Hindi ko na kayang manatili pa roon. Dali-dali na akong pumanhik pabalik sa kwarto ko dahil ramdam ko ang kaunting sakit ng pagpilit ng tiyan ko kasabay ng muling pagkadurog ng puso ko.
Nang masarado ko ang pinto ng kwarto ay kaagad akong sumalampak sa sahig at niyapos ang tiyan."I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry, baby. Please kumapit ka lang," bulong ko sa hangin habang kinakalma ang sarili dahil sa nagbabadyang paghagulgol ko.Hindi ko alam sa sarili ko kung paano ako nagtagal sa baba. It was suffocating. To see Primo not siding with me. Na makitang dikit na dikit sila ni Selene. Na para bang pinagtutulungan nila akong mawala na sa buhay nila.Alam ko naman noong kinasal kami na hindi magiging madali ang buhay na pinili ko. I was only by myself noong pinagkaisahan nila ako nang mabanggit ako sa last will ng lolo ni Primo. Kahit ang tangi kong kaibigan noon ay hindi ko pinakinggan. Sinabi sa akin ng tatay ko noon na huwag masyadong maging involveDeterminado akong gumising kahit na medyo inaatake ako ng morning sickness. Nag-ayos ako at nagbihis. Isang peach na bestida ang suot ko at pinatungan ko ng puting cardigan dahil sa sleeveless ang bestida. Mas pinili kong isuot ang komportableng sneakers kaysa mag-heels. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok at kinuha ang itim kong tote bag. Nang i-check ko ang kalendaryo ay nagulat ako sa nakita.Birthday ko ngayon?Napamaang ako. Sinisiguradong hindi ako namalik-mata. Walang duda, birthday ko nga ngayon. Masyado na yatang maraming nangyayari sa buhay ko na hindi ko na namalayan na birthday ko na pala. "25 na ako ngayon..." untag ko sa sarili. Napatingin ako sa salamin at natulala.Noong buhay pa ang tatay ko, kakain lang kami ng mga paborito ko at chiffon cake sapat na sa akin iyon. Pero noong unang birthday ko noong kinasal na kami ni Primo hindi ko maitatangging minsanang na akong naghangad na magsi-celebrate kami o kahit simpleng pagsasalo lang.I would always get myself disappo
Nag-echo ang sinabi ni doktora sa utak ko.Twins."Twins po?"Grabe ang ginawang paglukso ng tibok ng puso ko sa narinig. Mas lalo nadagdagan ang kabang nararamdaman ko.Kambal? Hindi lang isa kundi dalawang bata ang nasa tiyan ko? "Yes, misis. Twins."Nag-isip ako ng malalim, walang kambal sa pamilya namin at sa alam ko kina Primo wala rin naman silang kamag-anak na kambal. Hindi ba mas mahirap ang magbuntis sa kambal? Lalo na at first time ko 'to. Ang sabi nila mas mahirap daw magbuntis kapag kambal at mas masakit daw iyon. Napalunok nalang ako sa naisip. "If you look here, you can see one sac and here another one sac, you see. Both are doing great and growing well. You have two little cute babies, Mrs. Montealegre." Namangha ako sa nakita sa screen kahit na kinakabahan at di mawari ang nararamdaman.Tumingin ako kay Primo. Nagulat pa ako nang makitang mas seryoso na ang itsura nito ngayon at parang taimtim na nakikinig kay doktora.Pagkatapos akong i-check at ang baby ay pinagbih
Omniscient POV (Primo)Pagka-park ni Primo sa kotse niya sa garahe ng bahay nila ay kaagad na bumaba si Claret at dire-diretso ang pagpasok nito sa bahay nila at hindi na siya nilingon pa. Alam niyang umiyak ito dahil sa bakas ng mga luha sa mukha nito pero wala naman siyang magagawa para pagaanin ang kalooban nito.He knows that she's bound to get hurt one way or another. He's feeling guilty pero wala siyang nakikitang ibang paraan pa para i-deal ang situwasyon nila ngayon Napabuntong hininga nalang si Primo at tumulak na rin papasok sa bahay nila. He was feeling calm now. He understand how Claret must have felt everytime he tries to bring up the annulment and the twins that she was carrying. But he was firm with his decision. Now that he's with Selene, he wants to make it official with her but Claret is making it hard for him... it makes him angry.Primo knew Claret would be like this but he didn't know that she would be this determin
Claret's Pagkarating namin sa bahay ay nagkulong na kaagad ako sa kwarto dahil kung hindi ko iyon gagawin ay alam kong mas lalo lang akong masasaktan. Primo didn't really care at all.Nilagpasan ko nga lang si Selene at inignora ito. Nakaabang ito sa may salas at tinanong pa ako pero wala ako sa mood para patulan pa ang kaplastikan nito. Pag-abot sa kwarto ay napatihaya nalang ako ng higa at hinayaang mas bumuhos pa ang mga luha ko habang hinahaplos ang tiyan ko, tila ba sinusubukan na hindi maapektuhan ang dinadala ko sa sakit na mararamdaman.Kahit ang pagbuksan si ate Choleng na naghintay sa labas ng kwarto ko at makailang ulit na kinatok nag pintuan ko ay hindi ko ito nilabas.Umiyak na ako sa kotse kanina pero ni hindi man lang ako pinansin ni Primo. Gano'n ba talaga niya akong gustong mawala na sa buhay niya? Kami ng mga anak niya?Ano pa ba ang kailangan kong gawin para i-prove sa kaniya na mali ang lahat ng in
Hindi ako makapaniwala sa ginawang eksena ni Selene. I feel cornered. Mas lalo lang akong nairita sa ipinakitang ekspresyon ni Primo."Sabihin mo sa akin Selene kung anong ginawa ni Claret. I know you won't be forced and you're just nice to please Claret. Na hindi mo naman kailangang gawin." Tumingin si Primo sa naiwan kong kinakain sa lamesa.Gusto kong tumawa dahil sa sinabi ni Primo. He's just unbelievable! Selene is nice? Kailan pa? Bulag ba siya?"Anong pinagsasabi mo, Primo? Hindi ako gano'n ka-desperate para lang alisin si Selene sa buhay mo. Kilala mo ba talaga siya? Trying to be nice, Primo?" Tumingin ako kay Selene. Takot itong kumapit kay Primo at hinila ang lalaki.Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa pag-alsa ng altapresyon ko. Gusto kong sunggaban si Selene pero pinigilan ko ang sarili."Alam kong pinagmumukha mo akong masama, Selene. Ang galing mo namang umarte," asik ko at pinagmasdang mabuti ang reaksyon ni Selene pero wala n
Hindi talaga ako inimik pa ni Primo matapos ang nangyari.Ni hindi ko na rin sinubukang sabihin ang ginawa ni Selene behind his back kasi alam ko namang ako lang din ang masasaktan. Sigurado akong hindi ako nito paniniwalaan matapos ng nangyari.Mas naging tahimik din si Selene pero paminsan-minsan ay nakikita ko itong titingin sa akin at mapanuya akong ngingitian at babatiin.Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong nahahalata ang baby bump ko. Three months na rin at dama ko na ang simulang pagbigat pa ng tiyan ko. Mas napaparami na rin ang kain ko araw-araw.Naisipan kong mag-mall dahil gusto kong mamili ng mga damit at kunting gamit ng mga baby ko habang ngayong kaya ko pang makakilos ng maayos. Sinama ko na si ate Choleng dahil hindi ako pinagbigyan ni Primo.Mainit pa rin ang ulo nito. At kung may pagkakataon man ito ay annulment lang naman ang pinapaalala nito. Sinanay ko ang sarili na ilabas sa kabilang tenga ang mga paalala nit
"Bakit lumabas ang mga picture na 'yon, Primo? Hindi naman ako iyon!" Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Alam ko namang narinig na niya ang nangyari dahil naibalita na ito ng driver sa kaniya."I don't know who did that, Claret. Maybe your friend Ivan, is it?" May diin ang pagkakasabi nito ng friend.Mas lalong nangunot ang noo ko. Idadawit niya si Ivan dito? Ni hindi ko nga ito ma-contact na. Saan nga ba talaga nanggaling ang mga litrato na 'yon?Napabaling ako kay Selene na nakatayo lang sa tabi ni Primo. Napansin kong makailang beses nitong sinulyapan ang tiyan ko. I unconsciously held my belly."Hindi ko alam 'yan, Primo. Hindi mo ba ramdam na sini-set-up ako ng kung sino rito?" Napabaling ang tingin ko kay Selene. Nagtaas ito ng kilay pero nanatiling inosente ang mukha."Set up? What made you think so, Claret? Bakit ka naman i-se-set-up? Why would someone make effort to do that?"Napalabi ako sa sinabi niya. "Talaga, Primo? Y
"Iyon lang ang sinabi niya?"Ano ba talaga ang nangyari, Ivan? Talaga bang ginawa mo 'yon? Kaya ka nag-sorry? Bakit kahit sa akin man lang hindi ka nagpaliwanag?Hindi ko mapagdugtong ang mga nangyari at kung anong posible na motibo ni Ivan para gawin niya 'yon sa akin? Paano siya na ka-edit ng ganoong mga picture?Tumango si Melanie. "You didn't have the chance to talk to him?" Bigo akong umiling sa kaniya."Napaka-jerk ng Ivan na 'yon! Edi kung tutuusin siya pala ang may kagagawan ng pagpakalat niya ng mga photo na 'yon! And now he's hiding? What a coward!""Matagal ko ng alam 'yong sa mga picture, Mel. Noong nakaraang buwan pa. Si Primo ang unang nakaalam no'n.""Ano? And ano ang ginagawa ng asawa mo ngayon? Ang kapal ng mukhang patirahin dito ang kabit niya. Sino ba s'yang gago siya. Hindi mo 'to deserve, Claret! How come you look so calm right now!"Galit na galit ito. Ang dalang hand bag ay halos itapon na nito kay
Third Person's POV(Flashback)18 years ago......Maririnig ang maliliit na hikbi ng isang batang lalake sa isang walang tao na hallway ng hospital. Pinipigilan nitong mapahagulgol dahil sobrang tahimik ng hallway. Siya lang mag-isa roon.Napatigil ang paghikbi nito at dali-daling pinunasan ang mukha gamit ang sarili nitong kamay nang makarinig ito ng mga yapak."Hello... Gusto mo gummy?" satinig ng isang batang babae. Napaangat ng tingin ang batang Primo at nakita ang isang batang babae na nakangiti sa kaniya habang nakalahad sa harap niya ang hawak nitong sachet ng isang kilalang gummy worm brand.Hindi niya alam pero nairita siya sa style ng buhok nito. Nakatirintas kasi at may kataasan."Go away." Taboy ng batang Primo sa batang babae. Nainis siya dahil may umabala sa pag-iisa nito sa hallway."Ayaw ko. Bakit ka muna umiiyak?" Umupo ang batang babae sa bakanteng upuan sa tabi niya. Napaatras n
Third Person's POVKukunin pa sana ng lalaki ang cellphone kaya lang ay may tumuhod na sa sikmura nito.Napadaing ito at kaagad na napahiga sa madilim na kalsada. Hindi pa nga ito nakahinga ay may sumipa na sa kaniya.Pinulot ni Ben ang kwelyo ng hindi pamilyar na lalaki sa lupa at pinahawak ito sa iba pang kasama niyang tauhan sa magkabilang braso nito.Kapos ang hininga ng lalaki at napangiwi sa natamong bugbog."Sinong boss mo?" Mariin na hinawakan ni Ben ang mukha ng lalaki. May hula na si Ben pero gusto niya pa ring marinig sa boses ng lalake ang totoo.Maluha-luha ang kawawang lalaki pero hindi ito sumagot. Sinikmuraan ulit ito ni Ben at sinuntok ng dalawang beses ang mukha ng lalaki.Kaagad itong sumuka ng dugo. Hinila ni Ben ang buhok ng lalake at pwersahan itong inangat. Sinuri niya ang mukha ng lalake.Marahas niyang binitawan ang lalaki na nagpatumba rito sa kalsada. Sinenyasan ni Ben ang ib
Third Person's POVD'Andrea's Family House Sa loob ng study room ng mga D'Andrea ay mag-isa at may kausap sa telepono si Ricardo D'Andrea."Boss, ano pong gagawin pa rito sa alaga niyo?" salita ng isang boses sa kabilang linya."Bantayan niyo lang. Huwag ninyong patayin... Sa ngayon." Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Ricardo D'Andrea."Sige, boss. Areglado." Magiliw na reply ng tauhan.Binaba na kaagad niya ang tawag at may tinawagang panibagong numero."Ano? Nakuha niyo na ba?""Yes, boss. On move na po."Niluwagan nito ang suot na necktie at tumayo na sa kinauupuan. Wala na siyang sinayang na oras."I'm coming. Siguraduhin niyong walang nakasunod sa inyo. Hindi pa natin alam kung makakatunog ba ang bubong Montealegre na 'yon." Napangisi si Ricardo.Hindi niya alam kung bobo ba o ano ang bilyonaryong gusto ng anak niya pero hanggang ngayon wala pa ring alam si Primo Monte
Third Person's POVMag-isang bumaba si Claret. Iniwan niya ang kambal sa pangangalaga ni ate Choleng.Kahit ramdam niya ang panlalambot ng tuhod niya ay matapang siyang humarap kay Primo.Hindi makapaniwala si Claret. Hindi man lang siya binalaan nito na magdadala pala ito ng reinforcement mula sa hospital... Para ano? Para may patunayan 'di ba? Hindi man lang ba nito hihingin ang opinyon niya?"Anong ibig sabihin nito, Primo?" bumiyak ang boses ni Claret. Hindi niya pala kayang harapin ang sitwasyon na 'to. Hindi pa nga nagsisimula, wasak na wasak na siya.Tama nga ang sinabi ng katulong, may doctor at isang nurse nga. Napabuntong hininga si Primo at tumingin sa nakakaawang pigura ni Claret. Kita niya ang pagka-down ng babae. "For the paternity test," tipid na saad ni Primo. "No. Ayaw ko, Primo. Hindi ko 'to i-a-allow." Nanatili ang tingin ni Claret kay Primo. Hindi niya pinansin ang ibang tao sa p
Third Person's POVIsang linggo ang lumipas. Mas pinagtutuunan ng pansin ni Claret ang kambal niya. Wala siyang ibang inatupag kundi ang mga anak niya. Gusto niyang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kambal niya... Pero ang bigyan ito ng tatay ay mukhang mahirap.Ni minsan ay hindi nga niya mahagilap si Primo sa bahay nila. Palagi itong busy sa hotel... O baka busy kay Selene...Napabuntong hininga ako at nilapag si Ace sa crib. Tumingin si Claret sa anak niyang si Amelie na gising pa at gumagawa ng maliliit na ingay. Napangiti si Claret at binuhat si Amelie mula sa crib. Pina-dede niya ang anak. Lumapit siya sa vanity table at humarap sa cellphone niyang naka-On."Claret, sure ka bang okay ka pa d'yan? You know I can help you, 'di ba? Kahit ano pa. Ayaw kong mag-suffer ka, Claret." Si Melanie mula sa kabilang linya.Naka-video call ang babae kay Claret. Nasa ibang bansa si Melanie para sa isa
Third Person's POVTwo months ang lumipas bago nakauwi sa tahanan nila sina Claret at ang kambal niya. Hindi naging madali ang lahat.Inabot ng isang buwan bago niya nagawang pa-dedehin ang kambal sa bisig niya. Nagkalaman na rin ang kambal niya kumpara sa nakalipas na dalawang buwan.Malaki ang naitulong ni Melanie at ate Choleng sa pag-alalay kay Claret sa kambal. Mula sa pagpapatulog sa mga ito, sa pag-alaga at sa pagpapa-dede minsan sa mga na-pump na breast milk ni Claret.Mahirap talagang mag-alaga ng newborn baby lalo na at kambal pa ang kaniya. Halos walang tulog si Claret. Masakit pa nga ang tahi sa tiyan niya pero patuloy ang paggalaw niya.Hindi niya rin malubayan ang kambal dahil palagi niyang nasa bisig ang dalawa. Feeling her twins skin to skin is their bonding.Nakakatulog ng mahimbing ang kambal kapag ramdam nila ang balat ng nanay nila. Kaya gano'n nag ginagawa ni Claret bago nilalagay ang kambal sa sarili ni
Third Person's POVTahimik na nakatayo si Primo sa labas ng NICU. Nakatuon ang atensiyon niya sa bagong pasok na nurse at tumingin sa incubator kung nasaan ang kambal ni Claret.He was in deep thoughts. Ang liit ng dalawang baby. Ang balat ng mga ito ay pink. He felt sorry for the babies. Hindi niya mawari kung bakit ganito ang nadarama niya. "Mr. Montealegre, sa ngayon ay hindi pa pwedeng pumasok at mahawakan ang twins." Hindi naramdaman ni Primo ang presensiya ni Doctor Romero na dumating at tumabi sa kaniya. Nakatingin din ito sa kambal.Sinulyapan ni Primo ang doctor. Kunot ang noo niya. "I'm not asking."Nagkibit-balikat ang doktor. "Sana pag-isipan mo ng mabuti ang kapalaran ng pamilya mo ngayon, Mr. Montealegre. You have a beautiful family. I hope you won't ruin it for something shallow..." Kimi ang ngiting binigay sa kaniya ng doktor at iniwan na siya doong tulala. For something shallow? Anong mababa
Third Person's POV Sa awa ng Diyos, maayos na nakarating sa hospital sina Claret. Hindi naman masyadong masakit ang naramdaman niyang contraction sa unang isang oras simula noong pumutok ang panubigan niya.Dinala ni ate Choleng ang labor bag na noong nakaraang buwan pa na pinaghandaan ni Claret. Hindi inaasahan ni Claret na sa kalagitnaan pa ng gabi siya manganganak.Nagsisimula na siyang mangamba para sa kambal niya. Pre-mature pa ang kambal niya. Magiging maayos kaya ang panganganak niya? Mabuti nga at kumalma na si Melanie. Si Primo naman ay tahimik lang at may tinatawagan. Mas nataranta pa ang dalawa kaysa sa kaniya.Hindi na makapag-focus pa si Claret sa kanila dahil panay ang hilab ng tiyan niya every other 10 minutes. Ginagawa niya ang breathing exercises na sinaulo niya."Yes, nandito na kami. Si tita, Selene? Please tell her. Yes.... Yes. I'll be waiting," ani Primo na busy pa rin na nakatuon sa tawag nito.N
Third Person's POV"Para rin sa kambal mo, Angelique. Pag-isipan mo, anak. Nandito lang ang mama mo para suportahan ka. Huwag kang matatakot. Aalalay ako sa 'yo, anak. Sa abot ng aking makakaya."Iyon ang huling sinabi ng mama ni Claret bago ito umalis kasama si Selene. Ilang linggo na rin ang lumipas simula noon.Kung puwede lang, hindi na makikipag-usap pang ulit si Claret sa mama niya. Masisiraan talaga siya ng bait dito. Hindi na niya kayang i-deal ang mga pinagsasasabi nito.Susuportahan daw siya? Eh hindi nga nito kayang respetuhin ang desisyon niya? Aalalay rin daw? Ginigitgit na nga siya nito na mas nakabubuti raw sa kaniya na ibigay nalang daw ang asawa niya sa kapatid niya? Ano si Primo, bagay na maipapamigay niya? May sariling pag-iisip 'yong tao. Hindi na nga yata kailangan na ibigay niya ito rito dahil magkukusa ito.Ilang beses na nagpadala ng fruit basket at mga baby clothes ang mama niya pagkatapos noon. Hin