Share

babysitting the billionaire's son
babysitting the billionaire's son
Author: Ms. Nea

the start

“’Pag ako natangal sa trabaho, isusumpà ko kayong lahat!” inis kong bulyaw habang ilang beses na bumusina dahil sa haba ng trapiko. Magkakalahating oras na ako rito pero wala pa ring usad kaya lalo na akong natataranta.

Malutong akong napamura nang makitang tatlompung minuto na lang ang natitira sa akin. Sa haba ng trapik sa edsa, simut na simot na ang pasensya ko.

Ano ba kasi ang mayroon?!

Kapag nalaman ng manager ko na late nanaman ako, tiyak akong sisisantehin na ako no’n. Ang laki ng galit sa akin ng hipokritàng babaeng iyon. Pinagbabantaan pa naman ako no’ng kapag na-late pa ako ng isang beses ay maghanap na raw ako ng bagong trabaho.

T@ng1na niya!

Muli akong bumusina dahil ni ilang metro ay walang usad. Bwisît talaga na Pinas ’to, hindi na umasenso!

Masama akong napatingin sa gilid nang may malakas na kumatok sa pinto ng passenger seat. Umarko muna ang kilay ko bago ibaba ang salamin at inis na tinignan ang lalaking hindi katandaan pero wala nang buhok na natitira. Ni isang hibla.

“Ano ba?! Bakit ka ba busina nang busina?! Kita mong ang haba ng trapiko, ’di ba?! Matatanggal ba ng busina mo ’yung mga sasakyan sa kalsada?!” galit niyang bulyaw.

Lalong sumama ang timpla ko dahil sa hitsura ng lalaking ito.

Sinamaan ko siya ng tingin at tumingin sa relo ko.

Ilang minuto na lang!

“Hoy, Miss! Kinakausap kita, ’di ba?!”

“Hoy, kalbó. Sira na araw ko, puwede ba huwag mo nang dagdagan?! Ang tirik-tirik ng araw dumadagdag ka pa sa init ng ulo ko! T@nginà, matatanggal ba ang trapiko sa kalsada dahil sa pagiging kalbo mo?! Kapag ako nasisante, isusumpà kita! Lumayas ka sa harap ko!”

Sinuklay ko ang buhok at naisipang bumaba para tignan ang dahilan ng trapiko. Ilang kilometro ang layo ay may natanaw akong mga pulis na nakatingin sa itaas at mukhang mga alerto. Mayroon ding malaking kutson sa ibaba kung sakaling tumalon man ang isang lalaking nasa tuktok ng building na tila magtatangkang magpakamatày.

Bakit hindi nalang nila itulak ang lalaking ’yan nang matapos?!

Natatakot ang ilang mga pulis na nasa taas din na lapitan ang lalaki dahil baka tuluyan itong tumalon.

Napahugot ako ng malalim na hininga dahil sa prustrasyon. Wala na akong magagawa, mukhang maghahanap na talaga ako ng bagong trabaho nito.

Nilakad ko ang layo mula roon at pumasok sa building kung nasaan ang lalaking balak magpakamatày. Sa likod ako ng pinto dumaan dahil maraming pulis sa harap. Habang tinatahak ang napakahabang hadgan ay halos tawagin ko na lahat ng demonyó sa impyérno dahil hindi ko alam kung bakit nakikialam pa ako sa buhay ng ibang tao ngayong huli na ako sa trabaho.

Hingal-hingal akong napahawak sa tuhod dahil sa pagod nang makarating sa rooftop at matalim na tinignan ang lalaking nakatalikod na balak tumalon. Hindi ako napansin ng mga ito, maging ang mga pulis kaya walang pasabing umakyat ako sa railings at lumapit sa kaniya.

Ang mga pulis, maging ang mga taong nasa ibaba ay napasinghap nang makita ako pero wala na akong pakialam pa roon. Itong lalaking ’to ang dahilan kung bakit masisisante ako ngayon.

Pinilit kong kumalma bago siya tignan nang masama.

“Hoy, puwede ba kung magpakamatày ka gawin mo na? Bakit namumurwisyo ka pa ng iba?!”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chescea Nicole
lol HAHAHAHA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status