Share

Kabanata 9

Author: Miles Smoky
last update Last Updated: 2024-10-22 19:15:14
Nang buksan ni Angelica ang pinto, nakita niya si Jasmine na nakatayo si gilid ng kan'yang kama, hawak-hawak nito ang isang scarf na binigay sa kan'ya ni Andrew Lim.

“Angelica?” Nang makita ni Jasmine si Angelica na bumalik, agad na ibinalik ni Jasmine iyon sa isang paper bag, lumapit ang dalaga kay Angelica saka hinawakan ang braso niya, “Angelica, kailan ka pa bumalik sa dormitoryo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

Binawi ni Angelica ang kan'yang kamay saka naglakad palayo kay Jasmine, “Hindi ba't umalis ka na rito?”

“Oo, pero bumalik ako para kunin ang iba ko pang mga gamit.” Naglakad si Jasmine at nilapitan ang isang malaking bag na may brand sa tabi, “Angelica, sa'yo ba itong scarf?”

“Oo, akin nga.” Tumingin si Angelica kay Jasmine, “May problema ba roon?”

“Wala.” Napangiti si Jasmine ng peke, “Ang scarf na ito ay isang limited edition na ni-launch ng LV noong nakaraang buwan. Hindi lang ito mahal, mahirap din itong kunin. Gusto ko lang itanong sa'yo, paano mo ito nakuha?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Annabelle Escovilla Leyson
Hala bakit pariha kayo nag story nang I accidentally Sleep with my boss pangalan lang ang nag iba author by Luzzy0317 name lang ang naiba sila Erwan Campbell og Veronica...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 10

    Kakagising pa lang ni Andrew at may bakas pa ng katamaran ang kan'yang boses. Ang huling salitang tinawag niya kay Angelica ay may pataas na tunog. Uminit ang pisngi ni Angelica nang marinig ang sinabi ng amo at nagpaliwanag, “Isasauli ko lang ang bagay na binigay mo sa akin.” Napatingin si Mr. Lim sa isang bag sa mesa, “Ayaw mo ba iyan?” “Hindi.” Umiling si Angelica, “Hindi ko matatanggap ang gan'tong kamahal na bagay at wala akong rason para tanggapin ang mga ito.” “Hindi naman iyan mahal, maliit lamang na regalo iyan tanda ng aking pagpapahalaga sa nararamdaman mo,” saad ni Mr. Lim. “O kaya sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo? Hihilingin ko kay Eldrew na bilhin ito, o pwede namang ikaw na lang ang pumili.” Gusto niyang bumawi sa dalaga sa nagawa niya noong nakaraan. “Mr. Lim, ang totoo niyan, hindi ko naman sineryoso ang nangyari noong nakaraang gabi at ayaw ko ng maalala iyon. Kapag tinanggap ko ito, ang regalo mo sa akin ay ang magpapaalala lamang sa akin sa lahat

    Last Updated : 2024-10-22
  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 11

    Nakaupo si Angelica sa kan’yang mesa, nakatingin sa screen, ngunit ang kanyang isip ay magulo. Iniisip niya ang eksena kanina, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda niya, ito ang unang pagkakataong may ibang tao, maliban sa kapatid niya ang nagprotekta sa kanya. At ang taong iyon ay ang lalaking nakatalik niya, uminit ang puso ni Angelica. Humihikbi naman si Joriel sa gilid, at pinalibutan ito ng ilang kasamahang babae upang aliwin ang dalaga. "Joriel, ‘wag ka ng malungkot, masisira na ang makeup mo niyan sa kakaiyak." "Oo nga, Joriel, wala namang masamang sinabi si President Lim sa iyo. Ikaw ang pinakamaganda at mas may kakayahan sa amin, paanong matitiis ni President Lim ang isang katulad mo?Sinamaan ng tingin ni Joriel si Angelica. “Ano naman kung ako ang pinakamaganda? Ano naman kung ako ang mas may kakayahan? Hindi ko naman matatalo-talo ang isang mapanlilang na babae!” Ang lahat ay tumingin kay Angelica, may bakas ito ng p

    Last Updated : 2024-10-22
  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 12

    Nang ma-realize ni Angelica kung ano ang gagawin ng lalaki ay natigilan ang dalaga, "Mr. Lim, ikaw..." Marahil dahil sa inaakala ng lalaki na napakabagal ng dalaga, iniunat ni Mr. Lim ang kamay nito para hilahin siya, hindi naman napansin ng binata kung kaya’t ang daliri nito ay napadiin sa likod ng kamay ni Angelica. "Hiss--" Napasinghap si Angelica sa sakit, at tila napangiwi ang kanyang mukha. Niluwagan ni Mr. Lim ang paghawak sa kamay, umatras at hinawakan ang kanyang pulso, ibinaling ang likod ng kamay ng dalaga, at nakita ng binata ang isang malaking bahagi ng pamumula at pamamaga sa kanyang balat, at mga paltos.Kumunot ng bahagya ang noo ni Mr. Lim, "Paano naging ganito ito?" Naglublob ang binata ng cotton swab sa disinfectant at ipinahid ito sa likod ng kamay ng dalaga. Ang cotton swab ay dumampi sa paltos kaya naman nanginginig si Angelica sa sakit.Tumigil si Mr. Lim, "Kailangang kunin ang paltos ng kamay mo." Nang marinig ni Angelica ang tungkol sa pamumula ng mga p

    Last Updated : 2024-10-22
  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 13

    "Hello, Chloe?" "Ako ito." May pagmamadaling sagot ni Chloe sa kabilang linya, "Angelica, nasaan kayo ni Mr. Lim ngayon?" "Anong problema?" "Mayroon akong dokumento dito na nangangailangan ng lagda ni Mr. Lim." Napaka lambot ng tono ni  Chloe. Napatingin si Angelica sa pinto, "Kung gayon, sasabihin ko ba iyan kay Mr. Lim?""Hindi na kailangan,” sagot ni Chloe. "Alam kong may malaking deal ngayon si Mr. Lim kung kaya’t ayaw kong ma-isturbo siya. Ipadala mo na lang sa akin ang address, pupunta ako riyan para hanapin ka, at dalhin na lang ang dokumento kay Mr. Lim para papirmahan."Sa pag-iisip ng sampu-sampung bilyon, ito ay talagang isang malaking deal. Hindi nag-atubili si Angelica na ipadala ang lokasyon kay Chloe. Pagkatapos noon ay nakatulog siya sa kama. Natulog siya hanggang sa bumalot ang dilim. Nang lumabas si Angelica sa silid, papaalis na sina Mr. Lim at ang assistant nitong si Mr. Eldrew. Inayos ni Angelica ang kanyang hitsura at sumunod. Huminto naman si Mr

    Last Updated : 2024-10-22
  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 14

    “Mr. Yap, nagbibiro ka ba, ang aming presidente na si Mr. Lim ay palaging napaka-maalalahanin sa kanyang mga nasasakupan, sagot naman ni Eldrew.Malamig na sinulyapan ni Mr. Yap ang binata, "Assistant Eldrew, ang kausap ko ay si Mr. Lim, bakit ikaw ang palaging sumasagot para sa kan’ya?" Tumango si Eldrew at tumigil sa pagsalita. Pirming nakaupo lamang si Mr. Lim, hinahaplos ang kanyang baso ng alak gamit ang kanyang mga daliri, ang kanyang mukha ay may blankong ekspresyon. Ngumiti si Mr. Yap at ang kan’yang grupo. Ang kapaligiran sa pribadong silid ay malapit nang masira. At sa sandaling iyon, bumukas ang pintuan ng silid at isang kaakit-akit na boses ang narinig, "Excuse me." "Chloe?" Bahagyang nagulat si Eldrew, "Bakit ka nandito?" "May isang dokumento na nangangailangan ng lagda ni Mr. Lim." Kinuha ni Chloe ang dokumento at lumapit kay Andrew. Napatingin din ang mga lalaki sa nag-iisang babae sa silid.  Si Chloe ay nakasuot ng isang propesyonal na damit, isang puting

    Last Updated : 2024-10-22
  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 15

    Ang balat ng babae ay napakaputla at ang mga markang nasa balat nito ay parang sariwa pa. Ang mga gilid nito ay unti-unting lumabo, ngunit hindi ganap na kumupas. Nang makita ni Andrew ang mga iyon, nagbago ang kanyang ekspresyon. Itinuon niya ang kanyang tingin kay Chloe, at ang kanyang aura ay hindi na maintindihan. "Saan nanggaling ang mga markang ito sa iyong katawan?" “Mr. Lim…” Takot na takot si Chloe sa inasta ng binata at nagpa-panic nitong inayos ang damit gamit ang mga kamay. Sa pagharap sa pagtatanong ng amo, sadyang umiiwas  mga mata ng dalaga.Hinawakan ni Andrew ang pulsohan ng babae at pinisil ang panga nito gamit ang kanyang mga kamay. “Sabihin mo sa akin! Saan ito nanggaling?” Patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Chloe mula sa gilid ng mga mata, ngunit napakagat ito sa labi at hindi umimik. “Eldrew!” sigaw ni Andrew at malamig na nagsalita, "Dito ka lang at tapusin ang nasa loob." “Oo.” Tumango si Eldrew. Kinaladkad ni Andrew si Chloe hanggang sa elevat

    Last Updated : 2024-10-22
  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 16

    Matanda na ang Lola niya at ang pinakamalaking hiling nito ay maikasal siya sa lalong madaling panahon. Una ay wala siyang plano sa bagay na iyon ngunit ngayon na umabot na siya gantong pangyayari, tama sigurong bigyan niya ang sarili at ni Chloe ng pagkakataon."Oo!" Sagot ni Chloe, "Handa akong umalis at mag-resign sa trabaho sa Lim Corporation para sa iyo.""Okay." Tumango Mr. Lim.——Umalis si Angelica sa teahouse at nalaman niyang napakalayo pala ng lugar na iyon, dose-dosenang kilometro ang layo mula sa lungsod. Karamihan sa mga pumunta dito ay ang pakay ay negosyo. Mayaman at marangal ang pumupunta roon kung kaya imposibleng makakuha siya ng taxi. Wala siyang mapupuntahan, kaya umupo na lamang siya sandali sa tabi ng fountain nang siya ay nakaramdam ng pagod."Angelica?" Isang pamilyar na boses ang narinig ng dalaga.Lumingon si Angelica at nakita si Fernan.Mayroong ilang iba pang mga lalaki na naka-suit ang kasama ni Fernan.Nang makita nila si Angelica, tumigil s

    Last Updated : 2024-10-22
  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 17

    "Mr. Lim..." Naglakad papasok si Andrew na may buhat-buhat na isang tao, "Pupunta tayo sa ospital." "Oo." Hindi na nagtanong pa si Eldrew at nagmamadaling pinindot ang elevator at bumaba. Nagtungo si Eldrew sa driver seat para magmaneho ng kotse at nakatayo namam doon sina Angelica at Mr. Lim na naghihintay, samantala si Chloe naman ay nakayakap pa rin sa binata. Nang umihip ang hangin sa gabi,  nanginig naman si Chloe dahil sa lamig. Nakita naman ni Angelica na humigpit ang mga braso ni Mr. Lim sa dalaga. Nang umandar ang kotse sa harap nila, binuksan ni Angelica ang pinto sa likod at pinauna sina Andrew at Chloe na makapasok. Ang orihinal na intensyon ni Mr. Lim ay hayaang maupo sina Chloe at Angelica sa likurang upuan ngunit sa sandaling ibinaba niya ang dalaga ay nagising si Chloe, binuksan nito ang mga mata na medyo namamaga dahil sa pag-iyak at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ni Andrew.Nang makita iyon, sinasadya ni Angelica na buksan ang pinto ng passenger’s sea

    Last Updated : 2024-10-22

Latest chapter

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 50

    Hindi naglaon, nakasama ni Jessica si Jared na uminom na parang inuming tubig lang ang alak at sobrang saya nilang nag-uusap na dalawa. Noong una, nag-aalala si Angelica kay Jessica, sa pag-aakalang bilang isang babae, tiyak na malalasing siya pagkatapos ng ilang sandali. Pinatunayan ng mga katotohanan na minamaliit niya si Jessica. Ang dami niyang nainom, pero hindi man lang namumula ang mukha niya. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Angelica, at naanod ang kanyang mga mata at nahulog kay Andrew. Kanina pa siya nakaupo, at bagamat maraming ingay at musika sa private room, mukhang hindi siya naapektuhan. Nakaupo lang siya at parang hindi niya kakayanin ang excitement na nasa harapan niya. Kung may kumausap sa kanya, magalang siyang magsasabi ng ilang salita, ngunit hindi siya nagkukusa na makipag-usap sa iba, at tahimik na umiinom nang mag-isa. Napaka-nonchalant nito.Tumingin si Angelica sa kanyang likuran at hindi maipaliwanag na naramdaman na siya ay lubos na nag-iisa. Sa sandali

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 49

    Pagkatapos magpalit ng damit, inilabas siya ni Jessica sa pinagdalhang dressing room. Hindi tulad ng madilim at simpleng daanan ng mga empleyado, sa pagkakataong ito nang buksan niya ang pinto, nakita niya ang isang pasilyo na puno ng karangyaan. Maging ang halimuyak sa hangin ay puno ng karangyaan. Ito ay ang first time ni Angelica na pumunta sa ganoong klase ng lugar. Siya ay labis na kinakabahan, tulad ng pananabik ng isang bata na palihim na pumupunta sa isang Internet cafe o parke upang maglaro nang hindi sinasabi sa kanyang mga magulang. Pagdating nila sa pinto, inabot ni Jessica at kumatok sa pinto, sabay hilig ng ulo para ipaalala sa kanya. “Maging matalino at sweet-mouthed ka mamaya sa lahat ng customer mo. Kung may tip para sa iyo, kunin mo iyon. Huwag kang mahihiya. Bigay nila iyon sa iyo. Okay?”Nakinig nang mabuti si Angelica at tumango upang isa-isang tandaan. Bagama't marami na siyang ginawang sikolohikal na paghahanda, nang bumukas ang pinto, hindi mapigilan ni Angel

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 48

    “Hindi naman ako nagpapaka-espesyal, Joriel.” bulong ni Angelica na bahagyang napayuko na, “May importante lang talaga akong lakad ngayong gabi. Kung narito naman na ang lahat ng impormasyon na kailangan, pwede bang gawin ko na lang ito bukas ng umaga? Aagahan ko na lang pumasok.”Tumaas na naman ang kilay ni Joriel sa kanya. “Okay! Wala akong pakialam kung kailan mo gawin. Basta sinabi ko na sa’yong may meeting bukas ng 8:30 ng umaga at kailangan iyan doon. Kung hindi mo gagawin ngayon, bahala ka. Huwag kang gumawa ng dahilan na ikakapahamak ng iyong sarili.”Tumango lang si Angelica. “Salamat.”“Tsk~” Umikot si Joriel at tumalikod na sa kanya. Hindi na nagtagal si Angelica at nagmadali ng hanapin si Jessica sa tagpuang sinabi nito sa kanya. Pagtingin pa lang sa high-end na entertainment club na may matingkad na ilaw at nagpipiyesta sa harap niya, ang ambisyon ni Angelica, na kaka-alab pa lang ay agad na naglaho ng mga sandaling ito.“Ano? Hindi mo na kaya? Natatakot ka na b

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 47

    Nang oras na para sa tanghalian, kumuha si Angelica ng tinapay at tubig at pumunta sa hagdanan. Higit sa lahat dahil natatakot siyang makita siya ni Andrew at dalhin na naman siya sa cafeteria para sa tanghalian tulad ng ginawa niya kahapon. Kaunti lang ang tao sa hagdanan, at napakatahimik. Habang kumakain ng tinapay, binuklat ni Angelica ang address book sa kanyang cellphone. Pagkaraan ng dalawang beses na pagkalikot nito, nalaman niyang walang sapat na pamilyar sa kanya para humingi ng tulong. Manghihiram siya at babayaran na lang niya oras na dumating ang sahod niya.Mayroon nang 99 na mga mensahe ng grupo sa naka-block sa kanya ng mga kaklase. Si Angelica ay karaniwang hindi kilala at tahimik lang sa grupo. Si Jasmine ang humila sa kanya sa grupong ito kaya wala talaga siyang kaalam-alam. Wala siyang interes dito at direktang hinarang ang mga mensahe ng grupo upang hindi makaabala sa kanya. Sa sandaling ito, nag-click siya para sa ilang kadahilanan. Napakaraming mensahe doon. D

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 46

    “Okay, sinabi mo iyan ha?” bahagyang ngumiti si Angelica na may iba ng tumatakbo sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon, “Kung gayon, gusto kong makipaghiwalay ka kay Patrick. Ano? Kaya mo bang gawin ang bagay na iyon ha? Sabi mo kahit na ano.”“Angelica, kahit na makipaghiwalay ako kay Patrick ngayon, hindi kayo magkakabalikan pa. Ano pang silbi noon? Wala na rin naman hindi ba?”“Tingnan mo na. Hindi mo kaya hindi ba?” hindi siya binigyan ni Angelica ng pagkakataon na magsalita ng walang kapararakan, “Kung hindi mo kaya, huwag kang magkunwari sa harapan ko na mabait ka. Ayokong nakikita kang kumilos ng masama.”Nagpalit si Angelica ng kanyang damit, kinuha ang kanyang bag, at binuksan ang pinto at umalis nang walang pakialam kung gaano kapangit ang mukha ni Jasmine. Tinadyakan ni Jasmine ng kanyang mga paa ang mesa at galaiting itinapon ang kanyang almusal sa basurahan. Halos manlisik na ang mga mata ni Jasmine noon.“Angelica, ano ang ipinagmamalaki mo? Kapag nakapasok ako sa o

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 45

    Nang ibinaba ang bintana ng kotse ay tumambad ang mukha ni Angelica sa paningin ni Andrew na puno na ng pagtataka kung bakit ginawa ng dalagang harangin siya. “Angelica? Bakit hindi ka pa umuuwi? Ano pang ginagawa mo dito?”Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa tuwing tatawagin ni Mr. Lim ang kanyang pangalan, palaging may kaunting pag-aatubili si Angelica. Pinigilan niya ang kakaibang pintig ng kanyang puso. “Mr. Lim, nakita mo na ba ang kumakalat na larawan sa grupo ng ating kumpanya?”“Ibig mong sabihin iyong litrato natin na palihim na kuha noong tanghali sa cafeteria?”“Opo…Mr. Lim.”“Nakita ko na. Ano bang meron doon?” Tiningnan ni Andrew ang kanyang mukha na kasing laki lang ng kanyang palad. “Nagdulot ba ito ng problema sa iyo? May nang-aaway ba sa iyon ng dahil dito?”Napahiya na doon si Angelica. Kung tutuusin, siya ang presidente ng kumpanya, kaya marapat lang na siya ang mahirapan at hindi siya ngunit siya pa talaga ang tinatanong ni Mr. Lim. Sa kanya pa ito ma

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 44

    “Imposible iyon. Baka may gusto si Mr. Lim na isang binata sa katulad ni Angelica?”“Hindi iyan totoo. Sino ba naman ang magkakagusto sa college students? Baka kasi ang akala ni Mr. Lim ay pure pa siya kaya kinukuha ang loob niya.”“Bakit si Mr. Lim? Hindi ba pwedeng si Angelica ang kumakalantari sa amo natin?” singit na ng isa pa na bakas na ang labis na inggit sa kanyang katawan.“Ngunit hindi ba ipinagbabawal ng kumpanya ang mga relasyon sa opisina?”“Ano ka ba? Si Mr. Lim iyan! Ang mga patakaran ng kumpanya ay itinakda niya lahat para pigilan ang mga empleyado, at si Mr. Lim ay wala sa mga limitasyong iyon. Ibig sabihin ay pwede niyang gawin at baliin kung anuman ang rules na ginawa niya.”Hindi na nakilahok si Joriel sa usapan, ngunit kumuha ng litrato gamit ang kanyang mobile phone at ipinadala ito kay Chloe. Siguro dahil sanay na siyang magreklamo kay Chloe, kaya kahit na nagbitiw na ang babae ngayon, hindi pa rin mababago ni Joriel ang ugali na kausapin ito. Pagkatapos ipa

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 43

    Natakot si Angelica na makita siya ng dalawa, kaya naman nagtago siya sa ilalim ng mesa. Ngunit hindi sinasadyang natumba ang tasa ng tubig sa lamesa. Natapon ang tubig sa buong mesa, at tumulo sa gilid ng mesa sa kanyang buhok at manggas ng damit. Lumapit ang mga yabag, at lumitaw ang isang pares ng panlalaking leather na sapatos sa harapan ni Angelica, na sinundan ng boses ni Andrew mula sa itaas ng kanyang ulo. “Angelica? Anong ginagawa mo diyan?”Walang choice si Angelica kundi ang tumayo, tahimik na itinago ang tinapay sa likod niya, namumula na ang mukha sa sobrang hiya sa kanya. “Mr. Lim…”Huminto ang mga mata ni Andrew sa kanyang damit ng dalawang segundo. “Bakit hindi ka kumain?”“Ako? Hmm, hindi ako nagugutom.” pagsisinungaling sa kanya ni Angelica.Kabaligtaran ng sinabi niyang hindi siya gutom, tumunog doon ang kanyang tiyan. Nagmamadaling tinakpan ni Angelica ang kanyang tiyan gamit ang kanyang mga kamay, lalo pang namula ang mukha niya sa sobrang hiya sa kanyang

  • One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!   Kabanata 42

    Lumalabas na wala siyang physiological reaction kay Chloe, ni kahit katiting na interes. Pagbaba niya sa unang palapag, si Chloe ay naghahanda na ng almusal. Nang lumingon siya at nakita siya ay malapad na itong ngumiti sa kanya. “Mr. Lim, ready na ang almusal.”Sumulyap si Andrew sa mesa at umupo. “Ikaw lang ba ang gumawa ng lahat ng ito?”“Hmm. May nakita akong mga fresh ingredients sa ref, kaya pinakialaman ko na at ako na ang gumawa ng almusal. Ewan ko lang kung bagay at papasa sa panlasa niyo ni Lola ang mga niluto ko.” feeling maybahay ng sagot ni Chloe.Nagmamadaling iniabot sa kanya ni Chloe ang pinggan. Tinikman na iyon ni Andrew.“Masarap. Papasa na sa panlasa ko.”Nakaramdam ng labis na kasiyahan si Chloe sa naging papuri ni Andrew. Subalit nang lumingon siya at nakita niya ang matandang babae na papalapit na, agad na napawi ang kanyang matingkad na mga ngiti. Nagpatuloy naman sa pagkain si Andrew na nang makita ang Lola ay binaba ang utensils upang harapin na ang m

DMCA.com Protection Status