Share

hala, sge!

Nagulat ang lalaki nang marinig iyon at magtama ang mata namin. Marami siyang alahas na suot sa katawan at puno rin ng tattoo sa iba’t ibang parte.

“Sino ka? Huwag kang lalapit!” aniya’t lumayong bahagya sa akin. Napairap ako nang mas lumapit pa ito sa railing kaya napasigaw ang mga tao.

Alam kong wala itong balak na magpakamatày.

“Ano bang problema mo?” mahinahon kong gawad kahit na gusto ko itong sigawan.

Biglang lumungkot ang mukha ng lalaki at tila pinipigilan ang sariling maging emosyonal.

Hindi siya iyung tipong mga adîk na nakikita ko sa nga clúb o bàr. Mukha siyang disenteng tao kahit na puno siya ng tattoo sa katawan.

“Wala na ang lahat sa akin. Wala na akong trabaho, namatày ang asawa ko, puno pa ako ng utang... hindi ko na alam kung paano ko pa palalakihin ang nag-iisa kong anak,” problemadong aniya.

Umarko ang kilay ko.

“Oh, tapos?”

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Napatingin ako sa kamay nitong kumuyom habang galit na napalitan ang ekspresyon.

“Hindi mo naiintindihan... dahil wala kang alam. Hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!”

“Miss, umalis ka na lang kung balak mo pang palakihin ang sitwasyon!” sigaw ng isang pulis pero hindi ko ito pinansin.

“Hindi ko na hahangaring mapunta sa sitwasyon mo dahil kumpara sa nangyayari sa akin, mas mabigat pa ang problemang dinadala ko pero kailan man hindi ko naisipang magpakamatày.”

Natigilan siyang bigla.

“May anak ka pala tapos magpapakamatày ka? Sinong mag-aalaga sa naiwan mo? Huwag mong sabihing bibigyan mo pa ng responsibilidad ang iba para lang alagaan ang anak mo?” hindi ko siya hinintay na magsalita.

“Kung gusto mong madismaya ang anak mo sa’yo at maghirap siyang mag-isa dahil iniwan siya ng makasarili niyang ama para takasan ang mga problema, sige, magpakamatày ka.” tumingin ako sa ibaba.

“Magpakamatày ka kung gusto mong matawag na iresponsibleng ama ng anak mo’t magtanim siya ng galit sa iyo buong buhay.” Muli ko siyang tinignan.

“Who knows? Maaari siyang maging isa sa mga pulubi sa lansangan dahil maiiwan siyang walang pamilya.”

Umarko ang kilay ko dahil nanatili lang itong tahimik. “What are you doing? Go jump. Ang dami mo nang napurwisyo. Sigurado naman akong diretso kang mamamàtay kapag tumalon ka rito dahil labindalawang palapag ang building na ’to.”

Nanatiling tahimik ang lalaki at hindi nakapagsalita. Maya-maya ay ginulo nito ang buhok dala ng prustrasyon at tumingin sa ibaba. Humigpit ang hawak niya sa railings, tila nagdadalawang isip dahil sa sinabi ko.

Hindi na nito napigilan ang luha at lumayo sa railings na para bang nagbago ang isip na magpakamatày kaya mabilis siyang nilapitan ng mga pulis na ngayon ay nabunutan ng tinik at napahingang malalim.

Napairap ako at muling bumaba ng building. Gusto pa sana akong pasalamatan ng mga tao roon pero hindi ko pinansin ang mga ito dahil labinlimang minuto na akong late.

Bumalik ako sa sasakyan ko nang muling magsimulang mawala ang trapiko. Mabilis kong pinaharurot ang kotse patungo sa trabaho. Nang makarating ay nagtaka ako dahil biglang tumahimik ang opisina nang makita ako ng mga ka-office mates ko. Hindi ko pinansin ang mga ito at dumiretso sa desk ko pero natigilan ako nang makitang wala na ang mga gamit ko. Malinis na ito.

Maging ang laptop at mga disenyo sa desk na ako mismo ang gumawa.

“Ang lakas pa ng loob mong pumasok.”

Napatingin ako sa likod at nakita ang manager naming naka-arko ang kilay. Ito na nga ba ang inaasahan ko.

Balibag nitong binigay ang kahon na naglalaman ng mga gamit ko’t masama akong tinignan.

“You’re fired.”

Dinig ko ang pagsinghap ng mga kasama ko, maging ako kahit na inaasahan ko na ito.

Inilapag ko ang kahon at nilapitan siya.

“Miss Acosta naman, you’re just joking, right? Give me a chance, please. I promise I won’t be late again,” pagmamakaawa ko.

Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Mawawalan ako ng silbi kapag nagkataon.

“How many times did I hear that from you?! Anong tingin mo sa trabaho natin, laro?! Ilang beses na kitang pinagbigyan pero sinasagad mo ang kabaitan ko!”

“This is my last time, I promise! Something suddenly came up. Just please–”

“Get out! Dalhin mo ang mga gamit mo’t ayaw na kitang makita pa rito.”

“Pero–”

“I said leave!”

Wala akong nagawa nang talikuran ako nito. Napabuntong hininga ako’t kinuha ang gamit ko.

Bwisít. Malas talaga. Kasalanan ’to ng mga lalaki. Lahat sila nakakainis.

Itataga ko sa bato, balang araw luluhod din sa akin ang babaeng ’to para magmakaawa sa akin.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chescea Nicole
si ateko......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status