Pinipigilan ko ang sarili ko na mapahagulgol. Ayaw kong ipakita sa aking anak na sobrang helpless ako. Gusto kong ibigay ang lahat sa kaniya pero wala akong kakayahan para ibigay ang lahat ng iyon. "Iyong isang kuwarto, doon na lang kayo magkuwarto," sabi ni Tita sa amin. Baka kay Drix lang dahil ayaw ni Hendrix na narito ako. Hindi naman niya ako responsibilidad na patirahin dito dahil lang may anak kami. Pumasok kami sa kuwarto na tinuro ni Tita. Mayroong komportableng higaan na kinatuwa naman ni Drix. Nang mapatingin siya sa akin, para bang nakonsensya siya. Tinago niya ang galak sa kaniyang mukha. Ngumiti ako. Pinakita ko na masaya ako para sa kaniya. Masaya ako na masaya siya. Hinayaan ko na muna sina Tita at Drix sa kuwarto. Naupo ako sa tabi ni Ranna. Agad naman niya akong niyakap. Kanina pa iyak nang iyak. "Ano'ng nangyari sa'yo? Akala ko maayos lang ang lahat pero bakit ganito? Tapos may anak pala kayo ni Kuya."Nagyuko ako. Hindi ko masabi sa kaniya ang lahat dahil ayaw
Katatapos lang ng kasal kaya ngayon ko lang din nahawakan ang aking celphone. Nakabili ako kahapon ng keypad na cellphone, gamit iyong pera na galing kay Aki. Nag-reply ako sa message ni Ranna sa akin. Maayos naman daw si Drix sa kanila. Sila ni Tita ang nag-aalaga pansamantala sa aking anak. Hindi ko alam kung plano bang kumuha ni Hendrix ng yaya para sa bata. Ngayon ko lang naalala na pumapasok siya sa work. Sino ang mag-aasikaso maghapon sa anak namin? May work din si Ranna at si Tita, ang alam ko mayroong siyang maliit na negosyo at iyon ang pinagkakaabalahan niya para malibang siya at hindi mabagot dahil busy ang dalawang anak niya. Binuksan ko naman ang text ni Ate Carmie. "Nagpunta dito ang bf mo kagabi. Sabi ko umalis ka." Napaisip pa ako kung sino ang tinutukoy niyang bf ko. Alam naman niyang wala akong boyfriend. Si Robi, assistant ni Aki o si... Imposible naman iyon. Galit nga iyon sa akin at kulang na lang ay pandirihan niya ako. "Tinanong niya kung saan ka nagpunta."
"Kaibigan ko lang siya. Ninong ni Drix.""Talaga?" mapagduda niyang tanong habang nakataas ang isang kilay. "O-Oo." Kung saan-saan ako tumingin dahil para akong napapaso sa mapanuring tingin niya. "Nang umalis ka ba, may communication na din kayo?"Umiling ako. "Nagkita lang kami nang mismong birthday ni Drix. Second year birthday. May sakit si Nanay Tilde kaya ako ang nagtinda sa labas ng ospital. Si Nanay Tilde, iyong kasambahay namin dati." "Nagtinda?" Marahan akong tumango. "Ano'ng tinitinda mo?" "Mga ulam at meryenda. May kaibigan kasi si Robi na naka-confine sa ospital na iyon. Tapos iyon...""Ano'ng ginawa niyo nang second birthday ni Drix?""Wala. Hindi ko siya naipaghanda." Nagyuko ako. Nahiya ako dahil baka maliitin niya ako dahil kahit ipaghanda ang anak ay hindi ko man lang nagawa. "Tapos? Paano kayo naging magkaibigan ni Robi?" Gusto niyang ikuwento ko?"Lagi siyang bumibili sa paninda ko. Minsan papakyawin pa niya para makauwi ako agad..." Naiilang ako at natatako
Niyakap ko ang aking anak. Ayaw kong kontrahin ang sinasabi niya. Ayaw kong i-invalidate ang kaniyang nararamdaman kaya hahayaan ko na munang humupa ang kaniyang emosyon. Pinalitan ko siya ng damit at nahiga na din muna kami sa kama. Pagod na siya at kanina pa din siya umiiyak. Nag-aalala ako dahil baka mamaya ay mapaano siya. "Mommy loves you, anak."Nakapikit na ang kaniyang mga mata habang nakayakap ng mahigpit sa akin. Nang masiguro na malalim na ang kaniyang tulog, bumangon na din ako.Naupo ako at sa pagpa-practice na lang ng paglalagay ng eyebrows tinuon ang atensyon ko. Nang matapos ako ay saktong padilim na din. Tulog pa si Drix. Maya-maya ay gigising na din ito at kakain na. Magluluto na ako ng hapunan namin. Nadatnan ko si Hendrix sa may living room. Nakaupo siya sa sofa pero nakapikit ang mga mata. Hindi pa siya nagpapalit ng damit. Mukhang mula kanina ay hindi pa ito pumapasok ng kaniyang kuwarto. Nagdilat siya ng mga mata nang maramdaman niya ako. "Tulog pa siya?"
Dinala muna ni Hendrix sa sasakyan ang mga pinamili namin. Kami naman ni Drix ay nagpunta sa arcade upang doon siya hintayin. Nagpalit ako ng one hundred pesos na coins at hinayaan ang aking anak na maglaro. Isang beses pa lang niyang naranasan 'to. Dahil madalas kapos at kung may pera ay napupunta naman sa mga bills, kaya hindi ko siya naipapasyal sa mall. More on sa park kami namamasyal. Sa palengke ko lang din siya binibili ng mga mumurahing laruan. Minsan mayroon ding magagandang laruan sa Japan surplus kaya mayroon siyang maganda at matibay na laruan. Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang anak ko na masayang naglalaro. "Ayaw mong maglaro?" Nilingon ko ang lalake sa aking tabi. "Ayaw ko..." wala sa mood na sagot ko, dahil wala talaga ako sa mood. Gusto ko siyang komprontahin ngayon, pero pinigilan ko ang aking sarili. "Samahan mo na lang ang anak mo. Baka huling beses na 'to na—""Shut up!" mariing bulong niya sa aking tenga. Galit siya, pero hindi ko maintindihan kung bakit na
At hindi lang sina Ranna at Tita ang narito. Nandito din si Dina. May mga dala pa siyang pasalubong para sa anak ko. "Kumain na tayo," aya ni Hendrix sa mga kasama namin. Dumulog din sa mesa si Dina. Feel at home na feel at home siya. Ako naman ay nakaramdam ng pagkailang. Pakiramdam ko ay nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali. Bakit ko ba nakalimutan na mayroon ng nobya si Hendrix? Dapat kahit magdikit ang mga balat namin ay hindi ko hinahayaan. Nag-uusap sina Dina, Ranna at Hendrix patungkol sa work. Mas lalo pa tuloy akong nakaramdam ng pagkailang. I feel like I don't belong. Siguro dahil na din sa aking status ngayon, hindi na mayaman, hindi nakapag-aral at wala ding maayos na trabaho. Habang kumakain, tumunog ang aking celphone. Text ito galing sa wedding coordinator na nakausap ko nang nakaraan. Ako sana ang mag-aayos ng bride sa isang weeding bukas pero bigla daw nag-back out ang bride. May nakuha na daw itong ibang hair and make up artist. Malaki pa man din sana ang k
Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinaumagahan. Hindi ako umiinom ng alak kaya sobrang tindi ng sakit ng aking ulo. Gising na silang lahat. At ba't dito ako sa sofa natulog? Naalala ko na hindi pala ako pumayag na sa kuwarto ni Hendrix matulog. Mabuti na lang at kahit lasing ako, nakapagkontrol ako. Pero may hindi ako nakontrol. Damn!"Good morning, Mommy!" masiglang bati ni Drix. Karga siya ni Hendrix na bagong ligo. "Morning," sagot ko naman, pero hindi ako tumingin sa dalawa. Nahihiya ako. Umiyak ako kagabi. Sinabi ko kay Hendrix iyong saloobin ko tungkol kay Dina. Sinabi ko na nasaktan ako nang malaman ko na sila ni Dina. Pinagseselosan ko ang babaeng iyon noon. Tapos may pasabi-sabi pa siya na hindi niya gusto ang babae, pero kinain din niya lahat ng sinabi niyang iyon. "Aalis tayo in one hour. Ayos ka lang?"Hindi ako sumagot. Mabilis akong nagtungo sa silid ni Drix para makaligo na. Napansin ko na nakahanda na ang mga damit na dadalhin ni Drix. Pati iyong mga damit n
"Mula noon, hanggang ngayon... Mahal pa din kita." Hindi ako makapagsalita. Hindi ko din alam kung ano ang dapat kong sabihin. Mahal ko pa din siya kahit ilang taon kaming nagkahiwalay. Pero deserve ko pa ba siya? "Kung gusto mong magpakipot muna, ayos lang naman.""A-Ano? Hindi ako nagpapakipot, Hendrix." Nakangisi siya habang nakataas ang isang kilay niya. "Bakit hindi ka nagsasalita kung ganoon?" nang-aasar pa niyang tanong. "Wala naman kasi akong dapat na sabihin. Baka hinahanap na ako ni Drix. Puwede na ba akong lumabas?"Tumango siya. "Mamayang gabi na ulit tayo mag-usap."Mamayang gabi? May ibang pinaplano ata itong lalake na 'to. Akala naman niya hahayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Alam ko naman na ginagawa niya lang ito para sa anak namin. Bata pa si Drix kaya ganoon ang reaksyon niya. Kailangan lang ipaintindi sa kaniya ang sitwasyon. Ayos lang naman kung maghiraman kaming dalawa sa anak namin. Lahat naman madadaan sa usapan. Hindi iyong magbabanta siya na kuku