Share

CHAPTER 51

Pagtuntong ko ng Manila, tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi na ako ang dating prinsesa, tagapagmana, na nabibigay ang lahat ng materyal na bagay na gugustuhin.

Sumakay ako ng taxi. Imbes na sa mansyon o sa condo ako nagpahatid, ang address ni Mommy ngayon ang binigay ko sa driver.

Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ako. Hindi ko alam kung alam na ba ni Hendrix na umalis ako. Ang sim card ko ay tinanggal ko na kasi sa aking phone. Mas lalo lang akong mahihirapan kung mag-ring ang phone ko at makita ang pangalan niya sa screen.

Mas lalo lang akong masasaktan kung mababasa ko ang mga message niya. Tiyak na magmamakaawa iyon na bumalik ako.

Masakit. Pero alam kong makakalimutan din niya ako. Iyon ang kailangan niyang gawin para maging successful siya. Para sa kaniya itong sakripisyo na ginawa ko.

"Ma'am, nandito na po tayo. Hanggang dito na lang po kita mahahatid, Ma'am."

Inabot ko ang bayad sa driver at bumaba na ako ng sasakyan. Napatingin ako sa kulay green na gate na nasa akin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Joche3134s
ansakit ng chapter na to miss Shynn
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
Oh No naintindihan ko na yong Title huhuh ang sakit Ma'am bakit ganon huhuhuh
goodnovel comment avatar
maribeth
naiyak ako subra grabi yung pag mamahal ng mommy ni Amelia
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status