“EH, SORRY ho, Sir Johnny, pero wala po kasi si Ma’am Riri dito,” halatang nagsisinungaling na dahilan ng katulong nina Riri nang pumunta sa bahay ng dalaga si Johnny.
Hindi na niya matandaan kung pang-ilang beses niyang narinig iyon mula sa lahat ng kasama sa bahay ng dalaga sa tuwing pumupunta siya doon. Bagay na nitong nakalipas na isang buong linggo ay araw-araw niyang ginagawa mula pa nang maganap ang paghagis niya kay Riri sa pool nila noong isang linggo. Kahit sina Aunt Shebbah o si Uncle Ravin ay hindi din mapilit si Riri na pakiharapan siya o sagutin ang mga tawag niya.
RIRI opened her eyes pagkarinig niya sa paglabas ni Johnny. She heard what he said and it broke her already broken heart again. Nagtataka siya kung paano iyon posible. Kung paano posibleng masaktan pa ulit nito ang puso niya gayong sa loob ng isang linggo ay nabuo na niya sa isip niyang kalilimutan ang kahibangan dito. Maybe he is right, na isang araw, magigising na lang siya at matutuklasan niyang hindi pala talaga niya ito mahal. Na maaaring nadala lang siya ng mga pagpapares sa kanila ng mga magulang nila at ng pangarap ng mga itong tuluyan nang p
“Ang ibig mong sabihin ay ano, Johnny?” “I was ready to use Karla as a shield against you and your declarations of love. I was going to make her my girlfriend para tigilan mo na ako sa pangungulit mo. I was not in love with her. I liked her and I thought I would enjoy being with her. I’m just not---“ “In love with me or attracted to me or interested in ever being with me,” putol nito sa mga sasabihin pa sana niya. “Ang tigas kasi ng ulo ko eh, ‘no? Ilang beses mo na nga akong tinabla, pinahiya at tinanggihan, para akong tangang balik pa rin balik. Oh, well, may hangganan naman ang lahat eh. Malapit na ding dumating ’yung sa akin,” pilit ang pagkakaswal ng tono nito at ang pagkibit ng mga balikat making him feel as if he’s the lowest scum on this side of the earth.&nb
THE last thing Johnny remembered before he passed out ay ang nakakunot-noong anyo ni Riri habang nakatingin sa kanya. He arrived late last night from a drinking binge with his friends dahil gusto niyang lunurin sa alak ang sarili para maalis sa utak ang kaguluhang bumabagabag sa kanya simula pa noong isang linggo nang mag-usap sila ni Riri sa opisina niya. Nagtagumpay na siyang patigilin ang dalaga sa paggigiit nitong sila ang para sa isa’t isa. Truth to tell, hindi lang siya nagtagumpay doon, nagawa pa niyang paiwasin ito sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit na makita lang siya&rsquo
“I will be a hypocrite if I say that I was a virgin when I married your dad, Riri.---“ “Mom!” “Listen, Dorinda Marie!” pandidilat sa kanya ng ina. Tahimik lang na nakatayo sa may pinto ng silid niya ang ama niya. Minamasdan siya na para bang hindi siya nito kilala. At katumbas iyon ng pinong-pinong karayom na tumutusok sa puso niya. She was a daddy’s girl. And she knew that she had disappointed and hurt her dad so much because of what she had done. Sana lang ay mapatawad rin siya ng ama tulad ng piping pag-asam niya na mapatawad ni Johnny. “Pero hindi rin ako eighteen lang nang makilala ko ang dad mo. I was a full grown woman who had already experienced
“Who are you?! You’re not the Johnny I know!” akusa niyang hindi makapaniwala na ang lalaking kaharap ngayon ay ang parehong lalaking nakilala niya noon. There’s too much bitterness and hate in him that she almost can’t recognize him. “I’m still the same man, sweetheart. But you certainly made me older and bitter. Hindi ko kasi mapaniwala-ang napakagago ko para pagtiwalaan at bigyan ng mataas na importansya sa buhay ko ang isang makasarili at manlolokong tulad mo!” walang katuwaang ngisi nito. And it hurt her to hear the endearment he calls her uttered in that scornful tone when he always used it with warm affection before. Saka sila nito tinalikuran ni Syn. “He’s jealous!” manghang bulalas ni Syn nang makalayo si Johnny. Siya naman an
TWO YEARS LATER... IT’S been almost two years simula nang sumang-ayon si Riri sa suhestyon ng mga magulang at ate niya na magtungo siya sa States. Doon na niya tatapusin ang pagkokolehiyo niya. It was also the best solution na naisip niya para mas mabilis niyang maggamot at mapaghilom ang sakit na dulot ng rejection ni
RIRI blushed up to the tips of her hair nang makita ang humahangang tinging ihinagod ni Johnny sa kabuuan niya paglabas niya ng bathroom matapos niyang magpalit into a bathing suit na pinatungan niya ng sky blue na chiffon long sleeve bikini cover up. They just finished their breakfast at nagyaya itong mag-swimming sila sa dagat. Nauna na itong nagbihis, isang Hawaian printed shorts ang suot nito, baring his muscled chest to her admiring gaze. Siyempre, sa bahay ng pamilya niya sa Esther Farms sila tumuloy. Mayroong bahagi ng lupain nila ang malapit sa beach. At doon sila p
JOHNNY was on a mission—a mission to make her fall deeper into love with him. And Riri isn’t sure how to deal with this side of Johnny. He was acting like a besotted suitor who’s out to win the heart of his lady love. Araw-araw ay may pasalubong itong isang dosena ng iba’t ibang klase ng bulaklak na sinamahan pa nito ng chocolates. Nag-iiwan ito ng mga love poems sa ibabaw ng side drawer niya, sa loob ng medicine cabinet sa bathroom and even inside her closet, kahit saang sigurado nitong makikita niya agad first thing in the morning pagkagising niya.
“I’ll make you happy. I promise. Just marry me, Joleen.” Hindi pa man lubos na nakakaupo si Joleen sa silyang hinila ni Jake para sa kanya nang dumating siya sa mesang ini-reserve nito para sa kanila ay ginulantang na siya nito sa seryosong pahayag na iyon. Kasabay ng pagsambit nito sa mga salitang iyon ay ang pagpapakita nito ng diamond ring na tangan nito sa kanang kamay at pag-aabot ng isang pumpon ng white chocolate tulips sa kaliwang kamay. Napabilis tuloy ang pag-upo niya dahil sa gulat. “Excuse me?!” gitlang bulalas niya nang salubungin ang tingin nito. “I said, marry me.” “No. Absolutely not! At kung iyan
Salubong ang mga kilay na humalukipkip si Joleen habang nakaupo sa sofa sa loob ng living room niya. Sa tabi niya ay nakaupo si Jake at isa-isang inilalabas ang mga laman ng paper bag na dala nito.“How about this movie? The Parent Trap? Maganda daw ito.Ito na lang ang panoorin natin,” suhestyon nito habang itinataas ang DVD na hawak nito.Iyon ang ikalawang linggo ng araw-araw na pagbisita nito sa bahay niya. At tulad ng mga nakaraang araw ay may bitbit na naman itong kung anu-anong pagkain, maternity clothes, vitamins at pregnancy books. Aakalin mong siya ang kauna-unahang babaeng nabuntis sa buong kasaysayan ng mundo kung kumilos ito. Naka-speed dial pa sa cellphone nito ang ob-gyne niya.Anumang iwas niya dito, walang saysay. Tila lahat ng nalalaman nito ukol sa mahigpit na pagbabantay sa loob ng basketball cou
Pakiramdam ni Joleen ay isa siyang astronaut habang naglalakad siya palabas ng private clinic ng kaibigan niyang ob-gyne na si Maricel. Mistula kasing lumulutang siya sa bawat paghakbang niya. Hati sa pagitan ng tuwa at pangamba ang damdamin niya. Kumpirmadong buntis nga siya.Magiging mommy na siya. Hindi na niya kailangan pa ng artipisyal na paraan para magka-anak na siyang naunang planong tumatakbo sa isip niya. Subalit kasunod ng kagalakan niya ay ang pangamba. Hindi sa kung paano niya bubuhayin ang anak niya. Wala siyang problema sa bagay na iyon.Kung hindi sa magiging reaksyon ni Jake sa sandaling malaman nito ang kalagayan niya. Ang magig
Nananakit ang ulo ni Joleen nang magmulat ng mga mata. Pakiwari niya ay may mga bandang tumutugtog ng maingay na rock song sa loob ng mga tainga niya. Umuungol na babangon na sana siya nang bigla siyang manigas sa labis na pagkagulat at panghihilakbot nang tumagos sa isipan niyang wala siya sa loob ng sariling kwarto niya.At higit sa lahat, wala din siya ni katiting na saplot sa katawan. She could also feel the soreness between her thighs. Patunay na lahat ng inakala niyang panaginip lang habang naggaganap kagabi ay tunay ngang nangyari at hindi parte ng halos gabi-gabi niyang pagpapantasya sa binata!Nag-iinit ang mga pisnging ib
Walang ideya si Joleen kung paanong mula sa engagement party nina Rowan at Deth ay napunta siya sa loob ng marangyang silid na kinaroroonan niyangayon. Wala rin siyang ideya kung bakit siya naroon. Maaalarma na sana siya lalo na nang maramdaman niya ang matitigas na braso ng lalaking buhat-buhat siya. Kung hindi lang niya nakita na si Jake ang may karga sa kanya.“I am nothing like Teree! Or Pauline or Danieca!” biglang anunsyo niya. Bigla kasi niyang naisip na baka nabibigatan ito sa pagkarga sa kanya kaya tila bahagyang nakangiwi ito.“Well, you certainly don’t look like your
“Wala namang misteryo sa pag-iwas ko o sa iniisip mong pag-iwas ko sa iyo noon, Joleen. Truth was, hindi ko sinadya iyon. Naisip ko lang na baka mailang ka kung makikipaglapit pa ako sa iyo noon. Kung tutuusin, ikaw nga ang mas naunang umiwas at nagtago sa akin noon,” sagot ni Jake. Saglit itong sumulyap sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.“Nag-iba ka ng eskwelahang papasukan gayong akala ko magkikita pa tayo kahit paano sa La Salle. Besides, bihira na rin naman akong umuwi ng Isla Fuego noon dahil nasa Manila na ako nakabase. Kaya hindi ko masasabing sadya ang hindi natinpagkikita noon.”Marahang napatangu-tango si Joleen. Kunsabagay, may punto ito doon.“Now you answer my question. Bakit hindi mo ako gustong maging kaibigan ngayon gayong si Rowan naging matalik na kaibigan mo sa kabila ng relasyon ninyo n
Ang kasiyahan ni Joleen para kay Rowan sa nagaganap na engagement party nito ay kagyat naging pag-aalala. Sapagkat habang kino-korner siya ng nobya nitong si Deth na buong paniwala niya noon ay bagay na bagay dito, na-realize niyang mali pala siya.Dahil isang baliw na nagtatago sa likod ng maskara ng isang mabait at matalinong babae ito! At sa malas, tila pati ang bunsong kapatid na babae ni Rowan na si Rainee ay idinamay na rin nito sa kabaliwan nito. But then again, malamang si Rainee ang nanghawa kay Deth. Dahil kahit noong sila pa ni Rowan, hindi na niya nakasundo ang selosang babae na hindi boto sa kanya para sa kuya nito.Matapos niyang makipagsayaw kay Rowan ay inaba
Subalit mistulang isang bombang pinasabog sa mismong harapan niya ang naging epekto niyon sa kabuuan niya. Pakiwari niya ay isang tagong pintong kinalimutan na niyang naroon sa loob ng puso at isipan niya ang walang kahirap-hirap na binuksan ng halik nito. Pintong pinaglagakan niya ng lahat ng damdamin niya para dito.Mga damdaming itinanggi niya kahit sa sarili niya na nararamdaman pa rin niya para dito. Dahil alam niyang patuloy lang siyang masasaktan kung bubusisiin niya iyon ng paulit-ulit. Kaya naman para protektahan ang sarili niya ay mas pinili na lamang niyang itago sa lihim na pintong iyon sa kaibuturan niya.But with just one touch of his lips against hers, that door was opened.“It’s
‘’Hey, Simoun! Whose car is that I saw in Menchie’s parking space? Binilhan mo ba siya ng bagong sasakyan---‘’nabitin sa ere ang tanong na nasa labi ni Joleen nang tuluyang makapasok sa opisina ng pinsan niya. Sapagkat nakaupo sa harap ng glass-topped table sa isang panig ng opisina ni Simoun ang lalaking kakikita lang niya noong isang araw sa mansyon ng pamilya nila. May tatlo pang ibang naroon at tila ka-komperensya nito at ng pinsan niya. Subalit sadyang sa mukha lang ni Jake natuon ang titig niya. He was wearing a b