“Okay, sinabi mo iyan ha?” bahagyang ngumiti si Angelica na may iba ng tumatakbo sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon, “Kung gayon, gusto kong makipaghiwalay ka kay Patrick. Ano? Kaya mo bang gawin ang bagay na iyon ha? Sabi mo kahit na ano.”“Angelica, kahit na makipaghiwalay ako kay Patrick ngayon, hindi kayo magkakabalikan pa. Ano pang silbi noon? Wala na rin naman hindi ba?”“Tingnan mo na. Hindi mo kaya hindi ba?” hindi siya binigyan ni Angelica ng pagkakataon na magsalita ng walang kapararakan, “Kung hindi mo kaya, huwag kang magkunwari sa harapan ko na mabait ka. Ayokong nakikita kang kumilos ng masama.”Nagpalit si Angelica ng kanyang damit, kinuha ang kanyang bag, at binuksan ang pinto at umalis nang walang pakialam kung gaano kapangit ang mukha ni Jasmine. Tinadyakan ni Jasmine ng kanyang mga paa ang mesa at galaiting itinapon ang kanyang almusal sa basurahan. Halos manlisik na ang mga mata ni Jasmine noon.“Angelica, ano ang ipinagmamalaki mo? Kapag nakapasok ako sa o
Nang oras na para sa tanghalian, kumuha si Angelica ng tinapay at tubig at pumunta sa hagdanan. Higit sa lahat dahil natatakot siyang makita siya ni Andrew at dalhin na naman siya sa cafeteria para sa tanghalian tulad ng ginawa niya kahapon. Kaunti lang ang tao sa hagdanan, at napakatahimik. Habang kumakain ng tinapay, binuklat ni Angelica ang address book sa kanyang cellphone. Pagkaraan ng dalawang beses na pagkalikot nito, nalaman niyang walang sapat na pamilyar sa kanya para humingi ng tulong. Manghihiram siya at babayaran na lang niya oras na dumating ang sahod niya.Mayroon nang 99 na mga mensahe ng grupo sa naka-block sa kanya ng mga kaklase. Si Angelica ay karaniwang hindi kilala at tahimik lang sa grupo. Si Jasmine ang humila sa kanya sa grupong ito kaya wala talaga siyang kaalam-alam. Wala siyang interes dito at direktang hinarang ang mga mensahe ng grupo upang hindi makaabala sa kanya. Sa sandaling ito, nag-click siya para sa ilang kadahilanan. Napakaraming mensahe doon. D
“Hindi naman ako nagpapaka-espesyal, Joriel.” bulong ni Angelica na bahagyang napayuko na, “May importante lang talaga akong lakad ngayong gabi. Kung narito naman na ang lahat ng impormasyon na kailangan, pwede bang gawin ko na lang ito bukas ng umaga? Aagahan ko na lang pumasok.”Tumaas na naman ang kilay ni Joriel sa kanya. “Okay! Wala akong pakialam kung kailan mo gawin. Basta sinabi ko na sa’yong may meeting bukas ng 8:30 ng umaga at kailangan iyan doon. Kung hindi mo gagawin ngayon, bahala ka. Huwag kang gumawa ng dahilan na ikakapahamak ng iyong sarili.”Tumango lang si Angelica. “Salamat.”“Tsk~” Umikot si Joriel at tumalikod na sa kanya. Hindi na nagtagal si Angelica at nagmadali ng hanapin si Jessica sa tagpuang sinabi nito sa kanya. Pagtingin pa lang sa high-end na entertainment club na may matingkad na ilaw at nagpipiyesta sa harap niya, ang ambisyon ni Angelica, na kaka-alab pa lang ay agad na naglaho ng mga sandaling ito.“Ano? Hindi mo na kaya? Natatakot ka na b
Pagkatapos magpalit ng damit, inilabas siya ni Jessica sa pinagdalhang dressing room. Hindi tulad ng madilim at simpleng daanan ng mga empleyado, sa pagkakataong ito nang buksan niya ang pinto, nakita niya ang isang pasilyo na puno ng karangyaan. Maging ang halimuyak sa hangin ay puno ng karangyaan. Ito ay ang first time ni Angelica na pumunta sa ganoong klase ng lugar. Siya ay labis na kinakabahan, tulad ng pananabik ng isang bata na palihim na pumupunta sa isang Internet cafe o parke upang maglaro nang hindi sinasabi sa kanyang mga magulang. Pagdating nila sa pinto, inabot ni Jessica at kumatok sa pinto, sabay hilig ng ulo para ipaalala sa kanya. “Maging matalino at sweet-mouthed ka mamaya sa lahat ng customer mo. Kung may tip para sa iyo, kunin mo iyon. Huwag kang mahihiya. Bigay nila iyon sa iyo. Okay?”Nakinig nang mabuti si Angelica at tumango upang isa-isang tandaan. Bagama't marami na siyang ginawang sikolohikal na paghahanda, nang bumukas ang pinto, hindi mapigilan ni Angel
Hindi naglaon, nakasama ni Jessica si Jared na uminom na parang inuming tubig lang ang alak at sobrang saya nilang nag-uusap na dalawa. Noong una, nag-aalala si Angelica kay Jessica, sa pag-aakalang bilang isang babae, tiyak na malalasing siya pagkatapos ng ilang sandali. Pinatunayan ng mga katotohanan na minamaliit niya si Jessica. Ang dami niyang nainom, pero hindi man lang namumula ang mukha niya. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Angelica, at naanod ang kanyang mga mata at nahulog kay Andrew. Kanina pa siya nakaupo, at bagamat maraming ingay at musika sa private room, mukhang hindi siya naapektuhan. Nakaupo lang siya at parang hindi niya kakayanin ang excitement na nasa harapan niya. Kung may kumausap sa kanya, magalang siyang magsasabi ng ilang salita, ngunit hindi siya nagkukusa na makipag-usap sa iba, at tahimik na umiinom nang mag-isa. Napaka-nonchalant nito.Tumingin si Angelica sa kanyang likuran at hindi maipaliwanag na naramdaman na siya ay lubos na nag-iisa. Sa sandali
“Ohhh…” Naramdaman ni Angelica ang halik ng lalaki na dumadampi sa kan’yang katawan. Para siyang nasa dagat at nakasakay sa isang bangkang nag-iindayog at sumasabay sa ritmo ng alon. Hindi niya alam kung gaano katagal ang nararamdaman niyang sarap, pero nalaman na lamang niyang tumigil iyon nang tumila na ang malakas na ulan at hangin. Naramdaman din niya ang mainit na yakap ng binata kung kaya’t nakatulog siya ng mahimbing. Kinabukasan…Napainat-inat si Angelica sa pagkakahiga at nang may nakapa siya ay agad niyang iminulat ang mga mata. Kita niya ang isang napaka-gwapong lalaki na mahimbing na natutulog sa harap niya. “B-Boss??” bulong ni Angelica. Ilang segundo ring na blanko ang kan’yang utak nang biglang may sumagi sa kan’yang isipan—Ang mainit na nangyari sa kanila ng boss niya kagabi. Nanlalaki ang kan’yang mga mata sa gulat at napaupo ng tuwid. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit sa gitnang sensitibong parte. Para siyang isang mataas na dugtong-dugtong na bloke
Sandaling nakatulog si Angelica at nakaramdam ng matinding pagkauhaw. Gumapang siya palabas ng tent hanggang sa bumugad sa kan’ya ang isang pares ng panlalaking sapatos sa harap niya. Mula sa sapatos ay tiningnan niya ito pataas, kita niya ang mahahabang hita ng lalaki. Ang sikat ng araw ay tumatagos at nagpapaliwanag sa lalaki, kitang-kitang niya ang malinaw na mukha ni Andrew Lim, halos himatayin siya nang makita ito sa harap ng tent niya. “M-Mr. A– L-Lim?” utal na tawag niya sa binata. Hindi ba’t nasa bundok ito at nag-hi-hiking? Bakit ito narito? Napayuko si Mr. Lima sa kan’yang harapan, matamang nakatingin sa kan’yang namumulang pisngi sanhi ng matinding lagnat. “May tanong ako sa’yo,” seryosong sabi nito sa kan’ya. Bumilis ang tibok ng puso ni Angelica at binasa ang nanunuyong labi. “A-Ano iyon?” “May nakita ka bang taong pumasok sa tent ko kagabi?” Nakatutok ang mga mata ni Andrew Lim kay Angelica, sobrang kinakabahan ang dalaga kung kaya’t kinuyom niya ang kamao. Hind
Apat na bote ng saline solution ang nilagay kay Angelica hanggang sa humupa ang lagnat nito. Gayunpaman, sinabi ng doktor na mayroon siyang bacterial infection at nananakit pa rin ang kan’yang buong katawan. Bagama’t pansalamantalang bumababa ang kan’yang lagnat, kailangan niya pa ring manatili sa ospital ng dalawang araw upang suruin pa ang lagay niya. Kinagabihan, nagmamadaling itinulak ni Elaiza ang pinto ng silid ni Angelica at pumasok. “Angelica, okay ka lang??” Nang makita ni Angelica ang kan’yang kapatid na nag-aalala ay agad na nakaramdam siya ng sakit sa dibdib at pamamasa ng mga mata. “Okay lang ako, Ate Elaiza.” “Paano nangyari ito? Paanong lumalala ang nararamdaman mo?” tanong ni Elaiza sa kapatid. Bata pa lamang ay nawalan na ng magulang sina Elaiza at Angelica. Si Elaiza ang panganay at pitong taon ang pagitan kay Angelica. Ito ang nagsilbing ina at ama sa kan’ya. Ang kanilang samahan ay napakatibay kung kaya’t labis ang pag-aalala ng kapatid kapag may nangyaya