Share

Chapter 4

Selene Angelic D'Andrea, isang magaling na international actress. Only child nalang dahil patay na raw ang ate nito. Ang mga magulang ay matagal ng nakatira rito sa Pilipinas. Ang business ng nga magulang ay isang flower farm sa Bulacan. Started her acting career at the age of 18. Had been in the showbiz industry for 10 years now. I searched about her as soon as I went home after leaving the hospital. Hindi na ako nanatili ng matagal doon.

Wala naman akong magawa kundi umuwi dahil hindi ko naman makukumbinsing sumama sa akin si Primo. He really stayed with her. He didn't even notice na umalis na ako.Took care of her habang pinapanood ko sila.

"Hihintayin kita sa bahay, Primo." ikiniling lang nito ang ulo at hindi na humarap sa akin. That was my last statement before walking out of the hospital with my broken heart.

It was heartbreaking. Kung may makakakita man sa nangyayari sasabihin nilang tanga ako dahil ako ang asawa pero tinitingnan ko ang ang asawa kong alagaan ang ibang babae.

Until now, I still thought about how we looked a lot like each other. Hindi ko na nagawang itanong pa iyon ulit kay Selene.

And it's been 4 days since then pero hindi pa rin umuuwi si Primo. I tried to call him a lot of times to check on him pero hindi niya iyon sinasagot. Sinubukan ko ring tawagan ang kaibigan kong si Ivan pero iniwan na rin yata ako sa ere.

I was restless. Wala akong maayos na tulog at maayos na kain sa mga nakalipas ang araw. Kaya panay ang pag-atake ng sakit ng ulo ko at pagsusuka. I was alone for the past days. Kahit ang mga katulong dito sa bahay ay hindi magawang pagaanin ang nararamdaman ko ngayon.

Para magkaroon ng lakas. Sinubukan kong kumain ng lunch. Hindi ko na nagawang makapagluto dahil masyado akong mahina para magkalikot pa sa kusina kaya nagpaluto nalang ako kay ate Choleng, ang matandang househelp namin.

Nakita ko ang nakahain sa dining table. May ginisang munggo roon, may chicken noodle soup at paksiw na isda. Pero nawalan ako ng gana noong maamoy ko ang munggo at isda.

"Ma'am, hindi niyo po gusto ang ulam?"

Hindi ako nakasagot dito nang napatakip ako sa bibig ko at napatakbo sa lababo para magsuka roon. Kaagad naman akong dinaluhan ni ate Choleng at hinaplos ang likod ko. Tumagal ng ilang minuto ang pagduduwal ko. Maluha-luha ako dahil gusto ko pa ring sumuka kahit wala naman akong mailalabas dahil wala akong maayos pa na kain.

"Ma'am, inom po muna kayo ng mainit na tubig." Nilahad nito sa akin ang isang baso ng maligamgam na tubig. Pagkatapos kong uminom ay may kinuha ito mula sa dala nitong supot.

"Ma'am, gamitin niyo po 'to." Lahad nito sa akin ng tatlong pregnancy tests kit. Nanginig ang mga labi ko at maluha-luhang tumitig sa bagay na iyon.

"Ma'am, ilang araw na po kasi puro lang kayo kain ng salted biscuits at panay rin po kayo duwal na duwal."

"Iwan mo muna ako," nanginginig ang boses kong pahayag. Sumunod naman kaagad ito sa akin at iniwan akong mag-isa sa kusina.

May posibilidad ngang buntis ako ngayon. Kung tama ang bilang ko ay maaaring isang buwan na akong buntis. Bakit ngayon lang? Bakit ngayong ganito pa ang nangyayari sa relasyon namin ni Primo?

I used all the three test kits and all came positive. Malalim akong napabuntong hininga at pinigilang maging emosyonal ulit. Lumabas ako sa bathroom ng kwarto at tahimik na umupo sa kama. What should I do now?

Kapag ba nalaman ni Primo na magkakaanak na kami, would he leave Selene for the sake of our baby? Would I be able to take care of the baby inside me? Gayong hindi ko nga maalagan ng maayos ang sarili dahil sa sitwasyon ko ngayon.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Hinaplos ko ang tiyan. Mayroong baby ngayon dito. I laugh despite crying. Napaka-misteryoso talaga ng tadhana, kung kailan hindi ko hinihiling mabuntis, ngayon pa ko mabubuntis.

"Susubukan ni mama na mapalaki ka ng maayos anak. Please hang in there. Hindi hahayaan ni mama na masaktan ka. I love you already." Kausap ko sa tiyan.

Napatayo ako nang marinig ang pagdating ng isang sasakyan mula sa labas. Dali-dali akong sumilip sa bintana at nakitang papasok ng garahe ang kotse ni Primo! Sa wakas at umuwi na rin siya!

Nagdahan-dahan ako sa pagpanhik pababa ng salas habang dala-dala ang ginamit kong test kits. Rinig ko ang tambol ng puso habang naghihintay na pumasok si Primo sa salas.

Nakasuot ito ng isang plain white polo shirt at jeans. Kitang-kita ko agad sa kaniyang mga mata ang pakay niya kung bakit umuwi siya. Hawak niya kasi sa kaliwang kamay niya ay mga papeles.

"Claret, let's not drag this any longer. Just let me be free. All your efforts are useless."

Umiling-iling ako sa kaniya at pinantayan din ang matalim niyang tingin. "I will never sign that papers, Primo.You cannot make me do it," nanginig ang boses ko habang pilit na tinatagan ang loob. Masama ang tingin ko sa kaniya at sa hawak niyang mga papel.

"What the fuck do you what me to do, Claret?! I don't have any fucking reason to stay in this useless marriage!" Pumula ang mukha nito sa galit. Kita ko ang pag-tense ng katawan niya dahil sa pagsigaw.

Napaiyak nalang ako at sumigaw. "I am pregnant, Primo! Magkakaanak na tayo! Sa tingin mo hahayaan kitang sumama sa babaeng iyon? Hindi 'yon puwede dahil kasal ka sa 'kin! And right now, in law, she's your mistress!"

Nagtaas baba ang dibdib ko sa bugso ng damdamin. Wala akong pake kahit na puno na ng luha ang mukha ko maipahayag ko lamang ang nilalaman ng isip ko.

Mabigat ang lakad niya palapit sa akin. His face looks so confused, in disbelief and madness. "What the fuck did you just say?" Hinawakan nito ang dalawang braso ko kaya't nabitawan kk ang hawak na mga pregnancy test kits. Tiningnan niya saglit ang tiyan ko at ang mga kit na nahulog.

"Buntis ako, Primo. Ngayon ko lang din nalaman. I cannot let you go more. Now that we're having a baby. Please, Primo. I love you so much, I would never give you to her." Iyak ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Are you sure that's mine?" Lumayo siya sa akin at umiling-iling na tumalikod.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status