Third Person's POV
Mag-isang bumaba si Claret. Iniwan niya ang kambal sa pangangalaga ni ate Choleng.Kahit ramdam niya ang panlalambot ng tuhod niya ay matapang siyang humarap kay Primo.Hindi makapaniwala si Claret. Hindi man lang siya binalaan nito na magdadala pala ito ng reinforcement mula sa hospital... Para ano? Para may patunayan 'di ba? Hindi man lang ba nito hihingin ang opinyon niya?"Anong ibig sabihin nito, Primo?" bumiyak ang boses ni Claret.Hindi niya pala kayang harapin ang sitwasyon na 'to. Hindi pa nga nagsisimula, wasak na wasak na siya.Tama nga ang sinabi ng katulong, may doctor at isang nurse nga.Napabuntong hininga si Primo at tumingin sa nakakaawang pigura ni Claret. Kita niya ang pagka-down ng babae."For the paternity test," tipid na saad ni Primo."No. Ayaw ko, Primo. Hindi ko 'to i-a-allow." Nanatili ang tingin ni Claret kay Primo. Hindi niya pinansin ang ibang tao sa pThird Person's POVD'Andrea's Family House Sa loob ng study room ng mga D'Andrea ay mag-isa at may kausap sa telepono si Ricardo D'Andrea."Boss, ano pong gagawin pa rito sa alaga niyo?" salita ng isang boses sa kabilang linya."Bantayan niyo lang. Huwag ninyong patayin... Sa ngayon." Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Ricardo D'Andrea."Sige, boss. Areglado." Magiliw na reply ng tauhan.Binaba na kaagad niya ang tawag at may tinawagang panibagong numero."Ano? Nakuha niyo na ba?""Yes, boss. On move na po."Niluwagan nito ang suot na necktie at tumayo na sa kinauupuan. Wala na siyang sinayang na oras."I'm coming. Siguraduhin niyong walang nakasunod sa inyo. Hindi pa natin alam kung makakatunog ba ang bubong Montealegre na 'yon." Napangisi si Ricardo.Hindi niya alam kung bobo ba o ano ang bilyonaryong gusto ng anak niya pero hanggang ngayon wala pa ring alam si Primo Monte
Third Person's POVKukunin pa sana ng lalaki ang cellphone kaya lang ay may tumuhod na sa sikmura nito.Napadaing ito at kaagad na napahiga sa madilim na kalsada. Hindi pa nga ito nakahinga ay may sumipa na sa kaniya.Pinulot ni Ben ang kwelyo ng hindi pamilyar na lalaki sa lupa at pinahawak ito sa iba pang kasama niyang tauhan sa magkabilang braso nito.Kapos ang hininga ng lalaki at napangiwi sa natamong bugbog."Sinong boss mo?" Mariin na hinawakan ni Ben ang mukha ng lalaki. May hula na si Ben pero gusto niya pa ring marinig sa boses ng lalake ang totoo.Maluha-luha ang kawawang lalaki pero hindi ito sumagot. Sinikmuraan ulit ito ni Ben at sinuntok ng dalawang beses ang mukha ng lalaki.Kaagad itong sumuka ng dugo. Hinila ni Ben ang buhok ng lalake at pwersahan itong inangat. Sinuri niya ang mukha ng lalake.Marahas niyang binitawan ang lalaki na nagpatumba rito sa kalsada. Sinenyasan ni Ben ang ib
Third Person's POV(Flashback)18 years ago......Maririnig ang maliliit na hikbi ng isang batang lalake sa isang walang tao na hallway ng hospital. Pinipigilan nitong mapahagulgol dahil sobrang tahimik ng hallway. Siya lang mag-isa roon.Napatigil ang paghikbi nito at dali-daling pinunasan ang mukha gamit ang sarili nitong kamay nang makarinig ito ng mga yapak."Hello... Gusto mo gummy?" satinig ng isang batang babae. Napaangat ng tingin ang batang Primo at nakita ang isang batang babae na nakangiti sa kaniya habang nakalahad sa harap niya ang hawak nitong sachet ng isang kilalang gummy worm brand.Hindi niya alam pero nairita siya sa style ng buhok nito. Nakatirintas kasi at may kataasan."Go away." Taboy ng batang Primo sa batang babae. Nainis siya dahil may umabala sa pag-iisa nito sa hallway."Ayaw ko. Bakit ka muna umiiyak?" Umupo ang batang babae sa bakanteng upuan sa tabi niya. Napaatras n
"Bakit ngayon ka lang nakauwi, Primo? You've never been home for the past three days. Nakailang balik ako sa opisina mo pero ayaw mo raw magpa-istorbo sabi ng sekretarya mo? May nangyari ba sa construction ng new branch hotel project?" Salubong ko sa asawa kong dire-diretso ang pasok sa kwarto namin. Ni hindi man lang ako binalingan ng tingin.Nakasunod ako sa kaniya. Tahimik na tinitimbang kung bad mood ba ito o pagod lang. Pangatlong gabi na akong naghintay sa kaniya kung uuwi pa ba siya. Palagi ko nga siyang pinagdadalhan ng lutong-bahay sa opisina niya pero hindi ako sigurado kung kinakain niya ba iyon dahil hindi naman naibabalik sa akin ang mga tupperware ng sekretarya niya.Walang-imik nitong tinanggal ang butones ng coat niya. Nang akmang huhubarin niya ang suot na coat ay tinulungan ko siya. I heard him sigh.He looked at me for a while. He tried to nudge off my hands on his coat. Pero wala na siyang nagawa ng nahubad ko na ito sa kaniya. Matikas ang tindig nito. Abot hanggan
"That's the choice you only have, Claret. You only have to sign it. As simple as that, you are free from me. You get your share of what I have. Kung anong mga pinangako ko noon. The property and the money. Just your sign, Claret." Huling salita ni Primo kagabi bago niya ako iniwang mag-isa sa kwartong namin.Iyak nang iyak ako ng gabing iyon. Ni hindi ko na siya nasundan palabas ng kwarto dahil nawalan na ako ng lakas. Literal na sumasakit ang puso ko. Nahirapan akong huminga dahil sa tagal ng pag-iyak ko. Nakatulog akong umiiyak habang nakasalampak sa sahig sa gilid ng kama. Paggising ko ay maga ang mga mata ko at masakit ako ulo ko. Pati ang lalamunan at tiyan ko ay masakit rin. Nanlalata akong tumayo at tumungo sa banyo para mag-ayos. Kailangan kong makausap ulit si Primo. Hindi ko hahayaang masayang lang ang pinagsamahan namin.Nalukot ang mukha ko at napahawak sa tiyan ko nang maramdaman ang parang pag-alsa ng sikmura ko. Agad akong napaupo sa may inidoro at sumuka nang sumuka
Kahit gulat ako sa napanood ay dali-dali rin akong umalis ng bahay upang puntahan ang hospital kung nasaan si Primo at ang babaeng iyon.Sa hindi malamang kadahilanan ay kinakabahan ako. Nanlalamig ang mga kamay ko at dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali sa nalaman at kung bakit pamilyar sa akin ang pangalan ng babaeng iyon. Isang actress pala ang babaeng mahal ni Primo? At may sakit ito? Kaya ba ngayon lang ito nagpakita gayong gumanda na ang pagsasama namin ni Primo ay saka pa lamang ito nangyari? Pag-aari ng kamag-anak nila Primo ang hospital na tinutuluyan ng actress na iyon kaya't madali akong nakapasok ng walang problema. Minsan na akong nakapunta rito noong buhay pa ang Don Agusto. Iginiya pa ako ng nasa information desk kung nasaan ang room na hinahanap ko.Napahinga ako ng malalim habang nasa harap ng isnag saradong VIP room. Tiningnan ko ang name card sa gilid ng pintuan at nakumpirmang kwarto nga ito ni Selene Angelic D'Andrea. Walang pagdadalawang
Selene Angelic D'Andrea, isang magaling na international actress. Only child nalang dahil patay na raw ang ate nito. Ang mga magulang ay matagal ng nakatira rito sa Pilipinas. Ang business ng nga magulang ay isang flower farm sa Bulacan. Started her acting career at the age of 18. Had been in the showbiz industry for 10 years now. I searched about her as soon as I went home after leaving the hospital. Hindi na ako nanatili ng matagal doon.Wala naman akong magawa kundi umuwi dahil hindi ko naman makukumbinsing sumama sa akin si Primo. He really stayed with her. He didn't even notice na umalis na ako.Took care of her habang pinapanood ko sila."Hihintayin kita sa bahay, Primo." ikiniling lang nito ang ulo at hindi na humarap sa akin. That was my last statement before walking out of the hospital with my broken heart.It was heartbreaking. Kung may makakakita man sa nangyayari sasabihin nilang tanga ako dahil ako ang asawa pero tinitingnan ko ang ang asawa kong alagaan ang ibang babae.
Bigla kong naalala ang mga pictures na ipinakita niya sa akin noong gabing una niyang sinabi na maghiwalay na kami."Anong ibig mong sabihin? Primo naman. Kung tungkol ito roon sa mga litratong nakita mo, walang katotohanan ang mga iyon. I have no idea whose trying ruin us. Those weren't true. Wala namang iba Primo, ikaw lang. You are the only man I ever allowed in my life. Dapat alam mo 'yan." Tagis ko.Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang isipin na may iba akong lalake ngayong buong buhay ko, siya lang ang minahal ko.Primo looks so ruthless right now. Natapos na akong nagsalita't lahat-lahat hindi pa rin siya matinag. "How would I know that?"He sighed and chuckled. "Please stop trying to get me with the pregnancy card. We're past that shit anymore. Let's talk here like a mature person. If what you're trying to say turned out to be true. I will have no problem to give financial support, Claret. As simple as that. All I want for you is to sign the damn annulment papers and w