" Ayoko, " saad ni Janina habang nakatingin sa mga kasama, " hindi ko kayang humawak ng pera lalo na kung malaki. Hindi ko rin puwedeng iuwi saamin 'yong mga kinita natin, maraming tao madalas na nakatambay saamin. "" Kung ganoon sino ang magtatabi? Hindi naman natin puwedeng iwan 'yong pera dito sa karinderya, " saad naman ng isa niyang kasama saka napabuga sa hangin. " Nasaan na kaya si Lucine ngayon, ano? Sana nasa mabuti siyang kalagayan. "Nagpakawala rin nang malalim na buntong hininga si Janina. " Hindi ko inakalang mangyayari 'yong kahapon sa kasal. Pero nakapagtataka lang din kasi pati 'yong groom, nawawala. Pakiramdam ko nga magkasama lang sila, eh. Tumakas sila pareho kasi ayaw nilang ikasal? "" Pakiramdam ko rin, pareho silang tumakas sa kasal. Biruin mo naman kasi, halos dalawang buwan pa lang naman silang magkakila tapos ikakasal na agad? Sinong hindi aatras doon, diba? " Tumango si Janina bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kasama. " Tama ka, tsaka 'yong hitsura ni Luci
Magbasa pa