Share

mr. louvile who?

Bagsak ang balikat at ilang beses akong bumuntong hininga dahil hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Tiyak akong mahihirapan nanaman akong maghanap ng trabaho nito.

Dumiretso ako sa elevator pababa pero natigilan ako nang makitang may kumpol ng mga empleyado sa isang gilid at tila may pinagkakaguluhan. Dala ng kuryosidad ay lumapit ako para maki-usyoso.

Ito ang isa sa mga kinaiinisan ko sa sarili ko, mas nauunahan ako ng kuryosidad.

Tatanungin ko na sana ang isang babae kung anong mayroon pero biglang kumunot ang noo ko nang makitang may isang bata sa kanilang harapan na umiiyak.

Pinapatahan nila ang mga ito pero mas lalo itong humahagulgol.

Bakit may bata rito? Ngayon lang ako nakakita ng bata dito sa trabaho. Hindi pinapayagan ang mga empleyado na magdala ng bata rito.

Bukod doon, mukhang marangya ang bata base sa kaniyang suot. Tingin ko ay dalawang taong gulang pa lamang ito.

Sinubukan nilang bigyan lollipop ang bata, nagbabakasakaling tumahan pero patuloy lang ito sa pag-iyak. Hindi nila ito malapitan sa takot na lalo itong umungal.

Tila wala ring alam ang mga empleyado kung sino at saan ito nanggaling. Gusto kong umalis pero may nag-uudyok sa aking lapitan ito.

Sinubukan kong pakiusapan ang mga empleyado na padaanin ako kaya pumantay ako rito nang magkaharap kami. Kinuha ko ang panyo at hinintay itong kumalma.

Tingin ko, kaya ito umiiyak ay dahil sa mga taong nasa paligid niya. Mukha siyang hindi sanay sa maraming tao at akala niya siguro’y may ginawa siya kaya siya nilapitan ng mga ito.

Nanatili akong tahimik, hinihintay ito sa pag kalma. Maya-maya ay napatingin ito sa akin habang puno pa rin ng luha sa mga mata. Mugto na ang mga ito dahil sa pag-iyak pero hindi pa rin nawawala ang ka-cute-an niya.

Dumagdag pa ang dalawang biloy sa kaniyang pisngi.

Ngumiti ako dahil napakaganda ng kulay ng mga mata niya. It reminds me the favorite color of mine, which is emerald.

His eyes were twinkling as the diamond.

“Are you calm yet?” tanong ko sa malambot na tono. Hindi ito nagsalita. Bagkus, kinuha ang panyo na inabot ko at pinunasan ang pisngi niya gamit ang maliliit niyang mga kamay.

Napangiti akong lalo nang amuyin niya ang panyo at napapikit.

Maya-maya ay nagulat ako nang hawakan nito ang kamay ko at lumuluha akong tinignan sa mga mata.

“I want my papa...”

“Nevi!” napatingin kaming lahat nang marinig ang baritong boses mula sa isang lalaki. Nag-aalala itong tumingin sa bata suot ang isang pormal na tuxedo. Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito rito at tingin ko’y hindi siya isang simpleng empleyado.

Matangkad, maputi, katamtaman ang katawan, matangos ang ilong, perkpekto ang pagkakahulma ng kaniyang panga, at magandang lalaki. Kahit sino atang titingin sa taong ito ay mamamangha sa kaniya dahil kahit saang anggulo ay maganda siya tignan.

May kasama siyang dalawang lalaking mga nakaitim sa likod. Napasinghap ang ilang empleyadong kasama ko pero nanatili akong nagtatakang nakatingin dahil hindi ko ito makilala.

Siya ba ang ama ng bata?

Bumaba ang tingin niya sa kamay ng batang nakatawak sa akin kaya mabilis itong lumapit.

“What are you doing?! Don’t touch him!” galit nitong sigaw at inalis ang hawak ng bata sa akin.

Umarko ang kilay ko.

Anong problema ng taong ito? Napatingin ako sa kamay niyang may suot na puting gloves. Ano ring trip nito?

“Are you okay? Are you hurt?” tarantang aniya habang sinusuri ang bata.

May kinuha siyang isa pang puting gloves na maliit at isinuot din iyon sa kamay ng bata.

“Didn’t I tell you not to remove your gloves and do not leave out my sight?” malamig na tonong gawad niya habang nakatingin sa bata na ngayon ay tila iiyak nanaman.

“Stop glaring at him, he’s crying.”

Akmang hahawakan kong muli ang bata nang tignan ako nang masama ng lalaki.

“I said don’t touch him.”

“Let’s go home.”

Tumayo ang lalaki kasama ang bata nang wala manlang sinasabing kung ano. Kita sa mukha ng batang ayaw niya pang umalis habang nakatitig sa akin pero wala itong nagawa nang buhatin siya. Hindi ko na tuloy nakuha ang panyo ko.

Masama kong tinignan ang likod niya habang papaalis. Guwapo nga, masama naman ang ugali. Anong tingin niya sa kamay ko marumi?

Inis kong kinuhang muli ang kahon na naglalaman ng gamit ko at tuluyang bumaba gamit ang elevator. Habang tinatahak ang daan palabas ay hindi ko mapigilang mapa-isip kung sino nga ba talaga ang lalaking iyon. Mukha siyang mayaman at hindi lang isang simpleng empleyado.

“Have you heard that Mr. Louvile came here? Gosh! Ano kayang hitsura niya? Maraming nagsasabing pogi siya.”

Natigil ako sa paglalakad nang marinig iyon sa mga impleyadong nasa harap ko.

“Sus, paano mo nasabi eh hindi mo pa nga siya nakikilala? Hula ko matanda na iyon na marami na ring puting buhok sa ulo.”

“Gagà ka! Hindi mo sure, malay mo makalaglag panga!”

Kung hindi ako nagkakamali, si Navier Louvile ang tinutukoy nila. Matunog ang pangalan niya rito dahil siya ang may pinaka malaking hati sa kumpanya. Umuuna rin siya sa mga taong pinaka mayaman at matagumpay na business man sa bansa. Sikat siya sa industriya, laging nababalita ang pangalan niya dahil sa angkin niya ring talino.

He owns a lot of infrastructures. He has his own art galleries, rest houses, museums, mansions, luxury hotels, condominiums, resorts, airports, and everything that not a normal person can have.

Lagi akong nanonood ng balita kaya marami na akong alam sa kaniya. He’s also actually a singer, a CEO, a licensed engineer and a pilot, and they said he’s studying law. If I am not mistaken, he was once a chef. Magaling din daw siyang tumugtog ng iba’t ibang klase ng instrumento.

He’s indeed a man whom every girl’s dreaming about.

Ang nakabibigla pa ay noong nakaraang buwan lang nalaman ng lahat na mayroon na siyang anak. Hindi alam ng mga ito kung sino ang ina at wala silang ideya sa hitsura ng bata. Walang nakakikita o nakakikilala manlang maging sa hitsura ni Navier dahil kahit na sikat ito ay hindi siya nagpakita sa publiko kaya maraming kuryos sa kung anong hitsura niya’t kung ilang taon na siya.

Wala ring nakaaalam ng rason kung bakit ayaw niyang magpakilala.

Ang iba ay nagpupustahan pa na isa lang daw itong ’di hamak na matanda na karaniwang nakikita sa mga CEO ng kumpanya, ang iba naman ay sinasabing bata pa ito at guwapo.

Pero kahit na ganoon ay wala akong pakialam. Hindi ko naman ikayayaman ang pakikipagchismisan patungkol sa lalaking iyon. Mabuti sana kung babayaran nila ako ng milyon kapag pinuri ko siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status