Share

Chapter 3

Kahit gulat ako sa napanood ay dali-dali rin akong umalis ng bahay upang puntahan ang hospital kung nasaan si Primo at ang babaeng iyon.

Sa hindi malamang kadahilanan ay kinakabahan ako. Nanlalamig ang mga kamay ko at dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali sa nalaman at kung bakit pamilyar sa akin ang pangalan ng babaeng iyon.

Isang actress pala ang babaeng mahal ni Primo? At may sakit ito? Kaya ba ngayon lang ito nagpakita gayong gumanda na ang pagsasama namin ni Primo ay saka pa lamang ito nangyari?

Pag-aari ng kamag-anak nila Primo ang hospital na tinutuluyan ng actress na iyon kaya't madali akong nakapasok ng walang problema. Minsan na akong nakapunta rito noong buhay pa ang Don Agusto. Iginiya pa ako ng nasa information desk kung nasaan ang room na hinahanap ko.

Napahinga ako ng malalim habang nasa harap ng isnag saradong VIP room. Tiningnan ko ang name card sa gilid ng pintuan at nakumpirmang kwarto nga ito ni Selene Angelic D'Andrea.

Walang pagdadalawang isip ko iyong binuksan. Nagulat ako sa babaeng nakaupo sa hospital bed. Tahimik ang buong malaking espasyo ng silid. Nakita ko sa sofa ang bibit na duffle bag kanina ni Primo. Isinuyod ko ang tingin sa paligid pero hindi ko ito nakita.

Binalik ko ang tingin sa babae. Bahagyang nagulat sa akin ang babae. Nakita ko ang pagrehistro ng rekognasyon sa mukha nito at nakita ko pa ang pagkurba ng labi niya sa isang ngiti. Mukhang kilala niya ako?

Napatitig lang ako sa kaniya. Natuod ako sa kinatatayuan. Hindi makapaniwala sa nakita. How could this be?

This just feel so wrong. Pamilyar talaga siya sa akin.

Naalala ko noon, Primo told me the other reason why he married me.... Dahil daw kaya niyang pakisamahan ako for my face.....

Wala akong kamalay-malay na ito pala ang ibig sabihin niya. Kaya ba nakaya niya ang tatlong taong kasama ako? Kaya ba na kaya niyang pakisamahan ako sa kama? Kaya ba minsan ay nakikita kong tinititigan niya ako ng walang dahilan?

Kaya ba Angel ang tawag niya sa akin kapag good mood siya? How could we have the same second name? Angelique and Angelic? Nakakatawang isipin dahil sobrang magkamukha kami at magkapangalan pa! Anong klaseng tadhana ito?

Ibang ibayong sakit ang naramdaman ko. Ramdam ko ang bikig sa lalamunan. Pinigilan kong mamuo ang mga luha. Hindi ako iiyak sa harapan ng babaeng ito.

I was in disbelief and feeling really betrayed. Kung titingnan ay parang kambal ko ang babaeng mahal ni Primo!

"You really look like me." Ngumiti ng marahan ang babae sa akin. Hindi ako makangiti pabalik sa kaniya dahil kitang kita ko ang kaibahan ng pagtingin ng mga mata niya sa akin.

Kumapara sa hanggang bewang kong buhok ay hanggang balikat lang ang buhok nito na medyo wavy. Masasabi ko ring perfectly tanned ang balat nito. Kumpara sa pagka-morena ko. Hindi ko rin maipagkakait na flawless ang mukha nito. May nunal ito sa gilid ng isang mata at sa gilid ng pisngi malapit sa jawline nito habang ako ay walang ni isang nunal sa mukha. Iyon lang ang pinagkaiba ng mukha namin.

Hindi ko alam kung bakit lumalakas ang tambol ng puso ko. Litong-lito pa rin ako. Makailang beses akong kumukurap. Nagdadasal na sana nagkakamali lang ako ng nakikita na kamukhang kamukha ko talaga ang babaeng 'to.

I've been played by destiny.

"It's nice to finally meet you, Claret, right?" tipid nitong ngiti at tinaasan ako ng isang kilay.

"Bakit kamukhang-kamukha kita?" Lumabas nalang ang mga salita sa bibig ko.

She chuckled. May kaunting ngiti sa labi pero kitang-kita ko ang pagtalim ng tingin niya sa akin.

"You must have heard of me. I'm Selene Angelic D'Andrea."

"Sagutin mo ang tanong ko, please," desperada kong sigaw sa kaniya. Litong-lito na ako.

Sasagot sana siya kaso narinig namin ang pagbukas ng pinto. Sabay kaming tumingin doon at nakita si Primo na kaagad na tumalim ang tingin pagkakita sa akin. Pagbaling ko kay Selene ay nakita ko na itong papaiyak. Napaawang ang labi ko sa nasaksihan. Kanina lang ay ayos siya, ano itong ginagawa niya ngayon?

"What the hell are you doing here, Claret?" Binalingan nito si Selene. Nakita ko ang paglambot ng tingin niya rito. Mas lalo akong nasaktan sa pinakita niyang ugali.

Lumapit si Primo rito habang nanatili lang ako sa puwesto ko. Nakita ko kung paano marahang hinaplos ni Primo ang buhok ng babae at sinuri ang katawan nito. Parang sinaksak ako sa nakikita. Ni hindi ko naranasan iyon sa kaniya pero ngayon nakikita kong ginagawa niya ito sa ibang babae.

"Primo, bigla nalang siyang pumasok dito at sumisigaw sa 'kin. I'm so relieved that you came back soon." Kapit ni Selene kay Primo at yumakap dito.

Nanlaki ang mga mata ko sa akusasyon nito. Ano raw? Unti-unti kong naproseso ang nangyari. Is she trying to get me more on Primo's bad side? Umaakto ba ito at ginagamit ang kalagayan niya?

Nilingon ako ni Primo. "Anong ginawa mo sa kaniya? I didn't know you are this desperate, Claret. All I asked for you is to sign the papers. Gagawa ka pa talaga ng gulo."

Parang punyal ang bawat salitang binato sa akin ni Primo. Dinipensahan ko kaagad ang sarili. "Wala akong ginawa sa kaniya, Primo. Kararating ko lang!" Tumingin ako kay Selene at nakita ang panunuyang tingin nito sa akin pero agad iyong nawala nang bumaling sa kaniya si Primo.

Hindi ako makapaniwala sa nakita. What is she trying to play?

"Primo, kailangan nating mag-usap ng maayos. Alam mo bang lumabas 'to sa news?" Alam kong alam na niya kung anong tinutukoy ko.

"I've taken care of that. At mag-usap ng maayos? I think we've done that already, Claret." Galit na naman ito sa akin. Tense na tense kasi ito at para bang may kakalabanin anong oras man.

"Primo, calm down, please. You are scaring me," malambing na utos ni Selene rito. Kaagad namang kumalma si Primo. It was unbelievable. What I'm seeing is absolutely ridiculous.

Iniwasan kong mapasinghal sa nakita. Hindi ako nagkakamali! She's a two-faced bitch!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
chenica
hmm ... ang dami kong hula haha pero baka mali, kalungkot lang na hindi pa tapos toh maghihintay pa ako ng matagal ><
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status