Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinaumagahan. Hindi ako umiinom ng alak kaya sobrang tindi ng sakit ng aking ulo. Gising na silang lahat. At ba't dito ako sa sofa natulog? Naalala ko na hindi pala ako pumayag na sa kuwarto ni Hendrix matulog. Mabuti na lang at kahit lasing ako, nakapagkontrol ako. Pero may hindi ako nakontrol. Damn!"Good morning, Mommy!" masiglang bati ni Drix. Karga siya ni Hendrix na bagong ligo. "Morning," sagot ko naman, pero hindi ako tumingin sa dalawa. Nahihiya ako. Umiyak ako kagabi. Sinabi ko kay Hendrix iyong saloobin ko tungkol kay Dina. Sinabi ko na nasaktan ako nang malaman ko na sila ni Dina. Pinagseselosan ko ang babaeng iyon noon. Tapos may pasabi-sabi pa siya na hindi niya gusto ang babae, pero kinain din niya lahat ng sinabi niyang iyon. "Aalis tayo in one hour. Ayos ka lang?"Hindi ako sumagot. Mabilis akong nagtungo sa silid ni Drix para makaligo na. Napansin ko na nakahanda na ang mga damit na dadalhin ni Drix. Pati iyong mga damit n
"Mula noon, hanggang ngayon... Mahal pa din kita." Hindi ako makapagsalita. Hindi ko din alam kung ano ang dapat kong sabihin. Mahal ko pa din siya kahit ilang taon kaming nagkahiwalay. Pero deserve ko pa ba siya? "Kung gusto mong magpakipot muna, ayos lang naman.""A-Ano? Hindi ako nagpapakipot, Hendrix." Nakangisi siya habang nakataas ang isang kilay niya. "Bakit hindi ka nagsasalita kung ganoon?" nang-aasar pa niyang tanong. "Wala naman kasi akong dapat na sabihin. Baka hinahanap na ako ni Drix. Puwede na ba akong lumabas?"Tumango siya. "Mamayang gabi na ulit tayo mag-usap."Mamayang gabi? May ibang pinaplano ata itong lalake na 'to. Akala naman niya hahayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Alam ko naman na ginagawa niya lang ito para sa anak namin. Bata pa si Drix kaya ganoon ang reaksyon niya. Kailangan lang ipaintindi sa kaniya ang sitwasyon. Ayos lang naman kung maghiraman kaming dalawa sa anak namin. Lahat naman madadaan sa usapan. Hindi iyong magbabanta siya na kuku
Nakauwi na kami sa bahay nina Hendrix. Sobrang tahimik ng lalake mula pa kanina. Sina Tita at Ranna naman ay halos ayaw ng humiwalay sa akin. Kulang na lang ay sumama sila kahit na magbabanyo lang naman ako. Nagtataka naman si Drix sa mga nangyayari ngunit hindi ito nagtatanong. Nasa sala ito habang nanonood ng discovery channel. Nandito naman kami sa kusina nina Tita at Ranna. Naghihimay kami ng mga talbos na uulamin namin mamaya. Napatingin ako kay Tita na kanina pa sumisinghot. Si Ranna naman ay nagpunas ng luha at napasinga sa tissue. Sinipon na siya sa pag-iyak. Mahapdi na din ang mga mata ko, pero naiiyak na naman ako dahil nahahawa ako sa kanila. "Hi, pogi! Nasaan ang Daddy mo?" Nagkatinginan kami nang marinig namin ang boses ni Dina. Mabilis na tumayo si Ranna pero pinigilan ko siya. Umiling ako. Alam kong aawayin niya ang babae. Kanina pa ito nagbabanta. Nangyari na ang lahat. Pero hindi ko palalagpasin ang ginawa niya. Hindi ko siya mapapatawad. Darating ang araw na ma
Tutulong sana ako sa paghahanda ng aming hapunan pero itong si Hendrix, hindi na binibitawan ang kamay ko. Yayakap siya sa akin, hahalik sa aking pisngi, leeg at kung saan-saan pa. Tingin ba niya okay na kami? Nandito kami sa sala na tatlo ngayon. Si Drix ay nanonood ng discovery channel, habang pasulyap-sulyap sa amin ng Daddy niya. May ngiti sa kaniyang mga labi. Makikita mo talaga ang saya sa kaniyang mukha. "Come here, buddy..." tawag sa kaniya ni Hendrix. Pinaupo naman siya ni Hendrix sa kaniyang mga hita. "Are you happy?" masuyong tanong niya sa kaniyang anak, sabay halik sa pisngi nito. "Yes, Daddy," medyo nahihiyang sagot ng bata. "Why?""Because you and mommy are back together. Am I right, Daddy?" Umaasang tanong niya. I can't say no. Hindi ko kayang tanggalin ang kasiyahan sa kaniyang puso. "Yes. That's right, Son. Mommy and Daddy are back together. We've never broke up in the first place." Ngumuso ako. Inakbayan naman ako ni Hendrix sabay halik sa aking pisngi.
Nakabalik na kami ng Manila. Babalik na din sa work ngayon si Hendrix, pero hindi siya makaalis-alis. Parang gusto pa niya akong isama. "Bawal kang umalis," bilin pa niya sa akin. "May lakad ako, Hendrix. Ano'ng gusto mong gawin sa akin? Ikulong ako dito?""Pero babalik ka agad?" tanong niya. Takot na takot na maiwan. "Oo. May lalakarin lang ako. Isasama ko na din muna si Drix." Wala siyang nakuha na makakasama sa bahay. Tagalinis lang twice a week ang nakuha niya. Mahirap kasing magtiwala. Sabi ko humanap na lang ng kakilala sa probinsya. O maghahanap ako. Iyong mga dati naming kasambahay noon sa mansyon, o kaya mga kamag-anak ng kasambahay. "Okay. Mag-usap tayo mamayang hapon," sabi niya. Sa wakas pumayag din siya, pero alanganin pa din ang itsura. Nakabihis na siya. Formal ngayon ang suot niya. Hindi gaya kapag ibang araw na nakasuot siya ng jeans at polo na mukha siyang model ng jeans. "Bantayan mo ang Mommy mo, okay?" Tumango naman si Drix. "Don't worry, Daddy. Mommy only
"Gusto mo bang mag-aral ulit?" Tulog na si Drix at ako ay inaantok na din, pero nagsalita pa si Hendrix. Tumagilid siya paharap sa akin. "Hindi ko alam." Wala pa kasi iyon sa isip ko. Kung mag-e-enroll man ako, gusto ko iyong course na makakatulong sa akin sa gusto kong simulan na negosyo, kapag may puhunan na ako. "Bakit? Pag-aaralin mo ba ako?" nakangiting tanong ko. Tumango siya. "Yeah. Kahit saang university mo pa gusto."Kaya ko namang tustusan ang pag-aaral ko kung sakali. Hindi ko na kailangang kumayod ng husto ngayon para sa needs ni Drix dahil nandito na siya. "Siguro saka na. Or pag-iisipan ko muna. Nag-t-treatment si Drix. Dapat available ako lagi for him. Gusto ko siyang samahan sa mga check ups niya.""Okay, babe. Wala namang edad ang pag-aaral. It can wait. Basta nandito lang ako nakasuporta sa'yo. Iyong pinagkakakitaan mo pala ngayon, puwede mong gawing business.""Iyon nga din ang plano ko. Soon.""Kung kailangan mo ng puhunan..."Tumawa ako. "Saka na ako magpap
Hindi ko namamalayan na sobrang nagiging komportable na ulit ako kay Hendrix. Natutulog kaming magkatabi—kasama ang aming anak. Niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi, ulo at ilong. Palagi din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He'd buy me flowers, kahit sinasabi kong huwag na. Sabi ko ay nalalanta kasi ito, sayang lang ang pera. "Pinangarap ko ito," sagot naman niya. "Pangarap ko noon na mabigyan ka ng bulaklak at mga regalo. Kaya nga ayaw ko sanang manligaw muna. Dahil hindi ko afford manligaw at magka-girlfriend. I'm poor. Wala akong maipagmamalaki." Ang humble niya talaga. Iyong looks niya, mamasel na katawan, pagiging matalino at mabuting tao niya, hindi iyon mapapantayan ng mamahaling bulaklak o regalo. "Kaya nga ayaw ko noon manligaw. Kaso makulit ka." Napangiti ako. Ilang araw na din ang lumipas. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya iyong magic words kung tawagin niya, pero pinaparamdam ko naman sa kaniya lagi na mahalaga siya sa akin. Kapag hinahatid niy
"I love you," bulong ko nang maghiwalay ang aming mga labi at katawan. May kaunting hingal pa sa aking boses dahil sa aming ginawa. Pagod ako, pero hindi ko pa gustong magpahinga at alam kong ganoon din siya. "I love you more, babe," sagot naman niya. Mayroong ngiti sa kaniyang mga labi. Iyong ngiti na nakikita ko lang noon sa kaniya kapag natapos kaming mag-love making. I kinda miss this. I feel happy. "That was amazing," sabi ko. Nag-init ang aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin. Medyo nakaramdam ako ng hiya. He softly chuckled. "You're amazing as always," tugon niya habang masuyong nakatingin sa aking namumulang mukha. I bit my lower lips. "I'll just wash," paalam ko nang hawakan niya ang aking bewang. "Okay. Bilisan mo," sagot niya habang may kapilyuhang naglalaro sa kaniyang mga labi. "Susunod ako kapag natagalan ka doon." Humagikgik ako. Plinano kong tagalan, pero hindi naman siya sumunod. Lumabas tuloy ako ng banyo na may kaunting inis. Akala ko tulog na siya, pero