Home / Romance / A Husband's Vengeance / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of A Husband's Vengeance : Chapter 71 - Chapter 80

125 Chapters

CHAPTER 70

" May plano kang iderborsyo si Venice? " gulat na tanong ni Lucine kay Amadeus. " Matagal ko ng plano bago ka pa dumating sa mansyon, " sagot ni Amadeus. Hindi magawang magsalita ni Lucine. Bumalik sa isipan niya ang unang beses na nahuli niya si Venice limang taon na ang nakalilipas. Malinaw pa rin sa alaala niya ang narinig sa silid kung saan naroroon si Venice at ang naging kabit nito. Tanda niya pa kung paanong kaswal na kumikilos si Venice sa harap ni Amadeus na animo'y walang ginawang kasalanan. Hindi mawari ni Lucine kung saan kumuha nang lakas ng loob si Venice upang gumawa ng kataksilan sa mismong pamamahay ni Amadeus. " May balita ka pa ba sa lalaking naging kalaguyo ni Venice? " hindi maiwasang itanong ni Lucine. " Ngayon ko lang naisip dahil nabanggit mo na rin 'yong tungkol sainyo noon. Mukhang wala na silang koneksyon dahil parang puro trabaho na lang ngayon si Venice. " " Sa pagkakatanda ko, may pamilya na 'yong lalaki. Hindi ko na inalam ang buong detalye kung paan
last updateLast Updated : 2022-10-09
Read more

CHAPTER 71

" Mahal kita, Lucine..." Paulit-ulit na naririnig ni Lucine sa isip niya ang tatlong salitang binitawan ni Amadeus ilang oras na ang nakararaan. Nakabalik na sila sa bahay ngunit ang isip niya ay tila naiwan sa yate. Ayaw siyang tantanan ng mga katagang nagbigay ng kasiyahan sa puso niya, subalit hindi rin naman niya maiwasang makaramdam ng konsensya sapagkat hindi niya ito nagawang tugonan. Humugot nang malalim na hininga si Lucine bago tignan ang sarili sa salamin. Ilang minuto na siyang nakakulong sa banyo upang maglinis ng katawan. Kanina pa siya tapos at nakapagbihis na rin siya, ngunit hindi niya magawang lumabas sa takot na baka sila'y magkita ni Amadeus pagkatapos ng hindi sinasadyang pagbaliwala niya sa pagtatapat nito. Na-blangko siya, nakatungtong na sila sa lupa't lahat ngunit hindi niya magawang magsalita, hanggang sa kaswal ng iniba ni Amadeus ang usapan nila dahilan upang malugmok si Lucine. Nais niyang tugonan ang pagtatapat nito, ngunit hindi niya alam kung papano.
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

CHAPTER 72

Isang sarkastikong tawa ang kumawala sa bibig ni Logan matapos marinig ang sinabi ni Venice na hindi nabago ang ekspresyon sa mukha. Seryoso ang mga tingin nito na ibinibigay sa ama." Ako ba'y binabantaan mo, Venice? " mapanuyang pagtatanong ni Logan. " Hindi ko inasahan na mayroon ka palang nakatagong ugaling ganiyan. Namana mo ba 'yan saakin o kay Victoria? "Naiyukom ni Venice ang kamao. Wala siyang balak makipagusap sa ama tungkol sa ibang bagay dahil isa lamang ang kaniyang sadya. " Narinig niyo ang sinsabi ko Papà. Wala kayong gagawin kay Amadeus—"" At paano ka naman nakasisiguro na susundin ko ang gusto mo? May mapapala ba ako, Venice? "" Kapag ba pinatay niyo si Amadeus, paano kayo nakasisiguro na hindi madadawit ang pangalan niyo? " tanong pabalik ni Venice. " Alam na ng lahat na mayroon kayong alitan at kayo ang unang magiging suspect kapag ginawa niyo 'yon. Lalo rin kayong madidiin sa kasong kahaharapin niyo dahil siguradong magsasalita ang paborito niyong anak laban sai
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

CHAPTER 73

Naalimpungatan si Janina nang makaramdam na kailangan niyang gumamit ng banyo. Nakapikit siyang bumangon mula sa malambot na kama ngunit nang maramdaman ang malamig na hangin na humahalik sa katawan niya, binuksan niya ang mga mata. Madilim ngunit batid niyang wala siya sa kaniyang silid. Napatingin siya sa bintana, kulay asul na kalangitan ang bumungad sa kaniya. Nagsisimula na ring mag-ingay ang mga ibon sa labas na isa rin sa dahilan ng paggising niya. Ibinalik niya ang tingin sa bawat sulok ng silid na kinaroroonan niya, makalat ang paligid ngunit ang pumukaw sa atensyon niya ay ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig. " A-anong... " Dahan-dahang ibinaba ni Janina ang tingin at doon lamang niya napagtanto na wala siyang suot na kahit na anong saplot sa katawan. Kinuha niya ang kumot na nasa hita niya upang itakip sa kaniyang dibdib at napatingin sa kaniyang gilid nang maramdaman ang paggalaw ng kama. Mayroon siyang katabi at hindi niya makita ang mukha nito dahil sa parehong
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

CHAPTER 74

Unti-unting nagkaroon ng malay si Lucine ngunit nang sinubukan niyang imulat ang mata, wala siyang makita kundi itim dahil nakapiring pa rin ang kaniyang mga mata. Hindi rin niya magawang makapagsalita dahil sa nakatakip sa kaniyang bibig. Ang mga kamay niya ay nakatali patalikod habang siya'y nakahiga patagilid mula sa isang malambot ng kama. Pinakiramdaman niya ang paligid, may naririnig siyang boses ng mga taong nag-uusap mula sa 'di kalayuan. Magalaw din ang kaniyang kinalalagyan at dahil sa hampas ng tubig at ingay ng makina na naririnig niya, doon nakumpirma ni Lucine na nasa isa siyang sasakyang pandagat. Sinubukang bumangon ni Lucine mula sa pagkakahiga, ngunit hindi niya magawa dahil sa sakit na nararamdaman niya sa braso kung saan may itinurok sa kaniya. Idikinit ni Lucine ang mukha sa kamang kinaroroonan at ikiniskis pataas ang piring na nakakabit sa kaniya sa pagbabakasakaling maalis ito, hanggang sa unti-unting umangat ang piring at napunta sa itaas ng kaniyang mga mata.
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

CHAPTER 75

Ilang segundo ang namayaning katahimikan sa pagitan ng mag-ama. Taas-baba ang magkabilang balikat ni Logan dahil sa bilis ng kaniyang paghinga. Hindi niya intensyon na pagbuhatan ng kamay si Lucine subalit nangdilim ang kaniyang paningin dahil sa mga salitang binitawan nito sakaniya. " Paanong naging bulag ang tingin namin sa realidad at takbo ng mundo? " Hinawakan ni Lucine ang kaniyang kaliwang pisngi. Ramdam niya ang init at pamamanhid nito. " Ano ba ang gusto niyong paniwalaan ko? Iyong pinaniniwalaan niyo? Para saan? Para maging halimaw din ako gaya niyo? "Muling naiyukom ni Logan ang kamao. Inalis niya ang tingin sa anak at huminga nang malalim upang ikalma ang sarili." Ang mga gaya niyong mahihina ang loob, wala kayong kalalagyan sa mundo. Hindi kayo bubuhayin ng mga pinaniniwalaan niyo at lalong hindi kayo aangat sa kinalalagyan niyo, " saad ni Logan." Kaya pinili n'yong maging kriminal para lang umangat kayo? " walang pagdadalawang isip na tanong ni Lucine, " Hindi niyo b
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

CHAPTER 76

" Wala na nga kayo sa sarili niyong pag-iisip..." hindi mapigilan ni Lucine ang muling magbitaw ng salitang lalong magdadala sa kaniya sa kapahamakan. " Talagang mandadamay kayo ng mga inosenteng tao para lang masunod ang gusto niyo? "" Kung ito lang ang paraan para umayos ka, bakit hindi? " ani Logan saka sumandal sa sopang inuupan at binaling ang tingin sa telebisyon. " Huwag kang mag-alala, wala namang mangyayari sa kanilang masama kung susunod ka saakin. Kausapin mo ako nang maayos bilang ama. "Naiyukom ni Lucine ang kamao, pilit itinatago ang takot sa mukha. Subalit nang sandaling lumingon si Logan sa gawi ng anak, kita niya ang panginginig ng kamay nito at ang mabilis nitong paghinga habang matalim na nakatingin sa kaniya. " Huwag mo akong titigan na para bang ako lang ang nakikita mong pinakamasamang tao sa mundo. Mas marami pang malulupit saakin at huwag mong hintayin na dumating ang araw na magtagpo ang mga landas niyo. " Umalis si Logan sa pagkakasandal sa sopa at itinuro
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

CHAPTER 77

Maaga pa lang ay napagdesisyunan ng umuwi ni Venice sa mansyon nang malamang niyang natunton na ang kinaroroonan nina Amadeus at Lucine. Alam niya ang plano ng ama sa gagawing pagdukot kay Lucine ngunit hindi niya batid kung saan ito dadalhin. " Magandang hapon, Señora Venice, " magalang na pagbati ng guwardiya na nagbabantay sa pangunahing pasukan ng mansyon. " Magandang hapon. Itatanong ko lang po kung 'yong sasakyan ba ni Amadeus, pumasok na dito? " paniniguro ni Venice." Ah, opo halos magkasunuran lang kayo ng Señor, " sagot nito. Tumango si Venice, nagpasalamat bago itaas ang bintana ng sasakyan at dire-diretsong nagmamaneho papasok sa mansyon. Batid niyang susunod agad si Amadeus oras na dukutin si Lucine. Inaasahan na rin ni Venice na dito agad susugod si Amadeus dahil ang ama niya ang una nitong paghihinalaan. Hindi na niya nagawang iparada nang maayos ang kotse sa garahe, inihinto na lamang niya ito sa gilid ng mansyon nang mapansin ang sasakyan ni Amadeus sa harap, animo
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

CHAPTER 78

Huminto si Venice sa paglalakad nang makarating sila sa labas ng mansyon. Binitawan niya ang kamay ni Amadeus bago ito harapin nang halu-halo ang emosyong nakaukit sa mukha. " Baliw ka na ba talaga?! " hindi mapigilan ni Venice na idaan sa sigaw ang kaniyang takot, pag-aalala at galit sa taong tila wala pa ring pakialam sa kung anong puwedeng mangyari sa kaniya. " Nang dahil kay Lucine, nagkakaganiyan ka? Alam mo bang puwede kang barilin ng tatlong guwardiya ni Papà dahil sa pag-aamok mo? Hindi ka ba nag iisip? "" Ano bang pakialam mo? " ani Amadeus dahilan upang matigilan si Venice. " Huwag kang umarte sa harap ko na para bang may pakialam ka kung mamatay man ako. Nakakainsulto. "Nilagpasan ni Amadeus si Venice upang lumakad palapit sa sasakyan nang humarang ito sa harap n'ya. " Saan ka pupunta? " tanong ni Venice, nakaharang ang katawan sa pinto ng kotse. " Umalis ka sa harap ko, " utos ni Amadeus." Hindi kita hahayaang umalis hanggat hindi mo kinakalma ang sarili mo. " Hinawa
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

CHAPTER 79

Halos mapatalon sa gulat sina Owen at Morriss na nasa salas nang makarinig nang malakas na kalabog na gawa ng pintong pabalibag na isinara. Ilang saglit pa ay lumitaw si Amadeus, dumaan lamang ito sa harap nila at dire-diretsong nagtungo sa opisina. Nagkatinginan ang dalawa, hindi na nila kailangang mag-usap gamit ang mga bibig sapagkat nagkakaintindihan na sila gamit ang mga mata. Lumipas na ang bente kuwarto oras simula noong kuhanin si Lucine ng mga armadong lalaki ngunit hanggang ngayon, wala pa rin silang balita kung nasaan ang dalagang hinahanap nila. Nagawa silang linlangin ng mga binabantayan nilang sasakyang na pinaniniwalaan nilang sinasakyan ni Lucine subalit nang ito'y kanilang harangin, wala sa loob ang hinahanap nila. " Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung saan itinago ng Don Banville ang anak niya, " saad ni Owen, abala ang mata sa mapa na nasa lamesita. Ginuhitan niya ng ekis ang isang lokasyon na pinuntahan nila ni Morriss sa pagbabakasakaling makita na nila
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more
PREV
1
...
678910
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status