Share

the revelation continuation

“B-bakit hindi mo sinabi?” galit kong tanong kay Sean dahil nalaman kong malala na pala ang kalagayan ni lolo bago ako makarating dito.

Marami na raw butas sa puso niya’t may ilang ugat nang pumutok pero ni isa ay wala akong nalaman.

“S-sorry ate... ayaw ko l-lang na mag-alala ka..."

Hindi matapos sa pagbuhos ang mga luha ko ngayon sa bigat ng nararamdaman. Pakiramdam ko pinaglalaruan nalang ako.

Nakaburól siya ngayon dito sa hospital mismo’t mula noong mamatày siya, ni isa ay walang dumalaw para tignan ang kalagayan niya.

Tanging kami lang tatlo ang nakikiramày sa kamatàyan ni lolo dahil wala naman kaming ibang kamag-anak dito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang magpahinga, gusto kong pumunta sa iisang lugar at sumigaw nang sumigaw para maibsan ang bigat sa dibdib ko. Gusto ko Siyang tanungin kung ano ba ang ginawa ko’t pinarurusahan niya ako nang ganito.

Gusto kong umiyak nang umiyak sa iisang kuwarto.

Wala na akong mapagsasabihan. Wala na ’yung nag-iisang taong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status