Home / Romance / ASERON BRIDES / PART 1-TWO, THE BAD BOY

Share

PART 1-TWO, THE BAD BOY

Author: Dream Grace
last update Last Updated: 2021-07-02 08:35:07

                                                       NAPANGISI si Johnny nang lalong humigpit ang pagkakayakap ng mga braso ni Celeste sa baywang niya nang irebolusyon niya ang sinasakyan nilang motorsiklo.

          “Make it go faster, Johnny!” udyok ni Celeste sa binata gayong halos lumipad na nga sila sa bilis habang papalabas ng malawak at mahabang driveway papasok sa villas ng mga Winter.

          “As you wish, sweetheart,” tugon ni Johnny na lalong pinabilis ang pagpapatakbo sa bagong motorsiklo niya.

          His overprotective mom, Dita Winter, hated to let him use it but since his dad already gave the go ahead, wala na rin itong naggawa sa huli. Sa bahay nila, batas ang bawat salita ng ama niya na si David Winter.

          His new motorcycle was a Harley Davidson, one of the latest models. Kaya nga sobra ang tuwa niya nang manalo sa argumento ng mga magulang niya ang Dad niya na siyang tumulong sa kanya upang mabili ang motorsiklo. Binili iyon ng Dad niya sa kondisyong babayaran niya ito out of his allowances and salary sa pagpa-part time niya bilang service crew sa isang fast food joint sa bayan.

          His father, David Winter, is a shrewd businessman who expanded the food business he inherited from his father, John Winter. And since his father expects him to one day take over the family business, ngayon pa lang ay gusto na nitong matuto siyang magtrabaho at paghirapan ang bawat bagay na gusto niya. Bagay na hindi naman niya tinututulan dahil mula pa pagkabata, mahilig na talaga siya sa challenges. And the harder it is to acquire something, the more he thrives and strives for it.

          And with his latest acquisition, no doubt the guys at school would drool with envy. It sure will be a chick magnet too, though hindi rin naman na niya kailangan ito para maka-attract ng girls. Ayon na rin sa Mom niya, his face and irresistible charm na namana niya sa mga Winter, are more than enough to ensure he always has a different girl on his arm every other week.

          “Ririii!!!”    

          Mas naunang narinig ni Johnny ang hintakot na hiyaw ng kaibigan ng ina niya na si Aunt Shebbah mula sa kabilang bahagi ng kalsada bago niya nakita ang dalagitang tumatakbo diretso pasalubong sa kanila ni Celeste. Marahas niyang kinabig pakanan ang handle bars, dahilan para sumadsad sila sa malaking fountain sa gitna ng bakuran.

          “Riri!!!” hiyaw niyang bago pa huminto ang motorsiklo ay nakatalon at patakbo na sa bumagsak na dalagita.

          Ni hindi sumagi sa isip niyang tingnan kung ayos lang ang lagay ni Celeste sa pagkaka-semplang nila. Ang tanging gumigiit sa buo niyang katawan ay ang kondisyon ni Riri. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama rito.

          Mas nauna siyang makalapit kay Riri kaysa sa mga magulang nito na humahangos rin papalapit rito. Buong ingat at halos hindi humihinga sa takot na itinihaya niya ito.

           “Riri?! Sweetheart, open your eyes for me. C’mon, sweetheart,” nanginginig ang tinig na pakiusap niya rito.

          Kinapa niya ang likod ng ulo nito para lang mapatda nang may makapa siyang basa. Nang iangat niya ang kamay mula sa ulo nito, namumula ang kamay niya. It was blood, her blood.

          “Riri!? C’mon, honey, Daddy is here,” nanginginig rin ang tinig ng ama ni Riri na si Uncle Ravin nang tumalungko ito sa harap niya.

          Marahang kinuha nito mula sa mga bisig niya si Riri bago marahas na nilingon ang asawa nito at inutusang kunin ang kotse ng mga ito na nakaparada sa ‘di kalayuan. Hula ni Johnny, gustong iwasan ni Uncle Ravin na galawin nang higit pa sa kinakailangan si Riri dahil hindi nila alam kung gaano pa katindi ang injuries nito. At kung bubuhatin ni Uncle Ravin si Riri hanggang sa kinapaparadahan ng kotse ng mga ito, baka mas lalong masaktan at lumala ang injuries ng bata. They couldn’t afford to wait for the ambulance either.

          Tila itinulos naman sa pagkakatayo at nakatitig lang sa namumutla’t walang malay na anak nito si Aunt Shebbah. Waring hindi nito narinig si Uncle Ravin kaya siya na ang tumakbo patungo sa kotse. Natataranta na ini-start niya ang sasakyan at inihinto iyon sa mismong tapat nina Uncle Ravin, Aunt Shebbah at Riri. Bahagya na lang tumagos sa isip niya ang galit na galit na pagtutungayaw sa kanya ni Celeste habang nakapameywang ito sa tabi ng nakatumbang motorsiklo niya.

          “Riri! Riri!” paulit-ulit na sambit ni Aunt Shebbah habang hinihimas-himas ang paa ni Riri na para bang tinitiyak sa sariling buhay pa ang anak.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

                                                    “SHE’S safe now, Johnny,” marahang tapik ni Ravin sa balikat ng nakayukong anak ng kaibigan ni Shebbah nang lapitan niya ito sa bench sa waiting room ng hospital na pinagdalhan nila kay Riri.

          Ilang beses munang napakurap si Johnny na para bang kagigising lang mula sa isang napakasamang bangungot. Namumula rin ang gilid ng mga mata nito. The boy was tall for his age but at that moment, he did not look like he was even eighteen. Johnny almost looked like he was just fourteen, the same age of his youngest daughter Riri.

          “I didn’t---”

          “I know. No one’s blaming you. It was an accident,” putol niya sa tangkang pagpapaliwanag nito.

          “I’m such an idiot! I’d never forgive myself if Riri was hurt because of me!”

          “She wasn’t hurt. I mean, not much. But one thing’s for sure, she won’t forgive you if you don’t see her now. She’s looking for you,” sabi niya na bahagyang natawa pagkaalala sa unang sinabi ni Riri nang magmulat ng mata at hindi makitang kasama nila si Johnny.

          “Where’s Johnny?! I want to see him! How dare he see that Celeste  again?!” she demanded with all the haughty anger of a betrayed girlfriend. Ni hindi nga yata nito napansing lahat silang nakapalibot sa hospital bed nito ay nag-aalala sa lagay nito. As it was, she didn’t suffer much except for a light concussion caused by hitting her head on the pavement nang mahagip ng likurang gulong ng motorsiklo ni Johnny. Parts of him were relieved. Kung kaya na nitong magalit nang ganoon, maayos na talaga ang lagay nito. But parts of him were a bit pissed off too.

          Dahil naroon sila ni Shebbah at labis na nag-aalala sa posibleng epekto kay Riri ng pagkakabagok ng ulo nito pero ang mas una pa rin nitong hinanap ay si Johnny. He was terrified he was going to lose his child but when that child woke up, all he wanted was for her to go back to sleep again.

          She didn’t look like she just came from an accident. A few minutes after she opened her eyes, she was back to throwing a major tantrum dahil sa muling pagbanggit ni Shebbah sa balak nila na pag-migrate sa States. They were planning to migrate to the States dahil doon magko-kolehiyo ang panganay nila na si Shaniah. And his father’s instincts just won’t let his eldest daughter live in a whole new other country without his wife and him around to help her whenever she needs them.

          “I’ll go see her now,” biglang nabuhayang tayo ni Johnny, iglap at naglaho ang panlulumo at paninisi nito sa sarili pagkarinig sa paghahanap ni Riri rito.

Related chapters

  • ASERON BRIDES   PART 1-THREE, HERE, BABY

    “HELLO, brat,” nakangiting isinungaw ni Johnny ang ulo sa pinto ng hospital room ni Riri kung saan ay mananatili pa ito hanggang bukas. Ayon sa doktor ay pupuwede na naman daw itong ilabas ngayong araw ding ito at kung magkakaroon ulit ng concussion ay saka na lamang ibalik sa ospital which the doctor very much doubted base sa mga obserbasyong ginawa nito. Subalit ayaw maniwala ni Aunt Shebbah, mas gusto nitong doon muna tumigil si Riri sa ospital for as long as matiyak na nito sa sariling ayos ang anak.&n

    Last Updated : 2021-07-02
  • ASERON BRIDES   PART 1-FOUR, HER SILLY HEART

    NO one has ever accused Riri of being stupid kaya pagtakbo niya pababa galing sa kwarto ni Johnny, dumiretso agad siya sa pool area kung saan nagbabasa ng magazine si Ninang Dita habang nakaupo sa lounging chairs doon. Johnny wouldn’t dare touch her with his mother around. Naupo siya sa katabing silya ni Ninang Dita but immediately decided na masyadong obvious kung doon siya pupwesto kaya umalis siya doon at naupo sa gilid ng pentagon-shaped pool. “What was it this time, Riri, my girl?”

    Last Updated : 2021-07-02
  • ASERON BRIDES   PART 1-FIVE, HIS REAL GIRL

    “HELLO, Johnny!” Ginulat si Johnny ng masiglang tinig ni Riri mula sa likuran niya habang kinukumpuni niya ang lumang bike niya. Nasa dating garahe siya nila na ipinasara na ng ama niya at ginawa na lang bodega dahil sa paniniwalang hindi siya makikita ng makulit na bubwit na ito doon pero bigo pa rin pala siyang mataguan ito. “Paano mo nalaman na nandito ako?” “Sinabi ni Ninang Dita syempre.”&n

    Last Updated : 2021-07-02
  • ASERON BRIDES   PART 1-SIX, HE SEEMED PLEASED

    PALIHIM na pinagmamasdan ni Riri si Johnny habang papasok sila sa sinehan. He seemed pleased kaninang makita muli si Karla. At nabuhay na naman ang panibugho niya sa dalagang alam niyang unang naging crush ng binata. She was playing in Johnny’s room noon nang makita niya sa ilalim ng pillows nito ang picture ni Karla. He was eleven or twelve maybe at nang tanungin niya ito kung bakit may picture ito ni Karla ay saka nito sinabing crush daw nito si Karla. By that time ay hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng crush kaya’t kinulit niya itong ipaliwanag sa kanya.&n

    Last Updated : 2021-08-12
  • ASERON BRIDES   PART 1-SEVEN, UNFAIR

    “YOU know what?!” tulad ng inaasahan ni Johnny, hindi na napigilan ni Riri na basagin ang katahimikang namamayani sa backseat habang pauwi na sila galing sa shop ng Tita Teree nito. Sa halip na sumagot ay ihinilig lang niya ang ulo sa sandalan at pumikit. Nababakas sa tinig nito ang pagkairita dahil mula pa kanina sa shop ng sikat na designer ay puros monosyllables ang itinugon niya sa bawat tanong nito. He didn’t even show a flicker of interest when she asked his opinions about her gown.&

    Last Updated : 2021-08-12
  • ASERON BRIDES   PART 1-EIGHT, UNTIL WHEN?

    “GOOD morning, Ma’am Riri!” masiglang bati kay Riri ng guard sa building ng main office ng WinFoods Food Manufacturing Company na pag-aari ng pamilya ni Johnny. Ilang beses na siyang nakapunta rito noon. Kaya kilala siya ng halos lahat ng mga empleyado doon magmula sa janitor hanggang sa mga iba’t ibang general managers. And everytime she goes there ay hindi pupuwedeng hindi niya babatiin ang lahat ng naging kaibigan at kakilala doon. Sabi nga ni Ninong David, daig niya pa ang popularity nito sa loob ng kompanya nito dahil dulo pa lang ng anino niya’y kilala na

    Last Updated : 2021-08-12
  • ASERON BRIDES   PART 1-NINE, HER

    Nakikita ni Riri mula sa sulok ng mga mata niya ang pagsenyas sa kanya ni Johnny pero pinili niyang ignorahin ito. “Let’s go the conference room, Karla.” “That’s good! We can eat this cake there too. I mean after your interview of course,” tango niya na tumayo at sumunod rin sa dalawa. Dinig niya ang kaakibat na exasperation sa pagbuntung-hininga ni Johnny pero hindi na siya nito kinontra. Pormal ang tinig nito as he started to interview Karla while Riri kept herself busy by scrolling throug

    Last Updated : 2021-08-12
  • ASERON BRIDES   PART 1-TEN, GUESS WHO?

    “GUESS who?!” tanong ni Riri kasabay ng pagtatakip ng mga kamay sa mga mata ni Johnny. Nakadungaw sa pasimano ng balcony sa loob ng silid nito ang binata habang naninigarilyo. Pero nang maramdaman nito ang pagpasok niya sa silid ay dali-dali nitong pinatay ang sigarilyo. “Thanos?! Maleficent?! Plankton?!” “Kainis ka naman! Puros kontrabida yun eh!” simangot niya. Natatawang inakbayan siya nito. “What brings you here, sweetheart?” “Yayayain sana kitang mag-picnic.” “Wow! Niyayaya mo na ako ngayon? Dati basta mo na lang ako, inuutusan ah,” kunway gulat na anito.&nbs

    Last Updated : 2021-08-23

Latest chapter

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-SIX, MARRY ME

    “I’ll make you happy. I promise. Just marry me, Joleen.” Hindi pa man lubos na nakakaupo si Joleen sa silyang hinila ni Jake para sa kanya nang dumating siya sa mesang ini-reserve nito para sa kanila ay ginulantang na siya nito sa seryosong pahayag na iyon. Kasabay ng pagsambit nito sa mga salitang iyon ay ang pagpapakita nito ng diamond ring na tangan nito sa kanang kamay at pag-aabot ng isang pumpon ng white chocolate tulips sa kaliwang kamay. Napabilis tuloy ang pag-upo niya dahil sa gulat. “Excuse me?!” gitlang bulalas niya nang salubungin ang tingin nito. “I said, marry me.” “No. Absolutely not! At kung iyan

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-FIVE, FOR THE BABY

    Salubong ang mga kilay na humalukipkip si Joleen habang nakaupo sa sofa sa loob ng living room niya. Sa tabi niya ay nakaupo si Jake at isa-isang inilalabas ang mga laman ng paper bag na dala nito.“How about this movie? The Parent Trap? Maganda daw ito.Ito na lang ang panoorin natin,” suhestyon nito habang itinataas ang DVD na hawak nito.Iyon ang ikalawang linggo ng araw-araw na pagbisita nito sa bahay niya. At tulad ng mga nakaraang araw ay may bitbit na naman itong kung anu-anong pagkain, maternity clothes, vitamins at pregnancy books. Aakalin mong siya ang kauna-unahang babaeng nabuntis sa buong kasaysayan ng mundo kung kumilos ito. Naka-speed dial pa sa cellphone nito ang ob-gyne niya.Anumang iwas niya dito, walang saysay. Tila lahat ng nalalaman nito ukol sa mahigpit na pagbabantay sa loob ng basketball cou

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-FOUR, WHAT NOW?

    Pakiramdam ni Joleen ay isa siyang astronaut habang naglalakad siya palabas ng private clinic ng kaibigan niyang ob-gyne na si Maricel. Mistula kasing lumulutang siya sa bawat paghakbang niya. Hati sa pagitan ng tuwa at pangamba ang damdamin niya. Kumpirmadong buntis nga siya.Magiging mommy na siya. Hindi na niya kailangan pa ng artipisyal na paraan para magka-anak na siyang naunang planong tumatakbo sa isip niya. Subalit kasunod ng kagalakan niya ay ang pangamba. Hindi sa kung paano niya bubuhayin ang anak niya. Wala siyang problema sa bagay na iyon.Kung hindi sa magiging reaksyon ni Jake sa sandaling malaman nito ang kalagayan niya. Ang magig

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-THREE, MORNING AFTER

    Nananakit ang ulo ni Joleen nang magmulat ng mga mata. Pakiwari niya ay may mga bandang tumutugtog ng maingay na rock song sa loob ng mga tainga niya. Umuungol na babangon na sana siya nang bigla siyang manigas sa labis na pagkagulat at panghihilakbot nang tumagos sa isipan niyang wala siya sa loob ng sariling kwarto niya.At higit sa lahat, wala din siya ni katiting na saplot sa katawan. She could also feel the soreness between her thighs. Patunay na lahat ng inakala niyang panaginip lang habang naggaganap kagabi ay tunay ngang nangyari at hindi parte ng halos gabi-gabi niyang pagpapantasya sa binata!Nag-iinit ang mga pisnging ib

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-TWO, KISS

    Walang ideya si Joleen kung paanong mula sa engagement party nina Rowan at Deth ay napunta siya sa loob ng marangyang silid na kinaroroonan niyangayon. Wala rin siyang ideya kung bakit siya naroon. Maaalarma na sana siya lalo na nang maramdaman niya ang matitigas na braso ng lalaking buhat-buhat siya. Kung hindi lang niya nakita na si Jake ang may karga sa kanya.“I am nothing like Teree! Or Pauline or Danieca!” biglang anunsyo niya. Bigla kasi niyang naisip na baka nabibigatan ito sa pagkarga sa kanya kaya tila bahagyang nakangiwi ito.“Well, you certainly don’t look like your

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-ONE, THE TRUTH

    “Wala namang misteryo sa pag-iwas ko o sa iniisip mong pag-iwas ko sa iyo noon, Joleen. Truth was, hindi ko sinadya iyon. Naisip ko lang na baka mailang ka kung makikipaglapit pa ako sa iyo noon. Kung tutuusin, ikaw nga ang mas naunang umiwas at nagtago sa akin noon,” sagot ni Jake. Saglit itong sumulyap sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.“Nag-iba ka ng eskwelahang papasukan gayong akala ko magkikita pa tayo kahit paano sa La Salle. Besides, bihira na rin naman akong umuwi ng Isla Fuego noon dahil nasa Manila na ako nakabase. Kaya hindi ko masasabing sadya ang hindi natinpagkikita noon.”Marahang napatangu-tango si Joleen. Kunsabagay, may punto ito doon.“Now you answer my question. Bakit hindi mo ako gustong maging kaibigan ngayon gayong si Rowan naging matalik na kaibigan mo sa kabila ng relasyon ninyo n

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY, THE ENGAGEMENT

    Ang kasiyahan ni Joleen para kay Rowan sa nagaganap na engagement party nito ay kagyat naging pag-aalala. Sapagkat habang kino-korner siya ng nobya nitong si Deth na buong paniwala niya noon ay bagay na bagay dito, na-realize niyang mali pala siya.Dahil isang baliw na nagtatago sa likod ng maskara ng isang mabait at matalinong babae ito! At sa malas, tila pati ang bunsong kapatid na babae ni Rowan na si Rainee ay idinamay na rin nito sa kabaliwan nito. But then again, malamang si Rainee ang nanghawa kay Deth. Dahil kahit noong sila pa ni Rowan, hindi na niya nakasundo ang selosang babae na hindi boto sa kanya para sa kuya nito.Matapos niyang makipagsayaw kay Rowan ay inaba

  • ASERON BRIDES   PART 3-NINETEEN, YOUR LOSS, BABE

    Subalit mistulang isang bombang pinasabog sa mismong harapan niya ang naging epekto niyon sa kabuuan niya. Pakiwari niya ay isang tagong pintong kinalimutan na niyang naroon sa loob ng puso at isipan niya ang walang kahirap-hirap na binuksan ng halik nito. Pintong pinaglagakan niya ng lahat ng damdamin niya para dito.Mga damdaming itinanggi niya kahit sa sarili niya na nararamdaman pa rin niya para dito. Dahil alam niyang patuloy lang siyang masasaktan kung bubusisiin niya iyon ng paulit-ulit. Kaya naman para protektahan ang sarili niya ay mas pinili na lamang niyang itago sa lihim na pintong iyon sa kaibuturan niya.But with just one touch of his lips against hers, that door was opened.“It’s

  • ASERON BRIDES   PART 3-EIGHTEEN, JOLEEN AND JAKE TOGETHER AGAIN

    ‘’Hey, Simoun! Whose car is that I saw in Menchie’s parking space? Binilhan mo ba siya ng bagong sasakyan---‘’nabitin sa ere ang tanong na nasa labi ni Joleen nang tuluyang makapasok sa opisina ng pinsan niya. Sapagkat nakaupo sa harap ng glass-topped table sa isang panig ng opisina ni Simoun ang lalaking kakikita lang niya noong isang araw sa mansyon ng pamilya nila. May tatlo pang ibang naroon at tila ka-komperensya nito at ng pinsan niya. Subalit sadyang sa mukha lang ni Jake natuon ang titig niya. He was wearing a b

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status