Share

charm

Ilang beses akong napabuntong hininga habang sinulyapan sa huling pagkakataon ang kumpanya na pinagsilbihan ko ng ilang taon bago tuluyang tumalikod. Pumunta akong parking kung nasaan ang kotse ko’t dumiretso sa drivers seat matapos ilagay ang kahon sa compartment.

Ano nang gagawin ko ngayon?

Pinaandar ko ang makina pero muli akong napamura sa ilang beses na pagkakataon.

Ayaw nanaman gumana.

Malàs talaga, kainis.

Malakas akong napahampas sa manibela sa sobrang irita kaya nakagawa iyon ng malakas na tunog matapos kong matamaan ang busina. Lumabas akong muli ng sasakyang bagsak ang balikat.

Natigilan ako nang matanaw sa hindi kalayuan ang lalaki na nagdala sa batang umiiyak kanina. Namangha ako sa ganda ng kotse nito dahil talaga namang mamahalin.

Porsche.

Lalo tuloy akong nakuryos kung sino ang lalaking ’to.

Tumama ang tingin ko sa batang sasakay na sana sa kotse pero nakita ako. Dala niya pa rin ang panyo ko. Lumiwanag ang mukha nito at biglang tumakbo sa akin kaya natigagal ako.

“Mama!”

Ha?

Hindi ako nakapagsalita nang bigla siyang yumakap sa baywang ko habang nakaangat ng tingin sa akin.

“Mama...” masayang gayak niya kaya lalo akong naguluhan.

“Nevi!” sigaw ng lalaki’t tumakbo rin papunta sa akin.

“I’m not your mom, baby,” malambing kong saad sa bata habang nakangiti sa takot na bigla itong umiyak nang pantayan ko siya at hinawakan ang mga braso niya.

“Why do you keep touching him?” kinuha ng lalaking malamig pa sa ex ko noon ang bata at tinignan ako nang masama. Itong taong to konti na lang bibingo na sa akin ’to. Napakasama ng ugali.

“Ano bang problema mo? Mukha ba akong virús na hindi puwedeng hawakan?” hindi ko na napigilang magsalita dahil kanina pa niya ako sinusungitan. Mukha pang siya ang nirereglà sa aming dalawa, ah.

“She’s mama,” muling gawad ng bata at tinuro ako. Muli itong yumakap sa akin na bakas ang saya kaya natigagal nanaman ako. Mahilig ako sa bata, pero hindi ko pa pinangarap na maging nanay, jusko po.

Ramdam ko ring natigilan ang lalaki.

“How–” hindi nito maituloy ang sasabihin kaya taka ko itong tinignan. Malamig itong sumulyap sa akin at tinignan akong diretso sa mga mata.

“What did you do to him?” blankong aniya dahilan para umarko ang kilay ko.

“He never speaks.”

Lalo akong nagulumihanan.

“He never talks to anyone.”

What did he mean?

Nakauwi na ako lahat-lahat pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. Did something happen to that child causing him to barely speak to anyone?

Ayaw niya ring ipahawak ang bata sa akin at ramdam ko ring pati siya ay maingat na hindi hawakan ng iba. It made me more curious about them.

Inihiling ko ang ulo. It’s not my business to peek with someone’s hole anymore. Bukod doon ay baka hindi na kami magkita pa kaya mas mabuting kalimutan ko na lang ang nangyari.

Ilang beses akong napatingin sa orasan at nakitang alas nuebe na. Bumuntong hininga ako dahil lumamig na lang ang pagkain ay wala pa si Hafiz.

Maya-maya ay narinig ko ang tunog ng pinto kaya lumiwanag ang mukha ko. Mabilis akong pumunta roon para salubungin siya pero nang magtama ang mga mata namin ay bakas ang pagod sa kaniya. Ito ’yung tingin niyang nakasanayan ko ng makita kapag nakikita niya ako.

Tingin na para bang wala na siyang pakialam pa sa akin.

Hafiz has been my boyfriend for almost six years. Noong una normal lang kami gaya ng ginagawa ng mga magkasintahan. We often date before, yayayain niya akong kumain sa labas at manood ng movie sa bahay. Akala ko habang buhay kaming ganoon pero pansin kong habang tumatagal ay pabago siya nang pabago.

Malamig siyang makitungo sa akin ilang buwan ang nakalilipas pero pinanghawakan ko pa rin ang pangako niyang pakakasalan niya ako. Masakit, oo. Kasi sa aming dalawa pakiramdam ko ako na lang ’yung gumagawa ng paraan para kumapit sa relasyon namin, pero anong magagawa ko?

I love him.

Siya ’yung nariyan noong panahong kailangan ko ng taong mapagsasandalan.

“Have you already eaten? I cooked your favorite–”

“I’m tired. Can you please let me rest?”

Nilampasan niya ako pero sinundan ko siya.

“Pero hindi ka pa kumakain. Hinintay kita para sabay na tayong kumain–”

“For f*cks sake, Vien! Puwede ba tigilan mo muna ako? Pagod na pagod na ako sa’yo.”

Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ang biglang pangingirot nito. Muli niya akong nilampasan at malakas na isinara ang pinto ng kuwarto niya at hindi manlang ako nilingon.

Pilit akong ngumiti at pumunta sa kusina para kumaing mag-isa. It’s alright, Seph. Pagod lang siya kaya siya ganoon.

The reason why I’m afraid to lose my job is because I can only rely on myself.

Hafiz and I have a relationship but it’s nothing to do with our lives. Isa rin sa mga rason kung bakit ayaw kong makipaghiwalay sa kaniya ay wala akong mapupuntahan. It’s his condo. Kapag umalis ako rito ay baka sa lansangan na ako mapulot pa dahil wala naman na akong pamilyang matutuluyan.

I don’t have friends. At ang tanging mayroon lang ako ay ang kotse ko na pinamana pa sa akin ni mama bago siya mamatày na ngayon ay marami na ring sira.

Pareha kaming may trabaho, pero ang sahod na iyon sa sa sarili lang din namin napupunta. Para tuloy kaming mga estranghero lang na tumira sa isang bubong. Ang kaniya ay kaniya lang, at ang sa akin ay akin. Kapag nakita niya akong walang makain ay wala rin iyong pakialam. Ngayong wala na akong trabaho ay baka hindi nanaman ako makakain ng ilang linggo nito kung hindi ko pa pipiliting maghanap agad.

Napintig ang tainga ko nang marinig ang doorbell mula sa labas ng condo kaya kumunot ang noo ko. May bisita bang inaasahan si Hafiz?

Ilang beses pa iyong tumunog kaya tumayo na ako’t tinignan ang peephole pero hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki dahil masiyado itong matangkad. Sinong pupunta rito ngayong alas onse ng gabi?

Kahit nagtataka ay binuksan ko ang pinto. Bungad no’n ay isang lalaking suot ang isang itim na tuxedo na mayroong earpiece sa kanang tainga. May hitsura siya, kaga mukha naman itong disente at hindi kayang gumawa ng masama. Tinignan muna ako nito mula ulo hanggang paa bago pekeng umubo.

“Is this Ms. Varsouvienne Sephy Adleah's house?”

Umarko ang kilay ko.

“I am. Who are you?”

“Mr. Navier wants to see you.”

Navier? It sounds familiar.

Is it the Navier I know? Ang lalaking isa sa mga mayayaman na business man?

“Are you throwing jokes at this hour?” inis kong saad dahil walang matinong taong kakatok ng ganitong oras para lang sabihing gusto akong makita ng lalaking hinahangaan at gustong makilala ng lahat.

Paanong gusto niya akong makita e hindi naman kami magkakilala? Pinagtitripan ba ako ng taong ’to?

Tumikhim ang lalaki’t umiling.

“Sorry for informality,” yumuko siyang bahagya, “I’m Satiro, his butler. Mr. Navier Louvile is asking to see you regarding what happened earlier due to an emergency. He wants to speak with you.”

Kuryos din ako sa hitsura niya pero, paano niya nalaman kung sino ako’t saan ako nakatira kung totoo kang hinahanap niya ako? Anong kailangan niya? At para saan ang pag-uusap naming dalawa?

Pero paano nga kung siya iyon? Ano kayang hitsura ng taong iyon?

“If you’re doubting we can call hi–”

“No need.”

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko bago lumabas. Alam kong maling magtiwala agad, pero hindi naman siguro nagsisinungaling ang taong ito. Inuna ko nanaman ang kuryosidad ko.

Mukha naman siyang disente. Bukod pa roon, wala silang makukuha sa akin kung sakali mang kídnáp ito.

Nakasunod lang ako sa kaniya nang makababa kami sa parking lot. Namangha ako sa sasakyang pinaghintuan namin dahil walang-wala ang sasakyan ko kumpara rito.

Ferrari.

Ngayon pa lang ay namamangha na ako sa kung anong maaaring maging hitsura ng bahay na pupuntahan namin dahil pakiramdam ko ay totoo nga ang sinasabi ng lalaking nasa harap ko.

Hinanap ko ang kotse ko pero sinabi nitong doon ako sasakay sa kotse niyang dala kaya hindi na ako umalma dahil minsan lang ako makasakay sa mamahaling sasakyan.

Habang tinatahak ang daan ay hindi ko mapigilang mapa-isip sa kung ano ang pag-uusapan namin. Isa lang akong ’di hamak na simpleng empleyadong nawalan ng trabaho.

Ilang oras din ang tinahak namin kaya alas dos na nang makarating. Bumungad agad ang napakalaking gate na kulay ginto kaya hindi ko mapigilang mapa-awang ang bibig sa sobrang mangha.

Ilang carat kaya ito? Tiyak akong milyon ang halaga ng tarangkahan pa lang na ito. Maaari ko nang mabili ang lahat ng gusto ko kung sakali.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status