แชร์

CHAPTER 8

ผู้เขียน: Megan Jurado
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-21 16:42:47
Apat na buwan ang nakalipas…

Kakatapos lamang ng trabaho ni Xoe at naghahanda na siya upang umuwi nang makatanggap siya ng tawag mula sa numero ni Jake. Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka. Kahit na ilang taon na silang mag-asawa ay hindi ito madalas tumawag sa kanya.

‘Anong meron?’ Takang tanong sa sarili.

Gayunpaman, sinagot pa rin niya ang tawag. “Hello?”

“Hello… Ito po ba si Xoe?” Inilayo ni Xoe ang telepono sa kanyang tenga at tiningnan ang screen nito upang seguraduhin kung numero ba talaga ni Jake ang nakarehistro.

“Sino to?” Agad niyang tanong nang mailapit muli ang cellphone sa kanyang tenga.

“Mam, pasensya na po. Kayo po kasi ang nakalagay sa emergency call. Andito po sa bar si Mr. Aragon lasing po.” Napahilot si XOe sa kanyang sintido.

Binanggit ng lalaking kausap ni Xoe ang lokasyon ng bar.

Galing siya sa isang walong oras na operasyon, at ngayon naman ay kailangan niyang alalayan ang asawang lasing.

“Sige, papunta na ako. Salamat.” Saad nito, saka kumuha ng taxi sa labas
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (4)
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
update sana
goodnovel comment avatar
Cecil Tipay
Miss a update Po please
goodnovel comment avatar
Cecil Tipay
miss a update Po please
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 9

    Kinaumagahan, naabutan ni Jake si Xoe sa bahay habang ito ay nag aayos ng kanyang gamit na dadalhin sa ospital. Binabalak niyang doon na muna matutulog lalo pa at alam niyang ngayong araw ang pagtira ni Kendra sa kanilang bahay.“Xoe,” tawag ni Jake na nagpakuha ng atensyon kay XOe.“Andyan ka na pala.”“Saan ka pupunta?” tanong ni Jake nang may pagtataka ng makita ang maliit na maleta at ibang damit ni Xoe na nilalagay niya roon.“Sa ospital. Magiging night shift kasi ang duty ko sa susunod na araw.” Palusot ni Xoe.“Ahh…” tanging sagot na lamang ng lalaki.“Pwede ba akong pumasok?” Tanong ni Jake na ikinatango na lamang ni Xoe.Bagama’t mag asawa na sila ni Xoe, magkahiwalay pa rin sila ng kwartong hinihigaan. Ang kwarto ni Xoe ay katapat lamang ng kwarto ni Jake.“May sasabihin ka ba?” tanong ni Xoe nang makaupo si Jake sa kama nito.“Xoe… sa tingin mo ba masama akong tao?” tanong ni Jake na ikinakunot ng noo ni Xoe.“Bakit mo naitanong?” tanong ni Xoe.“Kasi hiniling ko noon na sa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-02
  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 10

    Bago tuluyang bumalik si Xoe sa ospital, dumaan muna ito sa bahay ng mga Aragon. Pagkarating ni Xoe sa bahay, agad niyang nakita si Schenette Aragon, ina ni Jake, na nag-aayos ng kanyang halaman sa hardin.“Tita,” bati ni Xoe na ikinalingon ng Ginang.Agad na huminto ito sa kanyang ginagawa at tumayo upang salubungin ng mahigpit na yakap ang bagong dating na bisita.“Xoe! Anak… Mabuti naman at nandito ka. Namiss kita ng sobra.” Sabi nito nang nakayakap kay Xoe.“Kumain ka na ba? Teka… Ipapagpaluto kita ng paborito mong kare-kare.” Saad nito at agad na tinawag nito ang kanilang kasabahay upang ipag utos sa kanilang taga luto na magluto ng paboritong ulam ni Xoe si Xoe.“Naku po, tita. Maraming salamat po. Hindi pa nga ako kumakain.” Nakanguso nitong sabi na tila naglalambing sa kausap.“Naku ikaw na bata ka. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Si Jake ba hindi ka dinadalhan ng pagkain sa ospital?” Tanong nito.“Nasaan na ba iyon? Teka tatawagan ko at pagsasabihan ko ang asawa mong iya

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-03
  • The Billionaire's Martyr Wife   Chapter 11

    Sa totoo lang, kung hindi lang buntis si Xoe sa anak ni Jake, hindi magdadalawang isip na pagbigyan ni Xoe si Jake na hinihiling na annulment. Agad niyang pipirmahan ang annulment papers nila, hihilingin na maging masaya siya sa buhay ng ibang babae. Dahil ganoon niya kamahal si Jake noon pa man. Handa niya itong pakawalan, makita lamang na maging masaya si Jake. Kahit na hindi siya mismo ang dahilan ng pagngiti ni Jake.At ayaw na din niyang manghimasok o manggulo sa relasyon ni Jake at Kendra.Ang tanging natutunan ni Xoe mula pa man noong bata siya hanggang tumanda na, ay ang makontento. Makontento sa lahat ng bagay.Naging drayber ng pamilyang Aragon ang ama ni Xoe, at nang maaksidente ang mag-asawa, ay sinakripisyo ng ama ni Xoe ang kanyang sarili upang mailigtas lamang si Ginoong Aragon, dahilan upang ito ay maputulan ng mga paa. At dahil sa nangyari, hindi na din nakapagtrabaho ang ina ni Xoe dahil kailangan nitong alagaan ang ama sa kanilang bahay. Hindi naman sila pinabayaan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-04
  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 12

    “Basta kung talagang desisdido ka na, sabihan mo ako agad. Para mapaayos ko ang mga papeles mo sa paglipat.” Tumango si Xoe sa sinabi ni Doktora.“Bibigyan kita ng dalawang linggo bago ako magpabook ng ticket papuntang New York.” Dagdag nito.Habang tumatakbo ang araw, ginagawa pa rin ni Xoe ang kanyang trabaho sa ospital. Ngunit mas inontean ang kanyang work load. Hindi na muna siya pinapaopera ng matagal sa operating room. Upang hindi siya masyadong mapagod. Ang tanging ginagawa na lamang muna niya ay ang tumanggap ng checkups. At mag-ikot sa kanyang mga pasyente. Araw-araw iyon ang ginagawa ni Xoe bukod sa pag-aasikasong maipasa ang mga files ng kanyang mga naging pasyente para sa magiging kapalit niya sa ospital.Isang araw, pumunta si Xoe sa opisina ni Dokotra Maggie. Mabuti na lamang at naabutan niya ang kaibigan bago pa man ito umuwi.Tok… Tok… Tok…“Pasok!” Saad ni Doktora Maggie.“Dok. Pwede ka bang makausap?” Tanong ni Xoe, ngunit naabutan niyang nakatayo ng ang doktora, hab

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-05
  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 13

    “Mahal mo siya.” Hindi tanong para kay kundi kompirmasyon mula kay KendraNanigas si Xoe at tila ba nakorner siya sa sinabi ni Kendra. Itinikom ni Xoe ang kanyang bibig kasabay ang pagkuyom niya ng kamao, para lamang hindi aminin ang katotohanang mahal na mahal niya si Jake.“Hindi ka man lang nagprotesta sa sinabi ko. Ibig sabihin, totoo ngang mahal mo siya.” Napapailing na tumawa si Kendra, ngunit agad ding napalitan ng matalim na tingin ang kanyang ginawad kay Xoe.“k-kendra- “ Naputol ang sasabihin sana ni Xoe nang nagsalita muli si Kendra.“Tingin mo ba di ko mahahalata? Kung paano ka tumingin sa kanya. Mabuti na lamang at kahit anong papansin mo, hindi pa rin ikaw ang tinitingnan niya.” Pang-uuyam nito.Pinaikutan niya si Xoe at bingyan ng mapanghusgang tingin. Hinawakan pa niya ang buhok nito ng marahan saka huminto sa harapan ni Xoe. “Nakakaawa ka lang. Dahil kahit noon pa man hanggang ngayon. Ako lamang ang laman sa kanyang puso. At ikaw…” Gamit ang kanyang hintuturo, bahagya

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-06
  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 14

    “Ngayon naiitindihan mo ba ang sinasabi ko?”Imbes na muling harapin ni Xoe si Kendra, tumalikod ito sa babae at lumayo ng kaunti. Pilit din niyang tinatanggal ang usok ng sigarilyo na naiwan sa paligid gamit ang isang kamay bilang pamaypay ito, habang tinatakpan ang kanyang ilong.Ngunit sa ginawa ni Xoe tila nainsulto si Kendra kaya buong pwersa niya itong hinawakan sa braso at pilit na pinaharap sa kanya, dahilan upang mapapiksi ito sa sakit. Lalo pa at bumaon ng kaunti ang kuko nitong mahaba sa kanyang braso at nag-iwan ng sugat. Bahagyang natawa si Kendra ng mapansing naluluha si Xoe dahil sa kauubo kanina at tumango tango pa si Kendra na tila may naalala.“Sa totoo lang. Parehas lamang kayo ni Jake. Boring. Wala kayong ginawa kundi ang mag-aral at maging mabuting tao. To the point na nagiging weirdo na kayo.” Tiningnan niya si Xoe ng may pagkadisgusto. “Mga magulang niyo, pati mga guro ay giliw na giliw sa inyo. Sino ba ang hindi? Matatalino kayo sa mga mata nila eh!” Dagdag ni

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-07
  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 15

    “Saan mo natutunan ang mga ito?” Inis na tanong ni Jake kay Xoe.“Akin na nga iyan! Ano bang ginagawa mo dito?” Tanong ni Xoe.Nag-igting ang panga ni Jake habang mariing nakatitig kay Xoe. Nakaangat pa rin ang kanyang kamay na may hawak ng bagong biling kaha ng sigarilyo. Habang si Xoe naman ay pilit na inaabot ang kanyang binili mula kay Jake. Ngunit dahil sa liit niya, ay hindi niya man lamang magawang maabot iyon. Hanggang sa tinigil niya ang pagtalon talon lalo na nang maalala niyang buntis siya.“Sagutin mo ang tanong ko, Xoe Madrigal.” May diin na sa tono ni Jake na tila ba ito ay nagbabanta.“Siya ba?” tanong ni Jake na ikinakunoot ng noo ni Xoe.“Hah? Anong pinagsasabi mo?” Tanong ni Xoe na naguguluhan sa nangyayari.“Iyong lalaki ba na sinasabi mong mahal mo ang nagturo sayo nito?” Tanong ni Jake.“Wala siyang kinalaman dito. Ni hindi nga marunong manigarilyo yun.” Sagot ni Xoe.“Bintang ka ng bintang ng ibang tao. Hindi mo naman kilala sino tinutukoy ko. Kung alam mo lang n

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-07
  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 16

    “Bilang kuya mo, nag-aalala lang ako. Hindi mo naman kailangan magsabi ng masasakit na salita.”Yumuko si Xoe, habang ikinuyom ang kanyang mga kamay. “Ilang beses ko ba sasabihin sayong hindi kita kuya.” Mahina ngunit bakas sa bawat mga salita nito ang pait. Nangingilid ang kanyang mga luha na hindi na niya mapigilan pang ito’y tululo ng tuluyan.Lakas loob siya tumingin pabalik kay Jake nang may poot, at sakit ang gumguhit sa kanyang mga mata.“Hindi kita kuya, okay?! HIndi tayo magkadugo. Anak ka ng amo ng mga magulang ko. Marahil, magkasama tayo lumaki, pinag aral ako ng mga magulang mo, pero hindi tayo magkamag-anak. At sa pagkakatanda ko, pinaksalan mo ako! So, legally speaking… Mag asawa tayo sa papel at hindi magkapatid!” Hingal na hingal si Xoe matapos sabihin ng may pagtaas sa kanyang tono.Napakunot ang noo ni Jake. Ito ang unang beses na pagtaasan siya ng boses ni Xoe. Ang unang beses na sumabog sa galit. At ang unang beses na makita niyang manginginig sa galit ang babaeng

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-10

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 27

    Dumating sila sa mall na nakabusangot ang mukha ni Xoe. Habang patungo sila sa loob ng department store, nadaanan nila ang mga bilihan ng mga gamit ng mga pambata at mga pambuntis. Agad na napukaw ang atensyon ni Xoe sa isang manekin na may suot na damit ng pangbuntis. Bagamat nasa pangbuntis na mga paninda ito nakalagay, tila hindi mahahalata sa isang buntis na ina ang mag susuot nito. Isa itong maluwag na maternity dress na iyon at iniisip na ni Xoe na tipong kakailanganin niya itong damit sa mga darating na araw.Napansin naman ni Dustin ang paghinto ni Xoe sa isang manekin na nakasuot ng damit.“Bakit ka napahinto? Gusto mo na bang bilhin yan? Balak mo ba agad na magpabuntis sa boyfriend mo?” Nagtaas ng kilay si Xoe ng mapansin ang pagkasarkastikong saad ni Jake.“Napatingin lang ako. Masama ba? Tyaka mukha naman siyang hindi halatang pangbuntis. Sa katulad kong pusunin at malusog ng bahagya, bagay sa akin ang ganitong damit.” Pagtatanggol nito sa sarili.“Mataba ka na sa lagay na

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 26

    Magkatapat silang nakaupo sa isang lamesa, ngunit ni isa sa kanila ay walang may gustong magsalita. Inorderan ng sopas ni Jake si Xoe, upang mainitan ang sikmura nito. Ngunit, ni isa sa kanila ang walang may gustong gumalaw ng pagkain. Parehong mga walang gana.Tulalang hinahalo halo lamang ni Xoe ang sopas. At kahit walang gana itong kumain dahil sa bigat na nararamdaman… Ay kailangan niyang kumain kahit kaunti. ‘May anak akong umaasa sa tiyan ko. Hindi ako pwedeng magutuman.’ PAalala ni Xoe sa sarili.‘Kailangan na naming bumalik sa munisipyo.’ Nagtaas ng kamay si Xoe upang magtawag ng waiter para hingiin ang bill ng kanilang kinain. Lumapit naman ang isang waiter at binigay sa kanila ang kanilang bill na babayaran.“Hindi ka pa nga kumakain. Ni hindi mo nagalaw iyang sopas.” Saad ni Jake.“Nawalan na ako ng gana.” Sagot ni Xoe.“Ubusin mo iyan.” Utos ni Jake at agad na kinuha mula sa kamay ni Xoe ang bill, pagkatapos ay dinukot niya mula sa kanyang pitaka ang kanyang card para sa

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 25

    “Sa ayaw at sa gusto mo… Asawa pa rin kita. At ikaw lang ang asawa ko. Kaya may karapatan kang umupo sa tabi ko.”“...”Napaawang ang bibig ni Xoe at di makapaniwalang tumingin kay Jake na hindi na maipinta ang mukha.‘Bakit ka ba ganito? Ginugulo mo ang utak ko.’ Gustong sabihin ni Xoe iyon pero minabuti na lamang niyang manahimik.“Bakit ba kahit masama na ang pakiramdam mo, ay gusto mo pang unahin ang pag aasikaso ng annulment papers natin. Ganyan ka ba ka atat na humiwalay sakin?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Xoe si Jake sa sinabi nito. “Siguro may lalaki nang naghihintay sayo at hinihintay lamang ang pagpapawalang bisa ng kasal natin.“Wow!” Sarkastiko itong natawa. “Ako pa talaga? Sa pagkakaalala ko ikaw itong gusto nang makipaghiwalay matapos bumalik dito ng Kendra mo. Gusto ko lang naman tulungan kang maging malaya sa akin.” Sagot ni Xoe.“Ikaw nga itong nagmamadali tapos nagdesisyon ka na agad na umalis ng bansa. At ikaw ang unang mang iiwan. Baka ikaw itong nagmamadali.

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 24

    Pagkapasok nila, ay hindi inaasahan ni Xoe at Jake na maraming pupunta ng munsipyo. Ngunit lahat ng mga iyon ay nakapila sa mga magpaparehistro ng kasal. Ngunit kung gaano man kagulo at kaingay ang linya ng mga ikakasal, siya namang tahimik at tila nilalangaw na pwesto ng mga nagpapasa ng aplikasyon para sa annulment.“Mabuti at walang pila dito. Mabilis tayong matatapos.” Saad ni Xoe.Patuloy niyang hinila si Jake patungo sa pila ng mga nag-aaplay ng annulment. Umupo si Xoe sa upuan kaharap ng isang tagapagtala at inilabas ang mga papeles na kanyang inihanda sa para sa pagproseso ng kanilang annulment.“Mukhang naligaw ata kayo ng pila… Doon ang pila ng magpapakasal.” Saad ng isang aleng tagapagtala.“Ay naku hindi po kami magpapakasal. Andito po kami para ipagwalang bisa ang aming kasal.” Sagot ni Xoe na ikinaawang ng bibig ng babaeng kanyang kaharap.“Sigurado ka? At ngayong araw pa na ito?” tanong nito.“Opo. Bakit ano pong meron?” Naguguluhang tanong ni Xoe.“Hindi mo alam? Araw n

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 23

    Matapos niyang tawagan ng ilang beses si Xoe ay sinagot na din ito agad ng babae. Sinabi niya ang lokasyon kung saan siya naroon bago pinatay ang tawag.Huminto si Jake sa harap ng hotel na tinutuluyan ni Xoe.Nasa labas naman ng lobby si Xoe, nakatayong naghihintay kay Jake. MAy hawak itong brown na envelop na naglalaman ng kanilang mga papeles. Agad siyang umayos ng tayo nang mapansin ang paglabas ni Jake sa kotse. Nakakunot ang noo ng lalaki na tila ba pinagsakluban ng lupa ang mukha.“Bakit umalis ka kagabi? Maayos na ba ang pakiramdam mo? May bahay ka naman bakit dito ka pa natulog?” Sunod sunod na tanong ni Jake kay Xoe.Nagtaas ng isang kilay si Xoe. “Bahay? Ako? Sa pagkakaalam ko pamamahay mo iyon.” Sarkastikong ngumiti si XOe. “Isa pa… HIndi ako komportable sa higaan ko masyadong makati ang kutson na hinihigaan ko. Daming surot.” Sagot ni Xoe.“Ang bahay ko, ay bahay mo.” Sagot ni Jake ngunit umiling na lamang si Xoe.Imbes na magsalita ay dumerecho na lamang ito sa kotse. Aga

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 22

    Malambot man ang unan at alam nila parehong hindi naman ito basta-basta nakakasakit sa isang tao, ay hindi pa din mapigilan ni Xoe ang bilis ng kanyang kilos upang protektahan ang sarili niyang anak. “Buntis ka nga!” Mahina man ang pagkakasabi, ngunit nanlalaki ang mata nito sa sekretong kanyang natuklasan.“Anong pinagsasabi mo?” Pagkakaila ni Xoe, na kahit na alam niya kung ano ang pinatutungkulan ni Kendra.“Huwag ka na magkaila. Kay Jake ba iyan?” Agad na napasinghap si Kendra na til may naalala.“P-paanong- Ilang buwan na iyan?” Nauutal nitong tanong.Hindi sumagot si Xoe at nag iwas na lamang ito ng tingin sa kausap. Sa halip, tumalikod ito at aakmang aalis. Ngunit mahigpit siyang hinawakan ni Kendra sa braso upang pigilan ito.“Ano ba?!” Tumaas na din ang boses ni Xoe sa inis na nasasaktan siya sa hawak ni Kendra.“Sa tingin mo, gagalawin niya ang tinuturing niyang kapatid?” Tanong ni Xoe.“Malay ko ba. Tyaka alam kong may gusto ka sa kanya. Posibleng akitin mo siya para magsip

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 21

    Nagtaas ng kilay si Xoe at tila natatawa sa sitwasyon ni Kendra na tila isang tsismosang nag aabang ng chismis na mula sa kapitbahay. Mabuti na lamang at hindi nadidinig ang ingay mula sa loob.“Hinahanap ka na ng Kendra mo.” paalala ni Xoe sa nakatalikod na si Jake.“Anong pinag-usapan niyo? Bakit kayo nagsara ng pinto?” Hindi na napigilan ni Kendra ang magtanong.Nagkibit balikat si Xoe at ginawaran ng ngiting tagumpay si Kendra.“Tanong mo sa boyfriend mo. Siya ang nagsara ng pinto pag pasok niya dito.” Sagot ni Xoe.Nilingon ni Jake si Xoe bago lumabas ng pinto. “Bukas nang umaga, Jake. Huwag mo kalimutan.” Paalala ni Xoe kay Jake na papalabas sa kanyang kwarto.Hindi sumagot ang lalaki, ngunit kinuha niya si Kendra at inalalayan papuntang sala. Narinig pa ni Xoe ang pangungulit ni Kendra na malaman ang pinag usapan nila. Nang makalayo ang dalawa ay agad na sinara ni Xoe ang pinto upang di na niya marinig pa ang usapan ng dalawa. Hindi naman siya si Kendra na kailangan malaman laha

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 20

    Nang makahinga ng maluwag si Xoe, ay agad itong lumabas ng banyo. Agad niyang tiningnan ang maletang nakabukas na may gusot-gusot na mga damit niya, na nahaluan nang mga bubog na nagmula sa basag na picture frame na nilagay ni Kendra sa kanyang maleta. Napahinga ng malalim si Xoe at nagsimulang tanggalin ng paunti unti ang mga basag na salamin.Bumalik muli si Jake na may dalang isang tasa ng maligamgam na tubig.“Okay ka lang ba talaga?” Hindi pa rin mawala kay Jake ang pag-aalala niya kay Xoe. Inabot niya ang maligamgam na tubig na nakalagay sa tasa. “Inumin mo ito, para guminhawa ang pakiramdam mo.” saad ni Jake.Kinuha naman iyon ni Xoe at nagpasalamat sa asawa.“Pasensya ka na kung inalis ni Kendra ang mga gamit mo sa kwarto mo noon.” HInging paumanhin ni Jake.“Babalik ka pa ba sa ospital? Magpahinga ka na muna dito sa bahay.”‘Mukhang di ako makakapgpahinga dito sa bahay.’ saad ni XOe sa kanyang isip.“Okay lang. Kung okay lang din sa inyo. Magpapahinga lang ako saglit. Babalik

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 19

    “Siguradong okay ka lang ba talaga?” Nag-aalalang tanong ni Jake pagkalabas ni Xow ng banyo. Tumango naman si Xoe. “Okay lang ako. Pwede ba tayo mag-usap sa opisina mo? Yung tayong dalawa lang. May sasabihin akong importante.” Sabi ni Xoe.Mariing tinitigan muna siya ni Jake bago ito pumayag sa gusto. Hindi pa rin mawala sa isip ng lalaki kung bakit biglang namutla at nagsuka si Xoe, samantalang hindi naman ito madalas na nagkakasakit… Iyon ay sa kanyang tingin niya lang. Lingid sa kanyang kaalaman na madalas si Xoe nagkakakasakit at hindi ito pinapaalam sa lalaki. Nagdadahilan lamang si Xoe na overtime ito sa trabaho, pero ang totoo ay may nakatusok sa kanyang swero.Nang makarating sa opisina, sinara ni Xoe ang pinto pagpasok niya. Habang si Kendra ay naiwan sa labas ng pintuan. Hindi niya ito pinapasok dahil baka makialam pa ang babae sa desisyon ng mag-asawa.“Anong gusto mong pag-usapan natin?” Agad na tanong ni Jake pagkaupo niya sa kanyang upuang may sandalan.“Libre ka ba buk

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status