Share

CHAPTER 2

Author: Megan Jurado
last update Huling Na-update: 2025-01-24 15:59:34

Nanlalaki ang mga mata ni Xoe sa sinabi ng kasama. Agad niyang tiningnan si Kendra na ngayo’y walang malay.

“Paanong..” pabulong nitong tanong.

“Dok… Araw araw tayong magkasama. Nakita ko ang mismo ang resulta ng eksaminasyon mo doon, aksidente lang naman. Hehe. Pasensya na,” Hilaw itong ngumiti sa doktora.

“Wala na sanang ibang nakakaalam.” pakiusap ni Xoe. “Kahit asawa ko hindi niya alam.” dagdag ni Xoe.

“Bakit po pala ayaw niyong ipaalam?”

‘Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong dahilan.’ sabi ni Xoe sa isip.

“Ah-eh kasi… kulang tayo sa doktor at sa panahon ngayon, maraming nangangailangan ng serbisyo ko. At kung malaman ito ng higher ups… Baka ipagforce maternity leave nila ako.” Paliwanag ni Xoe. 

“Pero dok… Sigurado ka bang kaya mo talaga?” Tumango si Xoe sa tanong ng nars. 

“Alam ko ang kapasidad ng katawan ko. At bilang ObGyne alam ko kung hanggang saan lang ako dapat. Nakapagpahinga naman ako kanina kaya okay lang.” Pagsisigurado nito.

“Pero tatawagin ko pa rin po si Doktora Maggie para pag kailangan mong magpahinga, siya na hahalili sayo.” Tumango na lamang si Xoe para hindi na ito muling mangulit pa. 

Nang dumating si Dok Maggie ay agad na nilang sinimulan ang operasyon.

“Magsimula na tayo. Panistisl.” Utos ni Xoe. Agad namang inabaot ng nars ang hinihinging maliit na kutsilyong ginagamit sa panghiwa ng katawan ng tao.

Natapos ang siyam na oras na operasyon at nakahinga na nang maluwag si Xoe, dahil tagumpay ang operasyon at parehong naligtas ang mag-ina. Gayunpaman, dahil sa tagal ng kanyang itinayo ay agad na nanlambot ang tuhod ni Xoe, dahilan upang mapakapit siya ng mahigpit sa isang malamig na tubo sa pader.

“DOktora!” Agad siyang inalalayan ni Yassie. “Okay ka lang po ba?” Tanong ni Yassie na sa tono nito ay nag-aalala.

Tumango si Xoe at tumayo na ng maayos. Namumutla ang mga labi nito at tila pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay.

“Huwag mo na akong alalayan. Ihanda niyo na ang pasyente at dalhin sa silid ng paggaling. Mauuna na akong lumabas.” Utos ni Xoe sa mga nars. 

Binuksan ni Xoe ang pinto at nakaramdam siya muli ng pagkahilo. Nanghihina man ang kanyang mga tuhod at sumakit ng bahagya ang kanyang puson ay pinagsawalang bahala niya ito. Ngunit hindi niya aakalain, ay dumilim ang paligid at muntikan na siyang matumba. Mabuti na lamang ay may agad na sumaklolo sa kanya at napigilan ang kanyang pagbagsak sa sahig.

“Doktora!” Muling napahiyaw sa gulat si Yassie.

“Okay ka lang?” Pamilyar na boses ng isang lalaki ang nagpapukaw ng atensyon ni Xoe.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at napansing mariing nakatitig sa kanya si Jake na kanyang asawa.

Bagama’t nagulat sa pangyayari, agad itong tumayo at inayos ang suot na lab gown. Bigla naman naramdaman ni Xoe ang pagdaloy ng likido sa kanyang hita. Pula ito at may kauunting lapot.

Nanlaki ang mga mata ni Yassie habang nakaturo sa hita ni Xoe na may dumadaloy na dugo. “D-dugo.” Nauutal nitong sabi. “Dok… Ang bata.”

Kumunot ang noo ni Jake nang makatingin ito sa hita ni Xoe na may dugo. At mas lalo pang nalukot ang kilay nito ng marinig ang sinambit ng nurse.

“Bata?” takhang tanong nito.

“Ah-eh… ang tinutukoy niya ay tagumpay ang operasyon. Parehong ligtas si Kendra at ang bata.”

“MAraming salamat, Xoe. Alam kong magagawa mo iyon.” Nakangiting sabi nito.

Natuwa man pero hindi parin mawala sa isip ni Jake ang dugo na dumaloy sa hita ni Xoe.

“Pero sigurado ka bang okay ka lang?” tanong nito.

Tumango agad si Xoe. “Oo. Okay lang ako. Bigla lang akong dinatnan sa  loob. At hindi ko kasi maiwanan ang paseyente habang inooperahan kaya wala akong oras upang makapagpalit. Kailangan ko lang ngayon pumunta sa opisina ko para magpalit. Maiwan na muna kita.” nagmamadaling saad ni Xoe.

“Dok… samahan na po kita.” Nag-aalalang sambit ni Yassie ngunit umiling ito.

“Kaya ko ang sarili ko, Yassie. Hindi mo na kailangan pang mag-abala. Puntahan mo na ang pasyente at dalhin niyo na sa kwarto nila.” Mariing utos ni Xoe.

“Mauna na ako.” saad ni Xoe kay Jake.

Tumango naman ang kanyang asawa. “Puntahan na lang kita mamaya sa opisina mo. HIntayin ko lang si Kendra.” Ngumiting pilit si XOe saka tuluyang naglakad palayo kay Jake.

“Sabay na ko.” Agad na tumakbo si Maggie papunta kay Xoe at sinamahan nito pabalik sa kanyang opisina.

Nang makaliko sila sa may koridor, ay agad na hinatak ni Maggie ang kanyang kaibigan papunta sa kanyang opisina kung nasaan ang makina upang makita ang kalagayan ng bata sa sinapupunan ni Xoe.

“Bakit ba pumayag ka pa na ikaw mag opera sa pasyenteng iyon? Alam mo namang unang nobya at minahal ni Jake iyon. Masokista ka ba?” Tanong ni Maggie.

Si Maggie De Vera at Xoe Madrigal ay parehas na nag aral sa isang prestihiyosong ospital ng mga docotor sa kalakhang Maynila. Mas matanda nga lang si Maggie ng limang taon at nauna itong maging doctor sa City Hospital. At di kalaunan ay siya ang kauna-unahang batang doktor ang nadestino bilang mamumuno ng ObGyne. Sumunod sa linya ang kanibigang si Xoe Madrigal. At sa tagal nilang magkakilala, alam na ni Maggie ang kwento ng buhay ni Xoe.

“Hindi naman ako makahindi sa pasyente. Kailangan nila ang serbisyo ko kahit sino pa man iyan.” Saad ni Xoe habang nagpupuso ng dugo sa kanyang hita.

Pinahiga siya ni Maggie sa kama ng ospital upang suriin ang kalagayan nito.

Napaikot ng mata si Maggie sa sinabi ng kaibigan. “Tss… Alam mo naman na nagdadalang tao ka rin. Hindi mo ba iniisip ang bata sa sinapupunan mo? Bawal sa mga buntis ang masyadong pagod. Bawal ding malipasan ng gutom. Pero nag-opera ka parin ng siyam na oras. Nahihibang ka naba?” INis na sermon nito sa kaibigan.

“Sinasadya mo bang makunan? Huminga ka nang malalim, ipapasok ko na to.” Tanong ni Maggie at ipinasok na ang mahabang tubo sa pagitan ng mga hita ni Alex.

“Wala naman akong planong tanggalin ang anak ko sakin.” Hinawakan ni Xoe ang kanyang maliit pang tiyan. Bago pareho nilang tiningnan ang monitor at nakita ang mahinang pagtibok ng maliit na parang buto sa loob ng sinapupunan ni Xoe. “Hindi ka ba naawawa rito sa inaanak ko. Mabuti na lamang at iyan lamang ang inabot mo. Uminom ka ng pampakapit at magpahinga ka bukas.” Utos ni Maggie.

“Opo, Dok.” sarkastikong sagot ni Xoe.

“Salamat.” dagdag niya.

Bumuntong hininga si Maggie at tiningnang mariin ang kaibigan. “Ayaw mo bang ipaalam ito kay Jake?” 

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 3

    “May karapatan pa ba ako?” Umupo si Xoe sa kama, matapos siyang masuri.Namumugto ang mga matang nakatingin sa kaibigan at tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan dahilan upang manginig ang kanyang boses. “Ngayong andito na si Kendra… Saan ako sa buhay niya?” tanong niya.Maya-maya pa ay natawa si Xoe habang pinupunasan ang luhang tumakas sa kanyang mga mata. “Bakit pa ako nag aaksaya ng luha. Ang hirap pagbuntis, masyadong nagiging emosyonal.” Muli pa siyang tumawa na tira nasisisraan ng bait.Binuka ni Maggie ang kanyang braso upang bigyan ng mainit na yakap ang kaibigan. Sa ilang taon nilang pagkakakilanlan, alam niya kung gaano ka mahal ni Xoe si Jake.“Ano ka ba? Ikaw ang asawa… Mag-asawa kayo sa mata ng Diyos at sa mata ng batas. Sa inyong dalawa ng babaengiyon, ikaw nag mas may karapatan. Kaya huwag ka nang mag-alala. Gusto mo aminin mong may anak din kayo, at dinadala mo siya ngayon.” pag-aalo sa kaibigan.Nagkibit balikat si Xoe at mahinang itinulak si Maggie. “Maaari

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 4

    Tila binagsakan ng langit ang mundong ginagalawan ni Xoe. Ang kaninang durog niyang puso ay muli pang dinurog ng pinung pino hanggang sa maging abo ito. Dahil ang kanyang natitirang karapatan ay gustong bawiin ng kanyang minamahal.“J-jake…” Nabasag ang boses niya.“Diba ilang beses ko sinasabi sayo, tawagin mo akong kuya mo.”“Pero hindi kita kuya.” Mahinang sambit nito.“Ano?” sa tono ng pananalita ni Jake ay halatang nainis ito.“S-sigurado ka ba?” Nauutal na tanong ni Xoe.“Kahit pa na maghiwalay tayo, ayaw naman ng mga magulang mo si Kendra. Tyaka paano mo maipapaliwanag ang paghihiwalay natin?” tanong ni Xoe.“Alam ko. Kaya tulungan mo akong itago muna ito sa kanila.” Napaawang ang bibig ni Xoe at di makahuma sa sinambit ni Jake.‘Sobra na ang lahat. Naiintindihan kong bilang doktor, kailangan kong gamutin ang aking pasyente kahit kabit man siya ng asawa ko. May sinumpaan ako na kahit mamamatay tao pa ang nangangailangan, kailangan ko silang tulungan. Pero ang maging personal na

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 5

    ‘Aking Xoe.’ Mapait na napangiti si Xoe sa narinig mula kay Jake.Hanggang ngayon nakababatang kapatid pa rin ang turing ni Jake sa asawa. ‘Manhid ba siya na di maramdaman ang pagmamahal ko sa kanya? O baka naman magaling lang talaga akong magtago ng emosyon at nararamdaman ko para sa kanya?’Sa dalawang dekada nilang magkakilala mula pa noong anim na taong gulang pa lamang si XOe hanggang sa tumuntong siya ng dalawampu’t anim, hindi man lamang napansin ni Jake ang pagmamahal na pinaparamdam ni XOe para sa kanya.‘Sana ako nalang si Kendra, na hahabul habulin niya kapag nawala sa kanya.’ sabi ni Xoe sa sarili.Tila ba may kung anong tumusok sa tiyan ni Xoe nang bigla siyang nakaramdam ng matinding pananakit sa kanyang puson. Muling may tumulong pulang likido sa pagitan ng hita ni XOe. At dahil nasa harapan niya si Jake ay kinakailangan niyang isantabi ang sakit na nararamdaman at pinilit na magkunwaring walang nangyayari sa kanyang hindi maganda. Malalaking butil na ang mga pawis na n

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 1

    “Dok! Dok! DoktoraMadrigal!” Hingal na tawag ng isang nars na hinahanap si Doktora Xoe Madrigal, isang gynecologist at obstetrician.Balisa ito at nagmamadling inisa-isang buksan ang bawat kurtinang nakasarado upang mahanap ang doktor. Dumating naman si Xoe na may hawak pa itong inumin na tila katatapos lamang magtanghalian.“Doktora, may naghahanap po sa inyo.” Anunsyo ng isang nurse na nakadestino sa kwartong pang-emerdyensiya.Maya maya pa ay napansin niya ang pagtunog ng isang maliit na kahon na nagpapatawag sa bawat empleyadong kinakailangan sa isang luga, hudyat na kinakailangan siya sa kwartong iyon at may kailangang bigyan agad ng atensyong medikal. Binaba niya ang hawak na inumin sa kanyang lamesa sa kanyang opisina bago pinatay ang tunog ng kanyang pager.“Dok!” hingal na tawag ng nars na kanina pa naghahanap sa kanya.“Oh, bakit? Hanap mo ba ako?” kalmado nitong tanong.“Kailangan ka po sa ER. Hinahanap ka ni Mr. Aragon,” anunsyo ng nars.Tila nanlambot naman ang mga tuhod

    Huling Na-update : 2025-01-24

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 2

    Nanlalaki ang mga mata ni Xoe sa sinabi ng kasama. Agad niyang tiningnan si Kendra na ngayo’y walang malay.“Paanong..” pabulong nitong tanong.“Dok… Araw araw tayong magkasama. Nakita ko ang mismo ang resulta ng eksaminasyon mo doon, aksidente lang naman. Hehe. Pasensya na,” Hilaw itong ngumiti sa doktora.“Wala na sanang ibang nakakaalam.” pakiusap ni Xoe. “Kahit asawa ko hindi niya alam.” dagdag ni Xoe.“Bakit po pala ayaw niyong ipaalam?”‘Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong dahilan.’ sabi ni Xoe sa isip.“Ah-eh kasi… kulang tayo sa doktor at sa panahon ngayon, maraming nangangailangan ng serbisyo ko. At kung malaman ito ng higher ups… Baka ipagforce maternity leave nila ako.” Paliwanag ni Xoe. “Pero dok… Sigurado ka bang kaya mo talaga?” Tumango si Xoe sa tanong ng nars. “Alam ko ang kapasidad ng katawan ko. At bilang ObGyne alam ko kung hanggang saan lang ako dapat. Nakapagpahinga naman ako kanina kaya okay lang.” Pagsisigurado nito.“Pero tatawagin ko pa rin po si Doktora Ma

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 1

    “Dok! Dok! DoktoraMadrigal!” Hingal na tawag ng isang nars na hinahanap si Doktora Xoe Madrigal, isang gynecologist at obstetrician.Balisa ito at nagmamadling inisa-isang buksan ang bawat kurtinang nakasarado upang mahanap ang doktor. Dumating naman si Xoe na may hawak pa itong inumin na tila katatapos lamang magtanghalian.“Doktora, may naghahanap po sa inyo.” Anunsyo ng isang nurse na nakadestino sa kwartong pang-emerdyensiya.Maya maya pa ay napansin niya ang pagtunog ng isang maliit na kahon na nagpapatawag sa bawat empleyadong kinakailangan sa isang luga, hudyat na kinakailangan siya sa kwartong iyon at may kailangang bigyan agad ng atensyong medikal. Binaba niya ang hawak na inumin sa kanyang lamesa sa kanyang opisina bago pinatay ang tunog ng kanyang pager.“Dok!” hingal na tawag ng nars na kanina pa naghahanap sa kanya.“Oh, bakit? Hanap mo ba ako?” kalmado nitong tanong.“Kailangan ka po sa ER. Hinahanap ka ni Mr. Aragon,” anunsyo ng nars.Tila nanlambot naman ang mga tuhod

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status