Riri Navarre is a beautiful woman. Johnny Winter knew that. But she is a brat too. A beautiful, willful, stubborn brat! Kaya kahit na ano pang sabihin at gawin ng mga magulang niya, hindi niya magugustuhan si Riri. Hindi ito ang tipo ng babae na gusto niyang makasama habangbuhay. Mahinhin, mahiyain, mabait at hindi pilya ang babaeng gusto niya. At lahat ng mga katangiang iyon ay natagpuan niya kay Karla. But life got in the way. Or perhaps, it was his heart? He wasn’t sure. Ang tanging nasisisguro lang niya ay nakatakda na siyang ikasal sa babaeng hindi niya inakala ni minsan na magiging asawa niya. Maaari kaya siyang maging runaway groom? Johnny Winter is Riri’s ideal man. Riri wanted him for years. And what Riri wants, Riri gets. Pero paano kung kabaligtaran niya ang tipo ng babae na magugustuhan ni Johnny? Kung gayahin kaya niya angginawa ng kanyang ina para mapaibig ang kanyang ama noon? Baguhin ang lahat sa sarili niya? No! She can’t do that. Magrerebelde ang katawang-lupa niya. She needed Lola Dorinda’s help. Pero shookt siya sa payo ng great-grandmother niya. Dahil ang payo nito, pikutin niya si Johnny tulad raw ng sinubukan nitong gawin sa great-grandfather ni Johnny noon.
Voir plus“I’ll make you happy. I promise. Just marry me, Joleen.” Hindi pa man lubos na nakakaupo si Joleen sa silyang hinila ni Jake para sa kanya nang dumating siya sa mesang ini-reserve nito para sa kanila ay ginulantang na siya nito sa seryosong pahayag na iyon. Kasabay ng pagsambit nito sa mga salitang iyon ay ang pagpapakita nito ng diamond ring na tangan nito sa kanang kamay at pag-aabot ng isang pumpon ng white chocolate tulips sa kaliwang kamay. Napabilis tuloy ang pag-upo niya dahil sa gulat. “Excuse me?!” gitlang bulalas niya nang salubungin ang tingin nito. “I said, marry me.” “No. Absolutely not! At kung iyan
Salubong ang mga kilay na humalukipkip si Joleen habang nakaupo sa sofa sa loob ng living room niya. Sa tabi niya ay nakaupo si Jake at isa-isang inilalabas ang mga laman ng paper bag na dala nito.“How about this movie? The Parent Trap? Maganda daw ito.Ito na lang ang panoorin natin,” suhestyon nito habang itinataas ang DVD na hawak nito.Iyon ang ikalawang linggo ng araw-araw na pagbisita nito sa bahay niya. At tulad ng mga nakaraang araw ay may bitbit na naman itong kung anu-anong pagkain, maternity clothes, vitamins at pregnancy books. Aakalin mong siya ang kauna-unahang babaeng nabuntis sa buong kasaysayan ng mundo kung kumilos ito. Naka-speed dial pa sa cellphone nito ang ob-gyne niya.Anumang iwas niya dito, walang saysay. Tila lahat ng nalalaman nito ukol sa mahigpit na pagbabantay sa loob ng basketball cou
Pakiramdam ni Joleen ay isa siyang astronaut habang naglalakad siya palabas ng private clinic ng kaibigan niyang ob-gyne na si Maricel. Mistula kasing lumulutang siya sa bawat paghakbang niya. Hati sa pagitan ng tuwa at pangamba ang damdamin niya. Kumpirmadong buntis nga siya.Magiging mommy na siya. Hindi na niya kailangan pa ng artipisyal na paraan para magka-anak na siyang naunang planong tumatakbo sa isip niya. Subalit kasunod ng kagalakan niya ay ang pangamba. Hindi sa kung paano niya bubuhayin ang anak niya. Wala siyang problema sa bagay na iyon.Kung hindi sa magiging reaksyon ni Jake sa sandaling malaman nito ang kalagayan niya. Ang magig
Nananakit ang ulo ni Joleen nang magmulat ng mga mata. Pakiwari niya ay may mga bandang tumutugtog ng maingay na rock song sa loob ng mga tainga niya. Umuungol na babangon na sana siya nang bigla siyang manigas sa labis na pagkagulat at panghihilakbot nang tumagos sa isipan niyang wala siya sa loob ng sariling kwarto niya.At higit sa lahat, wala din siya ni katiting na saplot sa katawan. She could also feel the soreness between her thighs. Patunay na lahat ng inakala niyang panaginip lang habang naggaganap kagabi ay tunay ngang nangyari at hindi parte ng halos gabi-gabi niyang pagpapantasya sa binata!Nag-iinit ang mga pisnging ib
Walang ideya si Joleen kung paanong mula sa engagement party nina Rowan at Deth ay napunta siya sa loob ng marangyang silid na kinaroroonan niyangayon. Wala rin siyang ideya kung bakit siya naroon. Maaalarma na sana siya lalo na nang maramdaman niya ang matitigas na braso ng lalaking buhat-buhat siya. Kung hindi lang niya nakita na si Jake ang may karga sa kanya.“I am nothing like Teree! Or Pauline or Danieca!” biglang anunsyo niya. Bigla kasi niyang naisip na baka nabibigatan ito sa pagkarga sa kanya kaya tila bahagyang nakangiwi ito.“Well, you certainly don’t look like your
“Wala namang misteryo sa pag-iwas ko o sa iniisip mong pag-iwas ko sa iyo noon, Joleen. Truth was, hindi ko sinadya iyon. Naisip ko lang na baka mailang ka kung makikipaglapit pa ako sa iyo noon. Kung tutuusin, ikaw nga ang mas naunang umiwas at nagtago sa akin noon,” sagot ni Jake. Saglit itong sumulyap sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.“Nag-iba ka ng eskwelahang papasukan gayong akala ko magkikita pa tayo kahit paano sa La Salle. Besides, bihira na rin naman akong umuwi ng Isla Fuego noon dahil nasa Manila na ako nakabase. Kaya hindi ko masasabing sadya ang hindi natinpagkikita noon.”Marahang napatangu-tango si Joleen. Kunsabagay, may punto ito doon.“Now you answer my question. Bakit hindi mo ako gustong maging kaibigan ngayon gayong si Rowan naging matalik na kaibigan mo sa kabila ng relasyon ninyo n
Ang kasiyahan ni Joleen para kay Rowan sa nagaganap na engagement party nito ay kagyat naging pag-aalala. Sapagkat habang kino-korner siya ng nobya nitong si Deth na buong paniwala niya noon ay bagay na bagay dito, na-realize niyang mali pala siya.Dahil isang baliw na nagtatago sa likod ng maskara ng isang mabait at matalinong babae ito! At sa malas, tila pati ang bunsong kapatid na babae ni Rowan na si Rainee ay idinamay na rin nito sa kabaliwan nito. But then again, malamang si Rainee ang nanghawa kay Deth. Dahil kahit noong sila pa ni Rowan, hindi na niya nakasundo ang selosang babae na hindi boto sa kanya para sa kuya nito.Matapos niyang makipagsayaw kay Rowan ay inaba
Subalit mistulang isang bombang pinasabog sa mismong harapan niya ang naging epekto niyon sa kabuuan niya. Pakiwari niya ay isang tagong pintong kinalimutan na niyang naroon sa loob ng puso at isipan niya ang walang kahirap-hirap na binuksan ng halik nito. Pintong pinaglagakan niya ng lahat ng damdamin niya para dito.Mga damdaming itinanggi niya kahit sa sarili niya na nararamdaman pa rin niya para dito. Dahil alam niyang patuloy lang siyang masasaktan kung bubusisiin niya iyon ng paulit-ulit. Kaya naman para protektahan ang sarili niya ay mas pinili na lamang niyang itago sa lihim na pintong iyon sa kaibuturan niya.But with just one touch of his lips against hers, that door was opened.“It’s
‘’Hey, Simoun! Whose car is that I saw in Menchie’s parking space? Binilhan mo ba siya ng bagong sasakyan---‘’nabitin sa ere ang tanong na nasa labi ni Joleen nang tuluyang makapasok sa opisina ng pinsan niya. Sapagkat nakaupo sa harap ng glass-topped table sa isang panig ng opisina ni Simoun ang lalaking kakikita lang niya noong isang araw sa mansyon ng pamilya nila. May tatlo pang ibang naroon at tila ka-komperensya nito at ng pinsan niya. Subalit sadyang sa mukha lang ni Jake natuon ang titig niya. He was wearing a b
A box of old letters was found from Dorinda Aseron’s treasure chest by three of her youngest great-grandaughters who were all named after her. Riri, Doreen and Indy were looking for old photographs of their parents at the attic of Aseron Castillo when they found the old dark wood chest. Riri, the most daring of the three opened the chest. Doreen, the hopeless romantic squealed with glee when they saw a diary. But it was wise Indy who found the box of old letters. They started reading the letters and soon found out that the latest letter was sent just a few months ago. Aghast, they stared at each other. Was there
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Commentaires