Nakikita ni Riri mula sa sulok ng mga mata niya ang pagsenyas sa kanya ni Johnny pero pinili niyang ignorahin ito.
“Let’s go the conference room, Karla.”
“That’s good! We can eat this cake there too. I mean after your interview of course,” tango niya na tumayo at sumunod rin sa dalawa.
Dinig niya ang kaakibat na exasperation sa pagbuntung-hininga ni Johnny pero hindi na siya nito kinontra. Pormal ang tinig nito as he started to interview Karla while Riri kept herself busy by scrolling throug
“GUESS who?!” tanong ni Riri kasabay ng pagtatakip ng mga kamay sa mga mata ni Johnny. Nakadungaw sa pasimano ng balcony sa loob ng silid nito ang binata habang naninigarilyo. Pero nang maramdaman nito ang pagpasok niya sa silid ay dali-dali nitong pinatay ang sigarilyo. “Thanos?! Maleficent?! Plankton?!” “Kainis ka naman! Puros kontrabida yun eh!” simangot niya. Natatawang inakbayan siya nito. “What brings you here, sweetheart?” “Yayayain sana kitang mag-picnic.” “Wow! Niyayaya mo na ako ngayon? Dati basta mo na lang ako, inuutusan ah,” kunway gulat na anito.&nbs
NASA gitna ng meeting si Johnny when his phone rang. Kunot-noong nag-excuse siya sa mga kausap at nagtungo sa gawing pinto as he answered the phone. It was a meeting that his mom was supposed to attend but she sent him instead. Mas dinadagdagan na nito ang mga duties at responsibilities niya. Hindi kaila sa kanya na matagal na nitong gustong mag-retire at maging house wife ulit tulad noong bata pa siya. At gusto nito na sa kanya ipasa ang mga responsibilidad nito sa kompanya nila. But it won’t be for a long time yet. Hindi pa siya handa. Marami pa siyang kailangan matutunan. 
THERE were a lot of admiring reactions from the guests when Riri finally appeared dressed in her Princess Rapunzel style pink gown. Napakaganda ng dalaga na para bang nagmula ito mismo sa mga pahina ng isang fairy-tale book, isang prinsesang nabigyang buhay ngunit kung pakatititigan lamang ito, makikitang ang ngiting nakapaskil sa mga labi nto ay pilit at peke. Her father escorted her down the grand staircase of the hotel kung saan ginanap ang kanyang debut. Most of her Aseron, Navarre and Larkin relatives were there. Naroon din ang karamihan sa mga kaibigan at kaklase nito. At lahat ay masa
Halu-halo ang gulat, pagtataka at pag-aalalang tinanong niya ito kung ayos na ba ang lagay ni Karla and what made her decide to commit suicide in the first place. Parang hindi siya makapaniwalang magagawa ni Karla na bawiin ang sariling buhay. Wala sa personality’ng ipinapakita nito sa kanya iyon. “Ligtas na daw siya pero masyado pa siyang emosyonal ngayon at halos magwala nga siya kaninang iwan ko siya para pumunta dito. She needs me, sweetheart. And I’m so sorry but I have to go back to her. You do understand, don’t you?” tila nakikiusap na anito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tumingin sa direksyon ng mga nagsasayaw. She wanted to be with Johnny for the whole night pero hindi pala maaari. Babalik ito kay Karla na siya palang dahilan kung bakit muntik nang hindi magpakita si Johnny nang gabing iyon. Ngunit alam niyang wala
“You mean narinig mong balak din niyang patayin si Johnny?!” horrified na ulit niya. “Tange! Sabi ko kung, kung lang. At kung magdilang-anghel nga ako, hindi na ako magugulat dahil parang walang hindi gagawin ang babaeng iyon masilo lang si Johnnyy Boy. Hanep! May tao palang talaga na tulad niya! Nagtangka kunwari na magpakamatay para lang makabingwit ng lalaking mayaman!” naiiling na wika ni Syn na ‘di niya alam kung nasindak ba o na-amazed pa sa natuklasan. “I have to tell Johnny! Let’s go!” pasya niya bago tinakbo ang distansya ng elevator. Pagdating sa parking lot na pinagparadahan nila ng motorsiklo ni Syn ay nagmamadaling inutusan niya itong ihatid siya sa opisina ng WinFoods. Subalit pagdating nila sa main office ay nasa factory daw sa Bata
“Wala kang pakialam anuman ang gawin ko. Ang hindi ko mapapayagan ay ang lokohin mo siya at gamitin dahil lang gusto mo ang pera niya at hindi dahil mahal mo siya!” galit na aniya. “At sa tingin mo’y paniniwalaan ka niya ha? Ang dali-dali para sa aking i-deny iyon at malakas ang paniwala kong ako ang paniniwalaan niya imbes na ikaw dahil sanay na siya sa mga kalokohang pinaggagagawa mo para lang mapasaiyo siya!” “Pipilitin ko siyang paniwalaan ako. At kahit pa ano ang gawin mo, hindi mo siya magagamit para lang matupad ang ambisyon mo! He may think you’re the helpless little female na pilit mong ipinapakita sa kanya pero hindi siya bobo para hindi agad matuklasan ang totoo!” Humalakhak na hinablot nito ang braso niya at inilapit ang mukha sa mukha niya.
“EH, SORRY ho, Sir Johnny, pero wala po kasi si Ma’am Riri dito,” halatang nagsisinungaling na dahilan ng katulong nina Riri nang pumunta sa bahay ng dalaga si Johnny. Hindi na niya matandaan kung pang-ilang beses niyang narinig iyon mula sa lahat ng kasama sa bahay ng dalaga sa tuwing pumupunta siya doon. Bagay na nitong nakalipas na isang buong linggo ay araw-araw niyang ginagawa mula pa nang maganap ang paghagis niya kay Riri sa pool nila noong isang linggo. Kahit sina Aunt Shebbah o si Uncle Ravin ay hindi din mapilit si Riri na pakiharapan siya o sagutin ang mga tawag niya.
RIRI opened her eyes pagkarinig niya sa paglabas ni Johnny. She heard what he said and it broke her already broken heart again. Nagtataka siya kung paano iyon posible. Kung paano posibleng masaktan pa ulit nito ang puso niya gayong sa loob ng isang linggo ay nabuo na niya sa isip niyang kalilimutan ang kahibangan dito. Maybe he is right, na isang araw, magigising na lang siya at matutuklasan niyang hindi pala talaga niya ito mahal. Na maaaring nadala lang siya ng mga pagpapares sa kanila ng mga magulang nila at ng pangarap ng mga itong tuluyan nang p
“I’ll make you happy. I promise. Just marry me, Joleen.” Hindi pa man lubos na nakakaupo si Joleen sa silyang hinila ni Jake para sa kanya nang dumating siya sa mesang ini-reserve nito para sa kanila ay ginulantang na siya nito sa seryosong pahayag na iyon. Kasabay ng pagsambit nito sa mga salitang iyon ay ang pagpapakita nito ng diamond ring na tangan nito sa kanang kamay at pag-aabot ng isang pumpon ng white chocolate tulips sa kaliwang kamay. Napabilis tuloy ang pag-upo niya dahil sa gulat. “Excuse me?!” gitlang bulalas niya nang salubungin ang tingin nito. “I said, marry me.” “No. Absolutely not! At kung iyan
Salubong ang mga kilay na humalukipkip si Joleen habang nakaupo sa sofa sa loob ng living room niya. Sa tabi niya ay nakaupo si Jake at isa-isang inilalabas ang mga laman ng paper bag na dala nito.“How about this movie? The Parent Trap? Maganda daw ito.Ito na lang ang panoorin natin,” suhestyon nito habang itinataas ang DVD na hawak nito.Iyon ang ikalawang linggo ng araw-araw na pagbisita nito sa bahay niya. At tulad ng mga nakaraang araw ay may bitbit na naman itong kung anu-anong pagkain, maternity clothes, vitamins at pregnancy books. Aakalin mong siya ang kauna-unahang babaeng nabuntis sa buong kasaysayan ng mundo kung kumilos ito. Naka-speed dial pa sa cellphone nito ang ob-gyne niya.Anumang iwas niya dito, walang saysay. Tila lahat ng nalalaman nito ukol sa mahigpit na pagbabantay sa loob ng basketball cou
Pakiramdam ni Joleen ay isa siyang astronaut habang naglalakad siya palabas ng private clinic ng kaibigan niyang ob-gyne na si Maricel. Mistula kasing lumulutang siya sa bawat paghakbang niya. Hati sa pagitan ng tuwa at pangamba ang damdamin niya. Kumpirmadong buntis nga siya.Magiging mommy na siya. Hindi na niya kailangan pa ng artipisyal na paraan para magka-anak na siyang naunang planong tumatakbo sa isip niya. Subalit kasunod ng kagalakan niya ay ang pangamba. Hindi sa kung paano niya bubuhayin ang anak niya. Wala siyang problema sa bagay na iyon.Kung hindi sa magiging reaksyon ni Jake sa sandaling malaman nito ang kalagayan niya. Ang magig
Nananakit ang ulo ni Joleen nang magmulat ng mga mata. Pakiwari niya ay may mga bandang tumutugtog ng maingay na rock song sa loob ng mga tainga niya. Umuungol na babangon na sana siya nang bigla siyang manigas sa labis na pagkagulat at panghihilakbot nang tumagos sa isipan niyang wala siya sa loob ng sariling kwarto niya.At higit sa lahat, wala din siya ni katiting na saplot sa katawan. She could also feel the soreness between her thighs. Patunay na lahat ng inakala niyang panaginip lang habang naggaganap kagabi ay tunay ngang nangyari at hindi parte ng halos gabi-gabi niyang pagpapantasya sa binata!Nag-iinit ang mga pisnging ib
Walang ideya si Joleen kung paanong mula sa engagement party nina Rowan at Deth ay napunta siya sa loob ng marangyang silid na kinaroroonan niyangayon. Wala rin siyang ideya kung bakit siya naroon. Maaalarma na sana siya lalo na nang maramdaman niya ang matitigas na braso ng lalaking buhat-buhat siya. Kung hindi lang niya nakita na si Jake ang may karga sa kanya.“I am nothing like Teree! Or Pauline or Danieca!” biglang anunsyo niya. Bigla kasi niyang naisip na baka nabibigatan ito sa pagkarga sa kanya kaya tila bahagyang nakangiwi ito.“Well, you certainly don’t look like your
“Wala namang misteryo sa pag-iwas ko o sa iniisip mong pag-iwas ko sa iyo noon, Joleen. Truth was, hindi ko sinadya iyon. Naisip ko lang na baka mailang ka kung makikipaglapit pa ako sa iyo noon. Kung tutuusin, ikaw nga ang mas naunang umiwas at nagtago sa akin noon,” sagot ni Jake. Saglit itong sumulyap sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.“Nag-iba ka ng eskwelahang papasukan gayong akala ko magkikita pa tayo kahit paano sa La Salle. Besides, bihira na rin naman akong umuwi ng Isla Fuego noon dahil nasa Manila na ako nakabase. Kaya hindi ko masasabing sadya ang hindi natinpagkikita noon.”Marahang napatangu-tango si Joleen. Kunsabagay, may punto ito doon.“Now you answer my question. Bakit hindi mo ako gustong maging kaibigan ngayon gayong si Rowan naging matalik na kaibigan mo sa kabila ng relasyon ninyo n
Ang kasiyahan ni Joleen para kay Rowan sa nagaganap na engagement party nito ay kagyat naging pag-aalala. Sapagkat habang kino-korner siya ng nobya nitong si Deth na buong paniwala niya noon ay bagay na bagay dito, na-realize niyang mali pala siya.Dahil isang baliw na nagtatago sa likod ng maskara ng isang mabait at matalinong babae ito! At sa malas, tila pati ang bunsong kapatid na babae ni Rowan na si Rainee ay idinamay na rin nito sa kabaliwan nito. But then again, malamang si Rainee ang nanghawa kay Deth. Dahil kahit noong sila pa ni Rowan, hindi na niya nakasundo ang selosang babae na hindi boto sa kanya para sa kuya nito.Matapos niyang makipagsayaw kay Rowan ay inaba
Subalit mistulang isang bombang pinasabog sa mismong harapan niya ang naging epekto niyon sa kabuuan niya. Pakiwari niya ay isang tagong pintong kinalimutan na niyang naroon sa loob ng puso at isipan niya ang walang kahirap-hirap na binuksan ng halik nito. Pintong pinaglagakan niya ng lahat ng damdamin niya para dito.Mga damdaming itinanggi niya kahit sa sarili niya na nararamdaman pa rin niya para dito. Dahil alam niyang patuloy lang siyang masasaktan kung bubusisiin niya iyon ng paulit-ulit. Kaya naman para protektahan ang sarili niya ay mas pinili na lamang niyang itago sa lihim na pintong iyon sa kaibuturan niya.But with just one touch of his lips against hers, that door was opened.“It’s
‘’Hey, Simoun! Whose car is that I saw in Menchie’s parking space? Binilhan mo ba siya ng bagong sasakyan---‘’nabitin sa ere ang tanong na nasa labi ni Joleen nang tuluyang makapasok sa opisina ng pinsan niya. Sapagkat nakaupo sa harap ng glass-topped table sa isang panig ng opisina ni Simoun ang lalaking kakikita lang niya noong isang araw sa mansyon ng pamilya nila. May tatlo pang ibang naroon at tila ka-komperensya nito at ng pinsan niya. Subalit sadyang sa mukha lang ni Jake natuon ang titig niya. He was wearing a b