Hindi ko na kayang manatili pa roon. Dali-dali na akong pumanhik pabalik sa kwarto ko dahil ramdam ko ang kaunting sakit ng pagpilit ng tiyan ko kasabay ng muling pagkadurog ng puso ko.Nang masarado ko ang pinto ng kwarto ay kaagad akong sumalampak sa sahig at niyapos ang tiyan."I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry, baby. Please kumapit ka lang," bulong ko sa hangin habang kinakalma ang sarili dahil sa nagbabadyang paghagulgol ko.Hindi ko alam sa sarili ko kung paano ako nagtagal sa baba. It was suffocating. To see Primo not siding with me. Na makitang dikit na dikit sila ni Selene. Na para bang pinagtutulungan nila akong mawala na sa buhay nila.Alam ko naman noong kinasal kami na hindi magiging madali ang buhay na pinili ko. I was only by myself noong pinagkaisahan nila ako nang mabanggit ako sa last will ng lolo ni Primo. Kahit ang tangi kong kaibigan noon ay hindi ko pinakinggan. Sinabi sa akin ng tatay ko noon na huwag masyadong maging involve
Determinado akong gumising kahit na medyo inaatake ako ng morning sickness. Nag-ayos ako at nagbihis. Isang peach na bestida ang suot ko at pinatungan ko ng puting cardigan dahil sa sleeveless ang bestida. Mas pinili kong isuot ang komportableng sneakers kaysa mag-heels. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok at kinuha ang itim kong tote bag. Nang i-check ko ang kalendaryo ay nagulat ako sa nakita.Birthday ko ngayon?Napamaang ako. Sinisiguradong hindi ako namalik-mata. Walang duda, birthday ko nga ngayon. Masyado na yatang maraming nangyayari sa buhay ko na hindi ko na namalayan na birthday ko na pala. "25 na ako ngayon..." untag ko sa sarili. Napatingin ako sa salamin at natulala.Noong buhay pa ang tatay ko, kakain lang kami ng mga paborito ko at chiffon cake sapat na sa akin iyon. Pero noong unang birthday ko noong kinasal na kami ni Primo hindi ko maitatangging minsanang na akong naghangad na magsi-celebrate kami o kahit simpleng pagsasalo lang.I would always get myself disappo
Nag-echo ang sinabi ni doktora sa utak ko.Twins."Twins po?"Grabe ang ginawang paglukso ng tibok ng puso ko sa narinig. Mas lalo nadagdagan ang kabang nararamdaman ko.Kambal? Hindi lang isa kundi dalawang bata ang nasa tiyan ko? "Yes, misis. Twins."Nag-isip ako ng malalim, walang kambal sa pamilya namin at sa alam ko kina Primo wala rin naman silang kamag-anak na kambal. Hindi ba mas mahirap ang magbuntis sa kambal? Lalo na at first time ko 'to. Ang sabi nila mas mahirap daw magbuntis kapag kambal at mas masakit daw iyon. Napalunok nalang ako sa naisip. "If you look here, you can see one sac and here another one sac, you see. Both are doing great and growing well. You have two little cute babies, Mrs. Montealegre." Namangha ako sa nakita sa screen kahit na kinakabahan at di mawari ang nararamdaman.Tumingin ako kay Primo. Nagulat pa ako nang makitang mas seryoso na ang itsura nito ngayon at paran
Omniscient POV (Primo)Pagka-park ni Primo sa kotse niya sa garahe ng bahay nila ay kaagad na bumaba si Claret at dire-diretso ang pagpasok nito sa bahay nila at hindi na siya nilingon pa. Alam niyang umiyak ito dahil sa bakas ng mga luha sa mukha nito pero wala naman siyang magagawa para pagaanin ang kalooban nito.He knows that she's bound to get hurt one way or another. He's feeling guilty pero wala siyang nakikitang ibang paraan pa para i-deal ang situwasyon nila ngayon Napabuntong hininga nalang si Primo at tumulak na rin papasok sa bahay nila. He was feeling calm now. He understand how Claret must have felt everytime he tries to bring up the annulment and the twins that she was carrying. But he was firm with his decision. Now that he's with Selene, he wants to make it official with her but Claret is making it hard for him... it makes him angry.Primo knew Claret would be like this but he didn't know that she would be this determin
Claret's Pagkarating namin sa bahay ay nagkulong na kaagad ako sa kwarto dahil kung hindi ko iyon gagawin ay alam kong mas lalo lang akong masasaktan. Primo didn't really care at all.Nilagpasan ko nga lang si Selene at inignora ito. Nakaabang ito sa may salas at tinanong pa ako pero wala ako sa mood para patulan pa ang kaplastikan nito. Pag-abot sa kwarto ay napatihaya nalang ako ng higa at hinayaang mas bumuhos pa ang mga luha ko habang hinahaplos ang tiyan ko, tila ba sinusubukan na hindi maapektuhan ang dinadala ko sa sakit na mararamdaman.Kahit ang pagbuksan si ate Choleng na naghintay sa labas ng kwarto ko at makailang ulit na kinatok nag pintuan ko ay hindi ko ito nilabas.Umiyak na ako sa kotse kanina pero ni hindi man lang ako pinansin ni Primo. Gano'n ba talaga niya akong gustong mawala na sa buhay niya? Kami ng mga anak niya?Ano pa ba ang kailangan kong gawin para i-prove sa kaniya na mali ang lahat ng in
Hindi ako makapaniwala sa ginawang eksena ni Selene. I feel cornered. Mas lalo lang akong nairita sa ipinakitang ekspresyon ni Primo."Sabihin mo sa akin Selene kung anong ginawa ni Claret. I know you won't be forced and you're just nice to please Claret. Na hindi mo naman kailangang gawin." Tumingin si Primo sa naiwan kong kinakain sa lamesa.Gusto kong tumawa dahil sa sinabi ni Primo. He's just unbelievable! Selene is nice? Kailan pa? Bulag ba siya?"Anong pinagsasabi mo, Primo? Hindi ako gano'n ka-desperate para lang alisin si Selene sa buhay mo. Kilala mo ba talaga siya? Trying to be nice, Primo?" Tumingin ako kay Selene. Takot itong kumapit kay Primo at hinila ang lalaki.Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa pag-alsa ng altapresyon ko. Gusto kong sunggaban si Selene pero pinigilan ko ang sarili."Alam kong pinagmumukha mo akong masama, Selene. Ang galing mo namang umarte," asik ko at pinagmasdang mabuti ang reaksyon ni Selene pero wala n
Hindi talaga ako inimik pa ni Primo matapos ang nangyari.Ni hindi ko na rin sinubukang sabihin ang ginawa ni Selene behind his back kasi alam ko namang ako lang din ang masasaktan. Sigurado akong hindi ako nito paniniwalaan matapos ng nangyari.Mas naging tahimik din si Selene pero paminsan-minsan ay nakikita ko itong titingin sa akin at mapanuya akong ngingitian at babatiin.Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong nahahalata ang baby bump ko. Three months na rin at dama ko na ang simulang pagbigat pa ng tiyan ko. Mas napaparami na rin ang kain ko araw-araw.Naisipan kong mag-mall dahil gusto kong mamili ng mga damit at kunting gamit ng mga baby ko habang ngayong kaya ko pang makakilos ng maayos. Sinama ko na si ate Choleng dahil hindi ako pinagbigyan ni Primo.Mainit pa rin ang ulo nito. At kung may pagkakataon man ito ay annulment lang naman ang pinapaalala nito. Sinanay ko ang sarili na ilabas sa kabilang tenga ang mga paalala nit
"Bakit lumabas ang mga picture na 'yon, Primo? Hindi naman ako iyon!" Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Alam ko namang narinig na niya ang nangyari dahil naibalita na ito ng driver sa kaniya."I don't know who did that, Claret. Maybe your friend Ivan, is it?" May diin ang pagkakasabi nito ng friend.Mas lalong nangunot ang noo ko. Idadawit niya si Ivan dito? Ni hindi ko nga ito ma-contact na. Saan nga ba talaga nanggaling ang mga litrato na 'yon?Napabaling ako kay Selene na nakatayo lang sa tabi ni Primo. Napansin kong makailang beses nitong sinulyapan ang tiyan ko. I unconsciously held my belly."Hindi ko alam 'yan, Primo. Hindi mo ba ramdam na sini-set-up ako ng kung sino rito?" Napabaling ang tingin ko kay Selene. Nagtaas ito ng kilay pero nanatiling inosente ang mukha."Set up? What made you think so, Claret? Bakit ka naman i-se-set-up? Why would someone make effort to do that?"Napalabi ako sa sinabi niya. "Talaga, Primo? Y