“May karapatan pa ba ako?” Umupo si Xoe sa kama, matapos siyang masuri.
Namumugto ang mga matang nakatingin sa kaibigan at tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan dahilan upang manginig ang kanyang boses. “Ngayong andito na si Kendra… Saan ako sa buhay niya?” tanong niya.
Maya-maya pa ay natawa si Xoe habang pinupunasan ang luhang tumakas sa kanyang mga mata. “Bakit pa ako nag aaksaya ng luha. Ang hirap pagbuntis, masyadong nagiging emosyonal.” Muli pa siyang tumawa na tira nasisisraan ng bait.
Binuka ni Maggie ang kanyang braso upang bigyan ng mainit na yakap ang kaibigan. Sa ilang taon nilang pagkakakilanlan, alam niya kung gaano ka mahal ni Xoe si Jake.
“Ano ka ba? Ikaw ang asawa… Mag-asawa kayo sa mata ng Diyos at sa mata ng batas. Sa inyong dalawa ng babaengiyon, ikaw nag mas may karapatan. Kaya huwag ka nang mag-alala. Gusto mo aminin mong may anak din kayo, at dinadala mo siya ngayon.” pag-aalo sa kaibigan.
Nagkibit balikat si Xoe at mahinang itinulak si Maggie. “Maaari ngang mag-asawa kami. Pero sa papel lamang iyon. Hindi naman niya ako pinakasalan dahil mahal niya ako. At alam ko iyon. Wala nang papalit pa sa puso ni Kendra kay Jake.”
“Sa ngayon, hanggang hindi ako siguradong ako ang pipiliin, hindi ko ipapaalam ang pagbubuntis ko.” Determinadong sagot ni Xoe.
“Hindi mo na iyan maitatago. Habang tumatagal lalaki at lalaki ang bata sa sinapupunan mo. At magkasama kayo sa iisang bahay. Kaya paano mo maililihim sa kanya?”
“Bahala na. Basta sa ngayon, ayoko na munang ipaalam.”
Nagpaalam si Xoe kay Maggie at muling hinarap ang asawa matapos niyang makapagpalit ng damit.
“Xoe,” Agad na nilapitan ni Jake si Xoe ng mapansin niya itong papalabas ng kanyang opisina.
“Kanina pa kita gustong makausap. May ginagawa ka ba?” tanong nito.
Mariing tinitigan ni Xoe ang asawa habang hinihintay ang sasabihin nito. Napansin niiyang lumiwanag na ang kaninang madilim na mukha ni Jake at tila ba nabuhayan ito ng loob. Tila alam na niya kung para saan ang pag-uusapan nila.
“Tungkol saan?” maang na tanong ni Xoe na pinipilit itago ang nararamdamang sakit at pinilit na ngumiti.
Inaya niya sa loob ng kanyang opisina si Jake. At inalok ng maiinom. Nagpasalamat naman ang lalaki sa kanya.
“Tungkol sana kay Kendra.”
“Gising na ba siya? Wala ka nang masyadong aalalahanin pa dahil ligtas ang bata at si Kendra.”
“Alam ko.” Ngumiti si Jake ng matamis. “Alam kong kaya mong iligtas sila. At may tiwala ako sa galing mo.” pagpuri niya sa asawa.
“Kailan pa pala bumalik si Kendra? Nito lang din ba?” Kaswal na tanong ni Xoe bago uminom ng tubig at umupo sa kanyang upuan.
“Tatlong buwan na ang lumipas. Gusto ko sanang sabihn sayo, pero masyado kang abala dito sa ospital at hindi na tayo nagkaroon ng oras na mag-usap pa para sabihin sayo ito.” tila naman naiwan sa ere ang kamay ni Xoe na may hawak na baso nang sabihin iyon ni Jake.
“Masasabi mo ba ngayon ang kasarian ng pinagbubuntis niya.” kaswal na tanong ni Jake, na tila hindi iniisip ang nararamdaman ng babaeng nasa kanyang harapan… Ang babaeng kanyang pinakasalan.
Marahang inilapag ni Xoe ang basong kanyang hawak. “Mahirap pa sabihin sa ngayon. Malalaman natin ang kasarian ng bata kapag nasa apat na buwan na ito o di kaya ay mas mabuti kung mga limang buwan para sigurado na ang kasarian ng bata sa sinapupunan. Ngayon kasi, masyado pang maaga. Malabo pang malaman.”
“Nagpasuri kami noon. At ang sabi ay babae, pero base sa sinasabi mo, baka nga lalaki. Pero gusto ko sana babae, pero kung lalaki man iyon, ay okay lang basta anak ko at si Kendra ang ina.”
Ibinaba ni Xoe ang kanyang kamay upang di mapansin ni Jake na nakakuyom ito. Tila naman may pumiga sa puso niya. At sa kanyang pagkakarinig ang may lamat niyang puso ay tuluyang nabasag.
“Nga pala may pakiusap ako.”
“Ano yun?” Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Xoe. Pinipigilan ang pagsabog nito.
“Ngayong nandito si Kendra at maselan ang kanyang kalagayan… Gusto ko sana siyang alagaan. Pwede bang dalhin ko siya sa bahay at doon muna manirahan sa atin?” pakiusap ni Jake.
‘Binuntis mo na nga, dadalhin mo pa sa bahay natin?’ Gustong sabihin iyon ni Xoe ngunit nanatili na lamang siyang tahimik.
“Wala ba siyang ibang mapupuntahan? Saan siya nakatira nitong mga nakaraan tatlong buwan?” Tanong ni Xoe.
“Sa motell lamang. Alam mo naman siguro ang nangyari sa pamilya niya. Tyaka sa ngayon mas makakabuting doon siya sa bahay natin. Bukod sa maalagaan ko siya at matututukan ang mga pangangailangan, ay andoon ka rin upang tuguan kung magkaroon man siya ng problema sa kanyang pagbubuntis.”
Nagtaas ng kilay si Xoe sa paliwanag ni Jake.
‘Buti sa kanya, alalalang-alala ka. Paano naman ako? Paano ang nararamdaman ko?’ tanong ni XOe sa sarili habang tahimik na nakatingin sa asawa.
Nag-iwas ng tingin si Xoe at nagkunwari na lamang na may ginagawa sa kanyang kompyuter. “Bahala ka. Ikaw naman ang bumili ng bahay na iyon. At bihira lang din naman ako sa bahay.” saad ni Xoe.
“Salamat.” sagot ni Jake na ikinangiti niya.
“May isa pa pala akong pabor… Kung okay lang sayo.” Nag aalangang sabi ni Jake.
“Ano yun?” tanong ni Xoe.
“Gusto ko sanang maghiwalay na tayo.”
Tila binagsakan ng langit ang mundong ginagalawan ni Xoe. Ang kaninang durog niyang puso ay muli pang dinurog ng pinung pino hanggang sa maging abo ito. Dahil ang kanyang natitirang karapatan ay gustong bawiin ng kanyang minamahal.“J-jake…” Nabasag ang boses niya.“Diba ilang beses ko sinasabi sayo, tawagin mo akong kuya mo.”“Pero hindi kita kuya.” Mahinang sambit nito.“Ano?” sa tono ng pananalita ni Jake ay halatang nainis ito.“S-sigurado ka ba?” Nauutal na tanong ni Xoe.“Kahit pa na maghiwalay tayo, ayaw naman ng mga magulang mo si Kendra. Tyaka paano mo maipapaliwanag ang paghihiwalay natin?” tanong ni Xoe.“Alam ko. Kaya tulungan mo akong itago muna ito sa kanila.” Napaawang ang bibig ni Xoe at di makahuma sa sinambit ni Jake.‘Sobra na ang lahat. Naiintindihan kong bilang doktor, kailangan kong gamutin ang aking pasyente kahit kabit man siya ng asawa ko. May sinumpaan ako na kahit mamamatay tao pa ang nangangailangan, kailangan ko silang tulungan. Pero ang maging personal na
‘Aking Xoe.’ Mapait na napangiti si Xoe sa narinig mula kay Jake.Hanggang ngayon nakababatang kapatid pa rin ang turing ni Jake sa asawa. ‘Manhid ba siya na di maramdaman ang pagmamahal ko sa kanya? O baka naman magaling lang talaga akong magtago ng emosyon at nararamdaman ko para sa kanya?’Sa dalawang dekada nilang magkakilala mula pa noong anim na taong gulang pa lamang si XOe hanggang sa tumuntong siya ng dalawampu’t anim, hindi man lamang napansin ni Jake ang pagmamahal na pinaparamdam ni XOe para sa kanya.‘Sana ako nalang si Kendra, na hahabul habulin niya kapag nawala sa kanya.’ sabi ni Xoe sa sarili.Tila ba may kung anong tumusok sa tiyan ni Xoe nang bigla siyang nakaramdam ng matinding pananakit sa kanyang puson. Muling may tumulong pulang likido sa pagitan ng hita ni XOe. At dahil nasa harapan niya si Jake ay kinakailangan niyang isantabi ang sakit na nararamdaman at pinilit na magkunwaring walang nangyayari sa kanyang hindi maganda. Malalaking butil na ang mga pawis na n
Walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan ng malaman na babae ang bata na kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan.‘Babae ang anak ko…’ agad niyang hinawakan ang kanyang tiyan na hindi pa naman halata ang paglaki nito. Mag-aapat na buwan pa lamang ang tiyan ni Xoe at masaya siya nang malaman na babae ang kanilang anak ni Jake. Lalo pa at nalaman niyang gusto ni Jake na magkaanak ng babae. Ngunit ang kanyang ngiti ay napalitan ng pangamba, nang maalala niya ang sinabi ni Jake kani-kanina lamang.“Gusto ko sana babae, pero kung lalaki man iyon, ay okay lang basta anak ko at si Kendra ang ina.”‘Matutuwa kaya siya kung malaman niyang magkakaroon siya ng anak na babae ngunit hindi nga lang si Kendra ang ina… kundi ako?’ tanong nito sa sarili.Maya-maya pa ay umiling ito upang tanggalin ang kung ano mang pangambang iniisip. ‘Masaya man siya o hindi sa kung ano man ang kanyang magiging reaksyon, ay hindi na mahalaga sa akin. Ang mahalaga ay ligtas ang anak ko at iingatan ko ito ‘Kanyang tini
“Sabihin mo, ano ang problema mo? Bakit namumugto mga mata mo? May nang away ba sayo? Sabihin mo kay kuya.” saad ni Jake.‘BUkod sayo, walang nanakit sakin. Ikaw at ikaw lamang ang taong dahilan kung bakit ako umiiyak, araw-araw, gabi-gabi.’ Gusto itong sabihin ni Xoe sa kanya, ngunit pinili na lamang niyang manahimik.“Wala. Napuwing lang ako kanina.” Sagot ni Xoe.“Isa pa… Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Kung may mananakit man sa akin sa hinaharap, alam ko ang gagawin ko.” Dagdag ni Xoe.Tila naman di naintindihan ni Jake ang sinasabi ni Xoe.“Kahit pa. Babae ka parin at hindi kita pwedeng pabayaan. At sa ngayon, wala pang lalaking magliligtas sayo. Kaya habang wala pa an”“Alam mo… Ang mas asikasuhin mo ay si Kendra at hindi ako. Siya ang pagtuunan mo ng pansin. Siya ang mas nangangailangan ng tulong at kalinga mo.” Pilit na tinutulak ni Xoe si Jake paalis nang hindi na siya tanungin pa ng tanungin. Ngunit tila batong hindi natitinag si Jake at hindi mapagalaw ni Xoe sa ki
Apat na buwan ang nakalipas…Kakatapos lamang ng trabaho ni Xoe at naghahanda na siya upang umuwi nang makatanggap siya ng tawag mula sa numero ni Jake. Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka. Kahit na ilang taon na silang mag-asawa ay hindi ito madalas tumawag sa kanya.‘Anong meron?’ Takang tanong sa sarili. Gayunpaman, sinagot pa rin niya ang tawag. “Hello?”“Hello… Ito po ba si Xoe?” Inilayo ni Xoe ang telepono sa kanyang tenga at tiningnan ang screen nito upang seguraduhin kung numero ba talaga ni Jake ang nakarehistro.“Sino to?” Agad niyang tanong nang mailapit muli ang cellphone sa kanyang tenga.“Mam, pasensya na po. Kayo po kasi ang nakalagay sa emergency call. Andito po sa bar si Mr. Aragon lasing po.” Napahilot si XOe sa kanyang sintido.Binanggit ng lalaking kausap ni Xoe ang lokasyon ng bar.Galing siya sa isang walong oras na operasyon, at ngayon naman ay kailangan niyang alalayan ang asawang lasing.“Sige, papunta na ako. Salamat.” Saad nito, saka kumuha ng taxi sa labas
Kinaumagahan, naabutan ni Jake si Xoe sa bahay habang ito ay nag aayos ng kanyang gamit na dadalhin sa ospital. Binabalak niyang doon na muna matutulog lalo pa at alam niyang ngayong araw ang pagtira ni Kendra sa kanilang bahay.“Xoe,” tawag ni Jake na nagpakuha ng atensyon kay XOe.“Andyan ka na pala.”“Saan ka pupunta?” tanong ni Jake nang may pagtataka ng makita ang maliit na maleta at ibang damit ni Xoe na nilalagay niya roon.“Sa ospital. Magiging night shift kasi ang duty ko sa susunod na araw.” Palusot ni Xoe.“Ahh…” tanging sagot na lamang ng lalaki.“Pwede ba akong pumasok?” Tanong ni Jake na ikinatango na lamang ni Xoe.Bagama’t mag asawa na sila ni Xoe, magkahiwalay pa rin sila ng kwartong hinihigaan. Ang kwarto ni Xoe ay katapat lamang ng kwarto ni Jake.“May sasabihin ka ba?” tanong ni Xoe nang makaupo si Jake sa kama nito.“Xoe… sa tingin mo ba masama akong tao?” tanong ni Jake na ikinakunot ng noo ni Xoe.“Bakit mo naitanong?” tanong ni Xoe.“Kasi hiniling ko noon na sa
Bago tuluyang bumalik si Xoe sa ospital, dumaan muna ito sa bahay ng mga Aragon. Pagkarating ni Xoe sa bahay, agad niyang nakita si Schenette Aragon, ina ni Jake, na nag-aayos ng kanyang halaman sa hardin.“Tita,” bati ni Xoe na ikinalingon ng Ginang.Agad na huminto ito sa kanyang ginagawa at tumayo upang salubungin ng mahigpit na yakap ang bagong dating na bisita.“Xoe! Anak… Mabuti naman at nandito ka. Namiss kita ng sobra.” Sabi nito nang nakayakap kay Xoe.“Kumain ka na ba? Teka… Ipapagpaluto kita ng paborito mong kare-kare.” Saad nito at agad na tinawag nito ang kanilang kasabahay upang ipag utos sa kanilang taga luto na magluto ng paboritong ulam ni Xoe si Xoe.“Naku po, tita. Maraming salamat po. Hindi pa nga ako kumakain.” Nakanguso nitong sabi na tila naglalambing sa kausap.“Naku ikaw na bata ka. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Si Jake ba hindi ka dinadalhan ng pagkain sa ospital?” Tanong nito.“Nasaan na ba iyon? Teka tatawagan ko at pagsasabihan ko ang asawa mong iya
Sa totoo lang, kung hindi lang buntis si Xoe sa anak ni Jake, hindi magdadalawang isip na pagbigyan ni Xoe si Jake na hinihiling na annulment. Agad niyang pipirmahan ang annulment papers nila, hihilingin na maging masaya siya sa buhay ng ibang babae. Dahil ganoon niya kamahal si Jake noon pa man. Handa niya itong pakawalan, makita lamang na maging masaya si Jake. Kahit na hindi siya mismo ang dahilan ng pagngiti ni Jake.At ayaw na din niyang manghimasok o manggulo sa relasyon ni Jake at Kendra.Ang tanging natutunan ni Xoe mula pa man noong bata siya hanggang tumanda na, ay ang makontento. Makontento sa lahat ng bagay.Naging drayber ng pamilyang Aragon ang ama ni Xoe, at nang maaksidente ang mag-asawa, ay sinakripisyo ng ama ni Xoe ang kanyang sarili upang mailigtas lamang si Ginoong Aragon, dahilan upang ito ay maputulan ng mga paa. At dahil sa nangyari, hindi na din nakapagtrabaho ang ina ni Xoe dahil kailangan nitong alagaan ang ama sa kanilang bahay. Hindi naman sila pinabayaan
Dumating sila sa mall na nakabusangot ang mukha ni Xoe. Habang patungo sila sa loob ng department store, nadaanan nila ang mga bilihan ng mga gamit ng mga pambata at mga pambuntis. Agad na napukaw ang atensyon ni Xoe sa isang manekin na may suot na damit ng pangbuntis. Bagamat nasa pangbuntis na mga paninda ito nakalagay, tila hindi mahahalata sa isang buntis na ina ang mag susuot nito. Isa itong maluwag na maternity dress na iyon at iniisip na ni Xoe na tipong kakailanganin niya itong damit sa mga darating na araw.Napansin naman ni Dustin ang paghinto ni Xoe sa isang manekin na nakasuot ng damit.“Bakit ka napahinto? Gusto mo na bang bilhin yan? Balak mo ba agad na magpabuntis sa boyfriend mo?” Nagtaas ng kilay si Xoe ng mapansin ang pagkasarkastikong saad ni Jake.“Napatingin lang ako. Masama ba? Tyaka mukha naman siyang hindi halatang pangbuntis. Sa katulad kong pusunin at malusog ng bahagya, bagay sa akin ang ganitong damit.” Pagtatanggol nito sa sarili.“Mataba ka na sa lagay na
Magkatapat silang nakaupo sa isang lamesa, ngunit ni isa sa kanila ay walang may gustong magsalita. Inorderan ng sopas ni Jake si Xoe, upang mainitan ang sikmura nito. Ngunit, ni isa sa kanila ang walang may gustong gumalaw ng pagkain. Parehong mga walang gana.Tulalang hinahalo halo lamang ni Xoe ang sopas. At kahit walang gana itong kumain dahil sa bigat na nararamdaman… Ay kailangan niyang kumain kahit kaunti. ‘May anak akong umaasa sa tiyan ko. Hindi ako pwedeng magutuman.’ PAalala ni Xoe sa sarili.‘Kailangan na naming bumalik sa munisipyo.’ Nagtaas ng kamay si Xoe upang magtawag ng waiter para hingiin ang bill ng kanilang kinain. Lumapit naman ang isang waiter at binigay sa kanila ang kanilang bill na babayaran.“Hindi ka pa nga kumakain. Ni hindi mo nagalaw iyang sopas.” Saad ni Jake.“Nawalan na ako ng gana.” Sagot ni Xoe.“Ubusin mo iyan.” Utos ni Jake at agad na kinuha mula sa kamay ni Xoe ang bill, pagkatapos ay dinukot niya mula sa kanyang pitaka ang kanyang card para sa
“Sa ayaw at sa gusto mo… Asawa pa rin kita. At ikaw lang ang asawa ko. Kaya may karapatan kang umupo sa tabi ko.”“...”Napaawang ang bibig ni Xoe at di makapaniwalang tumingin kay Jake na hindi na maipinta ang mukha.‘Bakit ka ba ganito? Ginugulo mo ang utak ko.’ Gustong sabihin ni Xoe iyon pero minabuti na lamang niyang manahimik.“Bakit ba kahit masama na ang pakiramdam mo, ay gusto mo pang unahin ang pag aasikaso ng annulment papers natin. Ganyan ka ba ka atat na humiwalay sakin?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Xoe si Jake sa sinabi nito. “Siguro may lalaki nang naghihintay sayo at hinihintay lamang ang pagpapawalang bisa ng kasal natin.“Wow!” Sarkastiko itong natawa. “Ako pa talaga? Sa pagkakaalala ko ikaw itong gusto nang makipaghiwalay matapos bumalik dito ng Kendra mo. Gusto ko lang naman tulungan kang maging malaya sa akin.” Sagot ni Xoe.“Ikaw nga itong nagmamadali tapos nagdesisyon ka na agad na umalis ng bansa. At ikaw ang unang mang iiwan. Baka ikaw itong nagmamadali.
Pagkapasok nila, ay hindi inaasahan ni Xoe at Jake na maraming pupunta ng munsipyo. Ngunit lahat ng mga iyon ay nakapila sa mga magpaparehistro ng kasal. Ngunit kung gaano man kagulo at kaingay ang linya ng mga ikakasal, siya namang tahimik at tila nilalangaw na pwesto ng mga nagpapasa ng aplikasyon para sa annulment.“Mabuti at walang pila dito. Mabilis tayong matatapos.” Saad ni Xoe.Patuloy niyang hinila si Jake patungo sa pila ng mga nag-aaplay ng annulment. Umupo si Xoe sa upuan kaharap ng isang tagapagtala at inilabas ang mga papeles na kanyang inihanda sa para sa pagproseso ng kanilang annulment.“Mukhang naligaw ata kayo ng pila… Doon ang pila ng magpapakasal.” Saad ng isang aleng tagapagtala.“Ay naku hindi po kami magpapakasal. Andito po kami para ipagwalang bisa ang aming kasal.” Sagot ni Xoe na ikinaawang ng bibig ng babaeng kanyang kaharap.“Sigurado ka? At ngayong araw pa na ito?” tanong nito.“Opo. Bakit ano pong meron?” Naguguluhang tanong ni Xoe.“Hindi mo alam? Araw n
Matapos niyang tawagan ng ilang beses si Xoe ay sinagot na din ito agad ng babae. Sinabi niya ang lokasyon kung saan siya naroon bago pinatay ang tawag.Huminto si Jake sa harap ng hotel na tinutuluyan ni Xoe.Nasa labas naman ng lobby si Xoe, nakatayong naghihintay kay Jake. MAy hawak itong brown na envelop na naglalaman ng kanilang mga papeles. Agad siyang umayos ng tayo nang mapansin ang paglabas ni Jake sa kotse. Nakakunot ang noo ng lalaki na tila ba pinagsakluban ng lupa ang mukha.“Bakit umalis ka kagabi? Maayos na ba ang pakiramdam mo? May bahay ka naman bakit dito ka pa natulog?” Sunod sunod na tanong ni Jake kay Xoe.Nagtaas ng isang kilay si Xoe. “Bahay? Ako? Sa pagkakaalam ko pamamahay mo iyon.” Sarkastikong ngumiti si XOe. “Isa pa… HIndi ako komportable sa higaan ko masyadong makati ang kutson na hinihigaan ko. Daming surot.” Sagot ni Xoe.“Ang bahay ko, ay bahay mo.” Sagot ni Jake ngunit umiling na lamang si Xoe.Imbes na magsalita ay dumerecho na lamang ito sa kotse. Aga
Malambot man ang unan at alam nila parehong hindi naman ito basta-basta nakakasakit sa isang tao, ay hindi pa din mapigilan ni Xoe ang bilis ng kanyang kilos upang protektahan ang sarili niyang anak. “Buntis ka nga!” Mahina man ang pagkakasabi, ngunit nanlalaki ang mata nito sa sekretong kanyang natuklasan.“Anong pinagsasabi mo?” Pagkakaila ni Xoe, na kahit na alam niya kung ano ang pinatutungkulan ni Kendra.“Huwag ka na magkaila. Kay Jake ba iyan?” Agad na napasinghap si Kendra na til may naalala.“P-paanong- Ilang buwan na iyan?” Nauutal nitong tanong.Hindi sumagot si Xoe at nag iwas na lamang ito ng tingin sa kausap. Sa halip, tumalikod ito at aakmang aalis. Ngunit mahigpit siyang hinawakan ni Kendra sa braso upang pigilan ito.“Ano ba?!” Tumaas na din ang boses ni Xoe sa inis na nasasaktan siya sa hawak ni Kendra.“Sa tingin mo, gagalawin niya ang tinuturing niyang kapatid?” Tanong ni Xoe.“Malay ko ba. Tyaka alam kong may gusto ka sa kanya. Posibleng akitin mo siya para magsip
Nagtaas ng kilay si Xoe at tila natatawa sa sitwasyon ni Kendra na tila isang tsismosang nag aabang ng chismis na mula sa kapitbahay. Mabuti na lamang at hindi nadidinig ang ingay mula sa loob.“Hinahanap ka na ng Kendra mo.” paalala ni Xoe sa nakatalikod na si Jake.“Anong pinag-usapan niyo? Bakit kayo nagsara ng pinto?” Hindi na napigilan ni Kendra ang magtanong.Nagkibit balikat si Xoe at ginawaran ng ngiting tagumpay si Kendra.“Tanong mo sa boyfriend mo. Siya ang nagsara ng pinto pag pasok niya dito.” Sagot ni Xoe.Nilingon ni Jake si Xoe bago lumabas ng pinto. “Bukas nang umaga, Jake. Huwag mo kalimutan.” Paalala ni Xoe kay Jake na papalabas sa kanyang kwarto.Hindi sumagot ang lalaki, ngunit kinuha niya si Kendra at inalalayan papuntang sala. Narinig pa ni Xoe ang pangungulit ni Kendra na malaman ang pinag usapan nila. Nang makalayo ang dalawa ay agad na sinara ni Xoe ang pinto upang di na niya marinig pa ang usapan ng dalawa. Hindi naman siya si Kendra na kailangan malaman laha
Nang makahinga ng maluwag si Xoe, ay agad itong lumabas ng banyo. Agad niyang tiningnan ang maletang nakabukas na may gusot-gusot na mga damit niya, na nahaluan nang mga bubog na nagmula sa basag na picture frame na nilagay ni Kendra sa kanyang maleta. Napahinga ng malalim si Xoe at nagsimulang tanggalin ng paunti unti ang mga basag na salamin.Bumalik muli si Jake na may dalang isang tasa ng maligamgam na tubig.“Okay ka lang ba talaga?” Hindi pa rin mawala kay Jake ang pag-aalala niya kay Xoe. Inabot niya ang maligamgam na tubig na nakalagay sa tasa. “Inumin mo ito, para guminhawa ang pakiramdam mo.” saad ni Jake.Kinuha naman iyon ni Xoe at nagpasalamat sa asawa.“Pasensya ka na kung inalis ni Kendra ang mga gamit mo sa kwarto mo noon.” HInging paumanhin ni Jake.“Babalik ka pa ba sa ospital? Magpahinga ka na muna dito sa bahay.”‘Mukhang di ako makakapgpahinga dito sa bahay.’ saad ni XOe sa kanyang isip.“Okay lang. Kung okay lang din sa inyo. Magpapahinga lang ako saglit. Babalik
“Siguradong okay ka lang ba talaga?” Nag-aalalang tanong ni Jake pagkalabas ni Xow ng banyo. Tumango naman si Xoe. “Okay lang ako. Pwede ba tayo mag-usap sa opisina mo? Yung tayong dalawa lang. May sasabihin akong importante.” Sabi ni Xoe.Mariing tinitigan muna siya ni Jake bago ito pumayag sa gusto. Hindi pa rin mawala sa isip ng lalaki kung bakit biglang namutla at nagsuka si Xoe, samantalang hindi naman ito madalas na nagkakasakit… Iyon ay sa kanyang tingin niya lang. Lingid sa kanyang kaalaman na madalas si Xoe nagkakakasakit at hindi ito pinapaalam sa lalaki. Nagdadahilan lamang si Xoe na overtime ito sa trabaho, pero ang totoo ay may nakatusok sa kanyang swero.Nang makarating sa opisina, sinara ni Xoe ang pinto pagpasok niya. Habang si Kendra ay naiwan sa labas ng pintuan. Hindi niya ito pinapasok dahil baka makialam pa ang babae sa desisyon ng mag-asawa.“Anong gusto mong pag-usapan natin?” Agad na tanong ni Jake pagkaupo niya sa kanyang upuang may sandalan.“Libre ka ba buk