Share

Chapter 6

Nang gabing iyon, mas pinili ko nalang na magkulong sa kwarto ko.

Sa dulong guest room pinatuloy ni Primo si Selene. 'Yon ang pinakamalaking bakanteng kwarto sa bahay maliban nalang sa kwartong katabi ng kwarto namin. Primo would be staying in between my room & Selene's room. Ni hindi ko na ito pinilit na sa kwarto nalang namin matulog, pagod na ako kaagad pagkatapos ng nangyari.

Ni hindi na nga pumasok si Primo sa kwarto namin para kumuha ng damit niyang pantulog pero hindi ko alam kung siya ba iyong pumasok sa kwarto ko sa kalagitnaan ng gabi dahil antok na antok pa rin ako noon nang naalimpungatan at narinig ang mahinang kaluskos. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang pumasok siya sa kwarto namin.

Gusto kong tawanan nalang ang sitwasyon ko ngayon. Baliw na yata ako at pumayag pa ako sa ganitong set up. Alam kong harap-harapang insulto na 'to sa akin bilang maybahay ni Primo pero ano nga ba ang magagawa ko?

Kahit gaano man ka imposible ang mga nangyayari ngayon, I could only cry and try to deal with it. Masyadong matigas tinabagin ang desisyon ni Primo. Kaya siguro sa 3 years kaming kasal ay hindi sapat para maging dahilan iyon para abandonahin na niya ng tuluyan si Selene.

I could only look back sa lahat ng pinagsamahan namin ni Primo. Noong kinasal kami kahit sinabi niyang napilit lang siyang pakasalan ako, he treated me with respect. Iyon din siguro ang naging dahilan kung bakit unti-unti akong nahulog sa kaniya noon.

Kahit nga ayaw ng mga magulang niya sa akin, naniwala sila kay Primo. Because they believe that he's being reasonable enough to sacrifice himself for a marriage he didn't want. Kaya siguro nakatagal din ako sa pagsasama namin na kahit iba ang trato ng mga magulang niya sa akin kapag may family dinner, he would be by my side as much as he can. At palagi akong na-ta-touch sa ganoong kaliit na bagay. Balewala man 'yon sa kaniya pero sa akin, naging parte 'yon ng malaking kasiyahan ko kasi pakiramdam ko kakampi ko siya.

And now, sinusubukan kong panghawakan ang lahat ng bagay na nagpasaya sa akin.

Bumaba ako sa dining area para mag-breakfast pagkatapos ng ilang beses kong pagduwal nang magising. Nakapantulog pa ako at hindi na nag-abalang ayusin ang sarili na pinagsisihan ko rin pagbaba ko. Naabutan ko na roon sila Primo, at si Selene na mukhang hindi bagong gising dahil parang may lakad ito habang ako naman ay nagsisi na bumaba man lang na hindi nakapag-ayos.

Rinig ang pagbaba ko sa hagdanan dahil sa suot na pambahay na tsinelas. Ni hindi ako tinapunan nang tingin ni Primo. Si Selene naman ay kaagad akong nilingon at nginitian ako.

"Good morning, Claret." Malaki ang ngisi nito. Blanko lang akong tumingin sa kaniya. Sinubukan kong basahin ang iniisip nito pero hindi ko magawa. One thing for sure, nakakainis ang paraan ng pagtrato nito sa 'kin.

Tinapunan ko ng tingin ang plato nito ng walang gana. Tinawag ko si ate Choleng at humingi ng salted crackers at warm milk.

"Is that healthy for your pregnancy?" Nakuha ni Selene ang atensiyon ko. I only looked at her. At ngayon, interesado ito sa pagbubuntis ko? Kailan niya pa iyon nalaman?

"Nalaman ko pala kay Primo na buntis ka. Kaya siguro it's hard for you to sign the papers. Well, sana naman ay makapag-decide ka na as soon as possible. I know naman na Primo will still support your child even if it turns out to be his." Malawak ang ngiti nito. Tumingin siya kay Primo at hinawakan ang kamay nito.

Hindi ko alam kung saan nakakuha ng kakapalan ng mukha ang babaeng 'to. Magaling talaga umacting. "Please lang, Selene. Stop acting like you care when all you want is to ruin my marriage."

Napasinghap ito, umaktong na saktan sa sinabi ko. "I am only trying to give you comfort and not make it hard for you, Claret. You know it's coming one way or another, right?" Tumingin ito kay Primo at malumanay na ngumiti.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero may iba talaga akong pakiramdam sa inaakto ni Selene. Iba naman ang patuloy na sakit sa puso na nadarama ko. Kaya ko ba talagang tiniisin 'to?

"Comfort? Sa tingin mo madadala mo ako sa mga pa-sweet talk mo? And not make it hard for me? How, Selene? How? Gayong harap-harapan kang nakadikit sa asawa ko na para bang wala ako sa harapan niyo?" Nagsimulang manubig ang mga mata ko. I tried so hard to breathe deeply to stop bursting into tears.

"Stop trying to start a fight, Claret. Selene is kind enough to not give you a hard time. Hindi ka naman mahihirapan kung pipirmahan mo ang papeles," Primo ruthlessly said. Nakita ko naman ang paraan ng paghaplos ni Selene sa braso nito na para bang kinakalma ito.

"Kind enough? Saang banda, Primo? Hirap na hirap ako ngayong pakisamahan kayo pero magtitiis ako! I couldn't let our marriage fail like this! Sana naman alalahanin mo ako at ang anak natin." Tumulo ang mga luha ko. Pagalit kong sinubukang tanggalin ang mga luha sa pisngi. Ayaw kong magmukhang mahina sa harapan nila.

Nag-iwas ng tingin si Primo sa akin. "Just leave, Claret, if you're going to cry. I want to eat in peace."

Determinado akong manatili kaya pinigilan kong bumuhos na naman ang mga luha. "Ate Choleng, pakiluto naman po noong ginawa niyong spicy noodles." Tawag ko sa kasambahay. It gave me small comfort when I saw ate Choleng. Ngumiti ito sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Are you trying to piss me off, right now, Claret?" Tumingin ako sa madilim na tingin ni Primo.

Nakita ko ang nakangusong si Selene at para bang nagsusumbong dito. Ano na naman? Pati ang pagkain ko ng pagkaing bawal kay Selene ay ikakagalit niya rin?

"Bakit? Wala na ba akong karapatan para kuman ng anong gusto ko? Nagki-crave si baby ng spicy wala akong magagawa roon, Primo. Hindi naman siya ang kakain, ah? Naapektuhan ba siya kapag nakaamoy lang siya? Selene? Hindi mo naman siguro ikamamatay kung makakaamoy ka ng bawal sa 'yo?"

Napaigtad ako nang marinig ang padabog na pagbaba ni Primo sa kubyertos niya. "Claret, just eat your damn food. Kung ayaw mong kasabay kaming kumain, sa kwarto ka kumain. You don't know how hard it is for Selene. Be sensitive."

"Be sensitive? Ako pa talaga?! You don't know how hard this is for me too! Ako ba dapat ang mag-adjust? I am your wife, Primo. Hindi pa tayo maghiwalay ng ganito." Pinigilan ko talaga ang sarili na maging emosyonal pero hindi ko talaga magawa.

He sighed. "Then sign the papers." He continued eating. Si Selene naman ay parang pagong kung kumain sa gilid niya kung kumain noong dietary meals nito. Pinisil niya ang kaliwang kamay ni Primo sa mesa na para bang kinakalma na naman ito.

Bahay namin 'to pero ako ang magtitiis? This is just so ridiculous. Tumayo ako sa kinauupuan. "Ate Choleng, pakidala nalang po ng pagkain ko sa taas. Salamat po." Bitbit ang orange na nakita ko sa center table.

I couldn't stay and eat with them. I need to get away from so much stress. Masama iyon para sa baby ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status