Share

Chapter 5

Bigla kong naalala ang mga pictures na ipinakita niya sa akin noong gabing una niyang sinabi na maghiwalay na kami.

"Anong ibig mong sabihin? Primo naman. Kung tungkol ito roon sa mga litratong nakita mo, walang katotohanan ang mga iyon. I have no idea whose trying ruin us. Those weren't true. Wala namang iba Primo, ikaw lang. You are the only man I ever allowed in my life. Dapat alam mo 'yan." Tagis ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang isipin na may iba akong lalake ngayong buong buhay ko, siya lang ang minahal ko.

Primo looks so ruthless right now. Natapos na akong nagsalita't lahat-lahat hindi pa rin siya matinag. "How would I know that?"

He sighed and chuckled. "Please stop trying to get me with the pregnancy card. We're past that shit anymore. Let's talk here like a mature person. If what you're trying to say turned out to be true. I will have no problem to give financial support, Claret. As simple as that. All I want for you is to sign the damn annulment papers and we would be at peace."

Lumapit ako sa kaniya at pinaghahampas siya. Walang gana lang niyang iniwasan ang mga palad ko. "Hindi nga sabi ako pipirma sa mga pisteng papeles na 'yan! Alam kong pinakasalan mo 'ko dahil hindi mo ako mahal pero kasal tayo, Primo. I want us to work this out!"

Tumawa siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at nilayo ako sa kaniya. Yumuko siya para mapantayan ang tingin ko.

"Let's stop this craziness, Claret. You won't get anything from this. Just sign the papers." He let go of me and picked up the papers.

Talagang napuno na ako. Sobra na ang galit na naipon sa kalooban ko. Hinablot ko ang mga papel at umiyak na pinunit ang mga iyon. Iyak ako ng iyak habang ginagawa iyon. "I'm so sick of hearing you say 'sign this papers'. I'm so mad of you for leaving me so easy for that girl who looked like me!" Hingal na hingal ako matapos sabihin iyon.

Idinuro-duro ko ang dibdib niya at nagpatuloy. "I'm so mad at you for making me fall for you. For marrying me because I look like her. For all the things you made me feel. For calling me Angel. Hindi mo alam kung gano kasakit para sa akin ang lahat ng ito. Sobrang sakit, Primo. When I first saw her? I felt so betrayed. May puso ka pa ba, ha, para gawin sa 'kin 'to?"

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. He only look at me with nothing in his eyes. 'Yon ang lalong mas masakit.

"You did that to yourself, Claret. I never asked for you to be all over me. Don't try to put the fucking blame on me. You are the one who's making yourself suffer." Pagdidiin niya.

"I'm fucking tired of this." Nagmartsa siya palayo.

Sinubukan ko siyang hilahin at pigilan. "At sa'n ka naman pupunta? Babalik ka sa kaniya? Bahay mo pa ba 'to, Primo? Ni hindi mo nga ako magawang kamustahin. Lagi mong inuuna ang banggitin ang annulment!" Paghagulhol ko.

"What should I fucking say, Claret? 'Yon lang naman ang kailangan ko sa 'yo." He walked out.

Napaupo nalang ako sa sahig.

He stepped back and look at me. "Starting tomorrow, Selene will be staying here for the time being. I am not asking for your permission. I am just letting you know that." And he left.

Marahas akong umiling at sinundan siya. "Anong pinagsasabi mo, Primo? Sobra-sobra na 'to! Kasal tayo, Primo. Hindi ko hahayaang patirahin mo siya rito!" Nagawa kong tapusin ang gusto kong sabihin kahit na nanghihina ako sa nalaman. Sobrang poot ang nadarama ko.

"That's why I told you to not be stubborn anymore, Claret. Just sign the damn papers and all will be done." Pumasok na siya sa kotse niya at pinaharurot iyon palayo sa bahay namin.

Bigo akong napaupo sa hamba ng pintuan. Napahawak nalang ako sa tiyan ko.

"I'm sorry. Patawarin mo si mama, baby. Hindi niya magawang pigilan si papa mo," kausap ko rito habang panay pa rin ang iyak ko.

Natulog akong masakit ang damdamin. Paggising ko ay sinubukan kong tatagan ang loob. Nag-ayos ako sa sarili. Kumain din ako ng marami dahil ayaw kong magutom si baby. I should visit my OB-Gyne soon para mapa-check up si baby.

Nagluto ako ng maraming pagkain. A lot of spicy food. Naghiwa rin ako ng mga pineapples. I also got interested with the precooked fast food meal kaya niluto ko rin iyon. I also tried making tea. And after that I was done.

Tinawag ako ni ate Choleng at sinabing dumating na sila Primo. Inayos ko ang itsura ko at tinatagan ang loob. I need to be brave.

Pumunta ako sa bungad ng entrance ng bahay. Nakita ko ang pagbukas ni Primo sa kabilang bahagi ng kotse at ang paglabas doon ni Selene na nakasuot ng makulay na maxi dress. Nakasunod si Primo habang hila-hila ang gamit nito.

"Claret, you still didn't sign the new papers I sent you?" Iyon ang pambungad sa akin ni Primo nang makita niya ako. Kinalma ko ang sarili.

Kanina habang nagluluto ako ay may pinadalang bagong annulment papers ang lawyer ni Primo. Hindi ko iyon pinagbigyang pansin dahil busy ako sa kusina.

Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Selene. Mukhang nasiyahan ito sa nasaksihan niya. Hinawakan ni Selene ang balikat ni Primo. "Primo, that's not a good thing to say after arriving. You should've greeted her first." Ngumiti ito sa akin.

I know her smile is fake. Lahat ng kinikilos niya sa akin ay ramdam kong kasinungalingan lang.

Tumalikod ako sa kanila at naunang pumasok sa loob ng bahay. Humarap ako sa dalawa nang makapasok na sila. Naunahan ako ni Selene na magsalita.

"I'm sorry, Claret. He just wants the best for the both of us. I know hindi mo pa rin tanggap na hihiwalayan ka na ni Primo at ngayon makikitira pa ako sa bahay niyo. I hope you will soon accept that you have to part ways and sign the papers." Mapanuyang ngumiti sa akin si Selene. Pero noong tumingin ito kay Primo ay malumanay itong nakangiti at sumandal sa balikat

nito parang sinasadyang inisin ako.

"You should be sorry, Selene. Dahil sa mata ng batas, kabit ka. Kung disente kang babae, hindi ka titira rito at haharap sa akin na parang ako pa dapat ang magpakumbaba?" asik ko. Hindi mapigilang ipakita ang pagkainis sa nangyayari.

Umakto itong gulat at parang takot sa akin. Tumingin ito kay Primo na parang nagpapasalba rito. Sobrang nainis ako sa inaakto nito. Ganitong babae talaga ang mahal ni Primo?

"Stop that, Claret. Huwag kang magsisimula ng away rito." Babala ni Primo. Napasinghal ako pero pinigilan ko ang sariling sobrang magalit at baka makasama ito sa anak ko. This is just getting so ridiculous.

I feel like an outcast.

"Primo, nagugutom na ako," ungot ni Selene habang pinakuha ni Primo ang mga gamit na dala nito sa katulong.

Pilit akong ngumiti sa kanilang dalawa. "Gutom ka? Naghanda ako ng pagkain sa dining table. You should eat what I prepared. I am being nice to offer you that." Matalim ang titig ko kay Selene.

Walang buhay ko silang iginiya sa kusina. Hinihintay ang magiging reaksiyon nila.

"What the fuck are you trying to play again, Claret? She is not allowed to eat those kind of food."

Sa harap nila ay may tatlong klase ng spicy food, ang hinanda kong pineapple slices at tea.

Matalim ang tingin ko kay Primo. "What? Nag-effort akong maghanda, Primo? Mumurahin mo lang ako? I'm sorry I didn't know bawal pala sa 'yo ang mga pagkaing ito. Kawawa ka naman."

Nanghahamon ang tingin ko kay Selene. Napasinghal ako. I researched about her illness. Nakakaawa naman dahil marami pala siyang pagkaing hindi pwedeng kainin. Please note my sarcasm.

I have no evidence for now pero I will prove to him that Selene is faking her illness. I have a feeling that all of this is fake.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status