong ni Mang Nato habang nakatingin sa unahan. Papunta kami ngayon sa taniman ng mga saging, upang manguha ng mga puso ng saging. Sa kalagitnaan ng palayan, kapansin-pansin ang isang babae dahil sa kaniyang kaputian kahit may kalayuan ito. Nang makalapit kami ay nakilala ko ito. Amelia Muller. Pagkatapos ng madaming taon muling nagbakasyon ang pamangkin ni Tita Berlin dito sa probinsya. Kamukha niya ang kaniyang ina at kaniyang tiyahin. Maganda na siya noon pero mas lalo pa siyang gumanda ngayon. At kamuntik kong makalimutan na bata pa pala siya. She's still a minor. Dalaga na siya, but she's still young. Maganda nga, pero iyon nga lang masama ang kaniyang ugali. Lumaki sa Maynila at lumaki sa marangyang buhay kaya isa itong spoiled brat. At mas lalo pa akong nadismaya sa kaniya nang marinig ko ang usapan nila ng kaniyang Auntie Berlin. Narinig ko iyong mga sinabi niya patungkol sa akin. Pero hindi ko inakala na matapobre pala siya. Malayong-malayo siy
“The Muller heiress' has regained her throne on the Muller Empire.”“The Muller empire was back to the real heiress.” Laman ako ngayon ng mga iba't ibang mga articles.Pagkatapos ng paghihirap ng ilang taon, nabawi ko din ang lahat ng ari-arian na naiwan sa akin ng mga magulang ko. Ang mga pinsan ni Daddy ay nahaharap sa patong-patong na kaso. At halos maubos din ang ari-arian nila, mabayaran lang ang lahat ng utang nila sa akin. Masaya. Pero mas masaya sana kung buhay pa si Mommy. Pero alam ko naman na kung nasaan man siya ngayon, ay masaya siya. Matatahimik na siya, dahil hindi na ulit ako maghihirap pa. I sighed. Hinilot ko ang aking noo, dahil kanina pa pumipintig ang aking sentido. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi ko magawang maging masaya ng husto. Siguro dahil sa loob ng ilang taon, natutunan ko ng i-embrace ang pagiging mahirap ko. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Hendrix. Tipid akong ngumiti. Ngiti na may halong kaba. "Honestly, I don't know how to run the
"I love you," bulong ko nang maghiwalay ang aming mga labi at katawan. May kaunting hingal pa sa aking boses dahil sa aming ginawa. Pagod ako, pero hindi ko pa gustong magpahinga at alam kong ganoon din siya. "I love you more, babe," sagot naman niya. Mayroong ngiti sa kaniyang mga labi. Iyong ngiti na nakikita ko lang noon sa kaniya kapag natapos kaming mag-love making. I kinda miss this. I feel happy. "That was amazing," sabi ko. Nag-init ang aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin. Medyo nakaramdam ako ng hiya. He softly chuckled. "You're amazing as always," tugon niya habang masuyong nakatingin sa aking namumulang mukha. I bit my lower lips. "I'll just wash," paalam ko nang hawakan niya ang aking bewang. "Okay. Bilisan mo," sagot niya habang may kapilyuhang naglalaro sa kaniyang mga labi. "Susunod ako kapag natagalan ka doon." Humagikgik ako. Plinano kong tagalan, pero hindi naman siya sumunod. Lumabas tuloy ako ng banyo na may kaunting inis. Akala ko tulog na siya, pero
Hindi ko namamalayan na sobrang nagiging komportable na ulit ako kay Hendrix. Natutulog kaming magkatabi—kasama ang aming anak. Niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi, ulo at ilong. Palagi din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He'd buy me flowers, kahit sinasabi kong huwag na. Sabi ko ay nalalanta kasi ito, sayang lang ang pera. "Pinangarap ko ito," sagot naman niya. "Pangarap ko noon na mabigyan ka ng bulaklak at mga regalo. Kaya nga ayaw ko sanang manligaw muna. Dahil hindi ko afford manligaw at magka-girlfriend. I'm poor. Wala akong maipagmamalaki." Ang humble niya talaga. Iyong looks niya, mamasel na katawan, pagiging matalino at mabuting tao niya, hindi iyon mapapantayan ng mamahaling bulaklak o regalo. "Kaya nga ayaw ko noon manligaw. Kaso makulit ka." Napangiti ako. Ilang araw na din ang lumipas. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya iyong magic words kung tawagin niya, pero pinaparamdam ko naman sa kaniya lagi na mahalaga siya sa akin. Kapag hinahatid niy