Share

uhh...

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nevi. Itong batang ’to dos anyos pa lang kung anu-ano na ang pinagsasabi. Saan ’to natuto ng mga ganito?

Inayos ko siya sa upuan niya bago ako tumabi dahil kahit marunong na siyang kumaing mag-isa ay kailangan niya pa ring alalayan. Sa harap namin si Navi na ngayon ay nakatitig sa niluto ko habang naka-arko ang mga kilay.

“What are these?”

Bumaba ang tingin ko sa mga pagkain at takang tumingin sa kaniya.

“Pagkain.”

Sumama ang tingin niya sa akin.

“Huwag mong sabihing hindi ka kumakain ng gulay?”

Puro kasi gulay ang niluto ko bukod sa tuyo, itlog, ham, at hotdog na para kay Nevi.

Nagpresinta akong magluto pero hindi ko sinabing magaling ako kaya ’yung mga madadaling pagkain lang ang niluto ko gaya ng pinakbet, chopseuy, ginisang upo, at pinritong talong. Iyon ang mga madalas kong kainin since mag-isa lang naman akong kumakain sa condo ni Hafiz.

Natigilan ako nang maalalang mayaman nga pala ang kaharap ko kaya hindi ito kumakain ng mga ganito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status