Home / Romance / ASERON BRIDES / PART 1-FIVE, HIS REAL GIRL

Share

PART 1-FIVE, HIS REAL GIRL

Author: Dream Grace
last update Last Updated: 2021-07-02 08:41:46

     

                                                     “HELLO, Johnny!” Ginulat si Johnny ng masiglang tinig ni Riri mula sa likuran niya habang kinukumpuni niya ang lumang bike niya. Nasa dating garahe siya nila na ipinasara na ng ama niya at ginawa na lang bodega dahil sa paniniwalang hindi siya makikita ng makulit na bubwit na ito doon pero bigo pa rin pala siyang mataguan ito.    “Paano mo nalaman na nandito ako?”

          “Sinabi ni Ninang Dita syempre.”                               

          He just grunted. Minsan gusto na niyang mainis sa ina. Dahil sa pagkunsinti nito kay Riri kaya lalong naglalakas-loob ang dalaga na kulitin siya.

          “Samahan mo naman akong pumunta sa mall, Johnny. Manood tayo ng sine tapos kain tayo ng pizza! Doreen and Indy had to go back home earlier than they planned. Mahaba pa ang free time ko. I’m bored!”

          “Ewan ko sa ‘yo!” asik niya na ipinunas sa basahan ang magrasang kamay bago tinalikuran ito at iniwan. “Magbasa ka ng libro, madadagdagan pa ang nalalaman mo.”

          “Read a book?! Eew! Why would I do that?!” tila nai-eskandalo na bulalas nito, may kasama pa iyon na pagngiwi.

          Akala ni Johnny ay malilibre na siya ngayong Sabado na ito sa pangungulit ng babae na ito. Dahil ayon sa Mom niya ay bumisita kagabi sa bahay nina Riri ang mga pinsan nitong sina Doreen at Indy kasama ang mga magulang ng dalawa. Umalis nga raw si Riri kaninang umaga kasama ang mga pinsan at mga kaibigan na sina Syn at Berna. Pero mukhang ayaw talaga ng tadhana na pagpahingahin siya ng kahit na isang weekend lang mula sa presensya ni Riri. Dahil heto na naman ito at iniistorbo siya.

          “Hey!” habol nito sabay ikinawit ang braso sa braso niya.

          Napabuntung-hininga na lang siya.

          “Sige na, Johnny, please? Nood tayo ng movie tapos mag-pizza and french fries tayo! Ililibre pa kita ng milk tea if you want. It’s been ages since we went out together. Lagi mong sabi, busy ka sa work mo but now hindi na. Kaya tara!”

          He was now starting to work at the junior level at his dad’s company. Ayaw ng dad niya na pumasok siya sa kompanya nito nang hindi nagsisimula sa pinaka-mababang posisyon. It will help build his character and help him understand his employees. Noong mga unang buwan niya sa WinFoods Food Manufacturing Company, naging janitor siya, delivery boy, pahinante at factory worker. Nitong linggo lang na ito siya nagsimulang pumasok sa opisina mismo ng kompanya.

          “I’ve got a better idea. Umuwi ka na, tapos ako lalakad mag-isa, okey?” aniyang pilit inaalis ang kamay nitong naka-abrisyete sa kanya.

          “No! It’s not okey!” iling nitong may katernong padyak pa. “Kapag ‘di mo ‘ko idineyt, kukuryentehin kita!” banta nitong pinatotohanan ang sinabi sa pagdikit ng joy buzzer sa braso niya.

          “Hey! Stop it, Riri!”

          “Pumayag ka munang mag-date tayo!”

          “Ayoko! Hey! Tama na, Dorinda Marie! Ano ba?!”

          “Say yes first!”

          “Stop acting like a brat! ‘Di ka na nakakatuwa!’ agaw niya rito sa joy buzzer. “Now get lost, brat!” taboy niya rito na may kasamang panlilisik pa ng mga mata.

          “Isusumbong kita kay Ninang Dita! Sasabihin kong puros porn sites ang laman ng computer mo!” pananakot nito imbes na sa kanya masindak.

          “How did you know?!” gulat na bulalas niya before he realized it was a stupid question. He really should’ve put a password on his computer.

          Labas-masok naman talaga ito sa kwarto niya mula pa noong four years old ito kaya ‘di kagulat-gulat na makita nito ang lahat ng itinatago niyang sikreto sa silid niya. Sobrang usisera pa naman ito, buti nga ‘yung websites lang ang nakita nito at hindi ‘yung---

          “Sasabihin ko ring may balloons sa drawer ng side table mo,” dagdag nitong may pilyang ngisi sa labi. She obviously knew it wasn’t ‘balloons’ but condoms.

          “Ang sarap mo talagang sakalin, pakialamera ka!” gigil na aniyang iminwestra ng mga kamay ang nais gawing pagpipilipit sa leeg nito.

          Lalaki siya at binata pa, may mga panlalaki siyang pangangailangan at alam ng Mom niya iyon. Ngunit pagdating kay Riri na mas anak pa nitong ituring kaysa sa kanya, overprotective ito kaya’t tiyak na masasabon siya nito oras na malamang nakita ng dalagita ang mga sites sa computer niya at condoms sa silid niya. Akala yata ng Mom niya ay inosente pa ang kamalayan ni Riri about the flowers and the bees and would rather keep it that way. Bagamat ayos lang dito at kay Aunt Shebbah mismo ang lantarang pagpo-proklama ni Riri na girlfriend niya ito even though it’s the biggest fiction ever told.

           Noong una ay natatawa lang siya at binabalewala lang niya ang kapilyahan ng dalagita just like what both their families seem to have been doing. But lately, he’s starting to get really pissed off sa tuwing susulpot ito at gagambalain ang buhay binata niya with her staunch declarations about her being his loving fiancee. More so when his parents started hinting they want him to seriously consider making Riri his real girl.

          “I know, pero saka na, date muna tayo,” hila nito sa kanya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

                                                             ANNOYED na nakapamulsa si Johnny habang nakasakay silang apat nina Riri, Syn at Berna sa escalator. It was bad enough that he was blackmailed by the imp to go with her but it definitely was an undeserved punishment when she invited her two equally irritating cohorts.

          Tuloy pakiramdam niya’y nagbi-baby sit siya to three unruly, wild and mischievous kids instead of being with three young adults who are perfectly able to act in a temperate manner if they so desired. The problem is, tila wala iyon sa agenda ng mga ito.

          And as it is, kinailangan na niyang ipulupot ang braso sa baywang ni Riri since twice na itong muntik mahulog doing silly antics that only the three of them find amusing. Pagtapak sa third floor kung saan naroon ang mga movie theaters ay diretso agad sa stall ng popcorn ang tatlo. Iiling-iling na pumila naman siya sa ticket booth.

          Buti na lang at hindi mahilig sa romantic flicks si Riri, pareho sila na action o kaya ay comedy ang pinapanood. Kung hindi ay lalayasan talaga niya ang mga ito. Nakabili na siya ng tickets nang maramdaman niyang tila may nakatitig sa kanya. Nagtatakang lumingon siya sa likod niya and sure enough naroon nga ang dalagang pamilyar sa kanya ang mukha pero hindi naman niya mapangalanan.

          “Hi, Johnny!” nakangiting bati nito and it was her shy smile that made him remember who she is.

          “Karla!” galak na lapit niya sa kababatang mahigit three years na ring hindi nakikita.

          Anak ito ng pinsan ni Nanay Pinty na si Aling Melba. Labandera at plantsadora din nila si Aling Melba kaya noong mga bata pa sila’y madalas rin niya itong nakakalaro sa tuwing isinasama ito at ang kapatid nitong si Miles ni Aling Melba sa bahay nila. Pero three years ago ay lumipat sa Iloilo ang pamilya nito dahil tagaroon ang napangasawa ng biyuda nitong ina.

          “Kumusta? Kailan ka pa bumalik?” tanong niya.

          “Noong isang linggo pa. Dito kasi ulit na-assign sa Montagu si Tatay Arnel eh,” tugon nito tukoy ang stepfather. Tila biglang lumamlam ang kinang ng ngiti nito pagkasulyap sa likuran niya.

          At hindi man siya lumingon, alam niyang si Riri ang dahilan niyon. Mula pa kasi noon ay hindi na ito nakalapit ng loob ni Riri. Laging magkaaway, no, correction, lagi itong inaaway at pinaiiyak ni Riri considering mas matanda ito ng three years sa dalagita.

          Something na pinagtatakahan na niya noon pa dahil hindi naman pala-away sa mga iba nitong kalaro si Riri. At ang mga paborito pa nitong kalaro noon ay yung mga batang gusgusin sa malapit na slum area sa pinapasukan nitong eskwelahan noong gradeschool. Madalas isinasama pa nito pauwi ang mga iyon, giving her toys to them and entreating them to eat the snacks her Yaya prepared kapag nahihiyang tumatanggi ang mga batang iyon.

          Kahit si Miles nga na mismong kapatid ni Karla ay kaibigan ni Riri kaya hindi niya masasabing dahil anak lang ng katulong nila si Karla kaya lagi nitong kagalit ang huli noon. There’s just something in Karla that Riri had always disliked gayong tahimik at mabait naman si Karla, may pagkamahiyain pa.

          “Hey! Is that Karla, Johnny?” wala namang animosity sa curious na tinging itinutok ni Riri kay Karla nang tumayo sa tabi niya.

          “Yeah, Riri,” tango niya na inakbayan ito.

          Johnny was relieved na hindi tinarayan ni Riri si Karla. Lalo pa at sa pagkakaktanda niya ay medyo violent ang naging last encounter ng dalawa just before umalis sina Karla papuntang Iloilo. And if he wasn’t mistaken, Riri sported a lot of bruises and a black eye from that fight. Kaya nga hindi siya makapaniwala dahil bagamat mas maliit si Riri kumpara kay Karla, mahinhin at malamya naman si Karla.

          But then again, knowing Riri, she has probably forgotten all about that fight. Hindi naman ito ang tipong nagtatanim ng galit. Once her anger and her temper has been spent, tapos na para dito ang kung anuman iyong ikinagalit nito. And even those brief flashes of her fury ay miminsan lang maganap dahil ordinarily ay masayahin at palabiro ito.

          Kung ipagkukumpara nga niya ang temper nina Riri at ng Ate Shaniah nito, mas nakakatakot ang temper ni Shaniah. Mahaba man kasi ang pasensya ni Shaniah, kapag sumabog naman ang pagtitimpi nito, daig pa ang bomba sa lakas ng epekto. Now that he think of it, kahit si Shaniah na kaedad ni Karla ay hindi rin kasundo si Karla noon. Hindi nga lang inaaway ni Shaniah si Karla tulad ng ginagawa ni Riri pero sa tuwing nasa paligid si Karla, niyayaya agad ni Shaniah si Riri na umuwi sa bahay ng mga ito.

          “Hi! Kumusta? Manonood ka rin? Kasama mo ba si Miles bumalik? Oh, yeah, meet Syn and Berna. Guys, si Karla, friend ni Johnny,” wika nitong wala namang bakas ng panunuya sa tono pagkaturing kay Karla bilang kaibigan lang niya gayong kababata rin naman nito si Karla.

          More likely it was because hindi naman talaga nito ibinilang si Karla sa mga kaibigan nito since lagi nga itong magkabangga noon. Nakangiting binati naman ni Karla sina Syn at Berna bago itinuro ang nakapila sa ticket booth na babaeng anito ay pinsan nito. Mabilis din itong nagpaalam saka umalis. Ni hindi na nito nasagot ang pangungumusta ni Riri sa kapatid nitong si Miles.

          “Why is she in such a hurry? Hindi masyadong halata na ayaw niyang makipag-usap sa atin, ano?!” arko ang kilay na komento ni Riri habang sinusundan ng tingin ang nagmamadaling paglayo ni Karla.

           “Eh, who cares?! Tara na! Got the tickets, Johnny Boy?” usisa ni Syn na nilingon si Johnny. The boy even used the bloody nickname that Riri gave him when she was six.

          She thought he was the puppy her mom promised her para lang matigil ang tantrums nito dahil sa paglipat ng mga ito dito sa Montagu mula sa Isla Fuego. Lumipat ang pamilya nito rito sa Montagu para mas malapit sa bahay ng matanda at mahina nang ama ni Aunt Shebbah na dito rin sa Montagu nakatira noon.

          Riri almost never uses that bloody nickname now except for those times she was irritated with him. Anito, he was Johnny Boy whenever he annoys her because it was a reminder that when she expected a puppy, she got him instead. And at those times, she wanted the puppy more. Pero nang marinig iyon ni Syn, iyon na ang ginagamit na pang-inis ng binata sa kanya.

          “I’m not Johnny boy to you, Syn,” malumanay ang boses niya pero may pagbabanta sa tingin na ipinukol niya rito. Bagay na tinugon naman nito ng nanunuyang saludo.

          He was surprised like everyone else nang out of the blue ay magkabati ito at si Riri. Pero nasagot ang pagtataka niya nang minsang mahuling nakatitig ito sa dalagita with something akin to awe. Apparently, nabihag na rin ito ng famous charm ni Riri kaya bigla’y kakampi na ito ng dalagita imbes na karibal sa mga kalokohan.

          And since Riri’s very vocal and demonstrative about her so-called love for him, asar at nagseselos sa kanya si Syn. At ipinapakita nito iyon sa bawat salita at aksyon nito sa tuwing magkakaharap sila. No matter how much he tries to deny that he agrees with his parents, Riri’s parents and Riri herself, na sineseryoso niya ang matchmaking efforts ng mga ito, Syn doesn’t believe him. Kaya tingin niya ay imposible nang maging magkaibigan pa sila nito.

                                                   

Related chapters

  • ASERON BRIDES   PART 1-SIX, HE SEEMED PLEASED

    PALIHIM na pinagmamasdan ni Riri si Johnny habang papasok sila sa sinehan. He seemed pleased kaninang makita muli si Karla. At nabuhay na naman ang panibugho niya sa dalagang alam niyang unang naging crush ng binata. She was playing in Johnny’s room noon nang makita niya sa ilalim ng pillows nito ang picture ni Karla. He was eleven or twelve maybe at nang tanungin niya ito kung bakit may picture ito ni Karla ay saka nito sinabing crush daw nito si Karla. By that time ay hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng crush kaya’t kinulit niya itong ipaliwanag sa kanya.&n

    Last Updated : 2021-08-12
  • ASERON BRIDES   PART 1-SEVEN, UNFAIR

    “YOU know what?!” tulad ng inaasahan ni Johnny, hindi na napigilan ni Riri na basagin ang katahimikang namamayani sa backseat habang pauwi na sila galing sa shop ng Tita Teree nito. Sa halip na sumagot ay ihinilig lang niya ang ulo sa sandalan at pumikit. Nababakas sa tinig nito ang pagkairita dahil mula pa kanina sa shop ng sikat na designer ay puros monosyllables ang itinugon niya sa bawat tanong nito. He didn’t even show a flicker of interest when she asked his opinions about her gown.&

    Last Updated : 2021-08-12
  • ASERON BRIDES   PART 1-EIGHT, UNTIL WHEN?

    “GOOD morning, Ma’am Riri!” masiglang bati kay Riri ng guard sa building ng main office ng WinFoods Food Manufacturing Company na pag-aari ng pamilya ni Johnny. Ilang beses na siyang nakapunta rito noon. Kaya kilala siya ng halos lahat ng mga empleyado doon magmula sa janitor hanggang sa mga iba’t ibang general managers. And everytime she goes there ay hindi pupuwedeng hindi niya babatiin ang lahat ng naging kaibigan at kakilala doon. Sabi nga ni Ninong David, daig niya pa ang popularity nito sa loob ng kompanya nito dahil dulo pa lang ng anino niya’y kilala na

    Last Updated : 2021-08-12
  • ASERON BRIDES   PART 1-NINE, HER

    Nakikita ni Riri mula sa sulok ng mga mata niya ang pagsenyas sa kanya ni Johnny pero pinili niyang ignorahin ito. “Let’s go the conference room, Karla.” “That’s good! We can eat this cake there too. I mean after your interview of course,” tango niya na tumayo at sumunod rin sa dalawa. Dinig niya ang kaakibat na exasperation sa pagbuntung-hininga ni Johnny pero hindi na siya nito kinontra. Pormal ang tinig nito as he started to interview Karla while Riri kept herself busy by scrolling throug

    Last Updated : 2021-08-12
  • ASERON BRIDES   PART 1-TEN, GUESS WHO?

    “GUESS who?!” tanong ni Riri kasabay ng pagtatakip ng mga kamay sa mga mata ni Johnny. Nakadungaw sa pasimano ng balcony sa loob ng silid nito ang binata habang naninigarilyo. Pero nang maramdaman nito ang pagpasok niya sa silid ay dali-dali nitong pinatay ang sigarilyo. “Thanos?! Maleficent?! Plankton?!” “Kainis ka naman! Puros kontrabida yun eh!” simangot niya. Natatawang inakbayan siya nito. “What brings you here, sweetheart?” “Yayayain sana kitang mag-picnic.” “Wow! Niyayaya mo na ako ngayon? Dati basta mo na lang ako, inuutusan ah,” kunway gulat na anito.&nbs

    Last Updated : 2021-08-23
  • ASERON BRIDES   PART 1-ELEVEN, MY BESTFRIEND

    NASA gitna ng meeting si Johnny when his phone rang. Kunot-noong nag-excuse siya sa mga kausap at nagtungo sa gawing pinto as he answered the phone. It was a meeting that his mom was supposed to attend but she sent him instead. Mas dinadagdagan na nito ang mga duties at responsibilities niya. Hindi kaila sa kanya na matagal na nitong gustong mag-retire at maging house wife ulit tulad noong bata pa siya. At gusto nito na sa kanya ipasa ang mga responsibilidad nito sa kompanya nila. But it won’t be for a long time yet. Hindi pa siya handa. Marami pa siyang kailangan matutunan. 

    Last Updated : 2021-08-24
  • ASERON BRIDES   PART 1-TWELVE, BIRTHDAY GIRL

    THERE were a lot of admiring reactions from the guests when Riri finally appeared dressed in her Princess Rapunzel style pink gown. Napakaganda ng dalaga na para bang nagmula ito mismo sa mga pahina ng isang fairy-tale book, isang prinsesang nabigyang buhay ngunit kung pakatititigan lamang ito, makikitang ang ngiting nakapaskil sa mga labi nto ay pilit at peke. Her father escorted her down the grand staircase of the hotel kung saan ginanap ang kanyang debut. Most of her Aseron, Navarre and Larkin relatives were there. Naroon din ang karamihan sa mga kaibigan at kaklase nito. At lahat ay masa

    Last Updated : 2021-09-11
  • ASERON BRIDES   PART 1-THIRTEEN, SORRY IS NOT ENOUGH

    Halu-halo ang gulat, pagtataka at pag-aalalang tinanong niya ito kung ayos na ba ang lagay ni Karla and what made her decide to commit suicide in the first place. Parang hindi siya makapaniwalang magagawa ni Karla na bawiin ang sariling buhay. Wala sa personality’ng ipinapakita nito sa kanya iyon. “Ligtas na daw siya pero masyado pa siyang emosyonal ngayon at halos magwala nga siya kaninang iwan ko siya para pumunta dito. She needs me, sweetheart. And I’m so sorry but I have to go back to her. You do understand, don’t you?” tila nakikiusap na anito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tumingin sa direksyon ng mga nagsasayaw. She wanted to be with Johnny for the whole night pero hindi pala maaari. Babalik ito kay Karla na siya palang dahilan kung bakit muntik nang hindi magpakita si Johnny nang gabing iyon. Ngunit alam niyang wala

    Last Updated : 2021-09-11

Latest chapter

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-SIX, MARRY ME

    “I’ll make you happy. I promise. Just marry me, Joleen.” Hindi pa man lubos na nakakaupo si Joleen sa silyang hinila ni Jake para sa kanya nang dumating siya sa mesang ini-reserve nito para sa kanila ay ginulantang na siya nito sa seryosong pahayag na iyon. Kasabay ng pagsambit nito sa mga salitang iyon ay ang pagpapakita nito ng diamond ring na tangan nito sa kanang kamay at pag-aabot ng isang pumpon ng white chocolate tulips sa kaliwang kamay. Napabilis tuloy ang pag-upo niya dahil sa gulat. “Excuse me?!” gitlang bulalas niya nang salubungin ang tingin nito. “I said, marry me.” “No. Absolutely not! At kung iyan

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-FIVE, FOR THE BABY

    Salubong ang mga kilay na humalukipkip si Joleen habang nakaupo sa sofa sa loob ng living room niya. Sa tabi niya ay nakaupo si Jake at isa-isang inilalabas ang mga laman ng paper bag na dala nito.“How about this movie? The Parent Trap? Maganda daw ito.Ito na lang ang panoorin natin,” suhestyon nito habang itinataas ang DVD na hawak nito.Iyon ang ikalawang linggo ng araw-araw na pagbisita nito sa bahay niya. At tulad ng mga nakaraang araw ay may bitbit na naman itong kung anu-anong pagkain, maternity clothes, vitamins at pregnancy books. Aakalin mong siya ang kauna-unahang babaeng nabuntis sa buong kasaysayan ng mundo kung kumilos ito. Naka-speed dial pa sa cellphone nito ang ob-gyne niya.Anumang iwas niya dito, walang saysay. Tila lahat ng nalalaman nito ukol sa mahigpit na pagbabantay sa loob ng basketball cou

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-FOUR, WHAT NOW?

    Pakiramdam ni Joleen ay isa siyang astronaut habang naglalakad siya palabas ng private clinic ng kaibigan niyang ob-gyne na si Maricel. Mistula kasing lumulutang siya sa bawat paghakbang niya. Hati sa pagitan ng tuwa at pangamba ang damdamin niya. Kumpirmadong buntis nga siya.Magiging mommy na siya. Hindi na niya kailangan pa ng artipisyal na paraan para magka-anak na siyang naunang planong tumatakbo sa isip niya. Subalit kasunod ng kagalakan niya ay ang pangamba. Hindi sa kung paano niya bubuhayin ang anak niya. Wala siyang problema sa bagay na iyon.Kung hindi sa magiging reaksyon ni Jake sa sandaling malaman nito ang kalagayan niya. Ang magig

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-THREE, MORNING AFTER

    Nananakit ang ulo ni Joleen nang magmulat ng mga mata. Pakiwari niya ay may mga bandang tumutugtog ng maingay na rock song sa loob ng mga tainga niya. Umuungol na babangon na sana siya nang bigla siyang manigas sa labis na pagkagulat at panghihilakbot nang tumagos sa isipan niyang wala siya sa loob ng sariling kwarto niya.At higit sa lahat, wala din siya ni katiting na saplot sa katawan. She could also feel the soreness between her thighs. Patunay na lahat ng inakala niyang panaginip lang habang naggaganap kagabi ay tunay ngang nangyari at hindi parte ng halos gabi-gabi niyang pagpapantasya sa binata!Nag-iinit ang mga pisnging ib

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-TWO, KISS

    Walang ideya si Joleen kung paanong mula sa engagement party nina Rowan at Deth ay napunta siya sa loob ng marangyang silid na kinaroroonan niyangayon. Wala rin siyang ideya kung bakit siya naroon. Maaalarma na sana siya lalo na nang maramdaman niya ang matitigas na braso ng lalaking buhat-buhat siya. Kung hindi lang niya nakita na si Jake ang may karga sa kanya.“I am nothing like Teree! Or Pauline or Danieca!” biglang anunsyo niya. Bigla kasi niyang naisip na baka nabibigatan ito sa pagkarga sa kanya kaya tila bahagyang nakangiwi ito.“Well, you certainly don’t look like your

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY-ONE, THE TRUTH

    “Wala namang misteryo sa pag-iwas ko o sa iniisip mong pag-iwas ko sa iyo noon, Joleen. Truth was, hindi ko sinadya iyon. Naisip ko lang na baka mailang ka kung makikipaglapit pa ako sa iyo noon. Kung tutuusin, ikaw nga ang mas naunang umiwas at nagtago sa akin noon,” sagot ni Jake. Saglit itong sumulyap sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.“Nag-iba ka ng eskwelahang papasukan gayong akala ko magkikita pa tayo kahit paano sa La Salle. Besides, bihira na rin naman akong umuwi ng Isla Fuego noon dahil nasa Manila na ako nakabase. Kaya hindi ko masasabing sadya ang hindi natinpagkikita noon.”Marahang napatangu-tango si Joleen. Kunsabagay, may punto ito doon.“Now you answer my question. Bakit hindi mo ako gustong maging kaibigan ngayon gayong si Rowan naging matalik na kaibigan mo sa kabila ng relasyon ninyo n

  • ASERON BRIDES   PART 3-TWENTY, THE ENGAGEMENT

    Ang kasiyahan ni Joleen para kay Rowan sa nagaganap na engagement party nito ay kagyat naging pag-aalala. Sapagkat habang kino-korner siya ng nobya nitong si Deth na buong paniwala niya noon ay bagay na bagay dito, na-realize niyang mali pala siya.Dahil isang baliw na nagtatago sa likod ng maskara ng isang mabait at matalinong babae ito! At sa malas, tila pati ang bunsong kapatid na babae ni Rowan na si Rainee ay idinamay na rin nito sa kabaliwan nito. But then again, malamang si Rainee ang nanghawa kay Deth. Dahil kahit noong sila pa ni Rowan, hindi na niya nakasundo ang selosang babae na hindi boto sa kanya para sa kuya nito.Matapos niyang makipagsayaw kay Rowan ay inaba

  • ASERON BRIDES   PART 3-NINETEEN, YOUR LOSS, BABE

    Subalit mistulang isang bombang pinasabog sa mismong harapan niya ang naging epekto niyon sa kabuuan niya. Pakiwari niya ay isang tagong pintong kinalimutan na niyang naroon sa loob ng puso at isipan niya ang walang kahirap-hirap na binuksan ng halik nito. Pintong pinaglagakan niya ng lahat ng damdamin niya para dito.Mga damdaming itinanggi niya kahit sa sarili niya na nararamdaman pa rin niya para dito. Dahil alam niyang patuloy lang siyang masasaktan kung bubusisiin niya iyon ng paulit-ulit. Kaya naman para protektahan ang sarili niya ay mas pinili na lamang niyang itago sa lihim na pintong iyon sa kaibuturan niya.But with just one touch of his lips against hers, that door was opened.“It’s

  • ASERON BRIDES   PART 3-EIGHTEEN, JOLEEN AND JAKE TOGETHER AGAIN

    ‘’Hey, Simoun! Whose car is that I saw in Menchie’s parking space? Binilhan mo ba siya ng bagong sasakyan---‘’nabitin sa ere ang tanong na nasa labi ni Joleen nang tuluyang makapasok sa opisina ng pinsan niya. Sapagkat nakaupo sa harap ng glass-topped table sa isang panig ng opisina ni Simoun ang lalaking kakikita lang niya noong isang araw sa mansyon ng pamilya nila. May tatlo pang ibang naroon at tila ka-komperensya nito at ng pinsan niya. Subalit sadyang sa mukha lang ni Jake natuon ang titig niya. He was wearing a b

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status