Share

The Tycoon's Foolish Wife
The Tycoon's Foolish Wife
Author: bluesofgreen

Chapter 1

"Bakit ngayon ka lang nakauwi, Primo? You've never been home for the past three days. Nakailang balik ako sa opisina mo pero ayaw mo raw magpa-istorbo sabi ng sekretarya mo? May nangyari ba sa construction ng new branch hotel project?" Salubong ko sa asawa kong dire-diretso ang pasok sa kwarto namin. Ni hindi man lang ako binalingan ng tingin.

Nakasunod ako sa kaniya. Tahimik na tinitimbang kung bad mood ba ito o pagod lang. Pangatlong gabi na akong naghintay sa kaniya kung uuwi pa ba siya. Palagi ko nga siyang pinagdadalhan ng lutong-bahay sa opisina niya pero hindi ako sigurado kung kinakain niya ba iyon dahil hindi naman naibabalik sa akin ang mga tupperware ng sekretarya niya.

Walang-imik nitong tinanggal ang butones ng coat niya. Nang akmang huhubarin niya ang suot na coat ay tinulungan ko siya. I heard him sigh.

He looked at me for a while. He tried to nudge off my hands on his coat. Pero wala na siyang nagawa ng nahubad ko na ito sa kaniya. Matikas ang tindig nito. Abot hanggang balikat niya lang ako. Sakto lang para sa kaniya.

I reached for his necktie, untying it while looking at him. Masungit itong nag-iwas ng tingin sa 'kin.

"Kinakain mo ba ang mga padala kong baon sa 'yo last time? Hindi mo kasi binabalik pa 'yong mga tupperware," malumanay kong bigkas, sinusubukang kausapin siya ulit.

He ignored me again.

I tried to smile pero wala pa ring pinagbago ang itsura niya. Nawala na ang ngiti ko. Nasasaktan na ako sa sunod-sunod niyang pagbaliwala sa akin. Hinding-hindi pa rin ako masasanay sa ugali niyang ito.

We've been married for 3 years already. And for that 3 years, never niyang sinabi na mahal niya 'ko. Sinubukan ko naman but I failed to get his heart. At hanggang ngayon, sumusubok pa rin akong kunin ang pagmamahal niya.

Kinasal kami hindi dahil mahal namin ang isa't-isa kundi dahil tumupad lang siya sa pangakong binitiwan niya sa namayapang lolo niya. Mas nauna kong nakilala ang Don Agusto, ang lolo ni Primo. Nagsilbi ang kinikilala kong tatay noon sa Don. Siya ang tumulong sa pag-aaral ko noong namatay ang tatay ko sa aksidente. At bago nawala ang Don dahil sa katandaan nito ay nag-iwan ito ng habilin kay Primo na kahit sa tagal kong nakakasalamuha siya noon ay ni minsan ay hindi niya ako kinibo.

He loves his grandfather so much that he married someone he doesn't love. At dahil na rin sa hindi niya makukuha ang iniwan ng lolo niya sa akin kapag hindi siya sumunod sa kondisyon na iyon.

A marriage without love. Nilinaw na niya iyon sa 'kin dati. Na huwag daw akong umasa sa kaniya. Pero naging maayos naman ang pagsasama namin nitong nakaraang mga buwan.

He gave me just enough attention. I hoped too much for that. He made love---no... He always enjoyed our sexy time. Kapag nasa kama kami, ramdam ko ang mga bagay na hindi niya masabi sa akin na sa init ng katawan lang namin magawa. I will always feel so loved kapag nasa kama kami.

Dahil desperada, sinubukan kong patakan ng halik ang gilid ng labi niya. Paglapit pa lang ng mukha ko ay marahas na siyang umilag sa 'kin.

"What the fuck are you trying to play, Claret?" galit na asik niya sa akin. Tumindig ang mga balahibo ko dahil iba ang galit na nakikita ko sa mga mata niya.

He mentioned my first name. Tinatawag niya lang akong Claret kapag galit siya, seryoso at wala sa mood. In bed, he would always call me Angel like my second name, Angelique.

"Primo," malungkot kong untag at sinubukang haplusin ang pisngi niya. Napasinghap ako nang agresibo niyang sinangga ang braso ko. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya. Tumaas baba ang dibdib ko dahil nagsimula na akong kabahan sa inaakto niya.

Hindi ko mawari kong bakit ngayon ay nag-aalab ang tingin niya sa akin. Nagtatagis ang kaniyang mga bagang. Napadaing ako dahil mas humigpit ang kapit ng kamay niya sa may braso ko.

"Primo, masakit," d***g ko at pilit tinanggal ang kapit niya sa braso ko. Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko.

Maluha-luha akong tumingin sa kaniya. But he looked so angry to be concerned of my state. His eyes were searching something in my eyes. Litong-lito pero nangingibabaw ang galit doon.

"Wondering why I'm so fucking mad at you right now?"

Hindi ako makasagot dahil sa kalituhan kung bakit umaakto siya ng ganito gayong ayos lang naman kami sa mga nakaraang linggo.

Marahas niya akong pinakawalan. Napasinghap naman ako dahil nawalan ako ng balanse at natumba sa gilid ng kama.

Ignoring the pain, nakita kong kinuha ni Primo ang dala niyang brown file folder at hinagis iyon sa tabi ko. Sa lakas ng paghagis niya ay natapon ang laman ng folder.

Nangunot ang mga mata ko sa kalituhan. I saw pictures. Parang pinaggunting-gunting na senaryo ang mga ito. A lot of suggestive pictures of two person. Parehong mga litrato sa iba't ibang anggulo.

Inabot ko ang mga ito at isa-isang tiningnan. Pabaling-baling ang mga mata ko sa mga picture. The girl in the picture with a guy looks exactly like me and my friend Ivan! Pero hindi ko naaalala na may ganitong pagkikita kami!

A lot of picture were sequenced. Parang bawat hakbang ng babae ay kinunan. Ang unti-unting paglapit ng babaeng akong-ako sa lalaki na kahit hindi masyadong kita ang mukha sa iilang kuha ay alam kong si Ivan, ang kaibigan kong kahit kailan ay hindi makakasundo ni Primo.

Primo never liked everything about Ivan. And seeing these pictures will surely enrage him. The people in the picture were too close to each other

"Anong ibig sabihin nito? I don't understand why I'm here...." nauutal kong pahayag habang mariing sinusuri ang mga litrato. Maingat na inangat ang ulo upang tingnan ang reaksyon ni Primo.

Na-distract pa ako sa ayos niya dahil ang naiwang suot niyang pang-itaas ay ang inner white button-down shirt na nakabukas ang apat na butones no'n. Tense pa ang mga braso niya dahil nakakuyom ang dalawang kamao niya.

Bago pa ulit ako makapagsalita ay inunahan niya na ako. "Don't try to fucking deny that, Claret. I told you if you want this to be over sooner you should've told me before some fucking idiot sent this trash."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ang dinig ko o nabingi lang ako. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil parang sumakit yata ito dahil sa nangyayari ngayon na hindi ko maproseso.

"Primo, alam mong hindi ko 'to magagawa sa 'yo." Tayo ko habang hawak-hawak ang mga picture. He just smirk, shaking his head. Parang nanghahamon ang mga tingin niya. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata ko.

Umiling-iling ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Would you actually believe this, Primo? Mahal kita at kahit hindi mo ako mahal... hindi ko 'to magagawa sa 'yo. I'm sure this is fake! These pictures... didn't happen."

"You don't need to explain yourself, Claret. I won't make this more complicated. We don't need to continue this anymore. It just happened na inunahan mo 'ko."

He smirked again which I didn't understand. Pumunta ang tingin niya sa nightstand at pabalik sa akin. Mapanuya siyang ngumisi. Ni hindi siya natinag nang isa-isa ng pumatak ang mga luha ko. Hindi ko mawari ang nadarama.

Unti-unti kong naiintindihan ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. May kinuha siya sa drawer ng nightstand at binigay iyon sa akin.

Annulment papers.

Umiling-iling ako at hindi tinanggap ang papel na iyon. Mas lalo akong napaiyak at nanlambot ang mga tuhod.

That only means one thing, she's back.

Nanlumo ako. Nahanap na niya ang babaeng tinutukoy niya noon? Ang babaeng dahilan kung bakit hindi niya ako magawang mahalin? Bakit ngayon lang? Wala akong kalaban-laban sa taong ilang taon na sa damdamin niya.

Lumapit ako kay Primo at nagsimulang magmakaawa. "No, please, no, Primo. Hindi ko kakayanin," hikbi ko at napaupo sa harapan niya.

"This is actually better for us, Claret. Playtime's over."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
chenica
ahhh im so glad na nakahanap ako ng ganitong klase ng story ulet huhuhu
goodnovel comment avatar
chenica
ohhh parang alam ko na kung anong klaseng trope to!!!! exciting!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status