Share

navier the drunk boy

“Huwag mong sabihin sa aking lasing ka na sa dalawang tagay ng lambanog?” dinig kong tanong ni Tito sa sala kaya napatingin ako kay Navi.

Napahilot ako sa sentido nang makitang namumula na ito at mapupungay na ang mga mata dahil sa kalasingan. Hindi siya umiinom at ngayon ko lang siyang nakitang ganito dahil hindi naman siya makatanggi kay tito.

Matapos kasi nilang gumawa ng lambanog ay diretsong uminom ang mga ito kasama ang ilang kapitbahay para raw sa selebrasyon ng pagdating ko at ni Navi. Mga matatanda talaga ang daming alam sa buhay.

Pero tignan mo, ilang minuto pa lang silang nagsimulang uminom lasing na agad siya. Hindi puwedeng uminom mag-isa ang taong ’to kung mababa ang tolerance niya sa alcohol.

“Hindi pa ho ako lasing,” dispensa niya’t pasuray-suray na kung umupo bago laklakin ang isang baso ng alàk.

Napatampal ako sa noo’t lumapit.

“Halika na, matulog ka na.” sinubukan kong hilahin patayo si Navi pero sa bigat nito ay wala akong nagawa.

“I’m not drunk yet.”

“Hayaan mo m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status