Hindi talaga ako inimik pa ni Primo matapos ang nangyari.
Ni hindi ko na rin sinubukang sabihin ang ginawa ni Selene behind his back kasi alam ko namang ako lang din ang masasaktan. Sigurado akong hindi ako nito paniniwalaan matapos ng nangyari.Mas naging tahimik din si Selene pero paminsan-minsan ay nakikita ko itong titingin sa akin at mapanuya akong ngingitian at babatiin.Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong nahahalata ang baby bump ko. Three months na rin at dama ko na ang simulang pagbigat pa ng tiyan ko. Mas napaparami na rin ang kain ko araw-araw.Naisipan kong mag-mall dahil gusto kong mamili ng mga damit at kunting gamit ng mga baby ko habang ngayong kaya ko pang makakilos ng maayos. Sinama ko na si ate Choleng dahil hindi ako pinagbigyan ni Primo.Mainit pa rin ang ulo nito. At kung may pagkakataon man ito ay annulment lang naman ang pinapaalala nito. Sinanay ko ang sarili na ilabas sa kabilang tenga ang mga paalala nit"Bakit lumabas ang mga picture na 'yon, Primo? Hindi naman ako iyon!" Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Alam ko namang narinig na niya ang nangyari dahil naibalita na ito ng driver sa kaniya."I don't know who did that, Claret. Maybe your friend Ivan, is it?" May diin ang pagkakasabi nito ng friend.Mas lalong nangunot ang noo ko. Idadawit niya si Ivan dito? Ni hindi ko nga ito ma-contact na. Saan nga ba talaga nanggaling ang mga litrato na 'yon?Napabaling ako kay Selene na nakatayo lang sa tabi ni Primo. Napansin kong makailang beses nitong sinulyapan ang tiyan ko. I unconsciously held my belly."Hindi ko alam 'yan, Primo. Hindi mo ba ramdam na sini-set-up ako ng kung sino rito?" Napabaling ang tingin ko kay Selene. Nagtaas ito ng kilay pero nanatiling inosente ang mukha."Set up? What made you think so, Claret? Bakit ka naman i-se-set-up? Why would someone make effort to do that?"Napalabi ako sa sinabi niya. "Talaga, Primo? Y
"Iyon lang ang sinabi niya?"Ano ba talaga ang nangyari, Ivan? Talaga bang ginawa mo 'yon? Kaya ka nag-sorry? Bakit kahit sa akin man lang hindi ka nagpaliwanag?Hindi ko mapagdugtong ang mga nangyari at kung anong posible na motibo ni Ivan para gawin niya 'yon sa akin? Paano siya na ka-edit ng ganoong mga picture?Tumango si Melanie. "You didn't have the chance to talk to him?" Bigo akong umiling sa kaniya."Napaka-jerk ng Ivan na 'yon! Edi kung tutuusin siya pala ang may kagagawan ng pagpakalat niya ng mga photo na 'yon! And now he's hiding? What a coward!""Matagal ko ng alam 'yong sa mga picture, Mel. Noong nakaraang buwan pa. Si Primo ang unang nakaalam no'n.""Ano? And ano ang ginagawa ng asawa mo ngayon? Ang kapal ng mukhang patirahin dito ang kabit niya. Sino ba s'yang gago siya. Hindi mo 'to deserve, Claret! How come you look so calm right now!"Galit na galit ito. Ang dalang hand bag ay halos itapon na nito kay
Tumulong na si ate Choleng at isang kasambahay namin sa paghiwalay kay Melanie at Selene. "What the fuck is wrong with your friend, Claret?" Humakbang si Primo palapit sa akin pero hinarangan ito ni Melanie at hinila ni Selene. "'Wag mong murahin si Claret! Wala naman siyang ginagawa sa 'yo!" Kahit anong lakas ng pagtulak ni Melanie dito ay nanatili lang ito sa kinatatayuan. I only look at him with distaste nang makita kung paano ito kumalma nang pagsabihan ni Selene. "Bakit napaka bayolente naman yata ng friend mo, Claret? Anong nagawa kong kasalanan?" Nangunyapi si Selene kay Primo. Kulang nalang ay umiyak na ito. Tinatanong niya ngayon kung anong nagawa niyang kasalanan? Gusto kong magmura. Anong klase bang babae 'to? Gusto ko siyang pagsasampalin at ingudngod sa kanal. "Shut up!" Napasigaw nalang ako dahil sumasakit na nga ang ulo ko tapos ang dami pa nilang sinasabi. Hindi ko maintidihan d
"Enlighten me, Selene. Alam kong nagpapanggap ka! Anong kasalanan ko sa 'yo at pinagmumukha mo akong masama kay Primo?"Humakbang ito palapit sa akin. Nanatili lang ako sa kinatatayuan at hindi siya aatrasan.Hindi nakangiti si Selene pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. "Kasalanan, Claret? Ano sa tingin mo ang kasalanan mo sa 'kin?"Tinutukoy niya ba na mas una niyang nakilala si Primo kaysa sa akin? Na dapat siya ang nasa lugar ko ngayon at kasal na sila ni Primo? Dapat niya bang isisi sa akin iyon?"Sa pagkakaalam ko, Selene, wala. Kung ano mang naging desisyon ninyo ni Primo noong binata pa siya, labas ako roon. Kung tutuusin ikaw ang may kasalanan sa akin ngayon, Selene," pagdidiin ko sa huling sinabi. Palagi nalang talaga ako nitong sinusubukang baliktarin. Alam kong ginagamit nito ang "ka-inosente" para magmukhang biktima. Magaling itong gumamit ng mga salita."Hindi ko kasalanang nagmahal ako, Claret. You know Primo n
Lumaki akong walang memorya ng pagkabata ko. Lahat ng memorya ko ay nagsimula noong 8 years old ako. Lumaki akong alam ko na ang nagpapalaki sa akin ay "step-father" ko. Wala akong ni isang alaala ng nanay ko. All I remember was I'm already old enough to be in school.Dati ko ng sinubukan na alamin ang nakaraan ko mula sa naging tatay ko pero bigo akong makakuha ng ano mang kuwento tungkol sa pagkabata ko at kung anong nangyari sa nanay ko.Matagal akong nangulila sa pangangalaga ng isang nanay. Lumaki akong mulat na sa realidad ng mundo. Pero hinahanap-hanap ko pa rin ang pagkakaroon ng isang nanay.Kahit ang pangalan ng nanay ko sa birth certificate ay para bang naglaho at hindi kailanman nag-exist. Sumuko na ako na hanapin pa ang tunay ko na mga magulang.Kaya ngayon hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin nang makita ko ang mama ni Selene. Para bang tinamaan ako ng bomba. Hindi makagalaw. Hindi ko alam kung saan nanggagaling an
"No, Mom. She's long dead!" Ngayon ko lang nakita ang pagkamuhi sa mukha ni Selene. Kita ko ang bakat ng ugat nito sa leeg niya sanhi ng pagsigaw nito."Anak, matagal mo na ba itong alam?" Nakita ko ang pagka-insulto ni Selene sa sinabi ng nanay nito."Mommy, I never thought of that. Hindi ko inakalang kapatid ko siya kahit magkamukha kami! There's no way!" Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin."Speak up, Claret! Tell us you're not my sister! This is unbelievable! Mommy, how can you be so sure?" Nagsusumamo ang tingin ni Selene sa nanay nito.Lumapit si Primo kay Selene at pinakalma ito. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa dalawa. Mga wala talaga silang hiya sa katawan nila."Anak, I know it might be hard to accept it. Hindi mo ba rin talaga maalala ang nangyari noon?" tanong ng ginang kay Selene na kumapit kay Primo."No... Mommy. Paano ko pa po maalala iyon? It traumatized me." Yumapos si Selene kay Primo at tinago ang mukha sa
Omniscient POVPrimo's Room Nakauwi na si Selene at ang nanay nito. Hindi sumama si Claret sa mga ito. Alam ni Primo na hindi ito sasama sa pagkat hindi pa sigurado ang kaniyang asawa sa mga nangyari kanina.Selene never talked to him about her sibling. Alam ni Primo na sore topic iyon para sa babae dahil that's what he knew too.... Na patay na ang nakatatandang kapatid nito. But then that happened.Hindi makapaniwala si Primo sa katotohanang maaring kapatid nga ni Selene si Claret. Given the fact that the two look like twins. Hindi niya maitatanggi ang pisikal na pagkakatulad ng dalawa. A shock to his system too.But why only now? Of all time? It makes sense but it also doesn't make sense in a way I think about it. Primo thought. Bumaling ang tingin ng lalake sa drawer ng nightstand. Bigla niyang naalala na pinaiimbestigahan niya noon si Claret. Ngunit wala siyang nakuhang impormasyon na may kapatid pa ito at may pamilya pa pa
Claret's Hindi ako nakatulog ng maayos matapos malaman na magkapatid kami ni Selene. Kahit ang pag-iyak ay napagod na ako. Wala ng luha pa akong nailabas. Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanang iyon. Kami ni Selene? Magkapatid? Anong klaseng kalokohan 'to? Ang lahat ng mga alaalang nakalimutan ko ay paulit-ulit na ngayon na bumabalik sa isipan ko. Ang biglang pag-iwan sa akin ng mama namin. Ang pag-iwan nila sa akin... Ang paglitaw ng naging bagong asawa ni mama na hindi ako gustong kunin dahil sakitin ako noon. The memories just started pouring in but I feel like something is still missing. May sagot na sa mga tanong ko patungkol sa pagkabata ko pero bakit may iba pa akong alala na hindi ko alam kung ano pero gusto kong maalala.... Hindi ko na pinilit pa dahil nagsisimulang kumirot ang ulo ko kapag pinipilit kong alalahanin kung anong memorya ang hindi ko pa maalala.
Third Person's POV(Flashback)18 years ago......Maririnig ang maliliit na hikbi ng isang batang lalake sa isang walang tao na hallway ng hospital. Pinipigilan nitong mapahagulgol dahil sobrang tahimik ng hallway. Siya lang mag-isa roon.Napatigil ang paghikbi nito at dali-daling pinunasan ang mukha gamit ang sarili nitong kamay nang makarinig ito ng mga yapak."Hello... Gusto mo gummy?" satinig ng isang batang babae. Napaangat ng tingin ang batang Primo at nakita ang isang batang babae na nakangiti sa kaniya habang nakalahad sa harap niya ang hawak nitong sachet ng isang kilalang gummy worm brand.Hindi niya alam pero nairita siya sa style ng buhok nito. Nakatirintas kasi at may kataasan."Go away." Taboy ng batang Primo sa batang babae. Nainis siya dahil may umabala sa pag-iisa nito sa hallway."Ayaw ko. Bakit ka muna umiiyak?" Umupo ang batang babae sa bakanteng upuan sa tabi niya. Napaatras n
Third Person's POVKukunin pa sana ng lalaki ang cellphone kaya lang ay may tumuhod na sa sikmura nito.Napadaing ito at kaagad na napahiga sa madilim na kalsada. Hindi pa nga ito nakahinga ay may sumipa na sa kaniya.Pinulot ni Ben ang kwelyo ng hindi pamilyar na lalaki sa lupa at pinahawak ito sa iba pang kasama niyang tauhan sa magkabilang braso nito.Kapos ang hininga ng lalaki at napangiwi sa natamong bugbog."Sinong boss mo?" Mariin na hinawakan ni Ben ang mukha ng lalaki. May hula na si Ben pero gusto niya pa ring marinig sa boses ng lalake ang totoo.Maluha-luha ang kawawang lalaki pero hindi ito sumagot. Sinikmuraan ulit ito ni Ben at sinuntok ng dalawang beses ang mukha ng lalaki.Kaagad itong sumuka ng dugo. Hinila ni Ben ang buhok ng lalake at pwersahan itong inangat. Sinuri niya ang mukha ng lalake.Marahas niyang binitawan ang lalaki na nagpatumba rito sa kalsada. Sinenyasan ni Ben ang ib
Third Person's POVD'Andrea's Family House Sa loob ng study room ng mga D'Andrea ay mag-isa at may kausap sa telepono si Ricardo D'Andrea."Boss, ano pong gagawin pa rito sa alaga niyo?" salita ng isang boses sa kabilang linya."Bantayan niyo lang. Huwag ninyong patayin... Sa ngayon." Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Ricardo D'Andrea."Sige, boss. Areglado." Magiliw na reply ng tauhan.Binaba na kaagad niya ang tawag at may tinawagang panibagong numero."Ano? Nakuha niyo na ba?""Yes, boss. On move na po."Niluwagan nito ang suot na necktie at tumayo na sa kinauupuan. Wala na siyang sinayang na oras."I'm coming. Siguraduhin niyong walang nakasunod sa inyo. Hindi pa natin alam kung makakatunog ba ang bubong Montealegre na 'yon." Napangisi si Ricardo.Hindi niya alam kung bobo ba o ano ang bilyonaryong gusto ng anak niya pero hanggang ngayon wala pa ring alam si Primo Monte
Third Person's POVMag-isang bumaba si Claret. Iniwan niya ang kambal sa pangangalaga ni ate Choleng.Kahit ramdam niya ang panlalambot ng tuhod niya ay matapang siyang humarap kay Primo.Hindi makapaniwala si Claret. Hindi man lang siya binalaan nito na magdadala pala ito ng reinforcement mula sa hospital... Para ano? Para may patunayan 'di ba? Hindi man lang ba nito hihingin ang opinyon niya?"Anong ibig sabihin nito, Primo?" bumiyak ang boses ni Claret. Hindi niya pala kayang harapin ang sitwasyon na 'to. Hindi pa nga nagsisimula, wasak na wasak na siya.Tama nga ang sinabi ng katulong, may doctor at isang nurse nga. Napabuntong hininga si Primo at tumingin sa nakakaawang pigura ni Claret. Kita niya ang pagka-down ng babae. "For the paternity test," tipid na saad ni Primo. "No. Ayaw ko, Primo. Hindi ko 'to i-a-allow." Nanatili ang tingin ni Claret kay Primo. Hindi niya pinansin ang ibang tao sa p
Third Person's POVIsang linggo ang lumipas. Mas pinagtutuunan ng pansin ni Claret ang kambal niya. Wala siyang ibang inatupag kundi ang mga anak niya. Gusto niyang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kambal niya... Pero ang bigyan ito ng tatay ay mukhang mahirap.Ni minsan ay hindi nga niya mahagilap si Primo sa bahay nila. Palagi itong busy sa hotel... O baka busy kay Selene...Napabuntong hininga ako at nilapag si Ace sa crib. Tumingin si Claret sa anak niyang si Amelie na gising pa at gumagawa ng maliliit na ingay. Napangiti si Claret at binuhat si Amelie mula sa crib. Pina-dede niya ang anak. Lumapit siya sa vanity table at humarap sa cellphone niyang naka-On."Claret, sure ka bang okay ka pa d'yan? You know I can help you, 'di ba? Kahit ano pa. Ayaw kong mag-suffer ka, Claret." Si Melanie mula sa kabilang linya.Naka-video call ang babae kay Claret. Nasa ibang bansa si Melanie para sa isa
Third Person's POVTwo months ang lumipas bago nakauwi sa tahanan nila sina Claret at ang kambal niya. Hindi naging madali ang lahat.Inabot ng isang buwan bago niya nagawang pa-dedehin ang kambal sa bisig niya. Nagkalaman na rin ang kambal niya kumpara sa nakalipas na dalawang buwan.Malaki ang naitulong ni Melanie at ate Choleng sa pag-alalay kay Claret sa kambal. Mula sa pagpapatulog sa mga ito, sa pag-alaga at sa pagpapa-dede minsan sa mga na-pump na breast milk ni Claret.Mahirap talagang mag-alaga ng newborn baby lalo na at kambal pa ang kaniya. Halos walang tulog si Claret. Masakit pa nga ang tahi sa tiyan niya pero patuloy ang paggalaw niya.Hindi niya rin malubayan ang kambal dahil palagi niyang nasa bisig ang dalawa. Feeling her twins skin to skin is their bonding.Nakakatulog ng mahimbing ang kambal kapag ramdam nila ang balat ng nanay nila. Kaya gano'n nag ginagawa ni Claret bago nilalagay ang kambal sa sarili ni
Third Person's POVTahimik na nakatayo si Primo sa labas ng NICU. Nakatuon ang atensiyon niya sa bagong pasok na nurse at tumingin sa incubator kung nasaan ang kambal ni Claret.He was in deep thoughts. Ang liit ng dalawang baby. Ang balat ng mga ito ay pink. He felt sorry for the babies. Hindi niya mawari kung bakit ganito ang nadarama niya. "Mr. Montealegre, sa ngayon ay hindi pa pwedeng pumasok at mahawakan ang twins." Hindi naramdaman ni Primo ang presensiya ni Doctor Romero na dumating at tumabi sa kaniya. Nakatingin din ito sa kambal.Sinulyapan ni Primo ang doctor. Kunot ang noo niya. "I'm not asking."Nagkibit-balikat ang doktor. "Sana pag-isipan mo ng mabuti ang kapalaran ng pamilya mo ngayon, Mr. Montealegre. You have a beautiful family. I hope you won't ruin it for something shallow..." Kimi ang ngiting binigay sa kaniya ng doktor at iniwan na siya doong tulala. For something shallow? Anong mababa
Third Person's POV Sa awa ng Diyos, maayos na nakarating sa hospital sina Claret. Hindi naman masyadong masakit ang naramdaman niyang contraction sa unang isang oras simula noong pumutok ang panubigan niya.Dinala ni ate Choleng ang labor bag na noong nakaraang buwan pa na pinaghandaan ni Claret. Hindi inaasahan ni Claret na sa kalagitnaan pa ng gabi siya manganganak.Nagsisimula na siyang mangamba para sa kambal niya. Pre-mature pa ang kambal niya. Magiging maayos kaya ang panganganak niya? Mabuti nga at kumalma na si Melanie. Si Primo naman ay tahimik lang at may tinatawagan. Mas nataranta pa ang dalawa kaysa sa kaniya.Hindi na makapag-focus pa si Claret sa kanila dahil panay ang hilab ng tiyan niya every other 10 minutes. Ginagawa niya ang breathing exercises na sinaulo niya."Yes, nandito na kami. Si tita, Selene? Please tell her. Yes.... Yes. I'll be waiting," ani Primo na busy pa rin na nakatuon sa tawag nito.N
Third Person's POV"Para rin sa kambal mo, Angelique. Pag-isipan mo, anak. Nandito lang ang mama mo para suportahan ka. Huwag kang matatakot. Aalalay ako sa 'yo, anak. Sa abot ng aking makakaya."Iyon ang huling sinabi ng mama ni Claret bago ito umalis kasama si Selene. Ilang linggo na rin ang lumipas simula noon.Kung puwede lang, hindi na makikipag-usap pang ulit si Claret sa mama niya. Masisiraan talaga siya ng bait dito. Hindi na niya kayang i-deal ang mga pinagsasasabi nito.Susuportahan daw siya? Eh hindi nga nito kayang respetuhin ang desisyon niya? Aalalay rin daw? Ginigitgit na nga siya nito na mas nakabubuti raw sa kaniya na ibigay nalang daw ang asawa niya sa kapatid niya? Ano si Primo, bagay na maipapamigay niya? May sariling pag-iisip 'yong tao. Hindi na nga yata kailangan na ibigay niya ito rito dahil magkukusa ito.Ilang beses na nagpadala ng fruit basket at mga baby clothes ang mama niya pagkatapos noon. Hin