Share

Chapter Four

Author: MissLeaf
last update Huling Na-update: 2025-01-11 21:20:42

"Opo Lola, gagawin ko po."

Kaswal lang ang naging sagot ni Alex.

Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya?

Hindi naniniwala si Alex.

Katulad na lang ng mga magulang ng bayaw ng kanyang kapatid.

Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang kapatid, sa puntong nagselos pa ang tunay nilang anak.

Pagkatapos ng kasal, nagbago ang pakikitungo nila. Sa tuwing nagkakaroon ng alitan ang kanyang kapatid at ang bayaw niya, laging sinisisi ng biyenan ang kapatid niya sa pagiging masamang asawa.

Ganito talaga—ang anak ng iba ay laging itinuturing na kamag-anak, at ang manugang ay laging taga-labas.

"May trabaho ka, kaya hindi na kita iistorbohin. Papupuntahin ko si Morgan para sunduin ka mamaya para sabay kayong maghapunan sa bahay."

"Lola, hindi ko po puwedeng iwanan ang bookstore hanggang gabi. Hindi po kakayanin ng oras kung uuwi pa po ako para maghapunan pa roon. Puwede ho bang sa weekend na lang?"

Ang paaralan ay bakasyon tuwing weekend, at ang mga tindahan ng libro tulad ng kanila ay nakadepende sa paaralan para sa kabuhayan. Kapag walang pasok, matumal ang negosyo, at minsan ay hindi na sila nagbubukas. Kaya tuwing weekend, may oras siya.

"Sige, ayos lang."

Sabi ni Lola Paula nang may konsiderasyon, "Pag-usapan na lang natin sa weekend. Sige, magpatuloy ka na sa ginagawa mo."

Siya na mismo ang nagpaalam at tinapos ang tawag.

Hindi agad pumunta si Alex sa tindahan. Sa halip, nagpadala muna siya ng mensahe sa matalik niyang kaibigan na si Carol, na nagsasabing babalik siya sa tindahan bago magtanghalian, sa oras na palabas ang mga estudyante mula sa paaralan.

Matapos niyang tapusin ang pagtitipa ng mensahe, kailangan niyang bumalik sa bahay ng kanyang kapatid upang magpaalam at magsimula nang lumipat.

---

Pagkalipas ng kalahating oras.

Bumalik si Alex sa bahay ng kanyang kapatid.

Nasa trabaho na ang kanyang bayaw. Ang kanyang kapatid naman ay naglalaba sa balkonahe. Nang makita siyang dumating, tinanong siya nito nang may pag-aalala, "Alex, bakit ka nandito? Hindi ka ba magbubukas ng tindahan ngayon?"

"Mamaya na, tanghali pa naman marami ang tao. Si Jack, hindi pa gising?"

Si Jack ay pamangkin ni Alex. Dalawang taong gulang pa lang ito at nasa edad na napaka-likot.

"Hindi pa. Kung gising na siya, hindi magiging tahimik ang bahay."

Sumama si Alex sa kanyang kapatid upang tumulong magpatuyo ng mga damit at tinanong tungkol sa nangyari kagabi.

"Alex, hindi ka naman pinalalayas ng bayaw mo. Masyado lang siyang nai-stress dahil sobrang bigat ng pressure at wala akong kita," paliwanag ni Bea para sa kanyang asawa.

Hindi sumagot si Alex. Sa kanyang pananaw, ang ginawa ng kanyang bayaw ay ibang paraan ng pagpapalayas sa kanya.

Ang bayaw ni Alex ay isang manager sa isang kilala at malaking kumpanya. Ang kanyang kapatid at siya ay naging mag kaklase noong kolehiyo. Dati silang nagtatrabaho sa parehong kumpanya. Pagkatapos, nagpakasal sila. Matapos ang kasal, sinabi ng kanyang bayaw sa kanyang kapatid nang may pagmamahal, "Aalagaan kita sa hinaharap. Puwede ka nang magpahinga sa bahay at maghanda para sa pagkakaroon natin ng anak."

Ang kapatid niya ay naramdaman na nakahanap siya ng tamang tao, kaya talagang nagbitiw siya sa trabaho at umuwi upang maging isang may bahay. Isang taon pagkatapos ng kasal, nagkaroon sila ng isang malusog na sanggol na lalaki. Ang pag-aalaga sa bata at sa pamilya ay sobrang nakakaubos ng oras kaya wala na siyang panahon upang mag-ayos, alagaan ang kanyang pangangatawan, o bumalik sa trabaho.

Lumipas ang tatlong taon sa isang iglap, at ang kanyang kapatid ay nagbago mula sa pagiging isang kabataang maganda at maayos magdamit patungo sa pagiging isang maybahay na mataba, simple ang pananamit, at hindi mahilig mag-ayos.

Mas bata si Alex ng limang taon sa kanyang kapatid. Noong siya ay sampung taong gulang pa lamang, nagkaroon ng aksidente ang kanilang mga magulang at pareho silang namatay. Simula noon, nakaasa na siya sa kanyang kapatid na si Bea.

Ang kabayaran mula sa aksidente ng kanilang mga magulang ay sapat upang mapagtapos ang dalawang magkapatid, ngunit kinuha ng kanilang mga lolo’t lola ang bahagi nito. Ang natirang pera ay ginastos nang maingat upang makapagtapos sila ng kolehiyo.

Dahil ang bahay nila sa probinsiya ay inokupa ng kanilang mga lolo’t lola, kailangang magrenta sina Alex at ang kanyang kapatid hanggang sa nagkapag pakasal ang kanyang kapatid. Nang ikasal ito, hindi na sila nangupahan at lumipat na ng bahay kasama ang kaniyang bayaw.

Mahal na mahal siya ng kanyang kapatid. Bago ang kasal, napagkasunduan na nito sa kanyang bayaw na mananatili si Alex sa kanilang bahay pagkatapos ng kasal. Agad namang pumayag ang bayaw niya, ngunit ngayon, nagsimula na itong mainis sa kanyang pananatili roon.

"Ate, patawarin mo ako, alam kong pabigat ako sa iyo," sabi ni Alex.

"Hindi, Alex, huwag mong isipin ‘yan. Maaga tayong iniwan ng mga magulang natin, at ako nalang ang meron ka."

Naantig si Alex. Noong bata pa siya, ang kapatid niya ang naging sandigan niya. Ngayon, gusto niyang maging sandigan naman ng kanyang kapatid.

Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, inilabas niya ang marriage certificate, iniabot ito sa kanyang kapatid, at sinabi, "Ate, kasal na ako. Kakakuha ko lang ng marriage certificate kanina. Bumalik ako para sabihin ito sa iyo. Mag-iimpake na ako at lilipat na mamaya."

"Kasal ka na?"

Tumaas ang boses ng kaniyang kapatid sa labis na pagkagulat, at para bang sumisigaw na ito.

Tinitigan niya ang kapatid nang may di-makapaniwalang ekspresyon, sabay mabilis na inagaw ang marriage certificate. Nang buksan niya ito, nakita niya ang wedding photo ng kanyang kapatid at ng isang lalaking hindi niya kilala.

"Alex, ano ito? Wala ka ngang boyfriend, paano ka nagpakasal?"

Ang lalaking nasa marriage certificate ay guwapo, ngunit ang kanyang mga mata ay matalim at ang ekspresyon nito ay malamig. Halatang hindi siya isang taong madaling pakisamahan.

Habang pauwi, inisip na ni Alex kung ano ang sasabihin niya kung sakaling magtaka ang kapatid, kaya agad niyang sinabi, "Ate, matagal na akong may boyfriend. Ang pangalan niya ay Morgan Villamor, pero sobrang abala siya sa trabaho kaya hindi pa siya nagkakaroon ng oras na makasama ko para makilala mo."

"Nag-propose siya sa akin, at pumayag ako. Kaya pumunta kami sa Munisipyo para kumuha ng marriage certificate. Ate, mabuting tao siya at maayos ang pakikitungo niya sa akin. Huwag kang mag-alala, magiging masaya ako pagkatapos ng kasal."

Hindi pa rin matanggap ni Bea ang sinabi ng kanyang kapatid.

Hindi pa niya kailanman narinig mula sa kanyang kapatid na may kasintahan ito, tapos bigla na lang ngayon, kasal na daw ito.

Naalala ni Bea ang alitan nila ng kanyang asawa kagabi, na narinig din ng kanyang kapatid. Biglang nakaramdam si Bea ng sama ng loob at nag-init ang kanyang mga mata hanggang mapaluha. Sinabi niya sa kanyang kapatid, "Alex, sinabi ko sa asawa ko na nagbibigay ka ng pera para sa gastusin dito. Kaya huwag kang mag-alala sa pagtira dito."

"Huwag kang magmadaling magpakasal o lumipat."

Sigurado si Bea na hindi pa matagal ang pagkakakilala ng kanyang kapatid sa nobyo nito. Kung matagal na, malamang ay matagal na ring sinabi ito sa kanya.

Ang dahilan kung bakit bigla itong nagpakasal ngayon ay dahil naiinis na ang kanyang asawa na matagal nang nakikitira ang kanyang kapatid. At para maiwasan ang gulo sa kanyang kasal, nagmadali ang kanyang kapatid na magpakasal.

Ngumiti si Alex at pinakalma ang kanyang kapatid, "Ate, wala talaga itong kinalaman sa inyo. Maayos ang relasyon namin ni Morgan. Magiging masaya talaga ako. Ate, dapat maging masaya ka rin para sa akin."

Ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak si Bea.

Niyakap ni Alex ang kanyang kapatid nang walang magawa. Matapos nitong umiyak at kumalma, nangako si Alex, "Ate, madalas akong babalik dito para makita ka. May bahay si Morgan na malapit lang dito. Trenta minuto lang ang biyahe gamit ang electric scooter ko."

"Ano ang sitwasyon sa pamilya niya?"

Tapos na ang kasunduan kaya wala nang magagawa si Bea kundi tanggapin ito. Kaya nagtanong siya tungkol sa pamilya ng kanyang bayaw.

Hindi gaanong alam ni Bea ang tungkol sa pamilya ng mga Villamor. Bagamat tatlong buwan na niyang kilala si Lola Paula, hindi siya nagtatanong tungkol sa pamilya nito. Kapag nagsasalita si Lola Paula, nakikinig lang siya. Ang alam niya lang ay si Morgan ang panganay sa pamilya at mayroon itong maraming nakababatang kapatid (kasama na ang mga pinsan).

Nagtatrabaho si Morgan sa isa sa pinakamalalaking kumpanya sa Makati. Mayroon siyang sasakyan at bahay. Sa tingin niya, hindi naman siguro masama ang kalagayan ng pamilya nito. Sinabi ni Alex ang mga nalalaman niya sa kanyang kapatid.

Nang marinig ni Bea na binili ng bayaw niya ang bahay nang buo, sinabi niya, "Iyon ay ari-arian niya bago kayo ikinasal. Alex, pwede mo ba siyang pakiusapan na idagdag ang pangalan mo sa property certificate?"

Ang pagdagdag ng pangalan ng kanyang kapatid sa titulo ay kahit papaano magiging panatag siya.

Kaugnay na kabanata

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Five

    "Ituloy na natin ang meeting." Walang pakialam na sinabi ni Morgan. Lumapit si Clark at mahinang nagtanong, "Kuya Morgan, narinig ko ang sinabi ni lola tungkol sa’yo. Totoo bang pinakasalan mo si Alex? Iyong babaeng malapit kay lola?" Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang mas nakababatang pinsan na si Clark, isa ring binata kagaya niya. Halos magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa. Tinitigan siya ni Morgan na para bang tinataga ng kutsilyo. Hinawakan ni Clark ang kanyang ilong, umupo nang tuwid, at hindi na muling nagtanong. Ngunit di niya maiwasang makaramdam ng simpatya at awa dahil alam niyang hindi bukal sa loob nito ang ginawang pagpapakasal ng pinsan. Bagaman ang mga anak ng pamilya Villamor ay hindi kailangang gumamit ng kasal para mapalakas ang kanilang estado, ang kasal ng kanyang nakatatandang pinsan ay tila hindi maganda. Dahil lamang gusto ni lola ang babaeng nagngangalang Alex, napilitan ang kanyang kuya na pakasalan ito. Tunay na kaawa-awa ang kanyang kuya.

    Huling Na-update : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Six

    Pagkasakay ni Morgan sa Rolls-Royce, mahina niyang iniutos, "Sinugurado niyo bang dala niyo iyong isa pang sasakyan? Iyong mumurahin."Ginagamit niya ito para linlangin ang asawa niya. Ano nga ba ang pangalan ng asawa niya?"Ano nga pala ang pangalan niya?"Tinatamad si Morgan na kunin ang marriage certificate. Sa katunayan, nang suriin ito ng kanyang lola, tila hindi pa ito naibalik sa kanya. Sa ngayon, wala siya ni kopya nito.Bodyguard "...... Ang apelyido Acosta, at ang pangalan niya ay Alex. Dalawampu’t limang taong gulang siya ngayong taon. Dapat ay hindi niyo po ito kinakalikutan."Magaling ang memorya ng kanilang amo, pero hindi niya alalahanin ang mga taong ayaw niyang alalahanin—lalo na kung mga babae. Kahit araw-araw niyang makita, malamang hindi pa rin niya matandaan ang kanilang mga pangalan o apelyido.Morgan "Hmm, tandaan mo na lang. Tapos ay ipaalala mo saakin."Inisip ng bodyguard na malamang sa susunod na pagkakataon, hindi pa rin maaalala ng kanilang amo ang pangala

    Huling Na-update : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Seven

    Pinahahalagahan ni Morgan ang kanyang pangangatawan at hindi niya hinahayaang mapasobra siya sa pagkain at inumin."Napakahirap magbawas ng timbang."Ngumiti si Alex, "Kung sabagay, maganda nga ang pangangatawan mo." Mahina niyang bulong."Kung gano’n, babalik na muna ako sa kwarto para matulog?"Tumango si Morgan."Magandang gabi."Nagpaalam si Alex sa kanya at tumalikod na upang umalis."Sandali, Alex."Tinawag siya ni Morgan.Huminto si Alex, lumingon, at nagtanong: "May kailangan pa ba?"Tinitigan siya ni Morgan at sinabing: "Huwag ka nang lalabas nang pajama lang ang suot sa susunod."Doon lang napagtanto ni Alex na hindi siya nagsuot ng panloob sa ilalim ng kanyang pajama. Matulis ang mata ni Morgan at nakita niya ang dapat at hindi dapat makita.Mag-asawa sila, at nakita na niya iyon, pero paano kung ibang tao ang makakita?Ayaw niyang makita ng ibang lalaki ang katawan ng kanyang asawa.Namula si Alex, tumakbo pabalik sa kanyang kwarto, at isinara nang malakas ang pinto.Hindi

    Huling Na-update : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Eight

    Walang sabing inilabas ni Morgan ang kaniyang wallet para iabot ang isang card sa kaniya.Itinulak niya pabalik kay Morgan ang bank card at ang papel na may nakasulat na password, at hindi man lang niya ito tinignan."Sir Morgan, ang tahanang ito ay hindi lang sa iyo. Ako rin ay nakatira dito. Ikaw ang bumili ng bahay, pero kung titira ako rito, makakatipid ako sa upa. Ang mga gastusin sa bahay na ito ay hindi na puwedeng ikaw lang ang sumagot. Ako na ang magbabayad sa mga kailangan bilhin sa bahay.""Maliban na lang kung bibili ka ng gamit o muwebles na nagkakahalaga ng higit sa limang libong piso, dapat nating pag-usapan iyon, at magbigay ka kung ano ang kaya mo."Hindi mababa ang kanyang kita, kaya niyang sagutin ang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya. Maliban na lang kung kailangan ng malaking halaga, hindi na niya kailangang umasa sa pera ni Morgan.Hindi naman sa hindi niya kayang tanggapin ang pera mula sa kanya, pero ang kanyang pag-uugali ang nagpapasama ng loob ni Alex, n

    Huling Na-update : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Nine

    Pumunta si Alex sa bahay ng kanyang kapatid.Pagbukas ng pinto at pagpasok sa bahay, napansin niyang abala na ang kanyang kapatid sa kusina."Ate.""Alex, nandito ka na pala."Lumabas si Bea mula sa kusina at masayang nakita ang kapatid. "Kumain ka na ba? Nagluluto ako ng noodles, gagawan din kita ng isang mangkok?""Hindi na, kumain na ako. Ate, naluto mo na ba ang noodles? Kung hindi pa, huwag mo nang lutuin. Nagbalot ako ng almusal para sa'yo at kay Jack.""Hindi pa. Si Jack kasi, nilagnat kagabi, kaya halos hindi ako nakatulog buong magdamag! Late na rin akong nagising kaninang umaga. Ang bayaw mo naman, lumabas na lang para kumain ng almusal. Pinagalitan pa ako, sinabing wala raw akong ginagawa sa bahay buong araw, nag-aalaga lang ng bata, at hindi man lang marunong gumising nang maaga para maghanda ng almusal para sa kanya."Bahagyang nasaktan si Bea habang sinasabi ito.Nagngingitngit si Alex nang marinig ito. "Bakit nilagnat si Jack? Kahit bumaba na ang lagnat niya, ate, kaila

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Ten

    "Sige, alis na tayo."Tahimik na nainis si Morgan kay Alex, ngunit hindi siya nagsalita o gumawa ng anumang hakbang.Si Alex ay asawa niya sa papel lamang, ngunit sa totoo lang, parang hindi sila magkakilala.Hindi na muling nagsalita ang driver at pinaandar na ulit ang kotse.Walang kamalay-malay si Alex na muntik na niyang mabangga ang marangyang kotse ng kanyang asawa. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagsakay sa kanyang e-bike hanggang makarating sa tindahan. Ang bahay ni Carol ay malapit lang, kaya palagi itong nauunang dumating kaysa kay Alex."Alex."Pagkatapos magtrabaho, nag-order si Carol ng almusal para sa sarili. Habang kumakain, nakita niya ang kaibigan niyang si Alex na kararating lang. Ngumiti siya at tinanong ito, "Kumain ka na ba?""Kumain na ako," sagot ni Alex.Nagpatuloy si Carol sa pagkain habang si Alex naman ay umupo."May dala akong dalawang kahon ng meryenda. Masarap 'to, tikman mo," sabi ni Carol habang inilalapag ang isang supot sa counter.Ibinaba ni Alex ang s

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Eleven

    Ang banquet ay ginanap sa isang malaki at prestihiyosong Hotel, isang lugar na hindi kailanman naisip ni Alex na mapuntahan sa normal na pagkakataon.Ang Okada Hotel, na kilala bilang isa sa pinakamaluhong hotel sa lungsod, ay madalas tawaging "seven-star hotel." Hindi alam ni Alex kung tunay bang may ganoong katayuan ito, at hindi rin siya gaanong interesado sa mga detalyeng iyon.---Naunang dumating ang tiyahin ni Carol na si Vilma sa hotel bago sina Alex at ang iba pa. Matapos makipagbatian sa mga babaeng kilala niya, inutusan niya ang kanyang anak na lalaki at babae na pumasok na sa hotel habang siya ay nanatiling naghihintay sa labas upang salubungin ang pamangkin niya.Nang makita ni Vilma ang kotse na inarkila niya para sa kanyang pamangkin na dumarating nang dahan-dahan sa likod ng ibang mga sasakyan, sumilay ang isang ngiti ng kasiyahan sa kanyang mukha.Makalipas ang ilang sandali, bumaba si Carol mula sa kotse kasama si Alex, at sabay silang lumakad papunta kay Vilma."Tit

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Twelve

    Napapagitnaan siya ng napakaraming tao at hindi napansin ang kanyang bagong asawa sa sulok. Hindi nakita ni Alex ang mukha ng kanyang asawa dahil natatakpan ito ng maraming tao. Tumayo siya sa dulo ng kanyang mga daliri upang tumingin nang matagal, ngunit hindi niya nakita ang tao, kaya nawalan siya ng interes. Umupo siya muli, hinila ang kaibigan, at sinabi, "Huwag na nating hanapin. Ang daming tao at hindi natin makita. Kumain na lang tayo." Para sa kanya, ang pagkain ang pinakamahalaga sa pagpunta niya ngayong gabi! "Alex, hintayin mo ako dito. Pupuntahan ko ang tiyahin ko para itanong kung sino ang dumating kanina. Napakalaki ng eksena, parang pagdating ng Presidente." Napaka-usisa ni Carol. Si Alex ay mahinang umungol bilang tugon. Naglakad mag-isa si Carol. Naubos ni Alex ang lahat ng pagkaing kinuha niya. Tumayo siya dala ang kanyang walang lamang plato. Habang ang lahat ay abala sa panonood ng mga bigating tao, madali niyang nakukuha ang pagkain nang hindi kinakailangan

    Huling Na-update : 2025-01-13

Pinakabagong kabanata

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Thirty Three

    Sinabi ni Lola na kung tatawagin niya si Morgan habang natutulog ito at magigising sa kanyang panaginip, siguradong magagalit ito.Tiningnan ni Alex ang oras. Lagpas hatinggabi na.Kadalasan ay umuuwi si Morgan ng ganitong oras, kaya malamang ay hindi pa ito natutulog.Tinawagan ni Alex si Morgan.Si Morgan ay natutulog pa rin. Sinadya niyang i-lock ang pinto, ngunit hindi niya alam kung bakit. Gayunpaman, naiinis siya nang makita si Alex na kasama si Clark.Ang tusong babaeng iyon, malinaw na naramdaman niyang wala siyang makukuhang malaking benepisyo kay Morgan, kaya abala siya sa paghahanap ng ibang “lalaki.”Niloko ni Alex si Lola.Tatlong buwan pa lang kilala ni Lola si Alex. Gaano niya kakilala si Alex?Ngunit dahil sa utang na loob, labis ang tiwala ni Lola kay Alsx at paulit-ulit niyang sinasabi na si Morgan ang magpakasal dito.Nang makita ni Morgan na walang tigil sa pag-ring ang telepono, hindi niya sinagot ang tawag ni Alex.Pagkalipas ng ilang sandali, kusa itong naputol.

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Thirty Two

    Ngumiti si Clark at sinabi, "Hindi ko alam. Ibigay mo na lang ang bisikleta sa akin. Tiniyak ko na maibabalik ko sa'yo ang bisikleta ng maayos bukas, Ate Alex."Bilang pinsan ng matagal nang kaibigan, nagtitiwala pa rin si Alex kay Clark at sinabi, "Sige, pasensya na at salamat."Masaya si Clark na matulungan si Alex. Agad siyang tumawag, ngunit hindi alam ni Alex kung sino ang tinawagan niya. Narinig na lang niyang ibinibigay niya ang address.Matapos nun, naghintay ang dalawa para dumating ang taong maghihila ng bisikleta......."Sir."May magandang paningin ang driver at nakita niyang parang ang babae sa kabila ng traffic light ay kamukha ng kaniyang asawa ng kaniyang amo. Habang naghihintay sa red light, nilingon niya ang amo na nakapikit at nagpapahinga, "Sir, mukhang ang babae na 'yan ay ang asawa mo."Nang marinig ito, binuksan ni Morgan ang kanyang mga mata at tumingin sa unahan. Nakita niya ang isang lalaki at isang babae sa gilid ng daan. Hindi niya nakilala kung sino ang l

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Thirty One

    "Si Morgan ay hindi isang tao na kaya niyang kontrolin. Dapat mo siyang kumbinsihin na sumuko. Wala pang naging babae sa paligid ni Morgan maliban sa mga kamag-anak niya. Siya ay isang walang puso at malamig na tao. Hindi makikinig si Sam kahit ano pa ang sabihin niya."Walang magawa si Warren sa kanyang kapatid."Abala ako ngayon at wala akong oras para alagaan siya. Mahal, ikaw na ang bahala kay Sam.""Abala ka, kaya ako na ang kukuha kay Sam. Isasama ko siya para mamili kasama si mama. Hindi maganda ang pakiramdam ni mama nitong mga nakaraang araw."Maganda ang relasyon ng kaniyang asawa sa kanyang biyenan. Napansin niyang hindi maganda ang pakiramdam ng biyenan niya nitong mga nakaraang araw, kaya hinikayat niya itong mamasyal at mag-shopping. Baka sakaling mapasaya siya nito.Biglang natahimik si Warren.Alam niya ang dahilan ng mababang pakiramdam ng kanyang ina—dahil wala pa ring balita tungkol sa tiyahin niya hanggang ngayon. Ang pinakamadalas banggitin ng kanyang ina sa buong

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Thirty

    Si Samantha Klein ay ang "jewel in the crown" ng chairman ng Klein at nakababatang kapatid ng presidenteng si Warren Klein. Mahal na mahal siya at iniingatan ng pamilya Klein."Morgan, sandali lang."Parang naalala ni Samantha ang isang bagay. Tumalikod siya at tumakbo pabalik sa kanyang sports car, kinuha ang isang malaking bouquet ng maliwanag na mga rosas mula roon.Bumalik siya na dala ang malaking bouquet ng rosas, iniabot ito kay Morgan sa loob ng sasakyan, at sinabi, "Morgan, bibigyan kita ng mga bulaklak. Kahit na hindi maganda ang relasyon niyo ng kuya ko, mahal pa rin kita. Iniisip ko na dapat akong magtapat sa'yo at ipaalam sa'yo na totoo ang nararamdaman ko para sa'yo."Ang Klein at Villamor ay hindi maituturing na mortal na magkaaway, ngunit dahil pareho sila sa ilang industriya, may kasabihan na ang magkakapareho sa negosyo ay madalas na magtunggali sa isa't isa. May mga hidwaan ang dalawang kumpanya sa mundo ng negosyo at hindi maganda ang kanilang relasyon.Nagkataon n

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Twenty Nine

    Naalala ni Morgan ang video na ipinadala sa kanya ng kanyang lola. Si Alex ay abala sa paggawa ng mga handicraft, at iyon ay napakakaakit-akit.Hindi man aminin, pero paulit-ulit niya itong pinanood. Kailangan niyang aminin sa kanyang puso na ang isang babaeng nakatuon sa isang bagay at puno ng kumpiyansa ay naglalabas ng isang kaakit-akit na karisma, parang isang malaking magnet na nakahihila ng atensyon ng iba.Sinasabi ng mga tao na ang mga babaeng may kumpiyansa ang pinakamaganda.Kay Alex, ang kumpiyansa ay laging makikita sa lahat ng oras.Siya ay isang napakalakas at independenteng babae."Hindi pa ako nakakaramdam ng selos kailanman, at wala rin akong balak makaramdam nito... Bakit hindi ka pa natutulog?"Biglang nakita ni Morgan si Alex na naglalakad papasok mula sa balkonahe, at sandali siyang natigilan.Sinabi ni Edwin, "Matutulog na sana ako. Tinawagan lang kita bago matulog dahil naisip ko siya. Matutulog na ako maya-maya."Binaba ni Morgan ang tawag.Nagulat at natulala

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Twenty Eight

    "Carol, pakisuyo, maupo ka muna sandali."Pinapakita pa rin ni Kevin ang kanyang pagmamataas at ayaw niyang paalisin si Carol."Kevin, pasensya na, pero sa tingin ko hindi tayo bagay, at ayoko nang magkita pa tayo ulit."Diretsahang sinabi ito ni Carol habang hinila si Alex papalayo.Habang naglalakad sila, biglang tumigil si Alex at hindi na gumalaw."Alex, anong nangyari?""Ang asawa ko.""Ha?"Bago pa makareact si Carol, nasa harapan na nila si Morgan. Tumama ang malalim na itim na mga mata nito kay Alex, at bahagyang ngumiti ang mga sulok ng kanyang labi. Kahit walang sinasabi, ramdam ni Alex ang pahiwatig na galit mula sa kanya.Ano ba ang tinutukoy niyang may galit?Lumingon si Alex kay Kevin na humabol pa sa kanila. Agad niyang naintindihan ang sitwasyon at nagpaliwanag "Ang kaibigan kong si Carol ang nag-blind date. Sinamahan ko lang siya."Hindi siya nagmamadaling maghanap ng ibang kapareha.Tahimik pa rin si Morgan.Sa wakas, nakita na ni Carol ang tunay na itsura ng asawa n

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Twenty Seven

    Carol ay lalong tumawa nang malakas. Nagustuhan niya ang matandang ginang na may nakakatawang pananalita. Hindi pa niya nakikilala nang personal si Morgan, ngunit nalaman niya mula sa kanyang kaibigan na siya ay seryoso at malamig na tao. Hindi niya maintindihan kung paano pinalaki ni Lola ang ganoong apo, na malayong malayo sa kaniya. Di nagtagal, dumating si Edwin. Siya ang napunta para sunduin ang kanilang Lola na bumisita nang palihim. Sinabi rin ng Lola na gumamit siya ng mas simpleng sasakyan. Ang pinakamurang sasakyan sa garahe ay isang BMW na ginagamit ng mga kasambahay para bumili ng mga gulay, ngunit higit isang milyon din ito ang halaga. Huli na para bumili ng mas mura, kaya hiniram ni Edwin ang pickup truck ng hardinero ng pamilya para sunduin ang kanyang lola. "Ate, nandito ako para Sunduin si lola pauwi," bati ni Clark pagpasok sa tindahan. "Sige, mag-ingat kayo sa daan. Lola, mag-text po kayo kapag nakarating na kayo," paalala ni Alex sa dalawa. Binigyan niya sila

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Twenty Six

    Ang matandang babae ay nakatanggap ng maraming handicrafts na hinabi mula sa yarn mula kay Alex. Ang mga ito ay hinabi na parang totoong bagay. Sinadya niyang ilagay ang mga ito sa pinaka-kitang-kitang lugar sa bahay. Kahit na hindi mahalaga ang mga ito, iyon ay tanda ng pagmamahal ng kanyang manugang.Kapag may bisitang dumarating, humahanga sila sa pagiging malikhain at husay ni Alex. Sinamantala ito ng matanda upang ipromote ang mga produkto ni Alex. Marami sa kanila ang pumupunta sa tindahan ni Alex para bumili ng handicrafts, na hindi namamalayang tumataas ang benta sa online store ni Alex."Lola Paula, uminom po kayo ng tubig."Nag-abot ng isang baso ng tubig si Carol sa matandang babae."Salamat, iha. Narito ka rin pala ngayon.""Ay, kasi po pinipilit ako ng nanay ko na magpakasal, kaya nagtago ako dito sa tindahan para tahimik. Lagi niya akong ipinapa-blind date, pakiramdam ko tuloy parang hindi mabentang produkto. Tingnan niyo, ngayong gabi gusto niya akong pumunta sa isang c

  • Capturing the Billionaire's Heart   Chapter Twenty Five

    Mag-asawa lang sila sa pangalan. Kahit lasing siya, ayaw niyang alagaan siya ng asawa niya. Sino ang nakakaalam kung aabusuhin siya nito habang siya’y lasing?Si Morgan ay 30 anyos na, pero kahit halik at hindi pa niya nararanasan.Lalo na ang inosenteng katawan.Hindi siya umaasa sa pag-ibig.Laging pinapagalitan ni Lola si Morgan bilang isang walang pusong tao na hindi nakakaintindi ng damdamin. Ngunit dahil hindi siya umaasa sa pag-ibig, pinakasalan niya si Alex matapos ang paulit-ulit na pangungumbinsi ni Lola upang matuwa ito at tumigil sa pangungulit.Pagkatapos maghanap kung saan-saan, hindi nahanap ni Morgan ang susi ng bahay. Sinabi niya sa bodyguard "... Lance, gisingin mo ang asawa ko."Nakalimutan niyang dalhin ang susi ng bahay nang umalis siya.Kumatok agad ang bodyguard sa pinto.Natutulog si Alex, ngunit siya’y madaling magising. Nang marinig niya ang katok sa pinto, nagising siya at nakinig nang maigi. May kumakatok talaga. Agad siyang bumangon para buksan ang pinto.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status