Nang buksan ni Angelica ang pinto, nakita niya si Jasmine na nakatayo si gilid ng kan'yang kama, hawak-hawak nito ang isang scarf na binigay sa kan'ya ni Andrew Lim. “Angelica?” Nang makita ni Jasmine si Angelica na bumalik, agad na ibinalik ni Jasmine iyon sa isang paper bag, lumapit ang dalaga kay Angelica saka hinawakan ang braso niya, “Angelica, kailan ka pa bumalik sa dormitoryo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Binawi ni Angelica ang kan'yang kamay saka naglakad palayo kay Jasmine, “Hindi ba't umalis ka na rito?” “Oo, pero bumalik ako para kunin ang iba ko pang mga gamit.” Naglakad si Jasmine at nilapitan ang isang malaking bag na may brand sa tabi, “Angelica, sa'yo ba itong scarf?” “Oo, akin nga.” Tumingin si Angelica kay Jasmine, “May problema ba roon?” “Wala.” Napangiti si Jasmine ng peke, “Ang scarf na ito ay isang limited edition na ni-launch ng LV noong nakaraang buwan. Hindi lang ito mahal, mahirap din itong kunin. Gusto ko lang itanong sa'yo, paano mo ito nakuha?
Kakagising pa lang ni Andrew at may bakas pa ng katamaran ang kan'yang boses. Ang huling salitang tinawag niya kay Angelica ay may pataas na tunog. Uminit ang pisngi ni Angelica nang marinig ang sinabi ng amo at nagpaliwanag, “Isasauli ko lang ang bagay na binigay mo sa akin.” Napatingin si Mr. Lim sa isang bag sa mesa, “Ayaw mo ba iyan?” “Hindi.” Umiling si Angelica, “Hindi ko matatanggap ang gan'tong kamahal na bagay at wala akong rason para tanggapin ang mga ito.” “Hindi naman iyan mahal, maliit lamang na regalo iyan tanda ng aking pagpapahalaga sa nararamdaman mo,” saad ni Mr. Lim. “O kaya sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo? Hihilingin ko kay Eldrew na bilhin ito, o pwede namang ikaw na lang ang pumili.” Gusto niyang bumawi sa dalaga sa nagawa niya noong nakaraan. “Mr. Lim, ang totoo niyan, hindi ko naman sineryoso ang nangyari noong nakaraang gabi at ayaw ko ng maalala iyon. Kapag tinanggap ko ito, ang regalo mo sa akin ay ang magpapaalala lamang sa akin sa lahat
Nakaupo si Angelica sa kan’yang mesa, nakatingin sa screen, ngunit ang kanyang isip ay magulo. Iniisip niya ang eksena kanina, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda niya, ito ang unang pagkakataong may ibang tao, maliban sa kapatid niya ang nagprotekta sa kanya. At ang taong iyon ay ang lalaking nakatalik niya, uminit ang puso ni Angelica. Humihikbi naman si Joriel sa gilid, at pinalibutan ito ng ilang kasamahang babae upang aliwin ang dalaga. "Joriel, ‘wag ka ng malungkot, masisira na ang makeup mo niyan sa kakaiyak." "Oo nga, Joriel, wala namang masamang sinabi si President Lim sa iyo. Ikaw ang pinakamaganda at mas may kakayahan sa amin, paanong matitiis ni President Lim ang isang katulad mo?Sinamaan ng tingin ni Joriel si Angelica. “Ano naman kung ako ang pinakamaganda? Ano naman kung ako ang mas may kakayahan? Hindi ko naman matatalo-talo ang isang mapanlilang na babae!” Ang lahat ay tumingin kay Angelica, may bakas ito ng p
Nang ma-realize ni Angelica kung ano ang gagawin ng lalaki ay natigilan ang dalaga, "Mr. Lim, ikaw..." Marahil dahil sa inaakala ng lalaki na napakabagal ng dalaga, iniunat ni Mr. Lim ang kamay nito para hilahin siya, hindi naman napansin ng binata kung kaya’t ang daliri nito ay napadiin sa likod ng kamay ni Angelica. "Hiss--" Napasinghap si Angelica sa sakit, at tila napangiwi ang kanyang mukha. Niluwagan ni Mr. Lim ang paghawak sa kamay, umatras at hinawakan ang kanyang pulso, ibinaling ang likod ng kamay ng dalaga, at nakita ng binata ang isang malaking bahagi ng pamumula at pamamaga sa kanyang balat, at mga paltos.Kumunot ng bahagya ang noo ni Mr. Lim, "Paano naging ganito ito?" Naglublob ang binata ng cotton swab sa disinfectant at ipinahid ito sa likod ng kamay ng dalaga. Ang cotton swab ay dumampi sa paltos kaya naman nanginginig si Angelica sa sakit.Tumigil si Mr. Lim, "Kailangang kunin ang paltos ng kamay mo." Nang marinig ni Angelica ang tungkol sa pamumula ng mga p
"Hello, Chloe?" "Ako ito." May pagmamadaling sagot ni Chloe sa kabilang linya, "Angelica, nasaan kayo ni Mr. Lim ngayon?" "Anong problema?" "Mayroon akong dokumento dito na nangangailangan ng lagda ni Mr. Lim." Napaka lambot ng tono ni Chloe. Napatingin si Angelica sa pinto, "Kung gayon, sasabihin ko ba iyan kay Mr. Lim?""Hindi na kailangan,” sagot ni Chloe. "Alam kong may malaking deal ngayon si Mr. Lim kung kaya’t ayaw kong ma-isturbo siya. Ipadala mo na lang sa akin ang address, pupunta ako riyan para hanapin ka, at dalhin na lang ang dokumento kay Mr. Lim para papirmahan."Sa pag-iisip ng sampu-sampung bilyon, ito ay talagang isang malaking deal. Hindi nag-atubili si Angelica na ipadala ang lokasyon kay Chloe. Pagkatapos noon ay nakatulog siya sa kama. Natulog siya hanggang sa bumalot ang dilim. Nang lumabas si Angelica sa silid, papaalis na sina Mr. Lim at ang assistant nitong si Mr. Eldrew. Inayos ni Angelica ang kanyang hitsura at sumunod. Huminto naman si Mr
“Mr. Yap, nagbibiro ka ba, ang aming presidente na si Mr. Lim ay palaging napaka-maalalahanin sa kanyang mga nasasakupan, sagot naman ni Eldrew.Malamig na sinulyapan ni Mr. Yap ang binata, "Assistant Eldrew, ang kausap ko ay si Mr. Lim, bakit ikaw ang palaging sumasagot para sa kan’ya?" Tumango si Eldrew at tumigil sa pagsalita. Pirming nakaupo lamang si Mr. Lim, hinahaplos ang kanyang baso ng alak gamit ang kanyang mga daliri, ang kanyang mukha ay may blankong ekspresyon. Ngumiti si Mr. Yap at ang kan’yang grupo. Ang kapaligiran sa pribadong silid ay malapit nang masira. At sa sandaling iyon, bumukas ang pintuan ng silid at isang kaakit-akit na boses ang narinig, "Excuse me." "Chloe?" Bahagyang nagulat si Eldrew, "Bakit ka nandito?" "May isang dokumento na nangangailangan ng lagda ni Mr. Lim." Kinuha ni Chloe ang dokumento at lumapit kay Andrew. Napatingin din ang mga lalaki sa nag-iisang babae sa silid. Si Chloe ay nakasuot ng isang propesyonal na damit, isang puting
Ang balat ng babae ay napakaputla at ang mga markang nasa balat nito ay parang sariwa pa. Ang mga gilid nito ay unti-unting lumabo, ngunit hindi ganap na kumupas. Nang makita ni Andrew ang mga iyon, nagbago ang kanyang ekspresyon. Itinuon niya ang kanyang tingin kay Chloe, at ang kanyang aura ay hindi na maintindihan. "Saan nanggaling ang mga markang ito sa iyong katawan?" “Mr. Lim…” Takot na takot si Chloe sa inasta ng binata at nagpa-panic nitong inayos ang damit gamit ang mga kamay. Sa pagharap sa pagtatanong ng amo, sadyang umiiwas mga mata ng dalaga.Hinawakan ni Andrew ang pulsohan ng babae at pinisil ang panga nito gamit ang kanyang mga kamay. “Sabihin mo sa akin! Saan ito nanggaling?” Patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Chloe mula sa gilid ng mga mata, ngunit napakagat ito sa labi at hindi umimik. “Eldrew!” sigaw ni Andrew at malamig na nagsalita, "Dito ka lang at tapusin ang nasa loob." “Oo.” Tumango si Eldrew. Kinaladkad ni Andrew si Chloe hanggang sa elevat
Matanda na ang Lola niya at ang pinakamalaking hiling nito ay maikasal siya sa lalong madaling panahon. Una ay wala siyang plano sa bagay na iyon ngunit ngayon na umabot na siya gantong pangyayari, tama sigurong bigyan niya ang sarili at ni Chloe ng pagkakataon."Oo!" Sagot ni Chloe, "Handa akong umalis at mag-resign sa trabaho sa Lim Corporation para sa iyo.""Okay." Tumango Mr. Lim.——Umalis si Angelica sa teahouse at nalaman niyang napakalayo pala ng lugar na iyon, dose-dosenang kilometro ang layo mula sa lungsod. Karamihan sa mga pumunta dito ay ang pakay ay negosyo. Mayaman at marangal ang pumupunta roon kung kaya imposibleng makakuha siya ng taxi. Wala siyang mapupuntahan, kaya umupo na lamang siya sandali sa tabi ng fountain nang siya ay nakaramdam ng pagod."Angelica?" Isang pamilyar na boses ang narinig ng dalaga.Lumingon si Angelica at nakita si Fernan.Mayroong ilang iba pang mga lalaki na naka-suit ang kasama ni Fernan.Nang makita nila si Angelica, tumigil s