Capturing the Billionaire's Heart

Capturing the Billionaire's Heart

last updateLast Updated : 2025-01-20
By:   MissLeaf  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
33Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Dahil sa biglaang pag-alis ni Alex sa puder ng kapatid, at biglaang pagpapakasal sa lalaking di lubos na kilala, inakala niyang mamumuhay silang tahimik at may respeto pagkatapos ng kasal. Ngunit laking gulat niya nang matuklasang sa likod ng malamig na pakikitungo nito sa kaniya ay isang lalaking sobra kung magmahal. Sa tuwing may hinaharap siyang problema, palaging asawa niya ang nauuna para tumulong, at tila kusang nawawala ang lahat ng inaalala at pinoproblema niya kapag dumarating ito. Hanggang isang araw, napanood ni Alex ang isang panayam sa isa sa pinakamayamang tao sa Asia—isang lalaking nakilala sa sobrang pagmamahal at pagmamalaki sa kanyang asawa. Sa kanyang pagkagulat, napansin niyang lalaki ay kamukhang-kamukha ng kanyang asawa! Hindi lang iyon—ang babaeng ipinagmamalaki nito sa buong mundo na kaniya raw asawa ay walang iba kundi siya!

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter One

Maagang bumangon si Alex at naghanda ng almusal para sa pamilya ng kanyang kapatid. Pagkatapos, inilagay niya ang kanyang mga importanteng dokumento sa bag at tahimik na umalis."Mula ngayon, hahatiin na natin ang mga gastusin, kahit na para sa mga gastusin sa bahay, pagkain, at mga bayarin, kailangan natin maghati! Nakatira ang kapatid mo sa bahay namin, at kailangan niyang magbayad ng kalahati. Anong silbi ng pagbibigay niya ng limang libong piso bawat buwan? Ano ang kaibahan noon sa libreng pagkain at libreng tirahan? Mahal ang mga gastusin ngayon."Ito ang narinig ni Alex na sinabi ng kanyang bayaw nang mag-away ang kanyang kapatid at bayaw kagabi.Kailangan niyang lumipat mula sa bahay ng kanyang kapatid.Pero para mapakalma ang kanyang kapatid, isa lang ang daan, magpakasal. Kilala niya ito. Hindi ito basta basta papayag na umalis nalang siya.Gusto niyang magpakasal sa lalong madaling panahon. Wala pa siyang boyfriend. Nagpasya siyang sumang-ayon sa kahilingan ni Lola Paula at ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
33 Chapters
Chapter One
Maagang bumangon si Alex at naghanda ng almusal para sa pamilya ng kanyang kapatid. Pagkatapos, inilagay niya ang kanyang mga importanteng dokumento sa bag at tahimik na umalis."Mula ngayon, hahatiin na natin ang mga gastusin, kahit na para sa mga gastusin sa bahay, pagkain, at mga bayarin, kailangan natin maghati! Nakatira ang kapatid mo sa bahay namin, at kailangan niyang magbayad ng kalahati. Anong silbi ng pagbibigay niya ng limang libong piso bawat buwan? Ano ang kaibahan noon sa libreng pagkain at libreng tirahan? Mahal ang mga gastusin ngayon."Ito ang narinig ni Alex na sinabi ng kanyang bayaw nang mag-away ang kanyang kapatid at bayaw kagabi.Kailangan niyang lumipat mula sa bahay ng kanyang kapatid.Pero para mapakalma ang kanyang kapatid, isa lang ang daan, magpakasal. Kilala niya ito. Hindi ito basta basta papayag na umalis nalang siya.Gusto niyang magpakasal sa lalong madaling panahon. Wala pa siyang boyfriend. Nagpasya siyang sumang-ayon sa kahilingan ni Lola Paula at
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more
Chapter Two
"Pumayag na ako kaya hindi na ako aatras."Nag-isip si Alex ng ilang araw bago gawin ang desisyon. At dahil nakapagdesisyon na siya, hindi na siya uurong.Narinig ni Morgan ang sinabi niya at hindi na siya pinilit pa. Kinuha niya ang kanyang ID at inilagay ito sa harap ng staff.Ginaya rin ito ni Alex.Mabilis na natapos ang proseso ng kanilang kasal, na tumagal nang wala pang sampung minuto.Nang matanggap ni Alex ang marriage certificate mula sa staff, kinuha ni Morgan ang isang bungkos ng susi na matagal na niyang inihanda mula sa bulsa ng kanyang pantalon, iniabot ito kay Alex, at sinabi, "Ang bahay na binili ko ay nasa High View Village. Narinig ko kay Lola na nagbukas ka ng bookstore sa tapat ng Manila Science High school. Hindi kalayuan ang bahay ko mula doon. Kung sasakay ka ng bus, aabutin lang ito ng mahigit ten minutes.""May lisensya ka ba? Kung meron, puwede kang bumili ng kotse. Matutulungan kitang bayaran ang down payment, at ikaw na ang magbayad ng buwanang hulog. Mas
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more
Chapter Three
"Opo Lola, gagawin ko po."Kaswal lang ang naging sagot ni Alex.Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya?Hindi naniniwala si Alex.Katulad na lang ng mga magulang ng bayaw ng kanyang kapatid.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang kapatid, sa puntong nagselos pa ang tunay nilang anak.Pagkatapos ng kasal, nagbago ang pakikitungo nila. Sa tuwing nagkakaroon ng alitan ang kanyang kapatid at ang bayaw niya, laging sinisisi ng biyenan ang kapatid niya sa pagiging masamang asawa.Ganito talaga—ang anak ng iba ay laging itinuturing na kamag-anak, at ang manugang ay laging taga-labas."May trabaho ka, kaya hindi na kita iistorbohin. Papupuntahin ko si Morgan para sunduin ka mamaya para sabay kayong maghapunan sa bahay.""Lola, hindi ko po puwedeng iwanan ang bookstore hanggang gabi. Hindi po kakayanin ng or
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more
Chapter Four
"Opo Lola, gagawin ko po."Kaswal lang ang naging sagot ni Alex.Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya?Hindi naniniwala si Alex.Katulad na lang ng mga magulang ng bayaw ng kanyang kapatid.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang kapatid, sa puntong nagselos pa ang tunay nilang anak.Pagkatapos ng kasal, nagbago ang pakikitungo nila. Sa tuwing nagkakaroon ng alitan ang kanyang kapatid at ang bayaw niya, laging sinisisi ng biyenan ang kapatid niya sa pagiging masamang asawa.Ganito talaga—ang anak ng iba ay laging itinuturing na kamag-anak, at ang manugang ay laging taga-labas."May trabaho ka, kaya hindi na kita iistorbohin. Papupuntahin ko si Morgan para sunduin ka mamaya para sabay kayong maghapunan sa bahay.""Lola, hindi ko po puwedeng iwanan ang bookstore hanggang gabi. Hindi po kakayanin ng or
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more
Chapter Five
"Ituloy na natin ang meeting." Walang pakialam na sinabi ni Morgan. Lumapit si Clark at mahinang nagtanong, "Kuya Morgan, narinig ko ang sinabi ni lola tungkol sa’yo. Totoo bang pinakasalan mo si Alex? Iyong babaeng malapit kay lola?" Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang mas nakababatang pinsan na si Clark, isa ring binata kagaya niya. Halos magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa. Tinitigan siya ni Morgan na para bang tinataga ng kutsilyo. Hinawakan ni Clark ang kanyang ilong, umupo nang tuwid, at hindi na muling nagtanong. Ngunit di niya maiwasang makaramdam ng simpatya at awa dahil alam niyang hindi bukal sa loob nito ang ginawang pagpapakasal ng pinsan. Bagaman ang mga anak ng pamilya Villamor ay hindi kailangang gumamit ng kasal para mapalakas ang kanilang estado, ang kasal ng kanyang nakatatandang pinsan ay tila hindi maganda. Dahil lamang gusto ni lola ang babaeng nagngangalang Alex, napilitan ang kanyang kuya na pakasalan ito. Tunay na kaawa-awa ang kanyang kuya.
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more
Chapter Six
Pagkasakay ni Morgan sa Rolls-Royce, mahina niyang iniutos, "Sinugurado niyo bang dala niyo iyong isa pang sasakyan? Iyong mumurahin."Ginagamit niya ito para linlangin ang asawa niya. Ano nga ba ang pangalan ng asawa niya?"Ano nga pala ang pangalan niya?"Tinatamad si Morgan na kunin ang marriage certificate. Sa katunayan, nang suriin ito ng kanyang lola, tila hindi pa ito naibalik sa kanya. Sa ngayon, wala siya ni kopya nito.Bodyguard "...... Ang apelyido Acosta, at ang pangalan niya ay Alex. Dalawampu’t limang taong gulang siya ngayong taon. Dapat ay hindi niyo po ito kinakalikutan."Magaling ang memorya ng kanilang amo, pero hindi niya alalahanin ang mga taong ayaw niyang alalahanin—lalo na kung mga babae. Kahit araw-araw niyang makita, malamang hindi pa rin niya matandaan ang kanilang mga pangalan o apelyido.Morgan "Hmm, tandaan mo na lang. Tapos ay ipaalala mo saakin."Inisip ng bodyguard na malamang sa susunod na pagkakataon, hindi pa rin maaalala ng kanilang amo ang pangala
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more
Chapter Seven
Pinahahalagahan ni Morgan ang kanyang pangangatawan at hindi niya hinahayaang mapasobra siya sa pagkain at inumin."Napakahirap magbawas ng timbang."Ngumiti si Alex, "Kung sabagay, maganda nga ang pangangatawan mo." Mahina niyang bulong."Kung gano’n, babalik na muna ako sa kwarto para matulog?"Tumango si Morgan."Magandang gabi."Nagpaalam si Alex sa kanya at tumalikod na upang umalis."Sandali, Alex."Tinawag siya ni Morgan.Huminto si Alex, lumingon, at nagtanong: "May kailangan pa ba?"Tinitigan siya ni Morgan at sinabing: "Huwag ka nang lalabas nang pajama lang ang suot sa susunod."Doon lang napagtanto ni Alex na hindi siya nagsuot ng panloob sa ilalim ng kanyang pajama. Matulis ang mata ni Morgan at nakita niya ang dapat at hindi dapat makita.Mag-asawa sila, at nakita na niya iyon, pero paano kung ibang tao ang makakita?Ayaw niyang makita ng ibang lalaki ang katawan ng kanyang asawa.Namula si Alex, tumakbo pabalik sa kanyang kwarto, at isinara nang malakas ang pinto.Hindi
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more
Chapter Eight
Walang sabing inilabas ni Morgan ang kaniyang wallet para iabot ang isang card sa kaniya.Itinulak niya pabalik kay Morgan ang bank card at ang papel na may nakasulat na password, at hindi man lang niya ito tinignan."Sir Morgan, ang tahanang ito ay hindi lang sa iyo. Ako rin ay nakatira dito. Ikaw ang bumili ng bahay, pero kung titira ako rito, makakatipid ako sa upa. Ang mga gastusin sa bahay na ito ay hindi na puwedeng ikaw lang ang sumagot. Ako na ang magbabayad sa mga kailangan bilhin sa bahay.""Maliban na lang kung bibili ka ng gamit o muwebles na nagkakahalaga ng higit sa limang libong piso, dapat nating pag-usapan iyon, at magbigay ka kung ano ang kaya mo."Hindi mababa ang kanyang kita, kaya niyang sagutin ang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya. Maliban na lang kung kailangan ng malaking halaga, hindi na niya kailangang umasa sa pera ni Morgan.Hindi naman sa hindi niya kayang tanggapin ang pera mula sa kanya, pero ang kanyang pag-uugali ang nagpapasama ng loob ni Alex, n
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more
Chapter Nine
Pumunta si Alex sa bahay ng kanyang kapatid.Pagbukas ng pinto at pagpasok sa bahay, napansin niyang abala na ang kanyang kapatid sa kusina."Ate.""Alex, nandito ka na pala."Lumabas si Bea mula sa kusina at masayang nakita ang kapatid. "Kumain ka na ba? Nagluluto ako ng noodles, gagawan din kita ng isang mangkok?""Hindi na, kumain na ako. Ate, naluto mo na ba ang noodles? Kung hindi pa, huwag mo nang lutuin. Nagbalot ako ng almusal para sa'yo at kay Jack.""Hindi pa. Si Jack kasi, nilagnat kagabi, kaya halos hindi ako nakatulog buong magdamag! Late na rin akong nagising kaninang umaga. Ang bayaw mo naman, lumabas na lang para kumain ng almusal. Pinagalitan pa ako, sinabing wala raw akong ginagawa sa bahay buong araw, nag-aalaga lang ng bata, at hindi man lang marunong gumising nang maaga para maghanda ng almusal para sa kanya."Bahagyang nasaktan si Bea habang sinasabi ito.Nagngingitngit si Alex nang marinig ito. "Bakit nilagnat si Jack? Kahit bumaba na ang lagnat niya, ate, kaila
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more
Chapter Ten
"Sige, alis na tayo."Tahimik na nainis si Morgan kay Alex, ngunit hindi siya nagsalita o gumawa ng anumang hakbang.Si Alex ay asawa niya sa papel lamang, ngunit sa totoo lang, parang hindi sila magkakilala.Hindi na muling nagsalita ang driver at pinaandar na ulit ang kotse.Walang kamalay-malay si Alex na muntik na niyang mabangga ang marangyang kotse ng kanyang asawa. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagsakay sa kanyang e-bike hanggang makarating sa tindahan. Ang bahay ni Carol ay malapit lang, kaya palagi itong nauunang dumating kaysa kay Alex."Alex."Pagkatapos magtrabaho, nag-order si Carol ng almusal para sa sarili. Habang kumakain, nakita niya ang kaibigan niyang si Alex na kararating lang. Ngumiti siya at tinanong ito, "Kumain ka na ba?""Kumain na ako," sagot ni Alex.Nagpatuloy si Carol sa pagkain habang si Alex naman ay umupo."May dala akong dalawang kahon ng meryenda. Masarap 'to, tikman mo," sabi ni Carol habang inilalapag ang isang supot sa counter.Ibinaba ni Alex ang s
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status