Share

Chapter 2

"That's the choice you only have, Claret. You only have to sign it. As simple as that, you are free from me. You get your share of what I have. Kung anong mga pinangako ko noon. The property and the money. Just your sign, Claret." Huling salita ni Primo kagabi bago niya ako iniwang mag-isa sa kwartong namin.

Iyak nang iyak ako ng gabing iyon. Ni hindi ko na siya nasundan palabas ng kwarto dahil nawalan na ako ng lakas. Literal na sumasakit ang puso ko. Nahirapan akong huminga dahil sa tagal ng pag-iyak ko.

Nakatulog akong umiiyak habang nakasalampak sa sahig sa gilid ng kama. Paggising ko ay maga ang mga mata ko at masakit ako ulo ko. Pati ang lalamunan at tiyan ko ay masakit rin.

Nanlalata akong tumayo at tumungo sa banyo para mag-ayos. Kailangan kong makausap ulit si Primo. Hindi ko hahayaang masayang lang ang pinagsamahan namin.

Nalukot ang mukha ko at napahawak sa tiyan ko nang maramdaman ang parang pag-alsa ng sikmura ko. Agad akong napaupo sa may inidoro at sumuka nang sumuka roon. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Napaluha nalang ako sa dinadanas ngayon.

Hindi ito puwede! Hindi pwedeng maging mahina ako ngayon!

Kailangan kong makausap ang kaibigan kong si Ivan tungkol sa mga picture. Sigurado akong biktima lang din siya!

Pero nakailang tawag ako sa cellphone ng kaibigan pero out of reach ito. Tinawagan ko rin ito sa opisina niya pero ang sabi sa akin ay umuwi raw sa probinsya nila si Ivan.

Nanlumo nalang ako dahil alam kong hindi naman talaga ito ang malaking problema ko ngayon.

Bumaba ako sa salas ng bahay namin. Napabuntong hininga ako. Malaki ang bahay namin para sa aming dalawa at kapag ako lang mag-isa rito kahit na may tatlong kasambahay at apat na guard ramdam ko pa rin kalakihan ng bahay. With all the beautiful ornaments, this house still feels empty.

Wala na ang kotse ni Primo sa garahe. Hindi ko alam kung dito ba siya natulog o umalis din siya pagkatapos ng nangyari kagabi.

Pumanhik na ako pabalik sa kwarto at nagbihis para puntahan ang opisina ni Primo sa main brach ng hotel.

Sinalubong ako ng mga bati ng mga empleyado sa hotel. Nakita kong ang isang front desk clerk na hawak ang telepono at may kinausap. Sigurado akong ibinalita niya sa secretary ni Primo ang pagdating ko.

"Nasa'n si Primo?" Salubong ko sa secretary pagkarating ko sa floor ng opisina nito.

Nakita ko ang tarantang pagtayo ng lalaki at bumati kaagad sa akin. Napakamot ito sa ulo. "I'm sorry, Mrs. Montealegre. Nag-indefinite leave po kasi si boss. Hindi niya po nabanggit sa inyo?"

Nanlaki ang mata ko sa balita nito. "Indefinite leave?" Inaasahan kong wala si Primo rito pero nagulat pa rin ako.

Nag-iwas ito ng tingin sa akin. "Eh, opo. Kanina niya lang po sinabi."

Napahigpit ang hawak ko sa dalang sling bag. "Alam mo ba kung saan siya nagpunta?"

Bigong umiling sa akin ang lalaki. I sighed. Nagpasalamat nalang ako rito at nagmadali ring umuwi ng bahay.

Nabuhayan ako ng loob nang makitang nakaparada ang kotse ni Primo sa garahe. Ibig sabihin ay nakauwi na siya!

Dali-dali akong bumaba sa kotse at nagpasalamat sa driver namin. Pagpanhik sa salas ay nakita kong pababa si Primo galing sa second floor.

Nawala ang liwanag sa mukha ko nang makitang may hawak siyang isang maliit na duffle bag. He stopped when he saw me.

"I was looking for you. You still didn't sign the papers? What's so hard about it, Claret? Don't make this hard for the both of us."

Nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko. Nasaktan sa insensitibong pahayag niya. Imbes salubungin niya ako ng pagbati o yakap at halik gaya ng normal na mag-asawa ay iyon ang binungad niya sa 'kin.

"Primo naman. Please stop asking me for that. Hindi mo alam kung gaano 'to kahirap para sa akin." Tumingin ako sa gamit na bitbit niya. "Saan ka pupunta? Mga damit ba 'yan? Galing ako sa opisina mo at ang---" Pinutol niya ako.

"I am going to her, Claret. She's finally back and I must take care of her. She needs me. Kaya pirmahan mo na ang annulment papers. You're wasting your energy."

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Akmang lalagpasan niya ako pero pinigilan ko siya. Humawak ako sa braso niya nagpatuloy siya sa paghakbang. Sa sobrang lakas niya ay nahila niya pa ako, roon siya tumigil.

Padabog niyang binitawan ang dalang gamit at marahas na inalis ang hawak ko sa kaniya. "There's no use in stopping me, Claret. Get lost and just sign the papers. You're fucking taking my time and stop crying. Hindi 'yan gagana sa 'kin."

"Asawa mo 'ko, Primo! Mas importante pa siya talaga sa akin? 3 years, Primo. 3 years. Wala bang puwang sa 'yo ang mahabang pinagsamahan natin? Please don't do this to me," pagmamakaawa ko habang umiiyak na naman sa harapan niya.

Ramdam ko ang frustration nito sa paraan ng pagbunting hininga niya. "If you don't want to suffer, just fucking sign the papers, Claret. You are starting to get on my nerves." He walked out.

Nailagay ko nalang ang mga palad sa mukha at umiyak na naman. Narinig ko nalang ang tunog ng sasakyan sa garahe at ang pag-alis ng kotse ni Primo.

Lumapit sa akin ang isang kasambahay at inilahad ang iPad na gamit nilang mga kasamahan niya. "Ma'am, nasa news si sir. Dito po yata siya pupunta. May sakit po yata 'yong babae," maingat na utas nito.

Nanginginig ang mga kamay ko nang kinuha ang gadget at pinanood ang video.

"Primo Gabriel Montealegre rumored to be separated with his wife of three years. The Billionaire was seen entering a hospital room in a private institution last night. The room was rumored to be occupied by a previous international actress, Selene Angelic D'Andrea, who took a hiatus to focus on her fast recovery after she fell ill...."

Hindi ko na pinagpatuloy na pakinggan ang buong balita na iyon. Sapat na sa akin ang nalaman. Napalabi ako.

Selene Angelic D'Andrea?

Bigla nalang sumakit ang ulo ko. Bakit pamilyar sa akin ang pangalan na 'yon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status