"Ngayong dumating na siya, saan ako lulugar sa buhay ng aking asawa?" Tatlong taon nang mag-asawa ang kilalang doktor at ObGyne na si Xoe Madrigal at ang CEO ng Accounting Firm na si Jake Aragon. Ngunit ang masayang pagsasama ay napalitan nang bumalik ang babaeng unang minahal ni Jake na si Kendra Miller. Paano kahaharapin iyon ni Xoe lalo na kung malalaman niyang nagdadalang-tao ang babaeng iyon kay Jake? Hanggang saan susubukin ang kanyang pagmamahal sa lalaki?
Lihat lebih banyakPagkapasok nila, ay hindi inaasahan ni Xoe at Jake na maraming pupunta ng munsipyo. Ngunit lahat ng mga iyon ay nakapila sa mga magpaparehistro ng kasal. Ngunit kung gaano man kagulo at kaingay ang linya ng mga ikakasal, siya namang tahimik at tila nilalangaw na pwesto ng mga nagpapasa ng aplikasyon para sa annulment.“Mabuti at walang pila dito. Mabilis tayong matatapos.” Saad ni Xoe.Patuloy niyang hinila si Jake patungo sa pila ng mga nag-aaplay ng annulment. Umupo si Xoe sa upuan kaharap ng isang tagapagtala at inilabas ang mga papeles na kanyang inihanda sa para sa pagproseso ng kanilang annulment.“Mukhang naligaw ata kayo ng pila… Doon ang pila ng magpapakasal.” Saad ng isang aleng tagapagtala.“Ay naku hindi po kami magpapakasal. Andito po kami para ipagwalang bisa ang aming kasal.” Sagot ni Xoe na ikinaawang ng bibig ng babaeng kanyang kaharap.“Sigurado ka? At ngayong araw pa na ito?” tanong nito.“Opo. Bakit ano pong meron?” Naguguluhang tanong ni Xoe.“Hindi mo alam? Araw n
Matapos niyang tawagan ng ilang beses si Xoe ay sinagot na din ito agad ng babae. Sinabi niya ang lokasyon kung saan siya naroon bago pinatay ang tawag.Huminto si Jake sa harap ng hotel na tinutuluyan ni Xoe.Nasa labas naman ng lobby si Xoe, nakatayong naghihintay kay Jake. MAy hawak itong brown na envelop na naglalaman ng kanilang mga papeles. Agad siyang umayos ng tayo nang mapansin ang paglabas ni Jake sa kotse. Nakakunot ang noo ng lalaki na tila ba pinagsakluban ng lupa ang mukha.“Bakit umalis ka kagabi? Maayos na ba ang pakiramdam mo? May bahay ka naman bakit dito ka pa natulog?” Sunod sunod na tanong ni Jake kay Xoe.Nagtaas ng isang kilay si Xoe. “Bahay? Ako? Sa pagkakaalam ko pamamahay mo iyon.” Sarkastikong ngumiti si XOe. “Isa pa… HIndi ako komportable sa higaan ko masyadong makati ang kutson na hinihigaan ko. Daming surot.” Sagot ni Xoe.“Ang bahay ko, ay bahay mo.” Sagot ni Jake ngunit umiling na lamang si Xoe.Imbes na magsalita ay dumerecho na lamang ito sa kotse. Aga
Malambot man ang unan at alam nila parehong hindi naman ito basta-basta nakakasakit sa isang tao, ay hindi pa din mapigilan ni Xoe ang bilis ng kanyang kilos upang protektahan ang sarili niyang anak. “Buntis ka nga!” Mahina man ang pagkakasabi, ngunit nanlalaki ang mata nito sa sekretong kanyang natuklasan.“Anong pinagsasabi mo?” Pagkakaila ni Xoe, na kahit na alam niya kung ano ang pinatutungkulan ni Kendra.“Huwag ka na magkaila. Kay Jake ba iyan?” Agad na napasinghap si Kendra na til may naalala.“P-paanong- Ilang buwan na iyan?” Nauutal nitong tanong.Hindi sumagot si Xoe at nag iwas na lamang ito ng tingin sa kausap. Sa halip, tumalikod ito at aakmang aalis. Ngunit mahigpit siyang hinawakan ni Kendra sa braso upang pigilan ito.“Ano ba?!” Tumaas na din ang boses ni Xoe sa inis na nasasaktan siya sa hawak ni Kendra.“Sa tingin mo, gagalawin niya ang tinuturing niyang kapatid?” Tanong ni Xoe.“Malay ko ba. Tyaka alam kong may gusto ka sa kanya. Posibleng akitin mo siya para magsip
Nagtaas ng kilay si Xoe at tila natatawa sa sitwasyon ni Kendra na tila isang tsismosang nag aabang ng chismis na mula sa kapitbahay. Mabuti na lamang at hindi nadidinig ang ingay mula sa loob.“Hinahanap ka na ng Kendra mo.” paalala ni Xoe sa nakatalikod na si Jake.“Anong pinag-usapan niyo? Bakit kayo nagsara ng pinto?” Hindi na napigilan ni Kendra ang magtanong.Nagkibit balikat si Xoe at ginawaran ng ngiting tagumpay si Kendra.“Tanong mo sa boyfriend mo. Siya ang nagsara ng pinto pag pasok niya dito.” Sagot ni Xoe.Nilingon ni Jake si Xoe bago lumabas ng pinto. “Bukas nang umaga, Jake. Huwag mo kalimutan.” Paalala ni Xoe kay Jake na papalabas sa kanyang kwarto.Hindi sumagot ang lalaki, ngunit kinuha niya si Kendra at inalalayan papuntang sala. Narinig pa ni Xoe ang pangungulit ni Kendra na malaman ang pinag usapan nila. Nang makalayo ang dalawa ay agad na sinara ni Xoe ang pinto upang di na niya marinig pa ang usapan ng dalawa. Hindi naman siya si Kendra na kailangan malaman laha
Nang makahinga ng maluwag si Xoe, ay agad itong lumabas ng banyo. Agad niyang tiningnan ang maletang nakabukas na may gusot-gusot na mga damit niya, na nahaluan nang mga bubog na nagmula sa basag na picture frame na nilagay ni Kendra sa kanyang maleta. Napahinga ng malalim si Xoe at nagsimulang tanggalin ng paunti unti ang mga basag na salamin.Bumalik muli si Jake na may dalang isang tasa ng maligamgam na tubig.“Okay ka lang ba talaga?” Hindi pa rin mawala kay Jake ang pag-aalala niya kay Xoe. Inabot niya ang maligamgam na tubig na nakalagay sa tasa. “Inumin mo ito, para guminhawa ang pakiramdam mo.” saad ni Jake.Kinuha naman iyon ni Xoe at nagpasalamat sa asawa.“Pasensya ka na kung inalis ni Kendra ang mga gamit mo sa kwarto mo noon.” HInging paumanhin ni Jake.“Babalik ka pa ba sa ospital? Magpahinga ka na muna dito sa bahay.”‘Mukhang di ako makakapgpahinga dito sa bahay.’ saad ni XOe sa kanyang isip.“Okay lang. Kung okay lang din sa inyo. Magpapahinga lang ako saglit. Babalik
“Siguradong okay ka lang ba talaga?” Nag-aalalang tanong ni Jake pagkalabas ni Xow ng banyo. Tumango naman si Xoe. “Okay lang ako. Pwede ba tayo mag-usap sa opisina mo? Yung tayong dalawa lang. May sasabihin akong importante.” Sabi ni Xoe.Mariing tinitigan muna siya ni Jake bago ito pumayag sa gusto. Hindi pa rin mawala sa isip ng lalaki kung bakit biglang namutla at nagsuka si Xoe, samantalang hindi naman ito madalas na nagkakasakit… Iyon ay sa kanyang tingin niya lang. Lingid sa kanyang kaalaman na madalas si Xoe nagkakakasakit at hindi ito pinapaalam sa lalaki. Nagdadahilan lamang si Xoe na overtime ito sa trabaho, pero ang totoo ay may nakatusok sa kanyang swero.Nang makarating sa opisina, sinara ni Xoe ang pinto pagpasok niya. Habang si Kendra ay naiwan sa labas ng pintuan. Hindi niya ito pinapasok dahil baka makialam pa ang babae sa desisyon ng mag-asawa.“Anong gusto mong pag-usapan natin?” Agad na tanong ni Jake pagkaupo niya sa kanyang upuang may sandalan.“Libre ka ba buk
“Kailan mo pa ba balak sabihin? Sa mismong araw ng pag alis mo?” sarkastikong tanong ni Maggie.“Hindi naman sa ganun. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo na kausapin siya.” Pagdadahilan ni Xoe.“Kung ako sayo, umuwi ka ngayon at sabihin mo na. Tandaan mo sa makalawa na ang lipad mo. Ni hind mo na nga ipapaalam sa kanya ang pagbubuntis mo, tapos ngayon hindi mo din ito magawang sabihin sa kanya?” Sermon ng kaibigan na ikinatahimik na lamang ni Xoe.“Oo na sasabihin ko na sa kanya. Pero ayoko na muna umuwi doon. Tatawagan ko na lamang siya.” Saad ni Xoe, na agad kinuha ang kanyang telepono.Kanyang pinindot ang numero ni Jake at tinawagan ito, habang nakatingin na may pagtaas ng kilay si Maggie sa kanya. Ngunit, naka ilang ring na ay wala pa ring sumasagot. Balak na sanang ibaba ni Xoe ang tawag ng sa wakas! Ay may sumagot na din.“Hello,”Napapikit si Xoe ng kanyang mga mata nang mapagtantong si Kendra ang sumagot ng tawag.“Si Jake? May sasabihin lang ako sa kaya.” Agad na sabi ni Xo
Nakabusangot ang mukha na tila pinagsakluban ng langit at lupa si Xoe habang nakaupo ito sa harapang upuan ng sasakyan ni Jake. Wala siyang magawa nang kaladkarin siya papasok ng sasakyan nito nang ayaw niya ibigay ang kaniyang telepono sa lalaki. Iniisip ni Jake na baka makikipagkita si Xoe sa kanyang boyfriend, na para kay Jake ay hindi magandang ihemplo sa babae.“Alam mo, Xoe… Concern lamang ako sayo. Ayaw kong mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan mo nang dahil lamang sa lalaking walang kwenta.” Panimula ni Jake habang siya ay nagmamaneho ng sasakyan.“Bilang kuya mo, dapat bantayan kita.” Dagdag nito na ikinaikot ng mga mata ni Xoe.Tumingin na lamang siya sa bintana at ipinilit na ipikit ang mata.“Sa tingin mo ba hindi ko napapansin ang pag iiba ng kinikilos mo nitong mga nakaraang araw?” Sabi ni Jake na ikinakunot ng noo ni Xoe.‘Kung nag-iba man ang trato ko sa iyo… Ay dahil lang din iyo sayo! Sa inyo ni Kendra.’ Gustong sabihin iyon ni Xoe ngunit pinili niyang manahimik.“I
“Bilang kuya mo, nag-aalala lang ako. Hindi mo naman kailangan magsabi ng masasakit na salita.”Yumuko si Xoe, habang ikinuyom ang kanyang mga kamay. “Ilang beses ko ba sasabihin sayong hindi kita kuya.” Mahina ngunit bakas sa bawat mga salita nito ang pait. Nangingilid ang kanyang mga luha na hindi na niya mapigilan pang ito’y tululo ng tuluyan.Lakas loob siya tumingin pabalik kay Jake nang may poot, at sakit ang gumguhit sa kanyang mga mata.“Hindi kita kuya, okay?! HIndi tayo magkadugo. Anak ka ng amo ng mga magulang ko. Marahil, magkasama tayo lumaki, pinag aral ako ng mga magulang mo, pero hindi tayo magkamag-anak. At sa pagkakatanda ko, pinaksalan mo ako! So, legally speaking… Mag asawa tayo sa papel at hindi magkapatid!” Hingal na hingal si Xoe matapos sabihin ng may pagtaas sa kanyang tono.Napakunot ang noo ni Jake. Ito ang unang beses na pagtaasan siya ng boses ni Xoe. Ang unang beses na sumabog sa galit. At ang unang beses na makita niyang manginginig sa galit ang babaeng
“Dok! Dok! DoktoraMadrigal!” Hingal na tawag ng isang nars na hinahanap si Doktora Xoe Madrigal, isang gynecologist at obstetrician.Balisa ito at nagmamadling inisa-isang buksan ang bawat kurtinang nakasarado upang mahanap ang doktor. Dumating naman si Xoe na may hawak pa itong inumin na tila katatapos lamang magtanghalian.“Doktora, may naghahanap po sa inyo.” Anunsyo ng isang nurse na nakadestino sa kwartong pang-emerdyensiya.Maya maya pa ay napansin niya ang pagtunog ng isang maliit na kahon na nagpapatawag sa bawat empleyadong kinakailangan sa isang luga, hudyat na kinakailangan siya sa kwartong iyon at may kailangang bigyan agad ng atensyong medikal. Binaba niya ang hawak na inumin sa kanyang lamesa sa kanyang opisina bago pinatay ang tunog ng kanyang pager.“Dok!” hingal na tawag ng nars na kanina pa naghahanap sa kanya.“Oh, bakit? Hanap mo ba ako?” kalmado nitong tanong.“Kailangan ka po sa ER. Hinahanap ka ni Mr. Aragon,” anunsyo ng nars.Tila nanlambot naman ang mga tuhod...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen