Share

Kabanata 2

Sandaling nakatulog si Angelica at nakaramdam ng matinding pagkauhaw. Gumapang siya palabas ng tent hanggang sa bumugad sa kan’ya ang isang pares ng panlalaking sapatos sa harap niya. Mula sa sapatos ay tiningnan niya ito pataas, kita niya ang mahahabang hita ng lalaki. Ang sikat ng araw ay tumatagos at nagpapaliwanag sa lalaki, kitang-kitang niya ang malinaw na mukha ni Andrew Lim, halos himatayin siya nang makita ito sa harap ng tent niya.

“M-Mr. A– L-Lim?” utal na tawag niya sa binata. Hindi ba’t nasa bundok ito at nag-hi-hiking? Bakit ito narito?

Napayuko si Mr. Lima sa kan’yang harapan, matamang nakatingin sa kan’yang namumulang pisngi sanhi ng matinding lagnat. “May tanong ako sa’yo,” seryosong sabi nito sa kan’ya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Angelica at binasa ang nanunuyong labi. “A-Ano iyon?”

“May nakita ka bang taong pumasok sa tent ko kagabi?” Nakatutok ang mga mata ni Andrew Lim kay Angelica, sobrang kinakabahan ang dalaga kung kaya’t kinuyom niya ang kamao.

Hindi mapakali ang mga mata ni Angelica, nanginginig din ang kan’yang kalamnan pati na ang kan’yang mga kamay. “W-Wala… Wala akong nakita…”

“Bakit nanginginig ka?” Napansin ni Andrew ang panginginig ng dalaga, hindi lang nanginginig ang boses nito ngunit pati na ang buong katawan.

Payat na babae si Angelica kung kaya’t sobrang nag-aalala si Andrew sa dalaga na baka mahimatay ito sa harapan niya. Naalala ng binata ang babaeng nasa harapan; isang intern si Angelica at baguhan lamang. Naalala niya no’ng in-interview niya ito, mahinhin ito at mahiyain. Pansin niyang kinakabahan ito at hindi man lang makatingin sa kan’ya ng diretso’t palagi lamang nakayuko.

 “N-Nilalamig ho a-ako,” nauutal na sabi ni Angelica at mas nanginig pa ang katawan.

“Nilalamig?” kunot-noong tanong ni Mr. Lim. “Pero hindi ka naman nilalagnat, paanong nilalamig ka?” Habang nagsasalita si Andrew ay iniabot niya ang noo nito. Ilang segundong nagdampi ang kamay niya sa noo nang dalaga nang magsalubong ang kan’yang mga kilay. “Fck! Inaapoy ka ng lagnat!”

“M-Mr. Lim, okay lang ho ako…” Nanginginig si Angelica at aakmang tatayo ngunit wala siyang lakas para gawin iyon. Walang nagawa ang dalaga kung ‘di ang gumapang lamang palabas ng tent. Nanlalabo rin ang kan’yang mga mata dahil sa sobrang pagkahilo.

“Angelica?” Naramdaman ni Mr. Lim na may mali sa babae, pinilit niyang alalayan ang dalaga at sinusubukang patayuin ito.

Sa una, tumugon si Angelica ngunit ungol lamang pero kalaunay tuluyan na itong nawalan ng malay.

Walang pagaalinlangang binuhat ni Andrew Lim ang dalaga. Sobrang gaan ng babae kung kaya’t hindi nahirapang buhatin ng binata ito. Nang magtama ang mga mata ni Andrew Lim sa babae ay aksidente niyang nakita ang isang mapulang marka sa leeg nito. Sumingkit ang mga mata ni Andrew at napatingin lalo sa leeg ng babae.

“Mr. Lim!” Isang tinig ang narinig ni Andrew sa kampo. Tumakbo naman si Chloe, gulo-gulo ang buhok nito at sobrang hinihingal.

“Bakit ka bumalik?” tanong ni Andrew sa dalaga.

Napatingin si Chloe kay Angelica na kasalukuyang buhat-buhat ni Mr. Lim saka napasinghap. “Na-Nag-aalala ako kay Angelica kung kaya’t bumalik ako sa kampo natin para alagaan sana siya. Anong nangyari?”

“Inaapoy siya ng lagnat at hinimatay,” sagot ni Andrew Lim at naglakad papunta sa kotse upang isakay si Angelica roon. “Dadalhin ko siya sa hospital ngayon din.”

Nang makapasok si Andrew sa kotse ay agad na lumapit sa driver’s seat si Choe, “W-Wait, pwede po bang sumama?”

Tumingin si Andrew sa dalaga, pinagmasdan niya ito sandali.

“Kaibigan ako ni Angelica at pareho kaming babae. Isama niyo na ako; Alam kong malaki ang maitutulong ko rito.”

Walang nagawa si Andrew Lim kung ‘di ang tumango bilang pagsang-ayon.

***

Sa ospital…

Pagkatapos na ipasok si Angelica at simulan i-IV drip ng doktor ay pumunta si Chloe para kumuha ng tubig. Nang makabalik, nadatnan niya si Mr. Lim na nakatayo sa paananan ng kama, ang titig nito ay nakatutok sa natutulog na si Angelica.

“Mr. Lim,” tawag ni Chloe at inabot ang isang basong tubig sa binata. “Uminom muna kayo ng tubig.”

“Salamat.” Kinuha naman ni Andrew ang basok saka itinabi. “Ano nga ulit ang pangalan mo?”

Nagulat si Chloe ngunit nakabawi naman agad. Malamang hindi siya nito maalala dahil dose-dosena ang mga empleyado nito sa kompanya. Ang tanging kilala lamang ng binata ay ang assistant nitong si Eldrew. Sabagay, isang normal lamang na empleyado si Chloe kung kaya’t hindi siya nagkaroon ng tsansang makita ng amo nila kaya normal lamang na hindi siya nito kilala.

“Chloe ho.”

“Ah, Chloe, mayroon lamang akong gustong kumpirmahin,” wika ni Andrew.

“...” Kita ang pagkabigo sa mga mata ni Chloe nang marinig iyon sa lalaki. Akala pa naman nito ay interesado ang lalaki sa kaniya. “A-Ano ho iyon?”

Inutusan ni Mr. Lim si Chloe bago umalis sa silid. Nang malaman ang iniutos ng binata ay kinagat niya ang labi saka dahan-dahang naglakad patungo sa gilid ng kama. Tinitigan niya ang walang malay na si Angelica, sa pag-iisip sa kahilingan ng amo ay napakagat ulit siya ng labi. Dahan-dahan niyang inabot ang butones nang dalaga at isa-isang inalis iyon.

Isang butones… Dalawang butones…

Nang sa wakas ay nabuksan niya lahat, labis na nagulantang si Chloe nang makita ang mga bakas sa buong katawan ng dalaga. Agad na napatakip si Chloe sa bibig dahil sa matinding pagkagulat.

***

“M-Mr. Lim, nasaan kayo?” tanong ni Eldrew kasama ang ilang mga kasamahan sa kampo.

“Nahimatay si Angelica kung kaya’t dinala ko siya sa ospital.”

“Si Angelica? Iyong bagohang intern?” gulat na tanong ni Eldrew, hindi dahil tinulongan ng boss niya ang dalaga at dinala mismo sa ospital, kung ‘di naalala nito ang pangalan ng isang bagohang empleyado.

Hindi makapaniwala si Eldrew na naalala ng boss niya ang pangalan ng isang baguhan sa kompanya. Kung iisipin dose-dosena ang mga empleyado nito sa kompanya.

“Oo.” Itinaas ni Andrew ang kan’yang pulsuhan para tingnan ang oras. “Mag-enjoy kayong lahat; ang inyong premyo ay ipapamahagi kapag bumalik na tayo sa kompanya.”

Pagkatapos magbigay ng maiking paalala ay agad na pinutol ni Andrew ang tawag sa assistant.

Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng silid ng ospital at iniluwa noon si Chloe.

Tumingin si Andrew Lim sa dalaga, “Kumusta ang lagay niya?”

Kinalma ni Chloe ang sarili at sinalubong ang titig ng amo. “Tiningnan ko siya at okay naman ito. Huwag ho kayong mag-alala. Iyong mga mapupulang marka sa leeg niyang nabanggit niyo kanina… kagagawan siguro iyon ng kasintahan ni Angelica.”

“Kasintahan?” Napataas ng kilay si Andrew Lim ngunit hindi na nagtanong pa.

“Gusto niyo po bang pumasok sa loob? Mayamaya lang ay magigising na si Angelica,” patuloy pa ni Chloe.

“Hindi na kailangan,” sagot ni Mr. Lim, “Mayroon pa akong importanteng lalakarin. Pakibantayan na lamang siya’t huwag kalimutang kontakin ang pamilya nito kapag nagising.”

“Makaaasa po kayo, Mr. Lim.”

Pinagmasdan ni Chloe ang pag-alis ni Andrew bago bumalik sa silid ni Angelica.

Mayamaya lamang ay nagkamalay na si Angelica, unti-unti niyang minulat ang mga mata. Lumapit naman si Chloe sa dalaga at umupo sa tabi niya. “Angelica, kumusta ang pakiramdam mo? Salamat at nagising ka na!”

Napatango si Angelica. “Na-Nasa ospital ba ako?”

“Oo.” Sinalinan ni Chloe ng isang basong tubig si Angelica at ngumiti. “Dinala ka ni Mr. Andrew Lim dito sa ospital. Binuhat ka pa nga niya.”

Napaubo si Angelica dahl sa narinig. “Si-Si Mr. Lim?”

“Oo!” tuksong sagot ni Chloe sa dalaga. “Sa tingin mo ba tipo ka ni Mr. Lim? Ilang taon na akong nagtatrabaho sa kompanya ngunit ngayon ko lang nakita si Mr. Lim na nagbuhat ng isang babae.”

Naramdaman ni Angelica na umiinit ang kan’yang pisngi. “A-Ano ka ba. Imposible iyon.”

“At bakit naman? Maganda ka, bata at sobrang sexy ng katawan. Maraming mga negosyanteng lalaki ang nagkakagusto sa mga batang babae ‘no, sariwa at mahalimuyak! Kung wala ka sanang kasintahan, tiyak na bagay na bagay kayo ni Mr. Lim. Hindi naman siguro mapili ang boss natin.”

“May kasintahan na ako, Chloe,” putol na saad ni Angelica sa dalaga.

“Talaga?”

Kinagat ni Angelica ang labi saka napatango. “Oo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status